Share

Chapter 12: Stranger

Malungkot, pero magaan ang loob kong lisanin muna ang kinalakihan kong lugar. Sa bawat hakbang ay dala ko ang lakas ng loob para harapin ang misyon na ito, nang mag-isa. Muli akong tumingin sa likod kumaway si mama at Elle, nang makita nilang lumingon ako. Kinaway ko ang kanang kamay ko na parang natutuwa sabay ngisi.

So, this is it! Finally, I’m living alone. Hope, life would be wonderful there and I’ll take the risk, if trials come my way. Tumalikod na ‘ko at tuluyan nang pumasok sa loob. "Here I come! Kingdom of Tyre!" I exclaimed, sa mahina kong boses. Baka pagkamalan akong baliw.

Isang magandang ngiti ang sumalubong sa akin, nang nakapasok na ako sa loob ng eroplano. “Good morning, ma’am.” Bati ng isang flight attendant. Ngumiti ako pabalik at pumasok na ako nang tuluyan.

Nasa second row ‘yong upuan ko. Isang first class seat ang kinuha ni mama para sa ‘kin. Hinanap ko ang aking upuan, gamit ang numero na nasa papel. Nang makita ko ang aking upuan ay agad kong inayos ang gamit ko at naupo. Napansin kong may katabi akong lalaking tulog. Nasa bintana ito at nasa gitna naman ako.

Rinig na rinig ko ang mahina nitong hilik. Kaya hindi ko mapigilan na tumingin sa gawi niya. Napaawang ang labi ko nang makita ko ang kabuuan ng mukha nito. Nakaharap na ito sa akin at hindi ko mapigilan mapalunok ng laway.

Nagmukha itong Arabo, dahil sa balbas nito at ang native polo shirt na nakabukas ang tatlong unang botones, sa tingin ko. Pati ang suot nitong black native bracelet, ragged shoes and pants. Ang astig at ang cool ng dating niya. Sa tingin ko English ang lahi nito. Hindi ko rin mapigilan tumingin sa mga labi nito. Muli akong napalunok ng laway at napakagat ako ng labi. Teka, ang landi ng iniisip ko. Aaish!

Mapupula ito at manipis, bagay sa aura ng mukha nito. I wonder what's the feeling, like being kissed by this ragged hot man. "Auh ano ba 'tong iniisip ko? Wag kang malandi, Liah― mag-ayos ka!" Mahinang sermon ko sa sarili ko.

I looked at him at tulog na tulog pa rin ito. Parang pagod na pagod ang isang 'to auh? Rinig ko pa rin ang mahinang hilik niya. Kaninong anak kaya 'to? "Tch! enough is enough, Liah!" parang narinig ko si mama, na nagsesermon sa 'kin. Nag-ayos ako ng upo at huminga nang malalim.

Kinuha ko 'yong eye mask ko, at pumikit nang makapagpahinga rin kahit sandali. Ilan sandali pa ay nakaamoy ako ng halimuyak ng pabango. Maganda ito sa ilong parang dinuduyan ako hanggang sa hindi ko na malayan, nag-aagaw na ang antok ko at ang gising kong diwa. Matigas yata ang headboard ng upuan ko? Pero hindi ko na pinansin ‘yon kasi ang bango naman.

Pagkalipas ng ilang minuto naalimpungatan ako nang may nagsalita. "Kumakalam na yata ang tiyan ko.” Maramdaman kong gumalaw ang ulo ko. Pero sa sobrang antok ko hindi ko na pinansin. “Wait? Bakit ang bigat ng braso ko?” rinig kong sabi niya. Antok na antok ako pero ‘yong diwa ko gising na gising. Ang lakas ng pandama ko ngayon.

"A-aray! What's this damn thing on my shoulder?" d***g niya. May nakasandal sa kanyang balikat. Naramdaman ko rin na parang niyuyugyog ang ulo ko. Hanggang sa ma-realize ko kung saan ako nakasandal.

What? Wait?―Damn! Bakit nakasandal ako sa braso niya? What’s with you, Liah? Ang kalat-kalat mo! Sermon ng isip ko. I thought it was the headboard.

“Isang babae?” sambit niya, sa mahinang boses.

"What in the world you're doing, lady?" mahinang tanong niya. Sumasakit na ang balikat niya dahil sa bigat ng ulo ko. Pero nagpapanggap pa rin akong tulog, nakakahiya talaga. He poked my head away from his shoulder. But suddenly he stop poking. Naramdaman kong lumapit ang mukha niya sa mukha ko. I can feel his sweet breath. I can sense that he’s about to take off my eye mask. But I suddenly spoke out of nowhere.

“Kiss me, babe.” Damn it! Why did I say those words? Iniisip ko lang ‘yon, ah? Mapapahamak talaga ako sa sariling kong isip.

“Alam ba nito na, I'm staring at her lips?” sambit niya sa mahinang boses.

“Kiss me,” damnit! Stop thinking, Liah. Naiinis na sermon ko sa isip ko. Gusto ko bang halikan ako ng lalaking ito? Tanong ko sa sarili ko.

"Is she dreaming? What a weird beautiful lady," sambit niya.

"Is she awake?" tanong niya pa.

"Miss? Are you awake?"

"Or she's dreaming, hahalikan talaga kita," he murmured. Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. I can sense his presence so close to me. I felt smitten and damn! Why do I feel this way?

"Sarap siguro nitong halikan," sabi niya. What the hell! Ang ano― nito ah, inisip ko na alisin ang ulo ko sa balikat niya pero iba ang kinilos ng katawan ko. Hinawakan ko ang braso niya. What? Bakit ko hinawakan ang braso ng manyak na ito? Bakit hindi sumusunod ang katawan ko sa utak ko? Ang landi ko na yata?

“Aba? Abusado, 'to ah. Masakit na nga ang balikat ko pati braso ko pagnanasaan pa. But you’re so warm and smooth, you look like a princess, lady in tee shirt and faded jeans.” Saad niya, habang iniaayos ang pagkakaupo niya.

"Kakaiba na talaga ang mga babae, ngayon panahon, agrisibo na." Dagdag niyang sabi.

I felt his hands moving. Inayos niya ang ulo ko sa kanyang balikat, mas naging komportable na ako. Hanggang sa naramdaman kong nakatulog itong muli. Nakalimutan niyang gutom siya. Inangat ko ang aking eye mask at muli siyang pinagmasdan. Grabi, bakit parang aadik ako sa mukha nito?

Ang gwapo talaga at ang amo nitong tignan, kahit na manyak ito. Ngayon lamang yata ako nakadama nang ganito sa isang estranghero. Manyak nga lang, tch. Unti-unti kong inalis ang kamay ko sa braso ng gwapong lalaki.

"Hay, salamat naman." Tumayo ako at tinahak ang daan papunta ng washroom. Dala-dala ang mga gamit ko, malapit na rin kaming makarating sa Tyre. Do'n na muna ako sa banyo. Kainis bakit ba ang kalat-kalat ko, nakakahiya.

Pinakalma ko muna ang sarili ko at nag-ayos ako. "Tsk! Ano ba, Liah, ang ano mo― talaga! Bakit ka ganyan, ha? Be a decent and moral lady, wag kang pakawala diyan! I'm warning you." Nababaliw na talaga ako. Kinakausap ko na sarili ko sa salamin.

Naghilamos ako ng mukha at naglagay lang ng kunting polpo, nang bigla akong kinabahan. Naramdaman kong gising na ang lalaki.

 Lumabas ako at sumilip sa likod ng kurtina. Kita mula roon ang upuan namin. Gising na nga ang lalaki at palinga-linga ito, parang may hinahanap.

"Anong gagawin ko? Should I come out and say hello?" Damn! That's crazy! Ang tanga ko naman. Nagtatalo na ang isip ko't damdamin. Kainis talaga! “Bakit ba kasi nakasandal ako sa braso niya?” sambit ko.

Bumalik ako sa loob ng washroom at nag-isip ng gagawin. “Think, Liah! Think!” I’m sorry, mama but I need to do this. Humarap ako sa salamin at pinikit ko ang aking mga mata. Pagmulat ko, hindi ko na nakita pa ang sarili kong repleksyon. Kailangan kong mawala sa paningin ng lalaki. Nakakahiya ang ginawa ko.

Now, I'm invisible. Buti na lang dala ko 'yon packbag ko. Hihintayin ko na lang lumapag ang eroplano. Bumalik ako sa upuan kung saan ako nakaupo, nakita kong gising na ang gwapong lalaki. Dahan-dahan akong umupo para hindi niya maramdaman. Nang mapansin ko ang magagandang mga mata niya at ang tangos ng ilong. Tch! Stop it, Liah!

Palinga-linga pa rin ito at parang nayayamot. Ilan sandali pa ay bumalik ito sa pagkakaayos ng upo. Nang bigla itong nagsalita, “Nasaan na ang babaeng, ‘yon? Matapos niya akong e-seduce na halikan siya, tapos mawawala na lang bigla?” So hinahanap ako ng lalaking ‘to.

 “Magpanggap kaya akong tulog?” pilyong plano niya. Hindi niya alam na nasa tabi niya ako. At nagpanggap nga itong tulog. Ang cute niyang tignan, sarap kurutin. Hindi mo ‘ko mahuhuli, pretty boy. Damn! Ano ba 'to this is not me. Kahit kailan hindi ako nagka-interest sa kahit sinong lalaki. Pero staring at him makes my heart pop like corn under fire. Ah! baliw na yata ako. Di niya ako dapat makita.

-Witch in the Palace

The Samaritan

Hello! sana kiligin kayo at mag-enjoy sa kwentong 'to! please Add this to your library and share, vote and comments! salamat!

| 1
Комментарии (2)
goodnovel comment avatar
Paolo Cerna
salamat sa magandang novel, Author!
goodnovel comment avatar
Glame Hailyn
super ganda!
ПРОСМОТР ВСЕХ КОММЕНТАРИЕВ

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status