Share

Chapter 22

   Noong umugong ang usap-usapan patungkol sa imbestigasyong nagaganap ay saka naman dumating kay Mary Joy ang balita na mas lalo muling humigpit ang sitwasyon sa Danari Pass. Wala ng kahit na sino ang basta-bastang pinapapasok sa kanilang kaharian lalo na kapag walang papeles na dala. Nag-aalala na si Tee para sa kapakanan ng Kuya Apollo ni Devlin.

Hindi sinayang ni Mary Joy ang pagkakataon upang takasan ang imbestigasyon na patuloy pa ring nangyayari. Kaagad siyang tumakbo sa opisina ng ministro upang humingi ng ilang araw para mabisita ang kanilang mansyon at magpunta ng Danari Pass.

Personal siyang pinuntahan ni Belial upang sagutin ang kaniyang hiling gamit lamang ang dalawang malulupit na salita. “Hindi puwede.”

Hindi naitago ni Mary Joy ang inis sa mukha ni Devlin. “Belial, ang kapatid ko ang namumuno sa gulo ng Danari Pass. Baka kung ano na ang na—”

“Gagawin ko ang lahat upang manatiling ligtas ang kuya mo.” Ngumiti

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status