FREY (flashback)
"MAY boyfriend ka na ba?" Nakatayo ako sa harap ni Dark Samaniego dahil ipinatawag niya ako. Ako na sa dinami-dami ng mahuhusay na tauhan ng Samaniego Corporation ay halos saling pusa lang naman dito. Dati, tuwing sabado lumalabas ako para makipagdate kay James, supervisor ng isang departamento dito. Isang reyalidad na kapag mahirap ka, kailangan mo pa ng koneksyon sa mga bagay na gusto mong malaman. Pero nakakapagtaka na sa tuwing isinisingit ko ang tungkol sa agenda ko, iniiwasan ni James. Kailangan ko lang naman ng impormasyon kung nasaan ang step father ko na ang huli kong balita ay share holder sa kumpanyang ito. Info verification pa lang pahirapan na porke wala akong pera. At dahil wala na akong maisip na paraan, pumasok akong assistant to the secretary na ang totoo ay tagatimpla lang ng kape at errand girl. "Narito po ako para magtrabaho, sir. Walang kinalaman ang personal kong buhay." "Its part of the job. Hindi ito personal. Kailangan ko kasi ng pansamantalang secretary dahil naka leave ang secretary ko. Mangangak siya ngayong linggo." Tumaas ang kilay ko. Sa dami ng milyones niya puede siyang mag hire ng mas qualified. "Bakit po ako? Wala akong alam sa trabaho ng isang secretary to the CEO. Wala rin akong communication skills at hindi sapat ang panahon para sa training na kailangan ko kung agad agad." "Naihanda na niya ang lahat bago umalis. I just need someone who isn't tied to her personal life dahil kapag weekends kailangan ko ng kasama." "Pero----" "I can double your salary. Or you can name your price." Umawang ang bibig ko para muling sumara. Naalala ko ang sinabi ng ilang co-worker na madalas nakatitig sa akin ang lalaking ito sa tuwing nasa station ako. At hindi ko lang pinapansin ilang buwan ko nang nararamdaman na pinagmamasdan nga niya ako basta may pagkakataon. Mga pagkakataon na ilang beses nang naglagay sa akin sa pangit na sitwasyon. Na-bully ako sa ladies' room, sa canteen at kahit noong nasa nesting period ako bilang utusan ng secretary niya. Kung hindi mabait sa akin si Leila, ang personal secretary niya baka hindi na rin ako pumasok pa. "Sorry pero hindi po ako intresado, Sir." Hindi ko na rin sasabihin na nakita ko siya kahapon na binuhusan ng isang babae ng tubig sa mukha dahil cheater. Nag eskandalo pa nga ang pobre habang umiiyak dahil nahuli siya sa akto na may iba pang ka-date. Hudas. Wala sa bokabularyo ko na sayangin ang buhay ko dahil hindi ako pusa na may siyam na buhay. "Okay." Nabasa niya siguro sa mukha ko na walang patutunguhan ang pag uusap namin kaya dumukot na lang ng calling card at iniabot sa akin. "Give me a call sakaling magbago ang isip mo. O baka magbago na ngayon pa lang kung sasabihin kong sayang ang 100 thousand pesos per month na salary kung tatanggapin mo ito." Halos mapanganga ako. "Ganon kalaki? Ano ba ang gagawin ko, magbebenta ng drugs?" matalim talaga ang bibig ko dahil siguro ay wala akong amo sa matagal na panahon. Kinikita ko rin sa online store ng alahas ang ano mang kailangan ko. Isa yong cooperative sa loob ng isla. At kung kaya ko nga lang magbayad ng private investigator, wala ako dito ngayon. Nanghinayang ako sa lalaking kaharap ko. May sira yata sa ulo. Sayang dahil parang dios kahit nakaupo. Matikas, matipuno, lalaking lalaki at napakabango kahit malayo ako. Sa loob ng mamahaling suit, sigurado na ako walang tipak ng taba sa katawan. At ang mukha, sabi nga ng iba, kanin na lang ang kulang. Magfi-fiesta ang mga sculptor sa prominenteng hugis ng panga na sa Gradiator movies ko lang naaalala. Ito yong tipo na kahit makalbo sa future, masarap pa ring titigan at masarap kasama sa panaginip mo. Yon lang, may hangin sa utak. Humalakhak ang guwapong impakto. Nag flash sa mata ko ang pantay pantay at nakakasilaw na ngipin. Mahihiya ang model ng toothpaste sa mga TV commercials. At oo, sa dami pa ng katangian niya, ayoko nang isa-isahin. Wala akong pakialam. "Mas mabigat sa trabahong yan ang mag stay at makasama ang pamilya ko kapag weekend. Why would I spend my fortune concealing my family secrets if it is not a big deal?" Bakit ba nag uusap kami na parang magkakilala? "I agree. Pero mas maiintindihan ko siguro kung bibigyan mo ako ng idea." Walang dumaan na pagtatalo sa isip niya. "Bawal ang may kapintasan sa pamilya ko. And you are fit for the job dahil...maganda ka. Sexy at bata," ayokong maging exaggerated pero hinihingal siya habang sinasabi ang mga 'yon na mas nagpailang sa akin. "Ligtas ka sa mga aatake sa akin maliban sa mama ko. Wala ka namang kailangang gawin kundi manatiling maganda at matapang." Paano niya naman nalaman na matapang ako? Sinagot niya ang tanong na dumaan sa mata ko. "Mas madali siguro kitang nakukumbinsi kung bibisita ka sa Rainbow City." Sapat na yon para mayanig niya ako ng todo. Sa halos sampung taon ko sa lungsod, wala pang nakakaalam sa ikalawang tahanan ko. Krimen ang malaman 'yon ng iba. Ang pagkamangha ko habang nakatitig sa kanya ang nagsabi na higit sa sinabi niya ang nalalaman niya. At oo, kasalanan ko na rin dahil sa ekspresyon ko ngayon nakasulat na sa noo ko ang mas maraming bagay. Pagtakas lang ang una kong naisip gawin. Tinalikuran ko siya at nagmartsa ako palabas. Sana. Pero nahuli niya ako sa pulso, at nagawa niya akong ipihit paharap sa kanya. "Huwag mo akong takasan, Frey."FREY POV: Walang palantandaan na matatanggap ako ng nanay niya. Pero hindi na yon mahalaga. Tinuruan ko na rin ang sarili ko na huwag maapektuhan, araw-arawin man nila ang magpa-presscon sa TV kung sino ang nararapat na babae sa anak niya. Dahil alam na alam ko ang totoo: Ako yon at wala nang iba. Siguro, nalaman din nila na ako ang tipong hindi basta puedeng tapakan at may tapang din naman dahil nagawa kong ituloy ang shop kahit na para sa marami ay malas. Marami kasing dugo ang bumuhos doon. Pero naging inspirasyon ko uli ang tapang ni Anna. Kung kaya nitong matulog sa katabi ang bangkay, kaya ko ring harapin ang mga pagsubok sa buhay ko sa sarili kong paraan. Magiging matapang ako para ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Dark. Kailan lang, nakaharap ko rin ng personal si Roxanne sa loob ng shop ko, pero siya rin ang nagpatunay sa akin na walang namamagitan sa kanila ni Dark dahil sa nakita kong matinding selos niya sa akin sa puntong gusto na akong saktan, pero sa huli, umali
FREY POV:Pagkagaling sa isla, kusa akong nagpunta sa police station para magbigay ng statement sa nangyari kay Ray.Pero bago pa ako makarating sa opisina, sinabulong na ako ng Senior Detective na may hawak ng kaso sa hallway pa lang at iginiya ako palabas ng building.“Closed case na ang kaso, ma’am.” Matangkad, nasa late 50’s at mabait ang mga mata ng lalaking tinitingala ko. “Inayos na lahat ng boyfriend mo. At may naiwan pa pala siyang sobrang sukli kasi nagpa-merienda siya sa buong team.” Iniabot niya sa akin ang puting sobre na nakasarado. “Pakibigay na lang po, Ma’am. At pakisabi na maraming salamat.”“Okay. Makakarating.”Kaya ko nang hulaan ang nangyari. Mahusay talagang negosyante si Dark, wala na akong masasabi.Pina-plantsa niya ang lahat ng gusot para wala na akong ibang alalahanin pa.Dumeretso ako sa shop, at inabutan ko doon ang isang cleaning team na ipinadala ni Dark.At may bago na naman akong tauhan galing sa isla:Sina Astrid, Nandi at bagong platero, si Regan.
FREY POV: IPINAGLABAN ko rin noon ang tahimik na lamay ng nanay ko sa buong linggo hindi lang noong unang araw na nagwala ako. Na naging napakahirap. Bawat araw nagwawala ako para walang tao na pumunta at matakasan ang pagpaparinig nila sa akin na wala akong kuwenta. Pero pagdating ng kinabukasan, mas marami sila. May mga sasakyan. May mga kaya. Dala nila ang galit sa akin na hindi ko maintindihan.Ako nga raw pala yong babae sa mga larawan.Na wala akong maisagot kundi galit dahil wala akong makitang kasalanan ko kung may mga pictures nga ako na kumakalat kung saan saan. Anong klase ba yon at nagagawa nila akong husgahan at alipustain?Sa huling lamay, dala ng matinding galit, binubusan ko na ng gasolina ang sarili ko at kabaong ng nanay ko, at talagang sisindihan ko mawala na lang kami ng nanay ko nang magkasama. Kung hindi kay Logan na bigla akong niyakap habang hawak ko na ang posporo, sigurado akong noon pa lang patay na ako.Napakasama sa akin ng mundo pero nang makilala ko s
FREY POV: NAGISING ako sa aroma ng mabangong niluluto ni Dark mula sa kitchen kinabukasan. Kaya kahit masakit ang ulo ko at gusto ko pang matulog, bumangon ako at sinundan ko ang amoy niyon.Nahulaan ko agad ang tinolang manok na itinuturing kong comfort food kapag masama ang pakiramdam ko dahil sa healing properties ng luya para sa inflammation.Alam niyang pagod ako sa kaiiyak kaya natatandaan niya siguro dahil minsan kaming naghanap ng putaheng ito nang sobrang pagod ko sa trabaho.Napakamaalalahanin ni Dark sa napakaraming bagay. Perpektong nobyo para sa akin.“Hindi ka papasok?” Suot na naman niya ang apron na may anime design na nakita ko rin sa beach house dati. Iba lang ang kulay.May jeans pattern ng teady bear at korning bulaklak ng sunflower.Malayo sa kanyang personalidad kaya lagi kong napapansin na parang kakaiba yon para sa kanya.Nilingon niya ako, pinagmasdan akong maglakad palapit sa kanya, puno ng pagmamahal at paghanga. Walang bakas na may kailangan kaming pag u
FREY POV:Sa loob at labas ng shop nagkakaingay ang mga taong dinadaanan namin at may mga nagsisigawan dahil sa takot. At sa malabo kong isip, nadaanan ng mga mata ko ang nakahandusay na mga bangkay sa loob at labas ng tindahan.Nasa sampung katawan. Maraming dugo sa hagdan, at may mga talsik hanggang sa pintuang salamin kung saan kami dadaan.“Huwag kang tumingin,” si Dark na kinabig ako para itago sa loob ng kanyang coat.Hinarang kami ng hepe ng pulis, sa likuran nito ay marami pang pulis at imbestigador.“Magbibigay kami ng statement at tutulong kami sa imbestigasyon,” si Dark na sandaling huminto. “Pero hindi ngayon. Under shocked pa ang girlfriend ko. Hayaan ninyo akong tulungan kayo sa ibang paraan maliban dito.”Naiuwi niya ako nang bahay at saka ko lang nagawang umiyak.Hindi ko makalimutan ang matinding takot ko nang matitigan ko uli ang mga mata ni Ray at ang mga mukha ng mga lalaking wala ng buhay sa loob at labas ng shop ko.At ang mga dugo sa paanan ko galing sa katawan
FREY POV:Hindi.Si Ray at ang lalaking ito ay iisa ng mata at pareho silang tumingin!Nangatal ako buong katawan, hindi na ako humihinga. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ko maramdaman ang tuhod ko. Ginusto kong tumakas, alam ng mga paa ko ang daan palabas pero sinalubong niya agad ako sa isang hakbang lang at sinakal ako paatras sa metal rack:“Ah, Frey,” dinukot niya ang baril sa likuran at kalmadong idinampi sa pisngi ko. Ipinaalala sa akin ang amoy ng bakal at nakakapangilong lamig ng pamilyar na armas kapag pinapasok niya ako sa silid ko noon bago mas-masturbate sa harap ko. “Sabihin mo, na-miss mo ba ako?”“R-Ray?”Boses niya ang naririnig ko pero paanong—?Idinikit niya sa botones ng blusa ko ang dulo ng baril, pinakawalan ako. “Maghubad ka, madali!” Umatras siya sa sofa na malayo sa akin at gusto yata uli akong panoorin.FREY POV: Iniwan na ako ng sentido-kumon at hindi na ako nag-iisip. Matigas na ako sa takot dahil nasa loob na ako ng madilim kong isip at kasama kong
FREY POV:DAHIL isinusuka ako ng mga tao sa San Ignacio at marami akong ginawang nakakahiyang bagay sa loob ng isang linggong lamay ng nanay ko, hanggang sa huling araw bago siya ilibing, natuto akong bumasa ng mga matang nakatitig sa akin, body language at kahit bugso ng kanilang mga hininga nang hindi sa kanila tumitingin ng direkta.Isama pa ang panghihiya na nararanasan ko bawat araw na nakikisalamuha ako sa ibang tao mula nang maging bahagi ng buhay namin si Ray at bago ang ikalawang atake sa puso ng nanay ko na kumitil sa buhay nito.Malandi.Baliw.Walang kuwentang babae.Hindi dapat pakasalan.Malas sa magiging asawa.Salot.Isang kahihiyan.Pokpok. At kung ano-ano pa.Ang pakiramdam na yon, bumabalik sa akin ngayong araw na ito.Ang kontratang nakuha ko ay nagkakahalaga ng 5 milyon. At dahil sa 24 karat yellow gold ang metal base at ready made na, ikakabit na lang ang swarovski crystals and precious gems na kayang tapusin ng isla ang total production sa loob lang ng limang
FREY POV: Naglagi ako sa itaas ng shop at hindi na ako nakababa. Nang kumalat ang dilim, hiningi ko kay Ruth ang dalawang bote ng soju niya na nasa ref sa loob mismo ng opisina ko. Alas siete ng gabi, nagchat ako kay Dark na gagabihin ako at huwag na niya akong sunduin dahil totoo rin namang overtime kaming lahat. Pero nagulat ako nang dumating siya sa rooptop at nakita akong umiinom, nagtatago sa mga kasama ko.Basa ako ng luha at namumula na ang mukha ko.Tensyonado siya, bukas ang ilang botones ng dress shirt at mabibilis ang mga hakbang palapit sa akin.“May problema, hindi ba?” Inagaw niya ang alak sa kamay ko na walang kahit anong pulutan.Binawi ko rin yon kaagad, nanginginig, ayoko siyang tingnan, pero mas malakas siya at ayaw niyang bitiwan ang hawak kong bote kung saan direkta akong umiinom."Palagi naman! Kailan ba wala?" Sinigawan ko siya dahil mas naging kawawa ako dahil nahuli niya akong nagmumukmok. Talunan. “Napanood mo yong sa TV news, tama?” Hinaklit niya ang b
FREY POV: KALOKOHAN.Ibinagsak ko ang report na galing sa Security Agency tungkol kay Ray. Wala raw makuhang latest information tungkol sa stepdad ko maliban sa mga personal informations na dati ko nang alam at hindi rin daw nila ito mahanap.O baka naman may taong tumutulong dito para magtago at takpan ang mga bakas nito?Imposible na wala sa report kahit ang naging kaugnayan nito sa Samaniego Corporation at ang naging address nito habang nasa Villasin.Nakaka-insulto yon dahil alam kong hindi nagsisinungaling sa akin si Catherine. Oo, mapaglaro ito, pero matatapatan mo ng pera ang bawat impormasyong pinakakawalan nito sa iba.Sa tingin ko nga, awa na lang para sa akin ang umiral kaya inambunan ako ni Catherine ng tungkol kay Ray.Alam nitong handa kong ibenta ang kaluluwa ko sa demonyo, makaganti lang ako.Na sa ngayon, hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko.Bawat sandaling nagiging maligaya ako sa piling ni Dark, bumibitaw ako sa nakaraan at parang gusto ko nang mangarap ng pa