Share

CHAPTER 2: AGATHA'S SUFFERING (2)

Masakit Ang katawan ko noong dumilat ako.

" Hmmm" mahina kung sambit.

" Ayan gising kana pala" wika ni madam Luciana habang nakangisi.

Madilim Ang lugar na ito Hindi ko alam kung saang parte na ito ng presinto.

" Para atang Hindi niya Tayo naririnig madam ah" wika naman ng Isang alipores Niya na may dala dalang alak.

" Hindi ba ?" Sambit nito habang nakangisi sa tauhan niya.

Agad naman itong lumapit sakin at sinampal ako ng ubod ng lakas Napapikit na lamang ako dahil medyo namanhid ang pisnge ko dahil sa lakas ng pagkasampal Niya sakin.

Tutulo na sana Ang luha ko ng maalala ko Ang sinabi ni Nanay Logreng sakin. Kung lagi na lamang akong iiyak ay lagi nila akong aapihin dahil alam nilang mahina ako at madali lamang akong sumuko Magiging kawawa lang ang anak ko.

Tinatagan ko Naman Ang loob ko at di nag pakita ng kahit anong emosyon.

" Aba, Hindi kana ata nakakaramdam ng sakit " nakangising sambit nitong si madam Luciana sakin.

Hindi ko Naman ito pinansin at nakatingin lamang ako sa malayo iniisip ko na lamang si Angelo, mga Masasayang ala ala namin dahilan upang mapangiti ako.

" Nagawa mo pa talagang ngumiti" wika nito at bigla Naman Niya hinawakan ang buhok ko at hinablot ito ng napakalakas.

" Ano ha!!" Sigaw nito sakin.

Di naman ako Ang pakita ng takot sakaniya at tiningnan lamang ito ng malamig, kailangan kung maging malakas dito dahil aapihin lamang ako kapag lagi nalang akong iiyak sa harap nila.

" Aba madam Hindi parin umiyak" wika ng alipores Niya habang nakangiti.

" Yan Ang gusto ko Yung pinipilit Ang sarili na maging malakas kahit Hindi naman" sambit nito habang nakangisi.

Binitawan Niya naman agad ang buhok ko ng pabato.

" Ibigay mo nga yan sakin" wika nito habang may pinapaabot sa alipores niya, agad namang ibinigay ng akipores Niya Ang dos por dos na kahoy.

" Tingnan lang natin kung Hanggang kailan ka mag mamatigas diyan!" Sambit nito habang hinahampas hampas sa kamay niya ang kahoy.

Napalunok na lamang ako ng dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Napapikit naman ako ng itinaas nito ang dos por dos at ihahampas Niya na sana sakin ng biglang may nag salita sa likuran ko.

" Hoyyy!! " Sigaw Ng Isang malakas na tinig.

" E-el mayor"  utal sambit ni Madam Luciana.

" May Bago ka na namang pinag titripan ah" sambit nito.

Tumingin Naman ako sakaniya, Ang tindig nito at napaka misteryuso, Ang alam ko ay nasa 13 Sila na selda.

" W-wala Naman po nag kakatuwaan lang kami dito" wika ni Madam Luciana.

" Pakawalan mo siya, wag kang mag papauto sa Pera Luciana. Alam mo kung anong mangyayari sayo pag ipinagpatuloy mo yan ang payo ko sayo mag Bago ka ngunit di mo parin ako pinapakinggan" mahinahon nitong sambit ngunit may pagkadiin simple Ang pananalita Niya ngunit nakakadala ito.

" O-opo" sambit nito habang nakayuko.

" Anong pangalan mo?" Wika nito sakin.

" Agatha po, bagong salta lang ako dito" wika ko sakaniya.

Tumango Naman Siya at kinalagan ako.

" Mag paka tatag ka, wag mong hayaang paparusahan ka ng iba at aapihin ka. Wag kang mag pakita ng takot at wag mo silang iyakan. Gamitin mo Ang sakit at Galit upang maging malakas ka sa laban ng buhay mo" wika nito sakin.

Tumango Naman ako sakaniya.

" Luciana wag na wag mo na itong galawin" wika naman niya Bago tumalikod samin.

" El mayor Tara na" sambit ng Kasama niya.

Nakatingin naman ako habang papalayo Sila.

Tiningnan ko naman si Madam Luciana na nakatingin ng malamig sakin.

" Pasalamat ka at andiyan si El Mayor...Tara na!" Inis nitong sambit at umalis na.

Curios Naman ako sa tumulong sakin, kaya tumayo naman ako at Dahang Dahan na nag lakad hinahanap si Nanay Logreng Ang alam ko may sumaksak sakaniya kaya nag aalala ako sa kalagayan niya Ngayon. Palakad lakad ako at Minsan tinatawag ako ng ibang preso sobrang bigat sa pakiramdam at Hindi ko alam kung kaya ko pa bang mananatili dito ng matagal.

" Agatha!" Tawag ng Isang babae sakin.

Pag lingon ko ay si mesha lang pala may dala dalang prutas.

" San ka pupunta? Asan si Nanay Logreng?" Tanong ko sakaniya.

" Nasa kabilang kwarto malupit Yung tama Niya Buti naagapan agad" wika nito sakin.

Dali dali naman akong sumunod sakaniya dahil alam kung kailangan ako Ngayon ni nanay logreng. Nang makarating na ako sa kinaroroonan niya nakita ko Naman si nanay na mahina habang nakaupo.

" Nay!" Sambit ko sakaniya.

" A-agatha!" Wika nito habang naiiyak.

" Wag po kayong umiyak Sabi niyo po Diba na Hindi dapat Tayo iiyak" wika ko sakaniya habang umupo ako sa gilid niya.

" Anak hi-hindi ko na kaya" wika nito habang nakatingin sakin at umaagos ang luha.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo na Ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

" Nanay Naman e, aalis pa ako dito at tutulungan ko pa kayong makalaya makakasam niyo pa si Nina at azur" wika ko sakaniya.

" I-ikaw na bahala sakanila ibibilin ko Sila sayo dahil alam ko si Gloria ay matanda na si Mesha may pamilya siya, kung makakalabas ka hanapin mo Ang mga apo ko " wika nito habang umiiyak.

" Nanay Naman wag kang mag salita ng ganiyan, makakaya niyo po niyan Ang liit lang Naman ng sugat mo" wika ko habang umiiyak ganun din si mesha walang tigil sa pag tulo Ang kaniyang mga luha pinipigilan niyang humikbi ng malakas.

" Ate Agatha, si nanay" wika nito sakin pag baling ko ng ulo ko ay Wala na itong buhay at nakahiga Ang kaniyang ulo sa likod ko.

"Naaaay!!" Sigaw ko.

Nabulabog Naman Ang ibang preso at agad na nag silabasan upang tingnan kami, Hindi ko alam kung anong klaseng sakit Ang naramdaman ko ayuko ng ganito Yung pumapatay Sila ng inosenteng tao.

" L-logreng " utal na wika ni Nanay Gloria habang nakatingin Kay nanay logreng na Wala ng buhay.

" Kasalanan mo to Agatha!" Agad naman akong tumingin sakaniya na nagtataka.

" N-nay?" Utal kung smabit sakaniya.

" Simula ng dumating ka dito Wala na Kaming ginawa kung Hindi depensahan ka sa mga taong gustong manakit sa ito Hindi ko alam agatha anong klaseng kamalasan ba Ang nandiyan sa katawan mo!" Sambit nito.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito para akong pinagsakluban ng langit at lupa at sinampal ng katotohanan na ako talaga Ang may kasalanan ng lahat.

" Nay bakit mo sinisisi si ate Agatha sa tingin mo matutuwa si nanay logreng sa sinasabi mo ngayon! Siya nga Hindi niya kailanman sinisisi si ate Agatha dahil Ang gusto niyo tulungan Ang nga nangangailangan!" Sambit ni mesha sakaniya.

Di na ako nakinig pa tumakbo na ako palnas at nag tungo na sa Isang sulok na madilim, gusto kung mapag Isa. Umupo naman ako ng dahan dahan at agad na umiyak hinihinaan ko lang ang pag hikbi ko baka Kasi may dumaan at makita pa ako dito ba umiiyak.

" Bakit ganito ka gulo Ang Mundo ko Ang gusto ko lang Naman ay masayang pamilya at kumpleto, kahit mahirap pa kami sa daga Basta mag kakasama lamang kami ay okay na" wika ko habang pinupunasan ang luha ko.

Bumuntong hininga muna ako bago ako tumayo.

" Ang alam ko kailangan ko lang maging matatag sa loob presinto na ito, simula Ngayon Hindi na ako magpapatalo may nawala na ng dahil sakin Hindi ko hahayaang may mawala pa ng dahil sakin gusto kung lumaban kahit Hindi patas ay gagawin ko dahil sa mundong ito walang taong nakakakilala Kay Equal" sambit ko sa sarili ko at kinuyom Ang mga kamao ko.

" Tama ka ate ganiyan nga!" Bigla Naman akong napatingin sa babaeng nasa likuran ko nakita ko Naman si Mesha na nakangiti Kasama Niya si nanay logreng na  nakatingin sakin.

Lumapit naman ako sakanila at ngumiti.

" Pasensya kana Agatha sa sinabi ko kanina, alam kung sa Ngayon pinapagalitan na ako ni Logreng sumasalangit nawa Ang kaniyang kaluluwa" wika nito habang nakatingala sa langit.

" Wala po yun  nanay gloria" wika ko sakaniya.

Niyakap niya naman ako at nakisali na din si Mesha.

" Bukas, tatawagin ko si Cosme at mag papaturo Tayo ng self defense" wika ni Nanay Gloria.

" Sige po, tama na ang pang aape na ito sawa na ako na laging umiiyak at sinasaktan ng iba simula Nung nasa labas palang ako ng kulungan Hanggang dito ba Naman sa loob ay sinasaktan parin ako ng ibang tao" wika ko sakanila habang malamig na nakatingin sa pader.

Hinawakan naman ni Nanay Gloria Ang ulo ko at ginulo ang buhok.

" Wag masyadong mag pagod at pahirapan Ang sarili Ang lagi mong isipin may dinadala kang Isang tao diyan sa loob ng tiyan mo" wika nito sakin.

Ngumiti Naman ako sakaniya at Hindi na umimik.

Nag Yaya naman si Mesha na pumunta na kami sa kwarto namin kinuha na rin daw ang katawan ni Nanay Logreng.

Umupo na kami sa kwarto namin at nakatngala sobrang tahimik ng paligid namin Ngayon Hindi kami kumpleto.

" Asan si Lolaaa!!" Bigla Naman kaming napatingin sa labas ng may lalaking sumigaw Mula sa labas.

" Huminahon po kayo sir" pag papahinahon sakaniya ng pulis.

" Paano ako hihinahon !! Anong klaseng presinto ito !!" Sigaw nito.

" Mga mahihirapan lang kayo umalis kayo dito!!" Sigaw Ng isang babae na sa tingin ko ay may ranggo.

" Tsk. Kaya nga Wala kaming karapatan na magsalita, antayin niyo na maging abogado ako. Dahil Ako mismo Ang maniningil sa inyo!" Sambit nito habang nakatingin ng malamig.

Bigla Naman itong tumingin sa gawin namin.

" Sino si Agatha sa inyo?" Sambit nito agad naman akong tumayo.

Tiningnan lamang Niya ako Mula ulo Hanggang paa tiyaka umalis.

Hinayaan ko na lamang dahil alam ko masakit pa sakaniya Ang mga pangyayari.

Bumuntong hininga na lamang ako Bago ako umupo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status