Share

CHAPTER IX (ENCUENTRO)

M A B I B I L I S . . . ang nagging paghakbang ni Red

“Speedy, do you copy”, pasimple niyang bulong. 

Agad namang tumunog ang radio frequency niya tanda na may nasa kabilang linya na.

Yes Sir, I have a vision of the target. Ready to evacuate at your signal, Sir”, sagot naman ng kausap.

“There will be a total blackout soon and it will last for two minutes. Be ready”

“Copy, Sir”,

He scanned the area. Nakita niyang dumating na ang ilang tauhan ni Deo. 

Mas lalo niyang binilisan ang mga hakbang. Muling tumunog ang radio frequency niya.

“Distance to ACP, one metre”, ani Uno na ang tinutukoy ay ang Automatic Colt Pistol itinago ng mga kasama niya sa scene para magamit niya sa operasyon ngayong gabi. Hindi kasi sila pwedeng magpaputok ng anumang armas na hindi rehistrado ng ADFP.

“ACP within range”, dagdag pa nito nang tumapat siya sa isang malaking paso ng halaman.

Nagkunwari siyang nag-ayos ng sintas tsaka mabilis na dinampot ang armas na itinanim para sa kanya. 

Mabilis pa sa alas kwarto ang galaw niya sa pag-a-assemble niyon habang itinutuloy ang paglalakad. His eyes were restless para siguruhing walang makakapansin sa kanya.

Ngunit napahinto siya nang makita si Trinity na mag-isang nakaupo sa isang secluded lounge.

“Sir?” untag ni Uno sa kanya.

Dapat ay papunta siya sa pwestong itinalaga ni Deo para sa kanya. Pero nang mahagip ng tingin niya ang dalaga, biglang parang ayaw gumalaw ng mga paa niya sa direksyon dapat ay tatahakin niya. 

Luminga-linga siya sa paligid para hanapin ang lalaking dumagit dito kanina habang kausap nila ito sa bar counter. Hindi ba dapat magkasama ang dalawa? Bakit nito iniwan si Trinity ng mag-isa?

Sir, you need to move. Ma-de-delay ang schedule natin kapag hindi pa kayo gumalaw!”, babala ni Hunter mula sa radyo niya. Bakas na sa tinig nito ang pagmamadali at bahagyang pagkainis.

Of course alam niya iyon. But can he really just ignore Trinity? Paano kung madamay ito?

Nalipat naman ang tingin niya kay Scarlet, na nakaupo pa rin sa VIP lounge na inuukupa ng grupo nito. Nakita niyang nakatayo na si Yoda sa posisyon nito at nakatingin sa kanya, para bang sinasabihan siyang gumalaw na. Muli niyang nilingon si Trinity na hanggang ngayon ay mag-isa pa rin.

“Sir! 6 o’clock!”, untag ni Speedy sa kanya kaya’t agad naman siyang pumihit sa direksyon tinutukoy nito.

Noon niya nakita si Deo kasama sina Geronimo at Egan na pumasok sa Pool Bar. Mukhang chine-check nito kung naka-posisyon na sila.

Sa pangatlong pagkakataon ay muli niyang nilingon si Trinity. Sa pagkakataong ito ay nakita na rin siya nito. Gaya kanina ay mukhang may gusto itong sabihin. 

Nang muli niyang lingunin si Deo ay hindi pa rin siya nito nakikita. Kaya nagpasya siyang sundin ang damdamin. Halos takbuhin niya ang kinaroroonan ng dalaga. Kailangan niya lang bigyan ito ng babala tapos ay mabilis siyang babalik sa pwesto niya.

Agad na tumayo ang dalaga nang makitang tumatakbo siya papunta dito.

“Trinity, right?”, hinihingal niyang sabi nang ganap na makalapit dito. 

Bumuka ang bibig nito para sana magsalita pero agad niyang pinutol iyon. 

“No time to explain. Take Scarlet with you. Umalis na kayo dito ngayon na!”, may pagmamadali sa boses niya sabay lingon sa likuran niya para tiyaking walang nakasunod sa kanya.

“W-What? A-Anong... w-what’s going on?---”, kinakabahan naman tanong ng dalaga na napatingin din sa may likuran niya. Pero agad niya itong pinigil sa magkabilang balikat para kunin ang atensyon nito. 

“Puntahan mo si Scarlet, from there one of my men will lead you to a safe exit. Dalian mo, be discreet!”, sabi niya ulit sa parehong tono. 

Muli siyang luminngon sa likuran niya at saktong nakita niya si Geronimo sa may di kalayuan. Panay ang linga nito at waring may hinahanap. Mabilis pa sa alas kwatro niyang hinila padapa sa tabi niya si Trinity. 

“What’s---”

Tinakpan niya ang bibig nito at sinenyasan na huwag itong gagawa ng ingay. Mababakas sa mukha ng dalaga ang takot, kaba at pagkalito.

Dahil maliit ang espasyo ay halos magkadikit na ang kanilang mga pisngi at ramdam na ramdam niya ang mabilis at mabigat na hininga nito.

Biglang tumunog ang radio frequency niya.

“Sir? Do you copy?”, wika nang nasa kabilang linya.

Bago magsalita ay nagpasya siyang sumilip muna sa direksyon kung saan niya nakita si Geronimo kanina. At nang makitang wala na ito, ay doon niya pinakawalan ang hiningang kanina pa niya pinipigilan.

Uno, verify my location”, bulong niya.

Verifying... you have a clear way 1.5 meters 9 o’clock”, maagap naman nitong sagot. 

Sinilip niya muna ang direksyon sinabi ng kasama tsaka muling binalingan si Trinity na dilat na dilat na nakatitig sa kanya. 

Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay na nakatakip sa bibig nito. Medyo nagulo niya ang buhok nito kaya’t ilang hibla niyon ang tumabing sa mukha nito. Nababaliw na yata talaga siya. Paano’y sa gitna ng lahat ng tensyon, ay nakuha niya pang isipin kung gaano ito kaganda, lalo na sa malapitan.

Ipinilig niya ang ulo para makapag-focus ng maayos.

Biglang nag-ring ang cellphone niya. Nang tingnan niya ang screen ay nakita niya ang pangalan ni Deo na tumatawag. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Napansin na nitong wala siya sa pwesto niya. Kailangan na niyang magmadali.

“Trinity, listen to me. Puntahan mo si Scarlet and get out of here”, sa pagkakataong ito ay sinubukan niyang magsalita ng mahinahon para mas maintindihan siya ng dalaga.

“What’s going on? Who are you? How do you know me?”, halos mangiyak-iyak na nitong tanong sa takot.

“May masasamang loob na may balak gawin kay Scarlet. Umalis na kayo dito. Kapag nakita mo ang pinsan, stick with her. Someone will make sure na ligtas kayong makakalabas dito. Remember to be as discreet as you can”, 

“Masasamang loob? Sino? Scarlet...Wait, Julius…I have to call my bodyguard--”, tila wala ito sa sarili at umaktong tatayo pero agad niya itong hinila pababa sa sahig.

“Trinity!”, aniya at  ikinukulong ang mukha nito sa magkabila niyang palad para hulihin ang mga mata nito.

Nagkatitigan sila ng ilang saglit ngunit agad ding naputol ng sabay na pagtunog ng radio frequency at cellphone niya. 

“Colonel! The Hawk! 3 o’clock. Distance 5 metres”, babala ni Uno mula sa kabilang linya.

“If fate permits, magkikita tayo ulit and I will explain everything. Okay? For now you really need to go Trinity”, aniya sa dalaga at agad na hinila ito patayo. 

Mabilis ngunit marahan niya itong iginiya sa direksyong itinuro ni Uno. 

Nang makarating ito sa likod ng CR ay lumingon pa itong muli at tiningnan siya na para bang nagdadalawang isip. 

Tumango lang siya bilang pag-uudyok na umalis na ito.

“Red!”, agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng malakas na pagtawag sa pangalan niya.

“Boss”, 

Nakita niyang papalapit ito sa kanya kasama si Egan.

“Anak ng---! Anong ginagawa mo rito?! Kanina ka pa namin hinahanap, naunsyami na ang plano dahil sa’yo! Ano bang pinaggagawa mong h****t ka?!”, anito na halos magputukan ang mga ugat nito sa leeg sa galit.

Napalunok siya at simpleng lumingon sa gawi ng CR. Lihim siyang nagpasalamat nang makitang wala na si Trinity doon.

“S-Sumama ang tiyan ko boss. Sorry di ‘ata ako sanay sa mamahaling alak, pang-gin bulag lang ang kaya ng tiyan ko”, panggagaya niya sa linya ni Yoda kanina  sabay turo sa CR.

Hindi ito sumagot agad, waring iniisip pa kung totoo ang sinabi niya. Sumulyap din ito sa direksyon ng CR at tila ba may hinahanap. Pinilit niyang kalmahin ang sarili para iwasan ang posibilidad na pagdudahan siya nito.

“Kanina pa kita tinatawagan di ka sumasagot”, 

“N-Nakaupo sa trono Boss”, muli niyang pagpapalusot. Somehow ay nagpapasalamat siya sa madalas nilang pagkakasama ni Yoda. Natutunan niya ang mga gawi at salita nito at na-i-a-apply niya iyon sa cover niya.

Hindi uli ito sumagot. Mukhang may duda pa rin ito sa mga sinasabi niya.

Maya-maya ay patakbong dumating si Geronimo at diretsong bumulong kay Deo. Napamulagat ito, mukhang nagulat ito sa anumang binalita ng bagong dating na tauhan.

“Anak ng pu---! Dalian niyo na! Babagal kasi!”, galit nitong utos.

Binalingan siya nito tsaka dinuro-duro pero wala naman nang sinabi pa at umalis na.

Huminga muna siya ng malalim tsaka sumunod kina Deo. Sa sandaling panahon ay agad na nakalayo ang mga ito kaya’t nagkaroon siya ng pagkakataon na makipag-usap sa mga kasamahan niya sa radyo.

“Slight changes to plan, we are now doing a two-man-rescue”, 

“P-Pero Sir...”

“No buts. This is an order!”, 

“Sir I’m afraid it’s a bit too late to change strategies”, sumingit na si Hunter. Bihira itong magsalita at magbigay ng mga komento, at kapag oo, siguradong importante iyon. 

“Sir, all evacuation plans and route are deviced according to a single-person-rescue. Kapag bigla tayong magbago ng plano baka nagkaproblema tayo”,dagdag pa nito.

Tahimik siyang napamura. Naiintindihan niya ang sinasabi ng mga kasamahan. At isa pa, hindi siya ang tipong nagbabago ng plano dahil lang sa bugso ng damdamin. Kaya maging siya ay nainis sa sarili. This is very unusual of him. 

Sumunod na siya agad kina Deo bago pa nitong mapansing wala na naman siya. 

Noon nahagip ng mata niya si Trinity na nakatayo sa VIP lounge ng grupo nito. Kaya lang ay para itong nabato at mukhang hindi alam ang gagawin.

Iginala din nito ang paningin na animo’y may hinahanap. Huminto ang mga mata nito sa kanya. Ang dati’y walang kaemo-emosyong mata nito ay napuno ng takot. Mayroong kakaiba sa tingin nito, na para bang nagmamakaawang tulungan siya.

Magsasalita pa sana siya nang biglang mamatay na ang mga ilaw at balutin na ng dilim ang kapaligiran. 

F*ck!, mura niya sa isipan tsaka diretsong bumunot ng baril mula sa likuran niya at ikinasa iyon bilang paghahanda.

Kahit pa hirap lumakad dahil sa dilim ng paligid ay pinilit niyang humakbang sa direksyon kung saan niya huling nakita sina Trinity at Scarlet. 

Sunod-sunod na putok ng baril ang nagpahinto sa kanya. Sinundan iyon ng sigawan ng mga taong naroon sa pool bar kasabay ng tunog ng mga pagkalampag sa tubig.

“Team, do you copy?!”, pabulong ngunit mariin niyang sabi sa radyo niya.

Ngunit walang sumagot.

“Speedy?! Do you copy?!”, ulit niya pero wala pa ring sumasagot. 

“F*ck!”, muli siyang napamura ng mahina. 

Kinuha niya ang cellphone at binuksan ang flashlight niyon para ilawan ang paligid, kaya lang hindi sapat ang liwanag na ibinibigay niyon para makita niya ang nasa malayo.

Habang hawak sa kanang kamay ang baril at sa kaliwa ang cellphone bilang ilaw, ay naging ‘sing bigat ng bawat hakbang niya ang paghinga. 

Tatlo pang putok ng baril at biglang tumahimik ang paligid. Lalong humigpit ang paghawak niya sa baril.

Maya-maya ay napuno ang buong pool bar ng malakas na sigaw ng isang babae.

“Aaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!”

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Prinsesa Maria
Haloo! Royalty Cherry! thank you so much sa pag-appreciate po ............ sana patuloy niyo pong subaybayan ang kwento nina Red at Trinity! love you ............
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
love this one...
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
live this one
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status