Home / Romance / THE WEIGHT OF THE VEIL / THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 168

Share

THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 168

Author: MIKS DELOSO
last update Huling Na-update: 2025-06-20 22:07:47

Tumingin si Louie sa kanya. Tinitigan niya ang babae sa harap niya—ang babaeng hindi siya binitawan kahit nang hindi na niya ito maalala. Ang babaeng paulit-ulit siyang pinipiling mahalin, kahit paulit-ulit din siyang nawala.

"Klarise... kahit hindi ko maalala kung paano kita minahal noon, hayaan mong simulan ko ulit ngayon. Hayaan mong mahalin kita araw-araw, sa paraang kaya ko, sa paraang totoo."

Pumatak ang luha sa mga mata ni Klarise, ngunit ang ngiti sa labi niya ay tila liwanag sa madilim na gabi.

"At ako, Louie... kahit ilang beses mo pa akong kalimutan, pipiliin pa rin kitang mahalin. Araw-araw."

Sa gabing iyon, sa ilalim ng malamlam na buwan, habang tahimik na iniihip ng hangin ang mga dahon sa paligid, nagharap ang dalawang pusong sugatan—at nangakong magsisimula muli.

Hindi nila alam kung kailan babalik ang alaala. Pero sa puso nila, malinaw ang isa’t isa.

At sa sandaling iyon, sapat na iyon para sabihing... uuwi na sila.

Tahimik ang daan pauwi. Si Klarise ay nasa passenger
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 168

    Tumingin si Louie sa kanya. Tinitigan niya ang babae sa harap niya—ang babaeng hindi siya binitawan kahit nang hindi na niya ito maalala. Ang babaeng paulit-ulit siyang pinipiling mahalin, kahit paulit-ulit din siyang nawala."Klarise... kahit hindi ko maalala kung paano kita minahal noon, hayaan mong simulan ko ulit ngayon. Hayaan mong mahalin kita araw-araw, sa paraang kaya ko, sa paraang totoo."Pumatak ang luha sa mga mata ni Klarise, ngunit ang ngiti sa labi niya ay tila liwanag sa madilim na gabi."At ako, Louie... kahit ilang beses mo pa akong kalimutan, pipiliin pa rin kitang mahalin. Araw-araw."Sa gabing iyon, sa ilalim ng malamlam na buwan, habang tahimik na iniihip ng hangin ang mga dahon sa paligid, nagharap ang dalawang pusong sugatan—at nangakong magsisimula muli.Hindi nila alam kung kailan babalik ang alaala. Pero sa puso nila, malinaw ang isa’t isa.At sa sandaling iyon, sapat na iyon para sabihing... uuwi na sila.Tahimik ang daan pauwi. Si Klarise ay nasa passenger

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 167

    Mainit ang araw ngunit banayad ang hangin habang nag-aayos ng gamit sina Klarise at Louie sa silid na ilang araw nilang tinirhan sa bahay nina Pilita at Hilairio. Tahimik si Klarise habang inaayos ang mga maliliit na gamit ni Luna sa diaper bag. Si Louie naman ay nakaabang lang sa gilid, hawak si Luna, pinagmamasdan ang bawat kilos ng asawa—na para bang sinusubukang alalahanin ang kabuuan nito, mula sa simpleng pagtupi ng kumot hanggang sa banayad nitong paghagod sa buhok ng anak."Ready ka na?" tanong ni Klarise, pilit ang ngiti. Hindi niya alam kung dapat ba siyang kabahan o mapagod. Hindi pa man sila umaalis, parang mabigat na agad ang dibdib niya.Tumango si Louie. "Oo... pero kinakabahan ako," bulong niya. Tumingin siya kay Luna, na mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig. "Pakiramdam ko, uuwi ako sa bahay na hindi ko na kilala."Lumapit si Klarise. Hinaplos ang braso ni Louie. "Hindi lang bahay ang babalikan mo, Louie. Pamilya. Tahanan. At hindi mo kailangang kilalanin agad.

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 166

    Sa likod-bahay ng mansyon ng pamilya Olive, banayad ang ihip ng hangin. Ang liwanag ng araw ay masuyong tumatama sa mga halaman at bulaklak na alagang matagal nang pinapangalagaan ni Pilita. Sa ilalim ng canopy, tahimik na nakaupo sina Louie at Hilairio—magkaharap, parehong may hawak na tasa ng kape.Tahimik si Louie. Hindi siya mapakali. Hawak niya ang tasa gamit ang parehong kamay, at kahit mainit ang laman, tila ba hindi ito sapat para tunawin ang lamig sa kanyang palad. Lihim siyang tumingin sa kanyang biyenan—si Hilairio, ang ama ni Klarise, tahimik lamang ngunit matalim ang mata. Ang uri ng titig na kayang sumukat ng puso kahit walang sinasabi.“Salamat po sa kape, Sir,” mahinang sabi ni Louie, halos hindi makatingin ng diretso.“Hilairio na lang,” tugon ng matanda, kalmado ngunit may bigat. “Hindi kita bisita. Isa kang bahagi ng pamilya.”Napayuko si Louie. Saglit siyang huminga ng malalim, saka tinipon ang loob para sa matagal nang bumabagabag sa kanya.“Gusto ko pong humingi

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 165

    At doon niya naramdaman—ang init. Isang munting katawan ang nakadikit sa kanya. Isang maliit na nilalang na tila mas kasya sa kanyang dibdib kaysa sa mga kamay niya.Dahan-dahan siyang tumagilid, at nang makita niya ang sanggol na natutulog sa kanyang tabi—napatigil ang kanyang paghinga.Ang sanggol ay mahimbing. Mapula ang pisngi, may pino at makapal na pilikmata, at ang bibig ay bahagyang nakabuka habang humihinga nang tuloy-tuloy. Isang maliit na palad ang nakapatong sa kanyang dibdib, parang kumakapit, kahit sa panaginip.Walang pangalan sa kanyang alaala.Walang koneksiyon sa isipan niya.Pero ang puso niya—parang biglang napuno ng isang damdaming hindi niya kayang pangalanan.“Anong pangalan mo…” mahina niyang bulong. “Anong meron sa pagitan natin?”Tumitig siya sa maliit na nilalang. At sa bawat tibok ng puso niya, tila may piraso ng sarili niyang bumabalik.Lumunok siya, pilit inaalala. Wala. Wala pa rin. Pero ramdam niya—ramdam niya ang isang bagay na hindi niya kailanman nar

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 164

    Tahimik ang buong bahay.Tanging kaluskos ng hangin sa bintana at mahinang tik-tak ng relos sa dingding ang maririnig. Ang mga aninong gumagalaw sa pader ay tila mga alaala—malalabo, mahirap damhin, pero ayaw lumayo.Nakatungo si Louie sa sofa, ang mga kamay niya ay mahigpit na magkakahawak, halos nanginginig sa bigat ng damdaming hindi niya maipaliwanag. Sa harap niya, may malamig na kape sa tasa—tila repleksyon ng takot na matagal nang nanlamig sa dibdib niya.Nasa likod niya si Philip. Dahan-dahang lumapit, dala ang katahimikan ng isang amang matagal nang nanonood mula sa malayo. Umupo siya sa tabi ng anak, saglit na tumikhim, at mahina ngunit matatag na nagsalita."Mabigat ba sa dibdib, anak?"Hindi agad tumugon si Louie. Nakatingin lang siya sa kawalan, tila nilulunok ang luhang ayaw kumawala."Hindi ko maintindihan, Pa," mahina niyang tugon. "Parang may kulang sa pagkatao ko. Parang... may bahagi akong nawawala."Napalunok siya, pinikit ang mga mata. Isang patak ng luha ang daha

  • THE WEIGHT OF THE VEIL   THE WEIGHT OF THE VEIL CHAPTER 163

    Sumingit si Philip, mababa ang boses. "Naiipit kami, Pilita. Ayaw naming pangunahan ang anak namin, pero alam namin kung gaano niya minahal si Klarise noon. Kaya masakit sa amin na makita siyang walang pakialam... kasi hindi ‘yon si Louie. Hindi ‘yon ang anak naming pinalaki."Napatingin si Pilita sa kanilang dalawa. Saglit siyang natahimik bago nagsalita. "Mare, pare… naiintindihan ko. Hindi madali ang dinaranas n’yo bilang magulang. Pero alam niyo kung sino ang mas nahirapan sa lahat? Ang anak ko." Tumingin siya sa kanila ng diretso. "Si Klarise ang araw-araw na binubura sa alaala ng asawa niya. Si Klarise ang gabi-gabing pinapatunayan ang pagmamahal sa isang taong hindi na siya matandaan. At kahit gano’n, hindi siya umalis. Hindi siya bumitaw."Tumulo ang luha ni Georgina, marahang pinunas habang tumatango. "Alam ko, mare. At sobra kaming humahanga sa anak mo. Kung kami ang masusunod, noon pa sana’y niyakap ni Louie si Klarise. Pero hindi gano’n ang nangyari.""Kaya nga," sagot ni

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status