Share

CHAPTER 3: HER TRAINING

Halos mayupi ang upuan Nung sinuntok ni cosme ng buong lakas, nagtinginan na lamang kaming tatlo at napapikit nalang ako pag sinusuntok at sinisipa Niya Ang mga bagay na nasa harapan niya.

" Okay ba?" Sambit nito habang nakangiti sakin, napangiti na lamang ako ng pilit sakaniya.

" Cosme, gusto naming mag paturo" wika ni Nanay Gloria sakaniya.

" Gloria...noon paman gusto na kitang turuan Kasama si logreng kayo Kasi aayaw ayaw pa kayo tingnan mo anong nangyayari ngayon kung sana sumunod kayo sakin edi sana hindi na tege yang si logreng Ngayon" wika nito Kay Nanay Gloria.

Hindi nalang umimik si nanay dahil mahirap na makipag sagutan sa ganito malaking tao.

" Ikaw Diba Yung buntis na baguhan dito, Yung laging pinagdidisketahan ni Luciana" wika ni cosme sakin.

Tumango na lamang ako bilang sagot sakaniya.

"OO" sambit ko.

" Yang si Luciana ako din Ang nagturo diyan, Yun nga lang Nung naturuan na at nag karoon na ng kasalanan ginamit Naman sa masama" wika nito.

" Ikaw anong balak mo pag naturuan na Kita sa mga galaw at Sila na Hindi ko itinuro sa kahit na sino kailanman" wika nito sakin.

" Para protektahan Ang mga taong nakapaligid sakin" wika ko sakaniya seryuso akong nakatingin sa mga mata niya kaya ngumiti naman ito.

" Ganiyan nga, Tara mag simula na tayo" wika nito at nag tungo ito sa likod at may kinuha.

Dali dali naman akong sumilip kung ano bang kinukuha Niya sa likuran.

" Boss Cosme tulungan kana namin" wika naman ng mga kasamahan Niya wari ko ay mga na bartolina iyo dahil sa katigasan ng ulo Nila.

" Tss, mag si agos Naman kayo ano ganiyan nalang kayo? Laging nababartolina?" Sambit nito sa mga kasamahan Niya habang nakataas ang kaniyang kilay.

" Pasensya na boss, eh napa away lang bastos Kasi Ang mga Yun pinagtanggol lang namin ang iilang mga babae na Hindi dapat binabastos" wika naman ng Kasama niyang kalbo.

" Mga matitino itong mga to, sa selda tres" wika naman ni Nanay Gloria sakin.

Tumango nalang ako bilang tugon sa sinabi niya sakin.

Maya Maya pa bigla nalang inilatag ni cosme Ang mga Gamit niya.

" Dito! Dito Tayo mag sisimula" wika nito habang tinuturo ang isang punching bag.

" Sino sila ?" Tanong Naman ng Isang may katandaan na lalaki. Inuubo ubo pa ito.

"Mga bagong studyante ni Boss mang ador" wika naman Nung kalbo tinulungan Niya na din si cosme na magbuhat ng mga gamit.

" Ayy ganun ba, anong pangalan mo iha parang Bago lang ata Kita nakita dito?" Tanong niya.

" Agatha po" wika ko sakaniya.

" Buntis po Siya" sambit Naman ni mesha.

" Naku napaka delikado, wag mong bibiglain Ang katawan mo mahirap na at baka mawala Ang munting anghel diyan sa sinapupunan mo" wika nito sakin.

Tumango lamang ako at ngumiti sakaniya.

" Ang maipapayo ko sa iyo iha, wag kang Basta bastang mag titiwala sa mga nakapaligid sayo dahil Ang pinaka matalik na kaibigan mo ay Siya ring pinaka malakas na kaaway mo sa mundong ito" wika nito habang nakangiti at tatango tango pa.

" Naiintindihan ko po" wika ko sakaniya.

" Ano bang Kaso mo?" Tanong nito.

" Murder po napagbintangan lang po ako" wika ko.

Agad namang kumunot ang noo niya.

" Paanong Hindi mo naipaglaban Ang karapatan mo?" Wika niya sakin.

" Malakas po Ang kaaway ko mga mayayaman po sila, mga nasa elite squad kung Kilala mo po Ang mga Dawson sila po Ang kaaway ko" sambit nito.

Agad naman siyang tumingin sakin at nabigla sa sinabi ko.

" Iha, nanganganib ka pala, Isa rin ako noon sa mga tauhan nila at naipakulong nila ng MATAGAL dito" wika niya.

" Paano po nakapatay po ba kayo?" Tanong ko sakaniya.

" Isa akong gwardiya sa Mansion ng Dawson, Nung may nag reklamo na mga tauhan niya sa kompanya Ako Ang naatasang bumugaw ng mga tao Niya. Nung Hindi ko na mapigilan ay tinawag ko Naman si senior Dawson binaril Niya Ang tatlong tauhan at saakin binintang lahat kapalit nun ay ang kalayaan ng pamilya ko, kaya nanahimik na lamang ako" wika nito sakin.

Agad naman akong napatingin sakaniya, nakakaawa Siya halos buong buhay Niya ay dito Niya na sinayang sa loob ng kulungan. Napahayop ng mga Yun ano bang klaseng nilalang sila at nagawa nila ang mga bagay na iyon.

" Sa mundong to Agatha, Pera Ang mas makapangyarihan kaya nilang bilhin Ang mga tao at kaya nilang bilhin Ang boses ng tao" wika pa nito.

" Mang ador...hihiramin ko na muna si Agatha at mag sasanay na Siya" sambit ni cosme.

" Wag mong pagurin Yan buntis pa Naman " sambit Naman ni Mang ador Kay Cosme.

Sumaludo Naman ito sakaniya saka ito tumalikod, nag paalam lamang ako at agad agad na sumusunod Kay cosme.

" Sige mag suoy kana ng gloves para Hindi masyadong masakit Ang kamay mo pag sumuntok ka " sambit nito.

Tumango Naman ako at agad na ito isinuot. Ng maisuot ko na ito ay agad naman akong pumwesto sa harap ng punching bag.

Hinawakan Niya naman Ang ulo ko at ipinatingin sa punching bag.

" Isipin mo na kaaway mo Ang nasa harapan mo" wika nito.

Bigla ko namang nakita si Troy na nasa harapan ko, si senior Dawson at si Farah nakita ko din Ang mommy at daddy ko.

Bigla namang tumulo ang luha ko ng maalala ko na Naman Ang mga nangyari sakin.

" Agatha kailangan mong tagagan Ang loob mo, wag kang maging mahina"sambit nito.

Agad ko namang pinunasan ang luha ko at Galit na tiningnan ang punching bag pumikit muna ako at inaalala ang mga sinabi nila na masasakit, Yung mga panahong para lamang akong ginawang laruan ni troy at Nung mga panahong ginamit ako pambayad utang ng mga adopted parents ko.

Nanginginig ako ng dahil sa sobrang Galit.

" Ganiyan nga Agatha!! Ibuhos mo lahat ng Galit mo!!" Sigaw nito.

Agad naman akong nagpakawala ng malakas na suntok, at sunod sunod pa nasuntok na para bang wala ng katapusan Ang pag susuntok ko sa punching bag.

Umiiyak na ako at sumisigaw habang sinusuntok Ang punching bag, Wala na akong pakealam.

Ng naramdaman ko na ,na medyo namanhid na ang mga kamay ko tiyaka ko lang tinigilan Ang susuntok at napaupo nalang.

Tagaktak Ang pawis ko, bigla nalang ako napalingon sa likod ko ng pumalakpak Sila sakin na para bang malaking achievement Ang pag suntok ko sa punching bag ng walang tigil.

" Magaling,magaling" sambit nito sakin.

Agad naman akong napatingin sa punching bag na halos mawasak na.

" Hala pasensya na" sambit ko at tumayo nalang agad agad at humingi ng patawad dahil sa pagsira ng punching bag.

" Okay lang, marami pa sa likod gusto mo pa bang manira ng Isa pa?" Sambit nito.

Umiling naman ako.

" Boy!!" Sigaw ni Cosme at lumabas naman agad agad Ang kalbo na tauhan niya.

" Ano po yan kamahalan" wika nito Kay cosme.

" Kunin mo Ang dalawang punching bag magsasanay pa si Gloria at Mesha" wika nito.

" Asan na ba ang punchi-" di na niya natapos ang sinabi niya ng makita niya ang nangyari sa punching bag .

" S-sinong may gawa niyan?" Tanong nito Kay cosme.

" Ayan oh yang buntis na yan " sambit Naman nito habang natatawa .

" Grabe Ang tindi" wika nalang Niya at agad agad na kinuha ito at tiningnang mabuti.

" Yung Ako Ang nagsanay halos Hindi ko nga mayupi ito tapos Siya ganito Ang inabot ng punching bag na ito?" Wika naman niya.

Bigla namang pumasok si mang ador at tiningnan ang punching bag at Yung mga kasamahan din nila sa selda tres at nakatingin narin.

" Akalain mo Yun sobrang lakas pala ng buntis na ito" wika niya.

" Buntis yang si tisay" sambit mama ng lalaking mahaba Ang buhok.

" OO" malamig na tugon ni mang ador agad namang yumuko Ang lalaki at Hindi na nagtangkang mag salita pa dahil sa nakakamatay na tingin ni mang ador sakaniya.

" Sobrang na love at first sight ka Naman ata mang ador Kay tisay" tatawang sambit ng lalaking payat Kay mang ador.

Tumigil naman siya ng bigla itong nakatanggap ng batok Kay mang ador.

" Irespeto niyo si Agatha dahil mas malakas Ang kalaban Niya kesa sa inyo" wika nito.

" Bakit Yung mga tate ba Ang kalaban Niya o Isa sa mga elite squad ? Yung mga Dawson ba ?" Sambit naman ng lalaking Mahaba Ang buhok.

" Yun lang ang rerespetohin namin dahil alam naming biktima Sila" wika ng payat na lalaki.

" Mga Dawson Ang kalaban Niya" wika naman ni Mang ador.

Hindi ko sinabing Isa akong Dawson , fake na Dawson dahil kung gagawin ko Yun talagang marami akong makakalaban dito sa loob ng selda.

" Nakakapagod na po" reklamo ni mesha.

" Ikaw mesha pag butihin mo Yan baka ibenta ka na naman ng Selda singko gusto mo ba yan?" Sambit ni mang ador sakaniya.

Iiling iling naman si Mesha at agad na sumuntok sa punching bag.

" Gloria, pag butihin mo Yan " sambit Naman niya Kay Nanay Gloria ngumiti nalang si Nanay Bilang tugon.

" Ayieee, crush ka Po ni Mang ador!" Sambit ng loko Loko na si Gustavo Yung payat na lalaki.

"Manahimik kayo!" Sambit Naman ni mang ador habang may ngiti sa mga labi niya.

" Aba mang ador ngumingiti ka ah" wika naman ng mga Loko Loko na ito habang tinutukso si mang ador .

Paalis na sila at kami nalang Ang naiwan dito.

" Kakain na, itigil niyo na yan magpahinga na muna kayo at gumising kayo ng maaga bukas dahil simula na ng pag sasanay niyo Yung totoong pag sasanay" wika naman ni Cosme.

Tumango na Lang ako ngumiti sakaniya, nag ayos lamang kami at umalis na sa selda tres.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status