"Patawad po sa iginawi ko kanina, Nana Adela. Alam ko na hindi ko dapat sinagot-sagot kanina ang girlfriend ni Mister Ramsel at pati na rin siya. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko," paghingi ng paumanhin ni Danielle nang wala na sina Lucy at Rafael. Inihatid nang huli ang una. Nagtatatalak na kasi si Lucy nang hindi siya tuluyang inalis sa kanyang trabaho ni Drewner dahil sa anak nito. "I'm sorry din, Dani. Pati ikaw nadamay sa kamalditahan ng babaeng iyon," baling nsman niya sa kanyang anak na hindi pa niya nabibihisan.
"Bakit ka naman humihingi ng paumahin. Danielle? Mabuti nga at pinatulan mo ang babaeng iyon. Ku, mataga na akong nagtitiis sa babaeng iyan na akala mo kung sino," naiinis na sagot ni Nana Adela. Halatado sa mukha nito ang pagkainis samantalang kanina ay itinatago nito ang nararamdaman.
"Oo nga, Danielle. Ang galing mo. Ang tapang mo kanina. Kung kami iyon ni Liz ayPakiramdam ni Danielle ay biglang nanlamig ang buo niyang katawan nang mapagtanto niya kung ano ang nangyari. Pinadukot at pinapatay siya ni Lucy pagkatapos ay pinalabas na namatay silang dalawa ng kanyang anak sa aksidente ngunit ang totoo ay kinuha pala nito ang kanyang anak at dinala kay Drewner. Ginamit nito si Denise para magkaroon ng utang-na-loob dito si Drewner. Hindi niya alam kung paano natuklasan ng kanyang pinsan ang pagkakatoon niya ng anak. At alam kaya nito na hindi lang isa ang naging anak nila ni Drewner kundi dalawa?Paano nagawa ni Lucy sa kanya ang ganito kasamang bagay? Wala siyang ipinakitang hindi magandang ugali rito noon. Maganda ang pakikitungo niya at nang kanyang mga magulang dito pati na rin sa ama nitong sugarol. Talaga bang sukdulan ang galit nito sa kanya para magawa ang hindi makataong ginawa nito sa kanya? O baka sukdulan ang inggit nito sa kanya na umabot sa pagpatay sa kanya?"N
Nakasuot ng kanyang nighties at naghahanda na sa pagtulog si Danielle nang walang ano-ano ay biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kuwarto na nakalimutan pala niyang i-lock. Bumungad sa kanya ang galit na mukha ni Drewner. Sa pagkabigla ay hindi agad siya nakagalaw para pagtakpan sa mga mata nito ang halos hubad niyang katawan. Nang makabawi siya sa pagkabigla ay agad niyang hinagilap ang kanyang kumot at ibinalabal sa katawan niya bago galit na sinita ang lalaki na tila nabigla rin sa nakitang kagandahan ng mga mata nito."Bastos! Ganyan ka ba talaga, Mister Ramsel? Basta na lamang pumapasok sa loob ng kuwarto ng iyong mga kasambahay?" galit niyang sita rito. Tinapunan niya ito ng nakamamatay na tingin. Kahit alam niyang wala itong kasalanan ay hindi pa rin niya itong lubusang napapatawad sa hindi nito pagsipot sa araw ng kasal nila. Masyadong masakit at sobrang kahihiyan ang inabot niya nang araw na iyon para mapataw
"And they lived happily ever after,"nakangiting pagtatapos ni Danielle sa kuwentong binabasa niya sa kay Dani habang nasa sala. Nakaupo siya sa sofa habang nakahiga naman sa mga hita niya ang kanyang anak at nakikinig sa kuwento ng fairy tale story na Snow White. Si Nana Adela naman ay nakangiti habang nakaupo sa mesa at nakikipakinig sa binabasa niyang kuwento. Natutuwa itong makita silang magkasundong-magkasundo ng kanyang anak."Tita Danielle, bakit walang baby sina Snow White at ang prinsipe? Hindi ba sila nagkaroon ng babies?" inosenteng tanong sa kanya ni Dani matapos niyang isara ang aklat.Natatawang ginulo niya ang buhok ng kanyang anak bago niya sinagot ang tanong nito. "Siguro nagkaroon din sila ng anak pero hindi lang binanggit sa kuwento. Masyadong hahaba na raw ang kuwento kung isusulat pa nila ang tungkol sa anak nina Snow White at ng kanyang prinsipe," paliwanag niya kay Dani.
"Danielle!" Nasa labas pa lamang ng bahay si Drewner ay tinatawag na nito ang kanya ng pangalan. Kakauwi pa lamang nito mula sa ospital kung saan nito dinala si Lucy na halos mahimatay sa sobrang panic nang makitang may ipis ang iniinom nitong juice. Pero ang hula niya ay umaarte lamang ito. Hindi naman talaga ito natakot kundi sinamantala lamang nito ang siywasyon para magkaroon ng pagkakataon si Drewner na magalit sa kanya at tuluyan na siyang paalisin sa bahay nito.Hindi na hinintay ni Danielle na puntahan pa siya ni Drewner sa loob ng kuwarto niya kundi siya na mismo ang sumalubong dito. Wala rin naman siya sa kuwarto niya kundi nasa loob ng kuwarto ni Dani."Bakit ba ang lakas ng boses mo? Nasa labas ka pa nga ng bahay mo ay ang lakas-lakas na ng boses mo. Hindi ka nahihiya na marinig at malaman ng mga kapitbahay mo na kaaway mo ang isa sa iyong mga kasambahay?" sita ko sa kanya nang makapasok na si
Mag-isang umiinom si Drewner sa isang sulok nang madaanan ni Danielle. Lumabas kasi siya sa kuwarto niya dahil nakaramdam siya ng uhaw. Akala niya kung sino ang nasa madilim na sulok at umiinom ng alak."Come here, Danielle," tawag nito sa kanya nang makitang papadaaan siya."Bakit? Ano ang kailangan mo?" malamig niyang sagot dito. Amoy na amoy niya hininga nitong amoy-alak. Ngunit sa halip na ma-turn off ay tila nakaramdam pa siya ng pag-iinit na hindi niya maintindihan kung bakit."Have a drink with me," alok nito. Bago pa siya makatanggi ay mabilis na nitong iniabot sa kanya ang hawak nitong kopita na may lamang alak. Kimiha niya iyon at mabilis na nilagok. "Hey! It's not water, Babe," nakangising sabi nito na halatadong tinamaan na ng alak na nainom.Dahil hindi siya umiinom naman talaga ng alak at agad siyang nakaramdam ng pagkahilo. Bakit nga ba hindi niya tinanggihan ang alok nito
Nang mga sumunod na araw ay iniwasan ni Danielle si Drewner na makasalubong man lang. Pilit niyang kinalimutan ang kung ano mang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Para sa kanya ay walang ibig sabihin iyon. Dala lamang ng init ng katawan at kalasingan kaya dapat lamang na kalimutan. Ngunit kung iniisip niya ay maiiwasan niya ng matagal ang lalaki ay nagkakamali siya dahil sinadya nitong pasukin siya sa kanyang kuwarto pagkatapos niyang patulugin si Dani sa kuwarto nito."Ano ang ginagawa mo rito, Mr. Ramsel? Puwede bang lumabas ka na at baka may makakita pang iba sa'yo rito?" inis niyang sita rito. Hindi pa tulog ang ibang mga tao sa bahay na iyon kaya nag-aalala siyang may nakakita sa ginawang pagpasok ni Drewner sa loob ng kanyang kuwarto."Mag-usap tayo, Danielle. Gusto kong pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa ating dalawa noong isang gabi," agad na sabi nito aa kanya pagkapasok. Medyo napalakas pa ang boses ni
Magmula nang nalaman ng anak ni Danielle na siya ang tunay nitong ina ay mas lalo lamang silang naging malapit ni Dani. Sa kuwarto ng anak siya palaging natutulog at inila-lock na lamang niya ang pintuan para hindi makasilip si Drewner kapag dumarating ito mula sa trabaho. Ilang araw na rin silang hindi nakakapag-usap ni Drewner at aminin man niya o hindi sa kanyang sarili ay hindi maipagkakailang namimis niya ito. Ngunit dapat niyang supilin ang ano mang nararamdaman niya dahil walang patutunguhan iyon. Dapat ay mag-pokus siya sa kanyang dalawang anak at sa pagbawi ng kompanya ng kanyang ama na ninakaw ng mag-ama Lucy at Leo. Pagkalipas ng dalawang Linggo ay nagkaroon din sa wakas ng pagkakataon si Danielle na mailabas si Dani at maisama sa bahay niya para makilala ang kakambal nito. Isinama rin niya si Nana Adela na gusto namang makita at makilala rin ang isa pa niyang anak. Nagbilin na lamang ang matanda sa dalawang katulong ni Drewner na kapag dumating ito at hinanap sila ay sabi
Nalibang sa pagkukuwentuhan ang magkapatid na matagal nawalay sa isa't isa. Ikinuwento naman ni Danielle kay Adela ang lahatng mga nangyari sa kanya magmula nang umalis siya patungong ibang bansa. Naikuwento na niya rito ang ibang mga nangyari sa kanya ngunit inulit niya dahil pahapyaw lamang ang ginawa niyang pagkukuwento sa matanda noon ngunit ngayon ay buo na niyang naikuwento ang lahat ng mga nangyari sa kanya. Ang lahat ng mga paghihirap na pinagdaanan niya para lamang mailigtas niya ang kanyang sarili.Mahaba ng kanilang napagkuwentuhan kaya hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. Nagulat na lamang siya nang makitang madilim na pala sa labas ng bahay nila. Ayaw pa sana niyang putulin ang masayang kuwentuhan ng kambal niya ngunit kailangan na nilang bumalik sa bahay ni Drewner dahil natitiyak niyang labis na itong nag-aalala kung nasaan ang anak nito. "I'm sorry guys but I need to bring back Dani to her father's house. Tiyak na nag-aalala na siya ngayon at natitiyak ko rin na