Share

CHAPTER XI (ROGUE VICTIM)

“S A B I H I N  . . . n’yo sa’kin paanong nangyari na may mga parak doon?!!!”

Ang dumadagundong na boses ni Deo ang inabutan ni Red pagpasok niya sa sala ng bang house ng grupo. Nagtitipon-tipon ang mga ito at mukhang galit na galit na naman ang huli.

Pasimple siyang tumabi kay Yoda at tinapik ito sa braso.

“Anong meron?” bulong niya.

Sinenyasan siya nito na lumapit pa ng husto kaya gano’n nga ang ginawa niya.

“Nakita si Boss na mga alagad ng kabila doon sa loob kagabi”, sagot nito na may nagpapaunawang tingin sa kanya.

“Nabaril ‘ata ni Boss ‘yung isa kaya naitawid ‘yong kagabi”, dagdag pa nito.

Napatingin siya kay Deo. Animo itong isang naggagalit na toro na handang manuwag anumang oras. Kagabi niya pa iniisip kung ano ang ibig nitong sabihin na ‘tagumpay’ nag plano nito, gayung ayon kay Hunter niya ay mission accomplished din sila. Hindi pa kasi sila nagkakausap ng mga kasamahan niya magmula kagabi dahil nag-iingat muna siya. Lalo na’t mainit siya sa mata ni Deo ngayon. 

“Yoda”, pabulong ulit niyang tawag sa pinsan-pinsanan niya.

“Anong ibig mong sabihin na ‘naitawid ‘yong kagabi’?”

Pumalatak ito at akmang sasagot na nang bigla silang tawagin ni Deo.

“Yoda! Red!”

“Boss!” gulat na sagot ng katabi niya.  Nanatili siyang tahimik dahil sa pagkalito. 

“P*tang’na n’yong dalawa, bumawi kayo sa’kin ngayon!” sigaw pa nito sabay turo sa kanila.

“Yes, boss! Sabihin mo lang”, si Yoda ulit ang sumagot sabay tapik sa kanya dahil hindi pa rin siya nagsasalita.

“Puntahan n’yo ‘yong bisita natin! Bantayan niyong mabuti!”

“Sige po boss!”

“P*tang *na, baka naman pati ‘yon di n’yo pa magawa ng tama ah! Puputulin ko talaga ‘yang mga ut*n n’yo mga p*ny*ta!”

Tumango lang si Yoda tsaka siya hinila paalis sa kumpulan. Hindi naman siya nagprotesta at hinayaang hilahin siya nito hanggang sa marating nila ang maliit na pasilyo na kumo-konekta sa extension ng apartment sa likod.. 

“Pst, Yoda”, pabulong niyang tawag dito habang panaka-nakang lumilingon sa likuran niya para siguraduhin walang nakasunod sa kaniya.

“O?” anito habang tuloy-tuloy lang sa paglakad.

“Yoda!” bahagya niyang diniinan ang pagtawag dito bagaman pabulong pa rin.

“Ooo???” inis nitong sagot nang sa wakas ay huminto ito at nilingon siya.

“Ano ‘ka ko ang ibig mong sabihin d’on sa naitawid ‘yong kagabi?” 

Tinitigan siya nito saglit tsaka pumalatak. 

“Haisstt..tara nga dito!” anito sabay hila ulit sa kanya.

“Bakit?”

“Bilisan mo!”

Hindi nagtagal ay huminto sila sa tapat ng isang pinto sa dulo ng pasilyo. Lumingon muna si Yoda sa pinanggalingan nila bago nagsalita sa mahinang boses.

“Di ba una pa lang, pinapasundan na ni boss si Scarlet sa ‘tin?”

Tumango siya. 

“Kaya buong akala natin si Scarlet nga ang target ni boss, di ba?”

Napakunot naman siya ng noo sa pagkalito.

“Hindi ba?”

“Tang---“, pinigil nito ang sarili mula malakas sanang pagmura, bagkus ay pinalo siya nito sa balikat tsaka sunod-sunod na umiling. Lalong kumunot ang noo niya.

“Eh sino?” tanong niyang muli.

Muli itong lumingon para siguraduhing walang nakasunod sa kanila tsaka nagmamadaling isinuksok ang dala nitong susi sa pinto. Nilingon siya nito tsaka  dahan-dahan pinihit ang sedura ng pinto.

Sinalubong sila ng dilim. Narinig niya ang pagclick ng switch kasabay nang pagsindi ng malamlam na ilaw. Para iyong mga lamparang ginagamit sa mga tagpo sa pelikula kung saan may tinotorture, kulay dilaw, nakabitin at gumagalaw-galaw.  Sa ilalim niyon ay nag-iisang kahoy na upuan kung saan may babaeng nakaupo Nakapiring ito at may busal ang bibig, habang nakagapos ang mga kamay at paa. Base sa pagkakadukdok nito ay mukhang wala itong malay.

Takang napatingin siya kay Yoda, na may hindi niya mawaring emosyon ding nakatingin sa kanya.

“Sino ‘to?”,tanong niya.

Hindi ito sumagot. Bagkus ay nagpawala ito ng buntong-hininga at nalaglag ang mga balikat.

Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa babaeng nakagapos. 

At nang ganap siyang makalapit ay doon niya nakita ang mukha nitong halos natatakpan ng gulo-gulo nitong buhok. Pakiramdam niya ay sinipa siya sa dibdib nang mapagsino iyon

Awtomatiko siyang napatingin kay Yoda, na muling nagpakawala ng buntong-hininga.

Kahit natatakpan ng piring ang mga mata ng babae ay hindi siya maaring magkamali. Si Trinity ang babaeng nakagapos na iyon!

Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang mga pasa nito sa braso at pisngi. Pati gilid ng labi nito ay duguan tanda na ilang beses itong sinaktan.

Napayukom siya ng kamao sa ideyang sinaktan ito.

“Paano?” iyong ang tangi niyang naisatinig sa pagitan ng nagtatagis niyang mga bagang. 

“Shh”, tahimik na wika ni Yoda tsaka pasimpleng tumingin sa gawing kanan niya, sa taas at muli ring ibinalik sa kanya ang tingin.

Doon niya nakita ang isang maliit na kulay pulang ilaw.

CCTV, sa isip niya. 

Maya-maya ay tumalikod ito at dumiretso sa maliit na banyo doon. Ilang saglit pa’y nakarinig siya ng lumalagaslas na tubig. Naunawaan niyang ginawa nito iyon para ikubli ang magiging pag-uusap nila. 

Diretso itong naupo sa may lumang bench sa gilid tsaka naglabas ng yosi at sinindihan iyon. 

“Si Trinity pala talaga ang target ni Boss”, tila nanlulumo rin nitong sabi sabay hithit ng sigarilyo.

“P-Pero… bakit si Scarlet ang pinasundan sa’tin kung gano’n?”

“Sinusubukan ka lang ni Boss”

“Kung?”

“Kung sa kanya ka ba o espiya ka”

Saglit silang nagkatitigan. Nag-iwas ito ng tingin sabay hithit ng yosi.

“Alam mo?” tanong niya.

Umiling ito sabay buga ng usok. 

“Sina Geronimo at Egan lang ang may alam”

“Kaya sila nando’n n’ong unang araw na sundan natin si Scarlet?”

Tumango naman ito. 

Pinigil niya ang sariling mapamura sa nalaman. Nagpabalik-balik siya ng lakad dahil sa frustration. Hindi siya makapaniwalang siya, si Colonel Juan Miguel Enriquez, na kilala sa pagiging metikuloso at matinik, ay naisahan ng isang Deo Dysangco na isang kriminal.

Muli niyang sinulyapan si Trinity at ang kalunos-lunos nitong sinapit. This was all his fault! Kung sana ay naging mas matalas siya, sana ay nailigtas niya ang dalaga. 

F*ck! Lihim niyang mura. 

Maya-maya ay umungol ang dalaga. Mukhang nagkakamalay na ito. Agad itong nagpumiglas kasabay ng paghikbi sa pagitan ng busal sa nito sa bibig.

Ang makakahalong guilt, galit at awa marahil ang dahil kaya nawala siya sa sarili at sinubukan niyang tanggalin ang piring nito. 

“Red!” mariing pagtutol ni Yoda sanhi para matigilan siya. 

Mariin niyang naiyukom ang kamao.

Tumayo ito at inapakan ang halos upos nang sigarilyo tsaka lumapit sa kanya.

“Huwag mong kakalimutan kung sino ka at kung bakit ka nandito”, 

“Hmmp mmmpp pmmmm!” 

Abot ang pagpupumiglas ni Trinity kaya’t muli siyang napatingin dito.

“Nakalimutan mo ba ang ipinunta mo rito? Ilalagay mo sa alanganin ang mga kasama mo? Para saan? Para sa babae? Alalahanin mo Red, buhay mo, buhay ko, buhay ng kapatid ko at pati ng mga kasamahan mo ang nakataya rito”, pagpapaalala nito.

Para siyang hinampas ng bato sa sinabi nito. 

Tama ito. Hindi siya ganito. He has always been the ‘think before you act’ kind of person. Hindi pa nangyari sa kanya na mapangunahan ng emosyon, lalo na pagdating sa trabaho. 

Kahit na labag sa kalooban niya ay marahan siyang tumango at pilit na kinalma ang sarili. “Hmmmp mmmmp!”

Biglang bumukas ng malakas pinto kaya sabay silang napalingon ni Yoda. Iniluwa niyon ang dalawang tauhan ni Deo. Ang isa ay may hawak na armalite gun habang isa naman ay may hawak na tray ng pagkain at tubig.

“Pakainin niyo raw sabi ni Boss, kagabi pa walang kain ‘yan” wika ng may hawak ng tray Yoda.

Agad din namang lumabas ang dalawa pagkaabot nito ng tray kay Yoda, na mabilis ding ipinasa sa kanya ng huli.

“Red, ikaw muna bahala dito, me kakausapin lang ako sandali , ha?”, nagmamadali nitong sabi tsaka mabilis pa sa alas kwatrong sinundan ang dalawang lalaking kalalabas lang ng silid.

Muli niyang narinig ang paghikbi ni Trinity kaya agad niya itong nilapitan.

Tumalungko siya sa harapan nito. Dahan-dahan niyang tinanggal ang busal nito sa bibig kaya’t ang kanina’y hikbi ay naging malakas na bulahaw ng iyak.

“Please let me go!!! Please help me!!! I’ll give you anything you want!”, pagsusumamo nito.

Napabuntong hininga na lang siya. Hindi pa man din siya nagsuot ng kahit na anong wireless device ngayon dahil inaasahan niyang kukultahin siya ni Deo, kaya hindi niya magawang makipag-communicate sa mga kasamahan niya. 

“Please! Please! Please! Pakawalan niyo na ako!!! Name your price, mayaman ang daddy ko, he’ll give you anything you ask, just please let me go!!!”

Muli siyang nagpakawala ng marahas na hangin. In his twenty-six years of life, eight years of which, he spent in the military, ay ngayon lang siya nakaramdam ng matinding kagustuhan na umakto ng salungat utos sa kanya. Of course alam niyang tama si Yoda. Kung siya man ang nasa posisyon nito at magkaroon ako ng kasamang unreliable at unstable, ay magagalit at makakapagsalita din siya ng gano’n.

“Kumain ka na muna”, sabi na lang niya tsaka sinubukan itong subuan.

“No!!!” mariin nitong pagtanggi sabay marahas na iniiwas ang mukha.

Hindi niya mabilang kung ilang buntong hininga na ang pinakawalan niya. Wala naman siyang ibang magagawa sa ngayon kundi ang pilitin itong kumain man lang kahit kaunti. Kaya naman muli niyang sinubukang ilapit ang kutsarang may pagkain sa bibig nito.

“Sige na Trinity” pinilit niyang mas maging mahinahon.

“Wait... it’s you right?” bigla nitong sabi at saglit na natigil sa pag-iyak.

Maging siya ay natigilan.

“Yes! It’s you! You tried to help me last night, right?”

Para itong biglang nakahanap ng makakapitan sa tono ng pananalita nito.

Mabilis siyang napalingon sa may pintuan para siguruhing walang nakadinig sa sinabi nito.

“H-Hindi ko alam ang s-sinasabi mo... kumain ka na”, pagmamaang-maangan niya.

“Please help me, kalagan mo ‘ko. I-I’ll make sure to reward you!” 

He looked at her beautiful yet bruised face. He remembered the days when she was always cold and emotionless. Malayong-malayo sa itsura nito ngayon na punong-puno ng takot.

There was this split of second na gusto niya ulit itong kalagan.Pero bago pa man niya maigalaw ang kamay, ay muling bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Deo. Pinanatili niyang walang emosyon ang mukha niya.

Nakita niya ang paglipat ng tingin nito mula sa kanya papunta kay Trinity.

Mabagal na naglakad si Deo papalapit sa kinaroroonan nila nang hindi nito inaalis ang tila amazed na tingin sa dalaga.

“Siguraduhin mong kakain ‘tong bisita natin Red, ayaw na ayaw kong nagugutom ang mga bisita natin”, ani Deo sabay haplos sa pisngi ni Trinity na agad naman umiwas.

“Don’t touch me!” sigaw ng dalaga sa pagitan ng pag-iyak.

Humagikhik si Deo na parang gustong-gusto nito ang naging reaksyon ng bihag.

Maya-maya ay muli nitong hinaplos ang pisngi ng huli.

“Get away from me! You animal!!!" mariing pagprotesta ulit ng dalaga sabay dumura sa direksyon ni Deo.

Sapul ito sa mukha. Sa una ay natigilan ito, maya-maya ay tumawa pero agad ding nanlisik ang mga mata at mabilis na piniga ang magkabilang pisngi ng dalaga gamit lamang ang isang kamay.

“P*tang’na mo kang babae ka! Kala mo kung sino ka ah!!!”

“Kung sa labas buhay reyna ka na ni hindi ka madapuan ng lamok. Pwes! Sinasabi ko sa ’yo, bukas na bukas sisiguraduhin kong mas magiging masahol ka pa sa taeng pagpipyestahan ng mga langaw!!!” dagdag pa ng lalaki tsaka padabog na binitawan ang mukha ni Trinity.

Napahigpit ang hawak niya sa plato upang pigilin ang sariling suntukin ang lalaki.

“Bantayan mo ‘tong p*tang ‘to ah! Pakainin mo! Saksak mo sa bibig ang pagkain kung kailangan! Ayoko ng lalamya-lamya ‘yan bukas!!!” baling ng lalaki sa kanya. 

Tanging tango ang isinagot niya dahil nagtatagis pa rin ang mga ngipin niya sa galit.

“At ikaw naman, ayusin mo ‘yang trabaho mo! Kabago-bago mo puro kapalpakan na dala mo!” dagdag pa nito tsaka tuluyang umalis.

Nang marinig ang pagsara ng pinto ay doon pumabulahaw ng iyak ang dalagang bihag.

“I wanna go hooommeee!!! Mom! Help me! Somebody help me please!!!”

Tahimik siyang nag-isip kung ano ang maaari niyang gawin.  

Maya-maya nagmamadaling dumating si Yoda. Panay pa ang lingon nito sa likuran para siguruhing walang nakasunod rito.

“Red! Red!” pabulong nitong tawag sa kanya.

Naghahabol pa ito ng hininga nang ganap na makalapit kaya’t hindi agad nakapagsalita. Hinila siya nito papunta sa isang sulok.

“Bakit?” tanong niya.

“Nagtanong-tanong ako sa mga kasamahan natin”

“O?”

“Tinanong ko kung me atraso ba tsaka anong balak ni Boss kay Miss Byutipul”, 

Napukaw ang atensyon niya sa sinabi nito. Ang nakakainis lang ay panay ang hinto nito sa pagsasalita dahil sa paghahabol ng hininga.

“Ano nga???” atat niyang tanong nang hindi pa rin ito umiimik.

“Tang *n*, balak palang ibenta ni Boss sa mga hapon para gawing bayarang babae ‘yong baby mo!”

Natigilan siya tsaka muling nilingon ang dalaga. 

“Kailan daw?” tanong niya kay Yoda nang hindi inaalis ang tingin sa dalaga.

“Sa Sabado”, 

Tahimik siyang naisip ng paraan kung paano matutulungang makatakas si Trinity nang hindi sila napapahamak.

“P-Pero...” maya-maya ay nag-aalangan nitong sabi.

Nang hindi nito dugtungan ang sinasabi ay doon ko ito tiningnan.

“Pero ano?”

“Pero bago ‘yon...” at muli na naman itong huminto.

“Ano nga???” 

Napabuntong-hininga muna ito bago nagsalita.

“May balak pa si boss na galawin muna ng mga tauhan niya si Trinity”

Ng mga?” paniniyak niya.

“Gangb*ng”.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status