hello po, for now po ay one update lang ho ako. every weekend po ako babawi ng update. busy lang po ako tuwing weekdays. thank you ho sa inyong lahat.
Pamilyar na kay Selina ang mga ganitong kaso. Ang mga taong na-comatose. Noong nasa ibang bansa pa siya ay nag-specialize sa ganitong uri ng case ngunit kahit pa gaano ka-advance ang technology ngayon ay hindi pa rin nito kayang gisingin ang mga taong comatose.âHuwag kang mawalan ng pag-asa. Habang may buhay may pag-asa at kung ang kakilala mo ay isang mapalad na tao ay malaki ang posibilidad na magigising siya. Wala namang imposible kung maniniwala lang tayo,â saad ni Selina kay Kier dahil napansin niya na malungkot ito.âSana nga ay gumising na talaga siya,â nakangiti na sabi ni Kier sa babae.âOo naman, âwag ka lang mawalan ng pag-asa.â nakangiti na sabi ni Selina at muling uminom ng juice.Napasandal naman si Selina sa upuan habang nakatingin sa mga ilaw ng bar. Pagod ang mga mata niya at hindi niya kayang sumabay sa vibe ng buong paligid. Panaka-naka rin siyang humihikab dahil nakaramdam na ng antok.Nahuli naman niya ang kakaibang tingin sa kanya ni Kier kaya tinanong na niya i
At hindi nga nagkamali si Selina dahil nalaman na ito ng direktor ng hospital. Pumunta ang direktor kay Kier ngunit hindi siya nito pinansin. Kaya walang ibang nagawa ang direktor kundi ang puntahan na ang batang doktor.âNagkita na ba kayo ng pasyenteng âto? Bakit palagi ka niya hinahanap? Ano ba ang sakit niya? Hindi pa ba gumaling?â sunod-sunod na tanong niya kay Selina.âNaging pasyente ko siya pero sa tingin ko ay may mali sa kanya. Baliw yata ang lalaking âyon,â sagot naman ni Selina.âPaano mo nasabi âyan?â puno ng pagtataka na tanong ng direktor.âAng unang beses na ginamot ko siya ay maliit na sugat lamang sa kamayâ sabi ni Selina.âKalokohan, maliit na sugat lang.â âOo kaya nga ayaw ko siyang makita. Dahil ang lakas ng trip niya,â sambit niya sa direktor.âMukha ngang hindi siya interesado na gamutin siya ng ibang doktor. Sa tingin ko ay narito siya dahil nais ka niyang makita, ikaw ang tanging sadya niya.â saad ng direktor.âHindi ko siya lubos na kilala pero ilang beses
Nang dumating si Zack ay may narinig siyang usap-usapan tungkol kay Selina. Tungkol ito sa gwapong pasyente nito. Narinig niya kung paano purihin at pag-usapan ng mga ito ang lalaki. âPasyente lang ba talaga?â malamig na tanong ni Zack ngunit mababanaag ang galit sa boses niya. Nakapikit pa ito na para bang pinipigilan nito na bulyawan siya.Napansin naman ni Zayn na parang galit ang kanyang ama.âBakit parang galit si daddy?â tanong ni Zayn sa sarili.âIto ba talaga ang gawain mo?â tanong ni Zack na galit ang boses. Nagtataka naman si Selina kung bakit ba ito galit na galit. Hindi niya maintindihan ang lalaking ito.âPersonal kang doktor ni Zayn kaya wala kang karapatan na tumanggap ng ibang pasyente. Bakit siya pumunta dito? Dahil ba gusto ka niya?â malamig pa rin ito kung magtanong.Hindi talaga maintindihan ang lalaki. Bakit ba ito nagagalit? Hindi niya alam kung saan nagmula ang galit nito sa kanya. Kaya hindi na niya na pigilan ang sarili niya.âAno ba ang sinasabi mo? Ginagawa
âDaddy, puwede bang nasa tabi ko palagi si Dok Enna?âHindi naman inaasahan ni Zack ang naging tanong sa kanya ng kanyang anak. Kaya naman ay mabilis siyang lumapit sa bata.âZayn, ang trabaho niya ay pagalingin ang sakit mo. Hindi mo siya puwedeng makasama pag gumaling ka na.âSa sagot pa lang ni Zack ay alam na agad ni Zayn na hindi payag ang kanyang daddy. Kaagad naman siyang nakaramdam ng lungkot.âPero gusto ko rin po siyang kasama palagi. Gusto ko po si Dok Enna.âNakita naman ni Zack ang lungkot sa mga mata ng kanyang anak. Alam niya na hindi siya maaring mangako sa kanyang anak. Dahil hindi maaaring magsama ang dalawa.âAlam mo na hindi puwedeng mangyari ang nais mo. Pero pangako ko sa âyo na hahayaan ko siyang makasama mo siya habang narito ka sa ospital at dapat naging mabait ka,â sabi niya sa kanyang anak.âOpo, daddy. Magpapakabait po ako, thank you po.â naging masaya si Zayn sa kanyang narinig mula sa kanyang ama.Bigla na rin nagbago ang mood ni Zack sa kanyang narinig m
Biglang umiyak ng umiyak si Zayn. Sobrang itong naiinis at nagagalit sa kanyang ama. Umiiyak siya dahil sa pambabanta sa kanya ng kanyang ama. Malungkot siya at nasasaktan siya.âIâm sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ko gusto na takutin ka,â malumanay na sambit ni Zack sa kanyang anak.âPero narinig kita, tinakot mo ako.â nakayuko na sambit ni zayn habang patuloy na umiiyak.Hinawakan ni Zack ang kamay ng kanyang anak. Nahihirapan siyang magpaliwanag sa bata. Biglang sumakit ang ulo niya sa iniisip niya. Alam niya na hindi maaari ang nais nito.âZayn, listen to me. Hindi puwede ang gusto mo dahil may iba rin siyang trabaho kaya hindi mo siya puwedeng makasama lalo na kapag wala ka na dito.â sabi niya sa kanyang anak.âAlam ko naman po âyon. Pero alam ko rin po na may pera ka. May pera ka para bayaran siyang manatili sa tabi ko.â sambit ni Zayn na lubos na ikinagulat ni Zack.âSobra mo ba talaga siyang gusto?ââOpo, sobra po.â hindi nagdalawang isip na sagot ni Zayn.Napahinga ng malali
âMabuti naman at malaki ang offer mo dahil kung hindi ay hindi ko tatanggapin ang trabahong ito.â sabi ni Selina kay Zack.Hindi naman pinansin ng lalaki ang sinabi niya. Kinuha nito ang phone at tinawagan ang secretary nito. Habang nakikipag-usap si Zack sa kanyang secretary ay lubos na nagulat ito sa kanyang inutos.Napapaisip siya kung totoo kaya ang mga usap-usapan tungkol sa doktor na ito. Talaga bang naikama na ito ng CEO? Malakas ba talaga ang alindog nitong taglay para ganun kalaki ang pera na nais nitong ibigay sa babae. Pero kaagad rin naman niyang sinunod ang iniutos sa kanya ng kanyang boss.Kaagad namang napatingin si Selina sa kanyang phone dahil narinig niya na may notification. At nang buksan niya ito ay bumungad sa kanya ang notification mula sa bangko. Notification na may pumasok na malaking pera sa kanyang bank account. Dumating na agad ang pera mula kay Zack.âDumating na ang pera, salamat.â turan ni Selina.Wala namang naging tugon si Zack. Siya naman ay inilagay
âD-Dito ka ba talaga natulog?â Nauutal na tanong ni Rena kay Selina.âAno sa tingin mo?â Nakangiti naman na tanong ni Selina.âKung dito ka natulog, saan natulog si Zack?ââSyempre dito,â mabilis na sagot ni Selina habang may malawak na ngiti sa labi.Dahil sa kanyang narinig ay kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Rena. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Paano ba nangyari na magkasama ang dalawa kung noon pa lang ay alam na niya na hindi na gusto ni Zack ang babae. Nahihirapan talaga siyang paniwalaan ang sinabi sa kanya ng babae.âImposible ang sinasabi mo. Si Sarah lang ang mahal niya kaya paano ako maniniwala sa âyo na magkasama kayo?â Ayaw pa rin maniwala ni Rena.âNakalimutan mo ba na may iba na siyang kasama noon? Na may dati na siyang asawa kaya paano naging imposible ang sinasabi mo?â nakangiti na tanong ni Selina sa babae.Bigla na lang namutla si Rena sa kanyang narinig dahil alam niya ang tinutukoy ni Selina at ang sarili nito ang tinutukoy nitong dating a
Mas lalong nainis si Rena sa kanyang narinig mula sa lalaki. Hindi niya kayang natanggap ang lahat ng kanyang narinig. Ang lahat ng nangyari ay hindi niya matanggap dahil siya. Siya ang naging ina ni Zayn sa loob ng limang taon. Kahit pa ramdam niya na hindi siya nito gusto ay ginawa pa rin niya ang makakaya niya para lang mapalaki niya ito at para mapasunod niya ito sa kanya.âSimula ng dumating ang babaeng âyon ay kung anu-ano na ang sinasabi ni Zayn. Sinabi niya na mas gusto na niya itong maging mommy kaysa kay Sarah. Kung hindi natin sasabihin kay Zack ang mga nangyayari dito ay babagsak ang kapatid ko,â sabi ni Rena kay John.âMas mabuti na âwag ka ng mangialam sa mga bagay na hindi mo na sakop. Kaya mas mabuti na ang sarili mo ang intindihin mo dahil ayaw ni Boss na mawala sa kanya ang nag-iisa niyang anak.â payo ni John kay Rena.Dahil sa nakikita ni John ay ginagawa ng kanyang boss ang makakaya nito dahil ayaw nitong tuluyan na mawala ang anak nito. Alam niya ang mga nangyayar
âHindi ikaw ang kuya ko,â sabi ni Trina.âWâWhat are you talking about?â kunot noo na tanong ni Zayn kahit na ang totoo ay kinakabahan talaga siya.âAng sabi ko hindi ikaw ang kuya ko.â sabi ni Trina kay Zayn habang seryoso ang mukha nito.âAko angâââSa tingin mo ba talaga ay maloloko mo ako? Kilala ko ang kuya ko. Kaya hindi mo ako maloloko, Zayn.â saad pa nito sa kanya.âTrina, sorry.â Biglang umiyak si Zayn sa harap ni Trina dahil hindi na niya kayang magsinungaling pa. Alam niya na hindi niya ito maloloko lalo na magkasamang lumaki ang dalawa. Alam niya na kilalang-kilala nito si Tristan kaya hindi niya ito mapapaniwala kahit pa ipilit niya na siya si Tristan. âNasaan ang kuya ko? Ilabas mo ang kuya ko,â galit na tanong ni Trina.âNasa bahay siya, naiwan siya doon. Nagpalit kaming dalawa dahil hinahanap niya ang mommy mo at talagang nahanap niya ito kaya nakauwi na ito.â malungkot na sabi ni Zayn.âKung nakauwi na si mommy ay nasaan ang kuya ko? Bakit wala pa siya dito?â tanong
Nang makarating na sina Selina sa bahay ay kaagad silang sinalubong ni Zayn. Pumatak ang luha sa mga mata niya dahil kailangan niyang magpanggap na hindi niya alam ang totoo. Na hindi niya alam na si Zayn ang nasa harapan niya.âTristan,â umiiyak niya itong niyakap.âMommy, nasaan po si Zayn?â âNaiwan na siya sa daddy niya. Ginawa niya ang lahat para makabalik ako dito at makasama ko kayo. Nagpakabait ka ba habang wala ako?â tanong ni Selina sa bata.âOpo, nagpakabait po ako. I miss you po, mommy. I miss you so much po,â sabi nito sa kanya.âI miss you too, anak.â umiiyak na sambit niya.Aaminin ni Selina na pangarap niyang makasama ang anak niya ngunit hindi niya pinangarap na isa sa mga anak niya ang mawawala sa kanya. Sobrang sakripisyo ang ginawa ni Tristan para lang makasama niya ngayon si Zayn. Pero hindi niya dapat hayaan na mawala ng tuluyan sa kanya ang kanyang anak. Pinapangako niya sa sarili niya na babawiin niya ito mula kay Zack.âMommy, saan ka po galing? Sinaktan ka po
âAko miserable?â tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.âOo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa âyo. I hate you! I hate you so much!â sigaw nito sa kanya.âTristan,â may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.âKung iniisip mo na sasabihin ko sa âyo kung nasaan si Zayn ay hindi ko âyun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.ââTristan, Iâm still your father.â saad niya.âYouâre not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,â sambit ni
âGo na, mom.â sabi ni Tristan kay Selina.âI canât, hindi kita iiwan dito.â sambit ni Selina.âUmalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.â nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.âTristan, donât do this.â sabi ni Selina.âI have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,â umiiyak na sabi ni Tristan.âBaby, donât say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, iâm sorry Tristan. Iâm sorry, anak.ââMom, alis ka na po please.â âWhat are you waiting for? Leave now,â sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.âHindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa
âWhat are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na itoâââYou heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako siâââAno bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.âHindi ako si Zayn.ââTigilan mo na ito,â sabi ni Zack.âIâm telling the truth, hindi ako si Zayn.ââTristan, stop it.â umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.âNo, mom. I think itâs time for him to know the truth. Iâm sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa âyo.â umiiyak na sambit ni Tristan.âPlease, donât do this.â sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.âWhat are you talking about? Stop this nonsense now.â sabi niya.âHindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.ââWhat theâââHindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.
âTristan?â sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.âTristan, ikaw ba âyan?â tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.âMommy,â umiiyak na sambit nito.âAnong ginagawa mo dito? Baka makita ka niyâââShh⊠âwag ka pong maingay, mommy.â sabi nito sa kanya.âUmalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.â pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya
Lumipas ang mga araw. Walang nagbago sa pakikitungo ni Tristan kay Zack. Sasagot lang siya kapag tatanungin siya nito pero hindi na niya ito pinapansin o kinakausap kapag nakasagot na siya. Katunayan ay pinipilit lang niya ang sarili niya na kausapin ito kahit na ang totoo ay galit talaga siya sa lalaki. Ngayon niya kasi napatunayan na ubod ito ng sinungaling at walang puso. Hindi niya tuloy maiwasan na makaramdam ng awa sa tunay na Zayn kung ganito ang ama na kasama nito. Naisip ni Tristan na maswerte pa rin siya na ang mommy niya. Na maswerte at masaya sila ni Trina sa piling ng kanilang ina. Ang kanyang mommy na miss na miss na niya. Kaya biglang naging malungkot ang kanyang mga mata habang nakatingin sa tv na narito sa may living room.Napapansin rin ito ni Zack at nag-aalala na siya. Alam niya na may kakaiba sa anak niya. Hindi ito ang anak niya noong mga nakaraang araw. Ang lamig nito sa kanya na kulang na lang ay hindi siya nito kausapin na para bang wala itong pakialam kung
âTell me, bakit po may picture na kasama mo si Dok Enna?â tanong ni Tristan kay Zack.âThis is nothing,â tiim bagang na tanong ni Zack.âReally? Hanggang kailan mo ba siya itatanggi?ââWhat are you talking about?â âAkala mo ba talaga ay tanga ako, daddy? Dahil ba bata lang ako kaya ganyan ka sa akin. Mabuting tao siya pero nasaan na siya? Saan mo na naman siya tinapon? Iyan na lang ba ang alam mong gawin? Ang itapon na lang siya palagi. Kapag hindi mo pa rin siya pinalabas sa kung saan mo siya tinago ay ako na ang hahanap sa kanya at iiwanan kita. Sasama ako sa kanya,â sabi niya bago siya lumabas sa opisina ng lalaki.Galit si Tristan sa kanyang ama. Ang demonyong lalaki sa paningin niya. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanyang mommy lalo na sa kanila ng mga kapatid niya. Ang nais niyang matulog sa tabi nito ay hindi na niya ginawa. Mas pinili na lang niyang sa silid ni Zayn matulog.âZayn,â narinig niya na tawag nito pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Wala siy
Ilang sandali pa ay may narinig siya na tunog ng sasakyan kaya napahinga siya ng malalim. Hinahanda niya ang kanyang sarili sa paghaharap nila ni Zack. Hanggang sa bumukas na ang main door at pumasok na ito. Walang emosyon siyang nakatingin sa lalaki.Napansin ito ni Zack kaya siya nagtataka ngunit bigla na lang ngumiti si Tristan at mabilis na tumakbo papunta sa lalaki.âDaddy!â masigla nitong bigkas at mabilis na nagpa-karga sa kanyang ama.Napangiti naman si Zack dahil ang lambing ng kanyang anak. Ito kasi ang unang beses na sinalubong siya ni Zayn ng ganito. Ang buong akala niya ay namamalikmata lang siya kanina na masama ang tingin nito sa kanya ngunit hindi naman pala dahil nakangiti ito ngayon at hinalikan pa siya nito sa pisngi.âItâs late na kaya bakit hindi ka pa natutulog?â tanong niya sa kanyang anak.âHindi pa po ako inaantok, daddy. Hinintay po kita kasi gusto ko po sabay tayong kumain. Ikaw po ba ay kumain na?â tanong ni Tristan kay Zack.âHindi pa nga eh, eat na tayo.â