공유

Kabanata 18

"Ano ang nangyayari dito?" Lahat sila ay sabay-sabay na napatingin kay Drewner na bagong dating pa lamang at may bitbit na attaché case ang isang kamay. Sa tindi ng tensiyon na namamagitan sa pagitan nila ni Lucy ay hindi nila namalayan ang pagdating ng sasakyan nang lalaki at ang pagpasok nito sa loob ng bahay.

"It's your maid's fault, Drewner," kaagad na sagot ni Lucy at biglang lumapit sa lalaki na para bang nagpapasaklolo.

"Excuse me, hindi ako maid kundi yaya," nakataas ang kilay na sagot ni Danielle sa pagtawag sa kanya ng pinsan niya nang maid. Kung hindi lamang nasa alanganin siyang sitwasyon ay baka matawa na siya sa kanyang sinabi. Ginaya niya kasi ang isang linya sa drama series na napanuod siya sa isang sikat na tv station. "At saka bakit ako ang sisisihin mo? Ako ba ang nagsaboy ng gatas kay Dani?" naiinis niyang tanong dito. 

잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status