Nagsidatingan na ang ibang mga bisita .Lahat ay nagtataka kung bakit nagpadala sina Dreymond ng imbitahon ang nakalahad doon ay comeback heiress.Wala naman silang alam na may ibang anak ang mga ito bukod kay Drake na ngayon ay magiging CEO na nang D.E Luxe resendences condo units na sikat sa buong bansa .Lahat na ata ng mayayamang bansa ay may mga branch ang mga ito . High quality ang kanilang condo at mga mayayaman talaga ang pwedeng maka afford pero meron din silang low quality na afford ng mga may pamilyang nasa ibaba lang kumpara sa kanilang mayayaman . Nasa isang condo sila ngayon kung saan ito ang pinaka main building nila dahil may space kung saan pwedeng ganapin lahat ng event dahil sa lawak nito . Nasa first floor ito bago ang parking area mula sa basement. Iba ang entrance sa entrance ng mga tenant ng mga condo at kung sino man ang ikakasal o birthday party ay pwede nilang avail ang space for event. May mga room din ang condo para sa mga bisita ng mga may event .Kaya maram
Pagkarating nila Cathy sa villa ay si Zebbie agad ang hinanap nito .Pero ayon sa manugang niyang si Evie tatawagin nila ito sa pangalan niyang Kriza dahil ang pangalang Zebbie ay hindi na dapat ibalik pa dahil ito ay trauma lang sa anak nila . Niyaya naman ni Dhelia si Kriza lumabas ng kwarto dahil hinahanap siya ni madam Cathy na mukhang kagagaling lang ito sa ibang bansa at napauwi dahil kay Kriza . ''oh my gosh ang ganda ng apo ko '' hinawakan ni Cathy ang pisngi nito bigla siyang napaisip parang may nakita siyang kahawig ni Kriza pero hindi niya maalala kung saan ba niya nakita .Gusto niyang alahanin pero sumasakit ang kanyang ulo .Bawal pa naman siya mag isip ng malalim dahil sa kanyang kondisyon . ''salamat po '' nahihiyang saad ni Kriza .Parang gusto na niyang tumakbo palabas dahil parami rami na rin siyang naloloko . Ramdam niyang mabait ang mga pamilyang niloloko nila pero napag alaman rin niyang iba magalit ang mga lalaking Clarkson pero wala naman siyang kasalanan dapa
Kanina pa napapaisip si Aria bakit wala siyang alam tungkol sa nawawalang anak nang mag asawang iyon . Kung alam niya lang siya nalang sana ang pagpanggap .Hindi naman na masama ang pamilyang meron ang mga ito .Napailing siya ng maalala niya ang sinabi ng kanyang nanay Tina .Hindi basta basta ang pamilyang ito at kung nakagawa ka ng mali paniguradong hukay ang haharapin mo . ''Aria nakikinig kaba tila malalim ang iniisip mo anak ?" nasa kabilang linya ang nanay Tina niya at kausap niya ito dahil binalita na maayos na ang lagay ng hacienda.KIniwento niya rin na may ibang kaanak ang si Don De vere na gusto siyang makita .Wala silang alam na may anak pala sa pagkadalaga si Aurora kaya nagagalit ang mga ito at pinaparatangan siyang isang impostara . ''pasensya na nay nga pala umuwi na sa dyan sa pinas ang pamilya ni Danny Clarkson '' binalita niya rin ang tungkol sa nalaman niyang ganap sa pamilyang ito .Lalo na ang tungkol sa nawawalang anak ng mag asawang Dreymond at Evie .Napansin
Pagkapatay nang tawag agad na lumapit si Cathy sa apo niyang abala sa pag scroll ng cellphone nakita niyang ka chat nito si Aria at napangiti siya.Kung hindi lang sana mas panganay ng anim na taon si Aria kay Drake gusto niya itong maging asawa ng kanyang apo . Binalita niya kay Drake ang tinawag ni Evie sa kanila at kitang kita sa mukha ni Drake ang gulat at saya . '' nahanap na nila si ate ?" hindi parin makapaniwalang tanong ni Drake akala niya hindi na nila mahahanap dahil sa sobrang tagal na rin na panahon . ''oo daw apo kaya kailangan na natin umuwi sa bansa para makita na siya '' kiniwento pa niya ang ibang sinabi ni Evie sa kany at sobrang tuwa ni Drake sa narinig . Kahit may edad na itong higit bente anyos isip bata parin ito minsan dahil siya lang naman ang nag alaga noon bata siya kaya lagi silang nag aaway ng kanyang asawa dahil kunsitidor siya pagdating kay Drake .Inutusan naman niya ang dalawang katulong na ihanda ang kanilang gamit . Wala ang kanyang asawa dahil pu
Nagmadaling kinuha ng doktor ang papel pagkalabas ng printer saka dinala kay Dreymond. '' paanong positive totoo ba ang results?"Kinuha ni Dreymond ang baril niya sa aparador saka tinutok ito sa ulo ng doktor.Bigla namang natakot ang mga kasama niya sa clinic dahil sa ginawa nitong pagtutok sa noo ng doktor .Salitan niyang tinutok sa mga ito ang baril para matakot ang sino mang may kalokohan. '' aminin niyo ang totoo wala bang nagmanipula sa inyo ..Paanong positive ang resulta?" nanlilisik ang kanyang mga mata habang isa isa niyang tinitigan ang mga ito .Napayuko naman ang iba at natakot . ''relax Dreymond kilala ko sila at wala ,,kaya huwag mong pag isapan ang mga tauhan ko dahil loyal ang mga ito sa ating clinic '' pulido ang kanilang pag gawa kanina at may nakabantay pa sa kanila kaya paanong may nagmanipula . ''siguraduhin mo lang dok dahil pag oras na malaman kong peke ang DNA na ito humanda kayo sa akin '' hindi siya pinanganak para lokohin .Lalong lalo anak niya ang usapan
Pagkababa ni Kriza at Dhelia sa tapat ng malaking gate napatingin sila paligid .Nagustuhan nila ang paligid dahil maganda ang kinaroroonan ng villa . Buntong hiningang nagkatinginan ang dalawa .Mukhang wala na itong atrasan dahil mula sa malayo may isang kotse walang ibang laman kundi ang kanyang tinuring na mga magulang . Nakaramdam siya ng inis dahil sa mga sinabi nilang kailangan niyang magbayad sa mga nagastos niya . '' tao po '' napatingin ang tatlong bantay na nasa malaking gate ng villa nagtataka sila bakit may naliligaw at mukhang hindi naman nila kilala ang dalawang tao na nasa labas ng gate . ''sino kayo ?" seryosong tanong ng isang security guard na may hawak na malaking pistol .Napalunok nalang si Dhelia sa takot .Napatingin siya kay Kriza tahimik lang ito at nakatingin sa malaking bahay at mukhang naging interesado ito agad sa yaman na meron ang mga Clarkson. '' gusto ko sana makausap ang mag asawang Clarkson may mahalaga lang kami sasabihin '' humawak sa relings ng g