P I L I T . . . pinakiramdaman ni Red kung saang banda nanggaling ang sigaw.
Bigla niyang naisip ang mukha ni Trinity bago mawalan ng ilaw. Sa isiping baka ito ang nagmamay-ari ng mga sigaw na iyon ay parang biglang kumabog ang dibdib niya.
“Sh*t!”, mahina niyang mura. Gusto niyang isigaw ang pangalan nito para masigurong ligtas ito, pero hindi niya pwedeng gawin iyon.
“F*ck!”,
Panay ng ikot niya sa dilim. Hindi pa siya kailan man nagpanic ng ganito in the middle of a mission. At isa iyon sa kinakainis niya, he hates uncertainties, and he hates that he discovered this side of him in the middle of such an important assignment.
Biglang may humawak sa kaliwa niyang balikat. Dala ng reflex ay agad siyang nag-defense mode at pinilipit ang kamay na nangahas na pumatong sa balikat niya sabay tinutukan ito ng baril, kahit pa hindi niya ito nakikita.
Siya namang pagliliwanag ng buong paligid. Bahagya pa siyang napapikit dala ng pagkasilaw pero agad ding nakabawi. Akmang kakalabitin na niya ang gatilyo ng baril nang mapagsino ang tinututukan niya noon.
“I-insan... e-easy ka lang...a-ako ‘to, si Y-Yoda”, kabado nitong turan habang nakaluhod at nakataas ang dalawang kamay.
Agad niya naman itong pinawalan at tinutulungang tumayo. Nang maalala ang hinahanap ay mabilis niyang iginala ang paningin. Pero wala si Trinity. Wala rin si Scarlet. Nagsimula na siyang kabahan. Bigo ba sila sa misyon nila?
“Insan? O-Okay ka lang?”, untag ni Yoda sa kanya.
“Si Trinity?!”, tila wala sa sarili niyang tanong dito.
“Ha?”
“S-Si Scarlet??? Nagpaputok ka ba ng baril?”, desperado niyang tanong sabay yugyog sa mga balikat nito.
“E-Ewan, basta inutusan lang ako ni Boss na sabihan kang pack up na”, parang naguguluhan din nitong sagot.
“Sh*t!”, mahina niyang mura sabay tumalikod at bahagyang lumayo para makapagsalita sa radyo niya.
“Does anyone copy?”,
“Sir, Hunter roger, mission accomplished”, sa wakas ay may sumagot sa kanya.
“Hunter! Anong nangyari? Ba’t bigla kayong nawala? Si Trinity at Scarlet?”, sunod-sunod at mariin niyang tanong.
“S-Si...errk...wal...errkk...on...”
Bahagya siyang napangiwi sa paglagaslas ng tunog ng frequency sanhi para mag putol-putol ang salita ng nasa kabilang linya.
“Hunter? Hunter?! Unstable line”,
“Errk, Sir...erkk an.... errkkk”
“F*ck! negative! asan ka ba?”, hindi niya napigilan ang bahid ng iritasyon sa boses dahil sa pagkaatat na malaman ang sagot sa mga tanong niya
“May tama si Speedy, minor. But target is secured, Sir”, sa wakas ay luminaw ang boses nito.
“Pareho?”, mabilis niyang tanong.
Pero bago marinig ang sagot ng kausap ay may biglang tumawag sa pangalan niya.
“Red!!!”,
Agad siyang napalingon sa ma-awtoridad na pagtawag sa pangalan niya. Tahimik siyang napatikhim nang makita ang papalapit na si Deo kasama si Geronimo.
“Ano na namang tinatanga mo d’yan?!”
“A-Ahh B-Boss---”, sinubukan ni Yoda na salubungin ito pero agad itong binulyawan ng galit na amo.
“Tumahimik ka, Yoda p*t*ng’na muntik pa tayong mabulilyaso dahil sa pinsan mong ‘to!”, gigil nitong putol sa akmang pagsasalita ng pinsan niya sabay duro pa sa huli.
Marahas nitong winaklit ang humarang sa daan nito tsaka tuloy-tuloy na humakbang papunta sa kinatatayuan niya.
“Hoy, g*go! Nas’an ka?! Di ba sabi ko lapitan mo ‘yong grupo ng mga babae para siguraduhing hindi tayo magkakamali sa dadamputin?! Eh kung tumalon pala ‘yon sa pool? Pa’no kung maling tao ung nadampot ni Geronimo?!”, galit na galit na bulyaw nito sa kanya. Labas ang lahat ng ugat nito sa leeg sa sobrang galit.
Para siyang biglang bumalik sa normal na siya at muling naging blanko ang ekspresyon ng mukha.
Ganap na nakalapit si Deo sa kanya na halos isang dangkal lang ang pagitan sa kanya. Mas matangkad siya dito ng ilang pulgada kaya bahagya itong nakatingala pero kita ang angas sa mga gawi nito.
“ANO?! SAGOT!!!”, sigaw pa nito at patuloy siyang ginigit-git.
Naramdaman niya pa ang hininga at pagtalsik ng mga laway nito sa kanya sa sobrang lapit nito.
“Kinabahan ako Boss”, pagdadahilan niya.
“Kinabahan??? Ano ka bakla???!”,
“Hindi ako makakita ng maayos sa dilim”, sagot niya sa kalmadong boses.
“Eh p*tang’na ba’t di mo sinabi n’ong nagbibigay ako ng assignment sa inyo??? Ano?! Para sabotahehin ako? Ha?!”
“Sinabi ko boss. Di ba kaya gusto ko makipagpalit kay Egan, ako na lang ‘ka ko sa gate. Kaya lang sabi ni Egan masyado pa akong bago para sa pwestong ‘yon kaya hindi ako pwede”,
Totoo naman ang sinabi niyang iyon. Pero ang dahilan kaya gusto niyang sa may gate siya pu-mwesto ay para ma-ambush pa niya kung sakaling mabigo si Speedy na itakas si Scarlet. Back up plan kumbaga. Kaya lang, gaya ng sabi niya kay Deo, ay inalmahan siya ni Egan.
Binalingan ni Deo si Geronimo.
“Asan si Egan?!”
“N-Nasa van na Boss”
Narinig niya ang mahinang pagmumura ni Deo tsaka siya muling pinukol ng matalim na tingin. Mukhang gusto pa nitong magsalita pero wala nang maisip na sabihin kaya dinuro-duro na lang siya tsaka tinalikuran.
“Wag kayong babagal-bagal kundi puputulin ko ang mga ut*n niyo!”, pahabol nitong sigaw habang papalayo na.
Nagkatinginan naman sila ni Yoda.
“Tara na!”, bulong nito sa kanya tsaka nagpatiuna nang sumunod kina Deo at Geronimo.
He tried to scan the place one last time, bago siya umalis, hoping to see any signs of Trinity…pero bigo siya.
“Red! Pst! ‘Lika na!”, pabulong na tawag ni Yoda na nasa may pintuan na ng bar.
Sumunod na lang siya bago pa siya pagdiskitahang muli ni Deo.
Pagdating niya sa labas ng hotel ay isa-isa ng nagsisi-alisan ang mga getaway car ng grupo. Sinenyasan siya ni Deo na lumapit sa kotse kung saan ito nakasakay.
“Pasalamat ka at tagumpay ang plano ko ngayon. Kung hindi me kalalagyan ka sa ‘kin, intiendes?”, may pagbabanta nitong sabi.
Bahagyang napakunot ang noo niya.
Tagumpay?
Narinig nila ang papalapit na tunog ng sirena ng mga pulis.
“Sumunod kayo agad. Alam niyo na gagawin”, sabi pa nito tsaka isinara ang bintana. Agad na umandar ang lunadan nito na inihatid niya ng tingin habang iniisip ng pilit ang mga sinabi nito.
“Red! Bilis na!”, tawag ni Yoda na bahagyang sumilip lang sa bintana ng driver seat ng sasakyan naman nila.
Wala sa sariling tumalima siya at sumakay sa passenger side. Ilang sandali pa’y pinaharurot na ni Yoda ang sasakyan.
S H E . . . heard the sound of the thin fabric tearing and right there she immediately felt Red's hot breath in between her breasts. Napamulagat siya sa gulat. Muling nagbunyi ang lahat sa paligid nila. "Atat na atat si General!!!!" sigaw ng mga ito. Alam niyang nasa gitna sila ng krisis pero sino ang hindi pananayuan ng mga balahibo sa sensasyong dala ng bawat dampi ng mga labi ni Red sa dibdib niya?! His lips hurriedly went up to her neck again, and God knows how she fought not to close her eyes and savor every bit of whatever he's doing. Kelan ba 'yong signal???? she silently prayed. "When all these are over, mananagot ka sa'kin for all these," bulong nito sa tenga niya na parang may himig ng paninermon. Napakunot tuloy siya ng noo. At ano naman ang ginawa niya para sermonan siya nito??? At ito pa talaga ang may ganang manermon sa kanilang dalawa???? Lumayo naman ito sa kanya atsaka sumandal sa back rest ng silya. "Get down on your knees," maya maya ay malakas u
"JM . . . cannot be here in this room for your little show. He's still a minor. Have your people move him next door," kalmadong sabi ulit ni Red. Kunot ang noo ni Deo pero sinenyasan din nito ang mga tauhang may hawak kay JM na sundin ang hiling ni Red. Tumalima naman ang dalawang lalaki at inilabas si JM mula sa silid. Hindi tuloy niya maiwasang hindi mag-alala. Baka mamaya ay ano ang gawin ng mga ito sa anak niya! "Red!" tawag niya sa katabi pero tinginan lang siya nito mula sa gilid ng mga mata at hindi natinag. NagsImulang magtubig ang mga mata niya. Gets niya naman na may hindi sila pagkakaunawan, pero hindi ito ang tamang lugar at pagkakataon para unahin nila ang mga gan'ong issue. "Next. I did the work last time. This time, why not let do the job?" maya maya ay pagpapatuloy ni Red sa pangalawa niyang kondisyon. Ilang segundo ang lumipas bago nagsink in sa kanya ang ibig sabihin ng mga salitang binitiwan nito. He did not mean that! ika niya sa isip. Marahas n
"G E N E R A L . . . Juan Miguel Enriquez!!!" galak na tawag ni Deo kay Red habang nagsi-slow clap pang humahakbang para lapitan ang bagong dating. Nagpalipat-lipat ang tingin niya dito at kay Red na tila na-estatwang nakatutok pa rin ang baril kay Deo. Pero ni hindi natinag ang huli at umakto pa itong parang long-lost friend ang wine-welcome. Napakunot siya ng noo. Mukhang malakas talaga ang sira nito sa ulo. "Let my son and Trinity go, Deo!" mariing giit ni Red. Tumawa naman ang huli. "Relax, masyado ka namang nagmamadali, General. Baka gusto mo munang magkape?" cool na cool pa nitong pag imbita. Nagtatagis ang bagang na kinalabit ni Red ang paltik ng baril na nakatutok pa rin kay Deo. "Sa lamay mo na lang ako magkakape. Now let them go and surrender yourself calmly," sagot ni Red dito. Muling tumawa ang tila nababaliw na intsik na hilaw na 'to at mukhang amused na amused pa sa reaksyon at mga sinasabi ni Red. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang sitwasyon, General
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil