Share

Chapter 11: Farewell

Penulis: The Samaritan
last update Terakhir Diperbarui: 2021-08-08 13:40:10

Ang Corinth, isang bansa na malapit sa kaharian ng Verona. At kasalukuyaan nandito si Lucas para sa kanyang misyon bilang prinsipe ng Asville. Sa kanya nakatoka ang pag-aasikaso ng lupa ng mga mamayanan ng Corinth na nakatira sa Asville. Kabilang na do’n ang lupa nila ni Elle.

"Hey! Bro? Uuwi ka raw sa annual event ni 'yo?" saad ni Baron, kaibigan ni Lucas.

"Yeah, it's a tradition. I need to go home and I miss my sister, Liah and my parents too," saad niya.

"Who else?" ngumisi ito, teasing his friend.

"Hmm? Who else? No one―bro, why?" kunot noong tugon ni Luke.

“I doubt it. Sa dinarami-rami ng mga babaeng na-inlove sa 'yo dito sa Corinth, ni isa sa kanila hindi mo pinapansin. Ni tingin nga hindi mo matignan. Akala ko tuloy bakla ka," saad ni Baron, sabay tawa.

"You jerk! Wala akong oras para sa mga ganyan. I need to finish my mission here. So, I could go home and―"

Napatigil si Lucas sa pagsasalita niya. Alam niya na may gusto si Elle sa kanya, pero hindi pa pwede. Bata pa si Elle, no’n at kailangan niyang gampanan ang pagiging prinsipe sa palasyo. Gusto niya mang aminin ang nararamdaman pero naunahan siya ng takot at pangamba.

Kahit hindi sabihin ng binata ang nararamdaman, mababakas sa kanyang mga tingin na gusto niya rin ang dalaga. Pero sa sobrang torpe niya, kinakausap lang niya ang dalaga kapag may tanong ito. Si Elle, naman hindi nauubusan ng tanong. Makausap lang ang binata.

Minsan nahuhuli ni Lucas, ang sariling ngumingiti kakaisip niya sa dalaga. Mas lalo pa siyang nahulog dahil sa mga sulat ng dalaga sa kanya. At kahit kailan hindi siya tinatawag na kuya ng dalaga. Pero ngayon kailangan niya nang ipaglaban ang dalaga mula sa sarili niyang prinsipyo, at katorpehan kung ayaw niyang mawala ito.

"Bro!" tawag pansin ng kaibigan niya.

“A-ah?”

"Bakit tulala ka, pre?"

"Wala may naisip lang,”

"Babae, pre?" saad nito sabay tawa nang malakas.

"Ikaw! Kalalaki mong tao ang chismoso mo," reklamo ni Lucas.

"Sabi na nga ba, e. Ang puso mo ay naiwan sa Ashville. Sabihin mo nga, pre maganda ba siya?" pangungulit niya pa.

"Sobra," walang pagdadalawang-isip na sagot ng binata.

“Yon, oh! Tinamaan ka ng lintik, pre!” bulalas ni Baron.

"Matalino, makulit, mabait, at kung ngumiti ay parang anghel. Maganda rin boses niya. Mataas at balingkinitan at siguro, mahaba na ngayon ang kulot niyang buhok," saad ni Lucas na parang nanaginip.

"Huli ka bro, babae nga!"

“Stop it, bro!”

"Bat 'di mo niligawan?" patuloy na tanong niya.

"Bata pa siya no’n at―"

"At dalaga na ngayon!?" dugtong niya sa sasabihin sana ni Lucas.

"Iba talaga kapag na in love, pre, ‘no?" dagdag niya pa habang tumatawa siya nang malakas.

"Baka? Bro, may iba na 'yon? Sa ganda palang siguradong maraming prinsipe ang gusto siyang gawin prinsesa," pang-iinis niya.

Bigla naman nag-iba ang timpla ng mukha ng binata sa sinabi ng kaibigan niya. Tama ito, maganda si Elle, matalino at kahit nang nasa Asville pa ang binata ay marami ng nangliligaw sa dalaga. Maliban sa kapatid niya, masasabi talagang pang-maharlika ang ganda ng babaeng tinatangi niya.

“Aayusin ko na ang misyon ko dito. Kailangan ko nang makauwi sa annual nang maaga,” saad nito sa seryosong tono.

“Natatakot ka bang maunahan, pre?” pang-aasar pa ni Baron.

Tinignan niya nang masama si Baron. Sa pagkakataong iyon ay tama na naman ang kaibigan niya. Nakadama siya ng takot at pangamba na baka hindi na siya gusto ni Elle.

“Tama ka, pre. Hindi imposibleng mahulog ang loob niya sa iba. Wala ako do’n para bakuran siya.”

Tinapik naman siya ng kanyang kaibigan, “Wag mo nang sayangin ang pagkakataon makuha mo ang babaeng mahal mo, kaibigan,” saad ni Baron sa seryosong tinig.

***

Samantala, naghahanda na si Liah, sa pagpunta niya sa kaharian ng Tyre. Halong pangamba at excitment ang kanyang nararamdaman.

Pansamantala siyang mamumuhay nang mag-isa at walang bantay, sa loob ng isang taon. Hindi niya alam kung saan at paano siya magsisimulang maghanap ng trabaho.

Habang nagtutupi ng mga kaunting damit na dadalhin ay napa-isip siya kung paano niya gagampanan ang kanyang misyon. Pinasok niya sa loob ng maleta ang isang pares ng sapatos at ang librong nakuha niya sa aklatan nila. Nang biglang pumasok ang mama niya.

"You're ready, honey?"

"Yes, Ma," malungkot na tugon niya.

"I'm so proud of you, anak."

Nakangiting tugon ng reyna. Bakas ang saya sa mga mata niya, pero hindi makakailang may bahid ng lungkot ang paghaplos niya sa buhok ng anak. Ito ang unang beses na mapapalayo ang anak sa kanyang piling.  

“Malaki ang tiwala ko sa kakayahan mo, anak,” ani ng reyna.

“Mami-miss ko kayo, Ma, kayo ni papa at kuya.”

Ngumiti ang reyna at hindi pinahalata ang lungkot. Masaya siyang magiging malaya ang kanyang anak at mamumuhay sa sariling sikap. At alam niya sa kanyang sarili na dadalhin ng tadhana ang anak niya sa tamang lugar at tao.

"You're brave and smart," saad ng reyna. Halata na ang mga luha na nagbabantang kumawala sa kanyang mga mata.

"Hay, baby ko."

Tuluyan nang lumuha ang reyna at napayakap sa kanyang anak.

"Ma, hindi na po ako bata," reklamo ng anak.

"I know, pero ikaw pa rin ang baby namin."

"Mama, naman, e? Ang drama po, baka maiyak na 'ko 'yan at ‘di na 'ko tutuloy.”

Tumingin ang reyna sa anak, "May luha ka bang nakikita anak, wala ‘di ba? Hindi iiyak si mama kaya lumakad ka na," saad ng reyna sabay punas ng luha.

Napatawa ang dalaga sa ginawa ng kanyang ina. Nalulungkot siya na pansamantala niyang lilisanin ang kaharian. Pero wala siyang magagawa kundi ang gawin ang dapat gampanan.

"Mama, talaga."

“Take care of yourself, ha? Always follow the rules and keep on track. Tawag ka palagi sa amin at dadalaw kami minsan do'n, okay?”

“Akala ko ba, ako lang dapat mag-isa do’n?”

“Dalaw lang naman, wala kaming nilalabag na rules, okay?”

“Ooh? Okay po.”

“And let me remind you that next month is our annual event. You need to stop what you're doing and just go home, okay? Pasusundo kita."

"Or maybe, Ma, I can ride in a broomstick," biro pa ng dalaga.

“I’m sure you’ll enjoy the view of the moon,” saad ng reyna, sabay tawa nang malakas.

Nagyakapan silang mag-ina habang tumatawa, "Sige na naghihintay na ang kotse, ihahatid na kita sa airport."

Ilang sandali pa ay nasa labas na ang mag-ina, nang makita ni Liah ang kanyang kaibigan.

"Elle?" sambit ni prinsesa.

“Elle, okay ka lang ba, hija?” tanong naman ng reyna.

Nakatayo sa gilid ng kotse ang dalaga at hindi sumagot sa tanong ng mag-ina.

“Umiiyak ka ba?” tanong ng prinsesa, sabay lapit sa kaibigan.

"Liah, uuwi ka ha?" saad ni Elle, habang umiiyak.

Natawa si Liah, dahil sa nakikita niya. Hindi niya lubos maisip na ganito ang epekto ng pag-alis niya.

“Oo naman! Ang OA mo, baliw!”

“Bruha, ka! Bakit ba kasi ang layo ng pupuntahan mo?” nagtatampo nitong tanong.

"Ano ka ba? Wala tayong magagawa, at isa pa pwede ka naman dumalaw do’n, e.”

"Talaga?"

"Oo na man ‘di ba, Ma?"

"Yes, Elle. We put you on the authorized list and Lucas, too," dugtong naman ng reyna. Napangiti ito nang nabanggit ang pangalan ng prinsipe.

"Salamat po," saad nito. 

“Hay, sarap mo talagang batukan, Elle,” ani naman ni Liah. Nagyakapan silang magkaibigan at nagbatukan.

“Oh, siya tama na ‘yan? Halina kayo at baka maiwan ka ng eroplano, Liah,” natatawang saad ng reyna.

***

Ilan sandali pa ay nakarating na sila sa airport. Hindi mapigil ni Liah ang kaibigan sa pag-iyak.

“Elle, uuwi ako sa annual event. Wag ka nang malungkot, okay?”

“Ipangako mo, Liah.”

“Pangako ko sa ‘yo, ‘yan, baliw!”

“Hija, kahit ako nalulungkot, pero uuwi rin ang kaibigan mo,” ani ng reyna.

“So, pa’no aalis na ‘ko, Elle, Ma?” naluluhang paalam ng prinsesa.

“Mag-ngat ka, anak.”

“Tumawag ka, bruha,”

“Tama na ang iyak, Elle ang pangit mo.”

“Umalis ka na, bruha.”

Tuluyan ng pumasok si Liah sa loob, habang tinatanaw siya ng kanyang kaibigan at ina.

-Witch in the Palace.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 67: End

    data-p-id=9947c3f0af76c470ed98febbfcf078b8,style=text-align:left;,Kasalukuyan naglalakad sina Zek at Liah sa malaki at malawak na gubat ng Verona. Napagpasyahan nilang manatili muna sa Venora hanggang sa ipanganak ang anak nila. data-p-id=cce39fd6cdeaf50ecd31cb9bb3260011,” “Mahal, may pangalan ka na bang naiisip?” tanong ni Liah sa kaniyang kabiyak, habang namamasyal sila sa gubat, sariwa ang hangin kaya hindi nila napansin na napapalayo na sila sa kanilang teritoryo. ~~ data-p-id=1dec03f429b502669881f6472c170218,~~*~***~ -Flash back- data-p-id=3cc935aa2090d65dc573dcc81fc4454b, “Mahal na Reyna, wala na ba tayong magagawa para mabuhay si Zek?” tanong ni Tara, sa mahal na reyna na malalim ang iniisip. data-p-id=1e9bfeeeeeb0554818f75cd4fd490b6c,” “Tama, Tara!” bulalas ng reyna. “Mabubuhay ang namatay ―kapag namatay ito dahil sa salamangka o pinatay siya gamit ang salamangka. Pero dapat namatay siya sa pagsasakrapisyo para sa minamahal. Pero kapag ang tao pinatay ng D

  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 66: The Royal Death

    Chapter 66 Nanghina nang husto si Zek nang makita ang pagdanak ng dugo, na halos hindi na makita ang lupa sa sobrang pag-apaw ng pulang likido. Kaunti na rin ang nakikita niyang nakatayong sundalo niya. Nawawalan na siya ng pag-asa na mailigtas ang kaniyang kaharian. Habang si Liah ay nakikita niyang lumalapit sa kaniya. Bigla naman kumulo ang kaniyang dugo sa galit, nakita niyang tila nag-iba ang anyo ng mukha nito. Naging maamo at nakikita na niya ang dating ganda ng mga mata nito, at ang inosenteng katauhan nito. Pero hindi niya maipagkakaila ang galit at poot na nararamdaman niya para dito. Nais niya itong patayin at pugutan ng ulo. Pero tila isang hangin na nawala lahat ng galit niya nang marinig nito ang boses ng babaeng mahal niya. Ito ang tunog ng boses niya nang una niyang marinig. “E-ezekiel, M-mahal ko,” saad ng dalaga. Naantig naman ang puso ng binata. “U-umalis ka na, Mahal ko. Pakiusap, umalis ka na,” nagsusumamong wika ng dalaga. Hindi malaman ni Zek kung maniniwala s

  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 65: Ang Digmaan

    Chapter 65Habang patuloy silang naglalakbay, natanaw ng isang sundalo ni Zek na malapit na sila sa kabundukan ng Zeon, nang biglang may nakita silang mga anino sa ‘di kalayuan. Nagsenyas naman siya na tumigil sa paglalakad at sumigaw ito na humanda dahil may paparating. Agad naman na tinignan ng kasama niyang pantas kung ano o sino ang sumasalubong sa kanila. Gano’n na lang ang kaniyang gulat nang napagtanto niya na aswang ang mga ito. Agad na sumigaw ang pantas na ihanda ang mga pana.Kumuha naman ng teleskopyo si Zek para tignan ang nasa unahan. Gano’n na lamang ang kaniyang gulat nang makita ang mga nilalang kasama ang iba’t-ibang mangkukulam at mas lalong siyang nagulat nang makita ang isang pamilyar na babae, ito ang nangunguna sa lahat. Ito ang nag-uutos sa mga kasama na sumugod sa kanilang gawi. Nanlulumo naman niyang binitawan ang gamit niya, hindi niya alam ang gagawin kung kakalabanin niya ba ang babaeng mahal na mahal niya o haharapin ng buong tapang. Pero mas umaapaw ang

  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 64: The Bluff

    Chapter 64Hinanap ni Zek ang dalaga sa buong paligid pero ni anino ni Liah ay hindi niya nakita. Napa-isip siya tuloy kung panaginip lang ba ang nangyari kahapon? Sa sobrang lungkot, dismaya, pagod, pag-aalala at sobrang pangungulila niya sa dalaga ay naisip niyang ilusyon lang ba ang lahat? Napahilamos siya ng kaniyang mukha sa sobrang pagkabalisa. Gano’n pa man ay patuloy pa rin ang paghahanap niya sa buong palasyo. Kung sino-sino na ang kaniyang tinanong pero ni isa ay walang nakakita sa dalaga. Halos mabaliw na siya sa paghahanap.“Siguro ay ilusyon lang lahat ang nangyari,” aniya sa kaniyang sarili. Hindi na niya pinilit pa na makita ang dalaga, kailangan na nilang lumikas bago sumalakay muli ang mga masasamang nilalang. Bilang susunod na hari ay kailangan niyang patatagin ang sarili at malampasan ang lahat ng pagsubok. Tungkulin niyang pangalagaan ang mga tao.~**~

  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 63: Kingdom of Ananiah

    Chapter 63 “Huminahon ka, Atlas. May mga bisita tayo,” awat ng babae sa kaniyang asawa. Natauhan naman ang Alpha at agad na kumalma. Huminga ito nang malamin at kinuyom na lamang mga kamao. Napalunok naman ng laway si Tara, dahil pakiramdam niya ay siya ang may dahilan bakit nalaman ng pinuno ang nangyari sa anak nito. “Pumasok na muna sa iyong silid, Cyenthia,” ani ng ina nito. “Opo, Ina.” Agad siyang humakbang nang nakayuko at tumalikod, bakas ang sakit at hiya sa kaniyang buong mukha. “Humihingi po ako ng kapatawaran sa aking kalapastangan, Mahal na Pinuno,” ani naman ni Tara na hindi mapigilan ang kaba, nakayuko itong humihingi ng tawad sa mag-asawa. “Hindi mo kasalanan ang nangyari, Pantas. Sapagkat ay ikaw ang naging daan para malaman namin ang kaniyang kondisyon, hindi man lang namin na amoy na nagdadalang-tao pala siya

  • THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog)    Chapter 62: Impostor

    Verona Nasa bukana na sila ng teritoryo ng mga De Arcon, ngunit hindipa rinmapigilan ni Airah ang kabahan. Hinihintay nilang bumalik si Tara, ilan sandali pa ay humihingal na bumalik ang pantas,na pinagtaka ng dalawa, pawis na pawis ito at balisang-balisa. “Tara? Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka pawis at nababalisa?” “Hindi ko nakita si Liah, Kamahalan. Pero sa tingin ko may hindi tama sa mga nangyayari.” “Anong ibig mong sabihin, Tamara?” alalang tanong ni Airah. “Sa ngayon hindi ko pa masasagot pero may hinala akong may gumagamit sa katawan ng prinsesa.” “Ano?!” bulalas ng dalawa. “Kailangan na natin humungi ng tulong sa mga De Arcon, dahil hindi ako maaring magkamali, may digmaan na darating.”

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status