TO DESTROY A WHITE LOTUS —2
“Huseng!” bati ng isang isang may kaliitang babae. Sa taas ni Huseng na 5'9, hanggang leeg niya lamang ito. Ang pamilyar nitong singkit na mga mata at maninipis na labi ay maaliwalas sa gita ng mainit na katanghalian. Humigop nang malalim si Huseng sa bitbit na sigarilyo. Ang lamig ng hanging dala nito'y bumalot sa kaniyang baga, kumalma ang dibdib niyang saglit na nagwala matapos marinig ang boses. “Huseng! Ba't ka nandito?”
Kumislap ang mga mata ni Huseng. Sumandal ito sa poste't kaswal na humalukipkip. “May bagong ‘honey’ si Papa.”
Kumurap nang ilang beses ang babae. Nanahimik ito ng ilang segundo bago nanginginig na nagsalita. “Alam ko.”
Umangat ang kanang kilay ni Huseng. Ngumiti siya. “Kaya ba hindi ka na bumibisita sa bahay? Hiwalay na kayo ni Papa?” Humithit siya muli ng usok mula sa sigarilyo upang itago ang hindi mapigilang pagkurba ng kaniyang labi. Matagal na niya iyong hinihintay.
Hindi niya maintindihan kung bakit kayang lokohin ng ama niya si Felice Sardo. Una, nasa bente singko pa lang ito. Dapat ito ang magloko sa relasyon nila ngunit hindi. Ang ama niyang kwarenta y dos anyos ang garapal ang mukhang manloko. Pangalawa, may trabaho ang babaeng ito. Responsable. Hindi gaya ng ‘honey’ ng kaniyang ama ngayon na bukod sa mahjong ay wala ng ibang alam gawin. ‘Baguhin ang buhay niyo’...letse. Dumura sa kalsada si Huseng, lalong nandilim ang itim ng kaniyang mga mata.
“Busy lang ako sa trabaho pero bibista ako ro'n kapag may oras,” ani Felice, “naiintindihan ko ang Papa mo. Ilang linggo na akong hindi nakakapunta. Kapag nakabalik ako, titigil din 'yon sa pambababae.”Ngumisi si Huseng. Ngayon ay mas malamya at puno ng pangungutya. Nanlamig ang mukha ni Felice ngunit patuloy niyang tinitigan ang binata. Ilang sandali pa'y walang salita itong tumalikod at nakapamulsang umalis. Sa nakasusunog na init ng tanghaling iyon, kalmadong naglakad ang binata. Nanginig ang puso ni Felice. ‘Huseng...’ Yumuko siya. Hindi niya puwedeng tanggapin ang atensyon nito. Hindi dapat.—
Bumuntong hininga si Mary Joy. Wala sa sarili siyang naglakad sa hallway papunta sa kaniyang klase. Alam na niya lahat ng ituturo ng guro sa ngayon. Natutunan niya na ang mga ito sa riyalidad. Hindi rin importante ang mga magiging marka niya sa hinaharap kaya hindi siya kabado. Aanhin niya ang matataas na marka kung pagkatapos ng round na ito, mawawala rin siya? Hindi naging maganda ang resulta ng pagpunta niya kay Felice Sardo kanina ngunit mainam na rin na personal niyang nakilala ang babae ngayon at hindi lamang dedepende sa alaalang nakuha niya mula kay Huseng. Iba ang pag-iisip ni Mary Joy kaysa kay Huseng. Baka may mapansin siya na hindi nakita ng lalaki noong una. Pumalatak siya't umiling. Hindi bale. Mas importante ang mga mangyayari sa mga sandaling ito.
Isang nagmamadaling lalaki ang lumabas mula sa likuran ni Huseng. Bumangga ito sa kaniyang balikat. Dahil handa si Huseng, hindi siya bumagsak. Ang lalaking nagmamadali ay gumulong sa sahig, iniinda ang masakit na pagkakabagsak. Tumahimik ang buong paligid. Dumating sa wakas ang kabang hinihintay ni Mary Joy.Hindi ang lalaking nasa sahig ang bida ng kuwento. Masiyado ng gasgas ang ganoon.
“Anong nangyayari dito?” tanong ng lalaking papalapit mula sa harapan. Iniangat ni Huseng ang kalmadong tingin kay Giovanni Delgado—ang SSG officer na nakatokang magbantay sa building na ito, ang lalaking gagawan niya ng masama sa mga darating na araw, ang taong bida ng storyang ito.
Hindi ito kilala ni Huseng. Wala siyang paki rito. Pamilyar ang lalaki. Ito ay membro ng mga estudyanteng rumuronda sa eskwela't nagmamagaling. Hindi alam ni Huseng ang pangalan nito. Ang gagawin ni Huseng ay hindi ito pansinin at umalis nang walang sabi.Iyon nga ang ginawa ni Mary Joy. Gaya ng nasa laro, pinigilan siya nito. Hindi man personal na kilala ni Huseng ang lalaki, kilala naman si Huseng ng mga ito bilang pasaway na estudyante.
“Jose, bumalik ka rito!”
Hindi huminto si Huseng at nagpatuloy. Si Giovanni, base sa pamantayan ng mga bida, ay mabait at pumapanig lamang sa tama. Sumunod ito sa kaniya para siya'y kapkapan. Noong una'y itinulak ni Huseng nang may kalakasan ang mga kamay nito. Kahit si Mary Joy mismo ay naiinis kapag hinahawakan siya nang basta-basta.
“Ganito ka ba sa lahat ng mga studyanteng 'di mo kalebel dito?” pang-aasar ni Huseng, “Nakasuot ka lang ng asul na chaleko, hindi ibig sabihin no'n may karapatan ka ng humawak nang basta-basta sa kung sino-sino.”
Namilog ang mga mata ni Giovanni. Namutla ito sa pagkapahiya ngunit agad ding naging suspetyoso sa pagiging mailap ni Huseng. “Ba't ayaw mong magpahawak? Kakapkapan lang kita. May itinatago ka, 'no? Dami mo pang sinasabi!”
Pwersahan nitong kinapkap ang kaniyang bulsa. Madiin ang pagkakakagat ni Mary Joy sa kaniyang dila upang pigilan ang sariling sipain ang bida sa kaniyang harapan. Binabalak niya pa lamang ay nag-wa-warning na si Si sa kaniyang isip. Hindi iyon gawain ni Huseng. Wala ang pagsipa sa mga posibleng tugon ng lalaki sa ganitong pangyayari.
“A-Ano 'to?” bulalas ni Giovanni. Wala itong nakitang kakaiba sa mga gamit ni Huseng pero hindi pa rin mawala-wala ang disgusto sa mga mata nito.
“Listahan ng mga utang,” kaswal na ani Huseng. “'Wag mo sabihing pati ito, irerereklamo mo sa prinsipal?”
“Gago ka talaga, Huseng,” may galit nitong sabi.
Nagkibit-balikat si Huseng bago tuluyang umalis. Sa totoo lang, hanggang sa wakas, hindi alam ni Huseng kung bakit galit na galit sa kaniya si Giovanni. Ayon sa mentalidad ni Huseng, kung wala siyang paki, hindi niya papansinin. Medyo...slow si Huseng sa ganitong bagay. Gaya ng sabi ni Mary Joy, lahat ng katalinuhan nito ay inilagay sa maling karton.
Kung tititigan ang kwento sa sitwasyon ni Huseng, siya ang tunay na kawawa.
Ngunit sa mata ng storya, si Giovanni ang binalewala ng mga magulang dahil inuna ng mga ito ang mga salitang ‘business’. Si Giovanni ang may mababang confidence at walang pisikal na lakas dahilan para masaktan palagi. Si Giovanni ang laging naaagawan dahilan para kaawaan siya ng marami.
Ngumisi si Huseng. Ngunit lahat ng bida, nagiging kontrabida kung ang mata ng storya ay nakasentro sa mga ‘villain’.
Iyon ang nais ng larong ito. Baliktarin ang sitwasyon. Sa totoo lang ay realistiko ito. Sa paningin ni Giovanni, si Huseng ay masama. Sa mga mata naman ni Huseng, si Giovanni ang wala sa lugar.
Lahat ng tao...may parte sa buhay nila na sila ang kontrabida sa storya ng kapwa nila.
Sa parteng ito, masiyadong mababaw ang lahat. Katanggap-tanggap iyon dahil, ito pa lamang ang simula.
"Ang tangkad mo talagang lalaki, ah. Ibang iba ka kay Doc Alex!" Ihinampas ng nars ang isang kumpol ng papel sa balikat ni Sandro. "Anong kurso ba kukunin mo sa kolehiyo, ha? Sayang kagwapuhan mo kung magdodoktor ka din! Makukulong ka lang sa operating room at naka-mask!"Napakamot-ulo si Sandro. Inayos niya ang kaniyang buhok at inihapit sa kaniyang noo upang matabunan ang kaniyang mga mata. "Kumusta na si Joy? Hindi ba siya gumalaw?""'Tong si Ms. Sungit? Hindi pa! Alam mo, iniisip ko baka sinasadya niya talagang magmaldita kaya ayaw magbigay ng sign. Kahit kibot man lang ng labi, ayaw ibigay!""Ikaw Sandro, ha. Alagaan mo si Doc Alex. May umaali-aligid pa namang gwapong engineer sa kaniya." Umirap ang babae bago tumalikod. "Uunahan pa yata kaming mga resident workers dito sa ospital na umariba d'yan sa tito mo!"Kumunot ang noo ni Sandro. "Hindi 'yon. Magkaibigan lang sila. Si Kuya Alex... imposibleng maging binabae s'ya. Nagka-girlfriend na siya noon. Isa pa, kilala ko 'yang engin
Matapos ang huling pito ng tren, umugong ang pagdausdos ng bawat piyesa sa ilalim kasama ang atungal ng riles. Sa wakas ay tumakbo na rin ang sasakyan. Sumandal si Sandro sa upuan, mag isa sa dapat ay pangtatluhang silya dahil sumakay siya sa huling trip panggabihan. Ipinasak niya sa tainga ang magkabilaang dulo ng kaniyang earphone. Matapos i-play ang kantang kinagigiliwan niya nitong linggo, bumalik ang isip niya sa huling pag-uusap nila ng kaniyang tito. Masyado pang bata si Alex Medina para tawaging tito. Miracle child kung tawagin ang tito niyang 'yon dahil ipinagbuntis ito ng kaniyang lola sa edad na kwarenta. Ngayon nga sa malayo ay papasa silang magkapatid. “May pasyente ako na galing din sa school mo. Baka pamilyar sa 'yo, Sandro. 'Ka ko, e, baka matulungan mo. Kausapin ba ga. Naka-comatose ang dalagang 'yon at hindi halos mabisita ng mga magulang. Kawawa naman." Sunud-sunod ang lunok ng kaniyang tito habang kinukuwento ang babaeng si Mary Joy Chua nang magtanghalian ito. N
Hindi nagugustuhan ni Ana ang takbo ng mga pangyayari. Wala ni isa sa mga ito ang sumunod sa balak niya. Mukhang lahat ng pabor ay napupunta kay Nastya. Bagay na pinanggagalingan ng kaniyang poot.Hindi maganda ang resulta ng mga nangyari noong nakaraan. Si Ana, hindi makatulog habang iniisip kung ano ang nangyari kay Nastya at Francis. Hindi niya lubos na matanggap na ang higit niyang katunggali sa lahat ay ang kaniyang sarili.Dalawang linggo na ang nakaraan, at dalawang linggo na ring hindi makatulog nang mahimbing si Ana. Lagi siyang binabangungot. Binibisita siya sa panaginip ng mga taong inagrabyado ni Nastya noon.Si Nastya. Ito ang may dala ng lahat ng kamalasan sa kaniya! Mula noong dumating ito, akala ni Ana, may poprotekta na sa kaniya. Noon inakala niyang kaya na niya ang mag-isa pero habang paulit-ulit na nilalamangan at ginagamit ng ibang tao, halos madurog siya nang husto.Dumating si Nastya, pinaranas ng
Nagmulat si Mary Joy at ang unang ginawa ay pakiramdaman ang emosyon ng bida. Alam niyang may wisyo na muli ito—bagay na hinihintay niya kanina pa. Gising na ang kaniyang kamalayan bago pa man magising ang bida.Ninamnam niya ang lamig ng paligid, init sa kaniyang pikuran at sakit sa pagkababae ni Ana. Hindi rin mawala-wala ang nangyari sa kaniyang alaala. Sigurado siyang kahit matapos na ang misyon niya rito, maaalala niya pa rin si Francis sa mga susunod na mundong darating.“Diyos ko...” Humikbi si Ana. Niyakap nito ang sarili, nakapamulagat na nakatitig sa hubad na si Francis sa kaniyang tabi. “May nangyari sa amin ni Francis.”Ilang segundong tumagal din ang ngiti ng babae bago nabasag ang pantasya nito. Hipokrita man si Ana ay matalino ito. Wala siyang maalala na kung anong nangyari sa kanila ni Francis kagabi. Ibig sabihin ay lumabas si Nastya at ito ang...“Nastya,” bulong ng bida sa halos hindi makilalang boses,
Nagising si Mary Joy dahil sa maingay na pagbagsak ng kung ano sa loob ng silid ni Ana. Naging matagal ang pagiging Nastya niya, higit sa mga nauna niyang paglabas kaya naging sapat ang oras niya upang makapagpahinga at kumain ng mga pagkaing gusto ni Nastya bago natulog nang maaga.Nagising siya noong dakong malapit na ang hatinggabi. Inilihis niya ang tingin mula sa alarm clock at tinitigan ang hulto ni Francis na siyang malapit sa kaniyang kama. Hindi siya nagsalita. Hindi rin ito umimik at nanatiling tikom. Humalakhak siya.Bumuntong hininga ang lalaki. “Nastya!”“Kaya mo ba hinintay na magsalita ako para masiguradong si Nastya nga ako at hindi si Ana?” Ngumuso si Mary Joy. Huminga siya nang malalim at binuksan ang lampara sa nightstand. Nagkaroon ng liwanag ang silid. Nakita sa wakas ni Mary Joy ang magulong buhok ng lalaki, walang buhay nitong mga mata at problemadong ekspresyon. Natigilan siya. “Anong problema?”U
Bumuntong hininga si Mary Joy sa ikatlong pagpapalit ni Ana ng damit. Pare-pareho namang bestidang puti ang pinipili nito, iba-iba lang ang disenyo. Nababahala si Mary Joy sa gusto nitong gawin ngunit wala siyang kakayahan upang mapalabas si Nastya.Sa wakas ay nakuntento si Ana sa suot. Mahaba ang puting bestida na ito, umaabot sa kaniyang tuhod. Sa malayo, aakalaing isang anghel si Ana dahil bagay na bagay rito ang ganitong estilo ng pananamit.Naglagay ng kolorete sa mukha si Ana. Hindi nito sinobrahan—sapat lamang upang mapansin. Noong ngumiti ang dalaga sa salamin, napatango si Mary Joy nang wala sa sarili. May dalawang mabababaw na biloy si Ana!Bumaba si Ana ng sala, sinasalubong ng tanong ang bawat katulong na nakikita. Ang asta ay tila karapatan ng babae ang masagot ng mga ito.“Si Sir Francis? Nasa hardin, Ana. Puntahan mo ro'n.”Ngumiti muli si Ana at nagtatalong pinuntahan ang sinabi nitong lugar. Hindi