FREY
HINDI ko kailangan ang kahit na sino. Sinasabi ko 'yon sa sarili ko habang inililigpit ang personal kong gamit sa resthouse. Nasa bag ko ang passbook kung saan naka-deposit ang 7 milyong piso sa unang beses na may nangyari sa aming dalawa. At para akong sinusunog nang buhay dahil sa pagmamadali. Tumatakas ako sa anino ni Dark. Sa pakiramdam na nag aalala ako sa kanya mula nang umalis siya kanina. Mas tumitindi iyon habang nag iisip ako kung ano na ang nangyari sa kanya. Malakas din ang kutob ko na hindi na niya ako babalikan kaya uunahan ko na siya. Napakagulo ng isip ko. Gaano ba kahirap na tawagan ako sa phone at sabihing tapos na kaming maglaro dahil nabisto na kami ng nanay niya? Miserable ang puso ko at ayoko nito. "Hi." Muntik na akong mapalundag sa gulat. May babae sa likuran ko at napakaganda. Ni hindi ko napansin dahil marami akong iniisip. Matangkad ito at mukhang mayaman. Ang ere na nakikita ko ay exceptional. Nasa ilalim ng cardigan ang contrast trim-top at perpekto rin ang puting white pants. Wala siyang alahas maliban sa stud diamond earrings na siguro ay milyon ang halaga. Girlfriend ni Dark? Akala ko ba wala pang ibang tao ang nakakatapak sa bahay niya? Nagsinungaling ba siya sa akin? Ayokong magselos pero naiinis ako. Humakbang siya palapit sa akin. Sa kilos na gaya ng isang kakilala ko, si Anna Medrano. Yong nagliliwanag ang ngiti pero papatayin ka pala. "Sino ka?" matapang ang boses ko dahil sandata ko 'yon. Nakahanda akong dumipensa kung kinakailangan. "'Nothing to worry about. I wouldn't bite," naupo siya sa kama kung saan ako pinaligaya ni Dark ng halos isang linggo. "No wonder, gustong gusto ka ni kuya. Hindi ka lang maganda, matapang pa. You see, walang lugar sa pamilya namin ang mga disney princess. And I am not an exeption." "K-kapatid ka ni Dark?" "Lumipad ako papunta dito dahil nag aalala si kuya sa 'yo. Sorry sa ginawa ng mama ko. Frankly speaking, ganon siya sa lahat kahit sa akin. Mga puppet niya kaming lahat at wala kaming magawa laban sa kanya dahil nanay namin siya." "Ano bang..." "Kung gusto mo ang kuya ko, kailangan mong---" "May sarili akong buhay," putol ko sa iba pa niyang sasabihin. Dumidilim ang isip ko sa mga naririnig ko sa kanya. "Tanggap ko na ganito kami magtatapos sa simula pa lang." "Sayang naman," nag krus ang mga braso niya sa tapat ng dibdib. "Kasi kung ayaw mo sa kanya sayang din itong bahay. Ang sabi niya noon, ang babaing gusto niyang maging ina ng mga anak niya sa future ang nag iisang makakatapak dito." Pakiramdam ko nagsasabi siya nang totoo. "Hindi naman sa pagyayabang, one in a million na ang gaya ng kuya ko. Ibang magmahal si Dark. Hahabulin ka niya saan mang sulok ng mundo." "Salamat na lang," hiningal ako sa mga pangakong parang totoo. May mga gabing wala sa sarili si Dark at naririnig ko rin 'yon. Pero sino ba ako para maniwala? At ano naman kung sa tingin niya ay pasado akong maging ina ng anak niya? Ni hindi nga ako nag iisip na posible pa akong magkapamilya. Kalokohan 'yon. Si mama, bago pakasalan ni Ray ay ganoon din mangako. Sa harap ko pa. At parang totoong pagmamahal ang nakikita ko noon. Nang magkaproblema kami sa pera, bigla na lang nagbago ang lahat. Kahit ako ipinagbili sa kumpare niyon. Mabuti na lang hindi masamang tao ang lalaking iyon, si David. Tinulungan kami ni mama na makaraos pa ng ilang buwan gamit ang sariling pera niyon na walang kapalit. Wala na yata akong kakayahang magtiwala. Nakakatakot sa mundo. Nakakatakot ang mga tao. Nakakatakot kahit ang magtiwala sa nararamdaman ko. At hindi ako susugal sa tulad ni Dark na marami ring sariling laban sa buhay. Isinara ko ang maleta. "Pakisabi, huwag na niya akong guguluhin." Nagbuntong hininga na lang ang babae na hindi ko na itinanong ang pangalan. Sinundan niya ako pababa ng bahay. Sa garahe na ng bahay ko nalaman na wala nga pala akong ibang masasakyan paalis doon. Nilunok ko na lang ang pride ko nang ipagbukas ako ng pintuan ng kotse ng kapatid ni Dark. At para maputol na nang tuluyan ang lahat sa amin ni Dark, nagsuot ako ng madilim na rayban at nagkunwaring matutulog. "Saan kita ihahatid?" "Ibaba mo na lang ako sa bayan. Bahala na ako sa sarili ko." "Okay." At kasabay nang pagpikit ko, gusto ko sanang itapon sa labas ang utak ko. Ang puso ko. Ayoko na ng masakit. Pero makakalimutan ko kaya ang taong ang pagkagusto sa akin ay parang nababaliw?FREY POV: Walang palantandaan na matatanggap ako ng nanay niya. Pero hindi na yon mahalaga. Tinuruan ko na rin ang sarili ko na huwag maapektuhan, araw-arawin man nila ang magpa-presscon sa TV kung sino ang nararapat na babae sa anak niya. Dahil alam na alam ko ang totoo: Ako yon at wala nang iba. Siguro, nalaman din nila na ako ang tipong hindi basta puedeng tapakan at may tapang din naman dahil nagawa kong ituloy ang shop kahit na para sa marami ay malas. Marami kasing dugo ang bumuhos doon. Pero naging inspirasyon ko uli ang tapang ni Anna. Kung kaya nitong matulog sa katabi ang bangkay, kaya ko ring harapin ang mga pagsubok sa buhay ko sa sarili kong paraan. Magiging matapang ako para ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Dark. Kailan lang, nakaharap ko rin ng personal si Roxanne sa loob ng shop ko, pero siya rin ang nagpatunay sa akin na walang namamagitan sa kanila ni Dark dahil sa nakita kong matinding selos niya sa akin sa puntong gusto na akong saktan, pero sa huli, umali
FREY POV:Pagkagaling sa isla, kusa akong nagpunta sa police station para magbigay ng statement sa nangyari kay Ray.Pero bago pa ako makarating sa opisina, sinabulong na ako ng Senior Detective na may hawak ng kaso sa hallway pa lang at iginiya ako palabas ng building.“Closed case na ang kaso, ma’am.” Matangkad, nasa late 50’s at mabait ang mga mata ng lalaking tinitingala ko. “Inayos na lahat ng boyfriend mo. At may naiwan pa pala siyang sobrang sukli kasi nagpa-merienda siya sa buong team.” Iniabot niya sa akin ang puting sobre na nakasarado. “Pakibigay na lang po, Ma’am. At pakisabi na maraming salamat.”“Okay. Makakarating.”Kaya ko nang hulaan ang nangyari. Mahusay talagang negosyante si Dark, wala na akong masasabi.Pina-plantsa niya ang lahat ng gusot para wala na akong ibang alalahanin pa.Dumeretso ako sa shop, at inabutan ko doon ang isang cleaning team na ipinadala ni Dark.At may bago na naman akong tauhan galing sa isla:Sina Astrid, Nandi at bagong platero, si Regan.
FREY POV: IPINAGLABAN ko rin noon ang tahimik na lamay ng nanay ko sa buong linggo hindi lang noong unang araw na nagwala ako. Na naging napakahirap. Bawat araw nagwawala ako para walang tao na pumunta at matakasan ang pagpaparinig nila sa akin na wala akong kuwenta. Pero pagdating ng kinabukasan, mas marami sila. May mga sasakyan. May mga kaya. Dala nila ang galit sa akin na hindi ko maintindihan.Ako nga raw pala yong babae sa mga larawan.Na wala akong maisagot kundi galit dahil wala akong makitang kasalanan ko kung may mga pictures nga ako na kumakalat kung saan saan. Anong klase ba yon at nagagawa nila akong husgahan at alipustain?Sa huling lamay, dala ng matinding galit, binubusan ko na ng gasolina ang sarili ko at kabaong ng nanay ko, at talagang sisindihan ko mawala na lang kami ng nanay ko nang magkasama. Kung hindi kay Logan na bigla akong niyakap habang hawak ko na ang posporo, sigurado akong noon pa lang patay na ako.Napakasama sa akin ng mundo pero nang makilala ko s
FREY POV: NAGISING ako sa aroma ng mabangong niluluto ni Dark mula sa kitchen kinabukasan. Kaya kahit masakit ang ulo ko at gusto ko pang matulog, bumangon ako at sinundan ko ang amoy niyon.Nahulaan ko agad ang tinolang manok na itinuturing kong comfort food kapag masama ang pakiramdam ko dahil sa healing properties ng luya para sa inflammation.Alam niyang pagod ako sa kaiiyak kaya natatandaan niya siguro dahil minsan kaming naghanap ng putaheng ito nang sobrang pagod ko sa trabaho.Napakamaalalahanin ni Dark sa napakaraming bagay. Perpektong nobyo para sa akin.“Hindi ka papasok?” Suot na naman niya ang apron na may anime design na nakita ko rin sa beach house dati. Iba lang ang kulay.May jeans pattern ng teady bear at korning bulaklak ng sunflower.Malayo sa kanyang personalidad kaya lagi kong napapansin na parang kakaiba yon para sa kanya.Nilingon niya ako, pinagmasdan akong maglakad palapit sa kanya, puno ng pagmamahal at paghanga. Walang bakas na may kailangan kaming pag u
FREY POV:Sa loob at labas ng shop nagkakaingay ang mga taong dinadaanan namin at may mga nagsisigawan dahil sa takot. At sa malabo kong isip, nadaanan ng mga mata ko ang nakahandusay na mga bangkay sa loob at labas ng tindahan.Nasa sampung katawan. Maraming dugo sa hagdan, at may mga talsik hanggang sa pintuang salamin kung saan kami dadaan.“Huwag kang tumingin,” si Dark na kinabig ako para itago sa loob ng kanyang coat.Hinarang kami ng hepe ng pulis, sa likuran nito ay marami pang pulis at imbestigador.“Magbibigay kami ng statement at tutulong kami sa imbestigasyon,” si Dark na sandaling huminto. “Pero hindi ngayon. Under shocked pa ang girlfriend ko. Hayaan ninyo akong tulungan kayo sa ibang paraan maliban dito.”Naiuwi niya ako nang bahay at saka ko lang nagawang umiyak.Hindi ko makalimutan ang matinding takot ko nang matitigan ko uli ang mga mata ni Ray at ang mga mukha ng mga lalaking wala ng buhay sa loob at labas ng shop ko.At ang mga dugo sa paanan ko galing sa katawan
FREY POV:Hindi.Si Ray at ang lalaking ito ay iisa ng mata at pareho silang tumingin!Nangatal ako buong katawan, hindi na ako humihinga. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ko maramdaman ang tuhod ko. Ginusto kong tumakas, alam ng mga paa ko ang daan palabas pero sinalubong niya agad ako sa isang hakbang lang at sinakal ako paatras sa metal rack:“Ah, Frey,” dinukot niya ang baril sa likuran at kalmadong idinampi sa pisngi ko. Ipinaalala sa akin ang amoy ng bakal at nakakapangilong lamig ng pamilyar na armas kapag pinapasok niya ako sa silid ko noon bago mas-masturbate sa harap ko. “Sabihin mo, na-miss mo ba ako?”“R-Ray?”Boses niya ang naririnig ko pero paanong—?Idinikit niya sa botones ng blusa ko ang dulo ng baril, pinakawalan ako. “Maghubad ka, madali!” Umatras siya sa sofa na malayo sa akin at gusto yata uli akong panoorin.FREY POV: Iniwan na ako ng sentido-kumon at hindi na ako nag-iisip. Matigas na ako sa takot dahil nasa loob na ako ng madilim kong isip at kasama kong