INICIAR SESIÓNTen Years Later...“Mommy... Sino po mas maganda, ako po o si Avianna?”Kumunot ang noo ko sa pataray na tanong ni Ayumi. Natawa ako dahil sobrang seryoso ng mukha niya, parang handa siyang magtampo nang todo kung hindi siya ang pipiliin ko.Nanganak ako ng magkambal na babae si Ayumi at si Avianna. Dalawang magandang prinsesa na magkamukha pero magkaiba ang ugali. Si Ayumi ang matapang, mataray, at palaging may sasabihin. Si Avianna naman ang mahinhin, mabait, at madalas na nahihiya.Ang nakakalungkot lang, hindi na daw ako pwedeng magbuntis ulit. Nag-agaw-buhay ako noong ipinanganak ko sila. Hindi ko malilimutan ang kwento ni Mama kung paano lumuha si Aldrin sa gilid ng kama ko, hawak nang mahigpit ang kamay ko habang sinasabi ng doktor na kailangan niyang pumili ako ba o ang mga sanggol namin.Sabi pa ni Mama, kinuwelyuhan pa ng daddy ni Aldrin ang doktor at binantaan ito. Pero dahil sa awa ng Diyos at sa dasal ng lahat, nakaligtas kaming mag-ina. Mula noon, sobrang alaga sa akin
THIRD POV..Mabilis lumipas ang mga araw, linggo at buwan..Hanggang sa sumapit ang ikalawang buwan eksaktong huling araw ng pagtatrabaho ni Aldrin sa bukid.Pag-uwi niya.Nagulat siya sa nadatnan.“D-dad… Mom… anong ginagawa n’yo dito?” takang tanong niya nang makita ang mga ito na nakaupo sa lumang kawayang upuan ng maliit naming sala.Nandoon din sina Atlas, Aziel, Ismael, at Eros. May mga dala silang pagkain na inaayos naman ni Alma sa mesa.Mabigat ang tingin na ipinukol ni Azrael kay Aldrin mula ulo hanggang paa dahil sa itsura nitong puno ng putik.Samantalang si Sienna, nakangiti lang parang proud sa anak niyang si Aldrin. Sa lahat ng mga anak niya, ito yata ang pinakanahirapan para makuha ang matamis na “oo” ng babaeng gusto nito.Sa gilid…Naka-upo si Cassie. Nakayuko, halatang nahihiya, at pulang-pula ang mukha.“So… ito pala ang pinagkakaabalahan mo ngayon, Aldrin?” diretso at malamig na sabi ni Azrael.Walang paligoy-ligoy.Bahagyang napatigil si Aldrin pero agad din siya
CASSIE POV..Tuwang-tuwa akong humawak sa braso niya. Nakakatuwa… dahil nagawa niya ’yon. Kahit puro mura ang inabot ng mga palaka sa kanya nakahuli naman siya.. Sa loob ng ilang sandali, parang nawala ang lahat ng inis at galit ko sa kanya na naramdaman ko dati. Ngumiti siya sa akin may halong pagod pero may konting yabang sa mga mata niya. Parang sinasabi ng ngiting iyon na kahit kinilabutan siya sa pandidiri, para sa akin, kaya niyang gawin ang lahat.Maya-maya..“Peia!!”Napalingon ako nang mabilis..Si Vicky, ang kapitbahay namin na laging masigla at maingay. At sa likod niya… isang lalaking hindi ko kilala. Gwapo siya halos kahawig ni Aldrin, pero mas matapang ang hulma ng mukha. Mas matalim ang mga mata, at may kakaibang aura na parang laging handang harapin ang anumang hamon. Nakangisi siya habang papalapit, isang ngisi na puno ng pang asar na nakatitig ngayon kay aldrin..“Kuya…” rinig kong bati ni Aldrin.Napatingin ako sa kanila habang tuluyang lumalapit ang lalaki. “Ma
CASSIE POV..."Tara na sa kwarto, Daddy..." aya ko dito.Napansin kong sandali siyang natigilan, pero unti-unti rin siyang ngumiti. Tumayo siya, at magkahawak-kamay kaming pumasok sa maliit kong kwarto.Pagkapasok na pagkapasok, agad kong isinara ang pinto.Nakatayo siya sa tabi ng papag ko, nakatingin lang sa akin-parang hindi pa rin makapaniwala na pinayagan ko na siyang tumabi sa'kin."Maliit lang ang papag... okay lang ba sa'yo kung medyo masikip?" mahina kong tanong. "Hindi ito katulad ng kwarto ko sa mansion mo...""Ayos lang," sagot niya, saka humiga sa papag.Malaki talaga ang katawan niya-malapad ang balikat, matipuno ang dibdib na hindi mo basta basta malalampasan nang hindi mo siya hahawakan. Sumampa ako hinakbangan ko siya para makatawid sa kabilang side ng papag..Bigla niyang hinawakan ang hita ko gamit ang malaking kamay niya. Mainit. Mabigat. Humawak siya nang mahigpit, parang may gustong iparating may maliit na ngisi sa labi niya habang tinititigan ako.Napangisi rin
THIRD POV..Hindi agad nakasagot si Aldrin. Parang hindi na maipinta ang mukha niya. Ang mga mata niya ay nanlaki, ang bibig ay bahagyang nakaawang, at ang kilay ay halos magkadikit na sa sobrang kunot.Ang iniisip niya ngayon ay ang nakakadiring larawan ng Palaka o kung ano mang klaseng tamilok yun..“Cassie… seryoso ka ba?” mahinang tanong niya umaasa na nag bibiro lang si Cassie. "Parang pinapahirapan mo na talaga ako.”Umirap si Cassie at tumalikod nang bahagya. “Kung ayaw mo, edi wag. Umuwi ka na lang. Wag ka nang babalik pa, tulad ng sinabi ko kanina.. Kung hindi mo kayang kumuha, edi huwag.”Natahimik si Aldrin. Nakatingin lang siya kay Cassie. Gusto niyang tumanggi, gusto niyang sabihing, “hindi ko talaga kaya ’yan,” pero sa loob-loob niya, alam niyang kapag tumanggi siya ngayon, baka tuluyan nang hindi pumayag si Cassie sa kasal.Sa totoo lang, kaya niya itong pilitin kung gugustuhin niya. Pero ayaw niya. Gusto niyang pumayag si Cassie nang kusa.Naalala niya ang mga sinabi
THIRD POV“…at wag ka nang babalik pa.”Biglang napababa si Aldrin sa motor. Halos natisod pa siya sa pagkabigla.Napalingon siya kay Cassie, kunot na kunot ang noo, at halatang hindi niya inaasahan ang mga salitang iyon.“Cassie…” mahinang tawag niya, puno ng pagkalito at pag-aalala.Hindi sumagot si Cassie. Tinalikuran na niya si Aldrin at diretso na pumasok sa loob ng bahay nang walang lingon. Ang pinto ay sumara nang malakas sapat para maramdaman ng lahat ang bigat ng galit niya.Nagtanguan si Nanding at si dudong, parehong walang ideya kung ano ang gagawin. Tahimik lang silang nakaupo sa motor, naghihintay.Si Aldrin ay nanatili sa kinatatayuan niya nang ilang segundo. Hawak pa rin niya ang upuan ng motor, pero parang biglang nawalan na siya ng lakas umalis. Kumunot nang husto ang noo niya habang nakatitig sa pintuan. Sa loob-loob niya, libo-libong tanong ang umiikot — bakit bigla na lang nagbago ang ugali ni Cassie? Ano ang nangyari?“Pre… tara na ba?” mahinang tanong ni Nandin







