JADE’S POV “AAAAHHHHHH” Her screams of motivation suddenly became scream of fear nang may biglang humawak sa pulsuhan niya at inagaw ang hawak niyang vase. Bago pa siya makapag-react ay nagawa na siya nitong paikutin para maigapos siya sa sarili niyang mga braso, habang hawak pa rin siya nito. Sa pagpupumilit niyang makawala mula rito ay natalisod siya ng kanto ng kama kaya nawalan siya ng balanse at tuloy-tuloy na napabagsak sa malambot na kutson. And because the intruder had her in bundle, pati ito ay nahila niya nang bumagsak siya. “Let me go! Help!!!!” malakas niyang sigaw habang pilit na nagpupumiglas, nang maramdaman niyang nakapakubabaw ito sa kanya. “What are you doing here?” narinig niyang tanong ng taong gumapi sa kanya. Natigilan siya sa pagpoprotesta at agad na napadilat. Tumambad sa kanya ang gwapong mukha ng kaisa-isang lalaking gusto niyang makita ng mga oras na iyon. “R-Red...” sambit niya sa pangalan nito. His expression went from shocked to ice cold real qu
JADE’S POV“HANDAAAAAAAA!!!”Napabalikwas siya ng bangon sa malakas na sigaw na iyon.Mabilis na iginala niya ang paningin.Ilang segundo rin ang nagdaan bago rumehistro sa kanya kung nasaan siya. Kasunod niyon ay ang panunumbalik ng mga alaala ng nangyari kagabi.You are free to love whoever you want now, Trinity.Agad na pinanlabo na naman ng mga namumuong luha ang paningin niya at tuloy-tuloy na umagos ang mga iyon na para bang ilog na walang katapusan. Kagabi pa parang sirang plaka na nag-re-replay sa isipan niya ang mga nangyari. Magmula sa malamig na ekspresyon ng mukha ni Red, hanggang sa mga salitang binitiwan nito. At iyon nga ang nakatulugan niya ng hindi niya namamalayan. Biglang tumunog ang telepono niya kaya sinubukan niyang kalmahin ang sarili para sagutin iyon. “Sige po, Dok. Maraming salamat po,” wika niya ‘tsaka binaba na ang linya. Sandali lang ang naging pag-uusap nila. Tawag iyon mula sa ospital para sabihin sa kanyang pinirmahan na ng pediatrian ni JM ang di
JADE’S POVHINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito. Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon. Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si
JADE’S POVHATI… ang nararamdaman ni Jade habang pinapanood niya si JM na masayang nakikipaglaro sa lolo nito. Nakaupo sa may gilid ng swimming pool si General Rodriguez, samantalang nakalublob naman sa pool ang anak niya. Naroon lang sa tabi ng mga ito at nakaantabay ang isang kasambahay at isang nurse na siyang nag-aalaga sa heneral. Pati si Yoda ay nakiligo na riin kasama ni JM kaya hindi naman siya gaanong nag-aalala.Mas pinili niyang panoorin ang halatang labis na saya ng anak niya mula sa may entrada ng bahay, na hindi rin naman ganoon kalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang marinig ang malulutong na halakhak ni JM. Parang hindi na niya maalala kung kailan ang huling beses na narinig niyang tumawa ng ganoon ang anak. Narinig na rin ang tawa ng nakatatandang heneral. Kita at ramdam niya rin ang tunay at labis na saya nito magmula n’ong dumating silang mag-ina sa tahanan ng mga ito, ilang araw pa lang ang nakararaan. Naramdaman niyang parang may
JADE’S POVNAGISING… siya sa sinag ng araw na sumilip mula sa nakasaradong kurtina ng balkonahe sa silid nila ng anak. Marahang kinusot niya ang mga mata at agad na bumaling para hanapin ang orasan. Alas siete y media pa lang ng umaga. Sunod na binalingan niya ang anak na nasa tabi niya. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kahit na medyo inaantok pa ay nagpasya siyang bumangon para ayusin ang pagkakasara ng kurtina . Baka kasi magising din ng liwanag si JM. Inayos niya ang kumot ng anak ‘tsaka nagtungo na sa banyo para sa morning rituals niya. Sinikap niyang maging maingat sa bawat galaw para huwag maistorbo ang nahihimbing niyang anak.Makalipas ang halos sampung minuto lang ay muli na siyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si JM.Alam niyang hindi na siya makakabalik pa sa tulog kaya minabuti niyang lumabas na ng silid.Wala siyang nakitang tao sa pasilyo. Ito yata ang unang beses, magmula nang dumating sila sa mansyon, na wala siyang inabutang tao pagkalabas niya ng kwarto.
“Col. JUAN MIGUEL ENRIQUEZ . . . Sir!”, pagbibigay galang ni Red sa kanyang superior na si General Wisconsio Rodriguez nang maabutan niya ito sa opisina nito sa pamamagitan ng pagsaludo.“Sigurado ka bang walang nakatunog sa’yo?”, tanong nito bago sana tumayo mula sa kinauupuan nitong swivel chair sa likod ng lamesa nito.“Yes sir”, sagot niya naman.Matapos niya kasing makabalik mula sa morning march ng tropang pinamumunuan niya ay nakatanggap siya ng pribadong imbitasyon mula sa heneral. Mahigpit nitong ipinagbilin na siguraduhin niyang walang makakaalam ng tungkol doon.“Good. Maupo ka Red”, anito at imwinestra siya papunta sa receiving area ng opisina nito tsaka ito tumayo din para lumipat doon. Gaya ng nakagawian, pinauna niya itong maupo bago siya pumwesto rin sa adjacent na sofa. Hindi pa nag-iinit ang pang-upo niya sa sofa, ay agad na itong naglabas ng folder na kulay dilaw at iniabot iyon sa kanya.Nang imwinestra nitong buklating niya iyon ay gan’on din ang ginawa nya. Tu
W H E N . . . people mention her name...there is only one word that would best described her. Queen. Kulang na lang ay flashing paparazzi lights and runway music at magmimistula na talang runway ang pasilyong dinaraanan ni Trinity. Wearing black Louboutin stilletos, skinny ripped jeans and tini-tiny white corset, matching Christian Dior bowling bag, dark sunglasses and other bling and accessories from Prada, she walked with much confidence. Halos lahat ng madaraanan niyang tao, mapa kapwa niya estudyante o professor ay kusang tumatabi at nagbibigay-daan para sa kanya. Because why won’t they? Siya lang naman ang pangalawa at bunsong anak ni Governor William Ongtionco Santiago, who is known to be one of the most powerful and influential politicians in the Philippines. She is Trinity Jade Santiango, 18 years old and a second year Fashion Design student. “TJ! There you are!”, masiglang bati sa kanya ng isa sa mga members ng Queens. Queens is a sorority that aims to strengthen women po
"K A Y A . . . sino ang iboboto natin sa darating na eleksyon?!", malakas na sigaw ng MC sa mikroponyo. "SANTIAGOOOOO!!!!", panabayang sigaw naman ng mga taong nasa covered court ng Marikina habang iwinawagayway ang mga campaign give aways kung saan nakaimprenta ang mukha at pangalan ng daddy ni Trinity. At tulad ng ni-rehearse nila ay doon sa puntong ‘yon sila tatayo buong mag-anak at magkakahawak na nakataas ang mga kamay. Siya, her mom and her dad, are all smiling ear to ear para ipakita sa mga tiga-suporta ng daddy niya kung gaano sila kasaya na andoon sila sa harap ng mga ito... kaya na it's all for the show. Sa mga pagkakataong ito siya naiinggit sa Ate Rian niya, nasa Amerika kasi ito at nag-aaral ng medisina. She doesn’t have to deal with this campaign-faking period as she calls it. "Mom, are we almost done here? I have an event to attend to", pasimple niyang bulong sa mommy ng hindi inaalis ang ngiti sa mga labi. “Stop that! Baka magalit ang daddy mo!”, pasimple din nit