The Wife He Never Chose

The Wife He Never Chose

last updateHuling Na-update : 2026-10-21
By:  NeverlandsinkIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
5Mga Kabanata
5views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Sa loob ng tatlong taon nilang kontratang kasal, iisa lamang ang hiling ni Anna Roxas—ang minsang piliin siya ng sarili niyang asawa. Ngunit para kay Lawrence Santillan, ang pagmamahal ay hindi kailanman naging bahagi ng kanilang kasunduan. Sa kabila ng pagiging masipag at mapag-unawa ni Anna bilang asawa, nanatiling ibang babae ang laman ng puso ni Lawrence. Kaya sa bawat pagkakataong kailangan niyang pumili, hindi kailanman naging si Anna ang sagot nito. Hanggang sa mapagod siyang umasa, masaktan, at maghintay sa pagmamahal na hindi naman talaga para sa kaniya. Ngunit paano kung sa huling araw ng kanilang kasunduan, sa wakas ay handa na si Lawrence na piliin ang asawang matagal niyang binalewala?

view more

Kabanata 1

Kabanata 01

Hindi mapakali si Anna sa kaniyang kinatatayuan dahil buong araw siyang naging abala sa paghahanda ng mga gamit para sa pag-uwi ng kaniyang asawa. Galing kasi ito sa business trip sa ibang bansa, at paniguradong gusto na rin nitong kumain ng mga pagkaing Pilipino.

“Ma’am Anna! Itong baka po ba, kanina pa natin pinakuluan? Baka naman po, kapag tinusok ni Sir Lawrence ng tinidor, mahulog na agad sa sobrang lambot!” biro ng kanilang kasambahay.

Naalala kasi ni Paz na minsan nang nagalit si Lawrence dahil sa sobrang lambot ng pagkaing inihanda para sa kaniya. Halos hindi na niya kailangang nguyain ang karne bago ito mahulog sa kaniyang tinidor.

“Hayaan mo na muna, Paz. Tatawagan ko lang ang Sir ninyo para malaman kung dito ba siya kakain. Kung hindi naman, para na lang sa inyo ang mga pagkain,” sagot ni Anna.

Kinuha niya ang kaniyang telepono sa bulsa at tinawagan si Lawrence. Ngunit sa unang sagot pa lamang nito, halos maramdaman na ni Anna ang pagkayamot ng kaniyang asawa sa simpleng pagtawag niya.

“Hindi ba't sinabi ko sa iyo na huwag mo akong tawagan? Bakit ba ang hirap mong umintindi, Anna?!” pasigaw na sagot nito sa kabilang linya.

Hindi akalain ni Anna na ganoon ang magiging reaksiyon ni Lawrence. Wala na siyang nagawa kundi ibaba ang tawag nang hindi man lang nakapagsalita.

Nagkatinginan ang mga kasambahay nila. Maging sila ay hindi na nagtaka kung si Jane na naman ang kasama ng kanilang amo. Madalas kasi nilang makitang magkasama ang dalawa tuwing umuuwi sa mansyon pagkatapos ng mga pagtitipon.

“Hindi raw dito kakain ang Sir ninyo, Paz. Pakitago na lang sa ref ang mga matitira pagkatapos ninyong magluto para sa inyo,” sabi ni Anna bago iniwan ang mga kasambahay at umakyat sa kuwarto.

Habang nakatingin siya sa larawan ng kasal nila ni Lawrence, biglang umilaw ang kaniyang telepono. May natanggap siyang mensahe mula sa asawa.

"Diyan muna matutulog si Jane. Baka gusto mo munang maghanap ng hotel o kaya naman ay umuwi ka muna sa mga magulang mo."

Agad siyang sumagot, ngunit kasabay ng pagta-type ng kaniyang tugon ay ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo mula sa kaniyang mga mata.

Sa totoo lang, anniversary nila ngayong araw. Ngunit kahit ang kasal nilang tatlong taon na ang nakalilipas ay hindi man lang naalala ni Lawrence. Kahit kontrata lamang ang kanilang pagsasama, minsan naman itong pinahalagahan ni Anna. Para sa kaniya, hindi lang basta papel ang kanilang kasal.

Tatlong taon na siyang nagdurusa, ngunit hindi pa rin niya magawang kalimutan at iwan ang kaisa-isang lalaking minahal niya. Kaya hanggang ngayon, kahit masakit, pinipili pa rin niyang magtiis.

"Hayaan mo na. Hindi na ako aalis. Puwede mo namang sabihin na kasambahay lang ako rito."

Iyon ang isinagot niya sa mensahe ng kaniyang asawa. Pagkatapos, ipinagpatuloy niya ang pag-aayos ng kaniyang mga gamit na para bang walang anumang nangyari.

Kinuha niya ang mga lalagyang naglalaman ng mga pagkaing ipinadala sa kaniya ng kaniyang mga magulang at umakyat dala ang mga ito. Napansin naman siya ng kanilang kasambahay at pinayuhang huwag nang lumabas dahil mukhang lalakas na naman ang ulan na kanina pa nagbabadyang bumuhos.

“Ayos lang naman, Paz. Ang mahalaga, kung ano ang utos ni Ma'am Jane ninyo, iyon ang sundin ninyo. Alam n'yo naman kung magalit si Lawrence, parang walang katapusan,” sabi ni Anna.

“Heto po ang gamot, Ma’am Anna, para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ninyo. Kayo naman kasi, Ma’am. Maganda naman kayo, pero bakit gustong-gusto n'yo pa rin si Sir?” tanong ni Paz.

“Ikaw talaga. Hayaan mo na. Baka naman dumating din ang araw na mahalin ako ng Sir ninyo. Hindi nga lang natin alam kung kailan,” sagot ni Anna.

Umakyat si Anna sa pinakataas na bahagi ng mansyon, sa kaniyang sariling lugar—isang maliit na kuwartong halos kasinlaki ng isang container van. Kumpleto naman ang mga gamit doon, kahit hindi ganoon karami. May kuryente, tubig, at lahat ng pangunahing pangangailangan niya.

Doon siya nananatili tuwing naroon si Jane. Kapag nagkakasalubong kasi ang dalawa, halos hindi nila maitago ang pagkamuhi sa isa't isa. At kahit alam naman ni Jane kung ano ang papel ni Anna sa buhay ni Lawrence, wala pa ring saysay ang lahat ng iyon dahil si Jane pa rin ang mas mahal ng kaniyang asawa.

Kasal sila sa papel. Isa siyang Santillan, ngunit kailanman ay hindi niya nakuha ang puso ni Lawrence.

Tatlong taon na silang kasal. Halos isang dekada na rin silang magkakilala, ngunit sa kabila ng lahat, ang kababata pa rin nitong si Jane ang patuloy na pinipili ni Lawrence.

Mula sa bintana ng kaniyang kuwarto, nakita ni Anna ang pagdating nina Jane at Lawrence. Masaya silang magkahawak-kamay habang si Anna naman ay halos inaapoy na ng lagnat.

***

Kinabukasan, ilang ulit na kumatok ang kanilang kasambahay sa kuwarto bago tuluyang magising si Anna. Masama pa rin ang kaniyang pakiramdam at mabigat ang kaniyang katawan.

Pinatatawag daw siya ni Lawrence dahil darating ang kaniyang mga biyenan. Baka raw kasi mapansin ng mga ito ang kalagayan niya at isipin na pinababayaan siya ng kaniyang asawa.

Agad namang bumaba si Anna. Kahit masama ang kaniyang pakiramdam, pinili pa rin niyang humarap sa kaniyang mga biyenan na para bang walang nangyari. Isang bagay na hindi naiwasang pagtakhan ng kanilang mga kasambahay.

Ilang oras lamang ang lumipas at dumating na nga ang mga magulang ni Anna. Agad na lumapit ang mag-asawa upang salubungin ang mga ito. Ilang araw na rin kasi nilang hindi nakakausap ang kanilang anak, kaya minabuti nilang bumisita muna sa mansyon.

“Kumusta naman kayo rito, Anna? Ang laki-laki ng bahay ninyo. Nagkakakitaan pa ba kayo ng asawa mo?” tanong ng kaniyang ina.

“Oo naman, Ma. Si Lawrence ho ang nagdisenyo ng bahay na ito,” sagot ni Anna.

Kumapit siya sa braso ni Lawrence habang ipinapasyal ang kaniyang ina sa loob ng mansyon. Ngunit nang mapansin ni Lawrence na mainit ang kaniyang katawan, agad itong nagpumiglas upang makawala sa pagkakahawak niya.

Sa halip na tulungan siya, itinuro na lamang nito ang dining area na nasa di-kalayuan.

“Naku, hindi naman kami magtatagal. May kailangan pang asikasuhin ang Papa mo sa opisina,” sabi ng kaniyang ina bago kinuha ang kanilang mga gamit.

“Lawrence, hijo, ingatan mo ang anak ko, ha?” paalam nito.

Tumango naman si Lawrence habang nagpapaalam sa pamilya ni Anna.

Nang tuluyan nang mawala sa kanilang paningin ang mga ito, agad na lumayo si Lawrence sa kaniyang asawa. Hindi niya gusto ang init ng katawan nito at ayaw niyang mahawa kung sakaling may sakit nga ito.

Kung tutuusin, wala naman dapat siyang ikainis. Ngunit tila nauubos talaga ang kaniyang pasensiya sa tuwing nakikita si Anna.

Hindi naman talaga sila ganito noon. Marahil ay may mga nagbago lamang sa buhay nilang pareho na kailangan nilang pagtuunan ng pansin.

Mas maganda nga sana kung tuluyan nang mawawalan ng bisa ang kasal nila. Ngunit para kay Lawrence, mali ang makipaghiwalay. Hindi naman sa ayaw niyang pakawalan si Anna dahil lamang sa hindi niya ito gusto. Ang totoo, hindi lang niya alam kung paano aalagaan nang maayos si Jane.

Si Jane, ang kababata niyang minsan niyang inakalang makakasama niya habambuhay.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Walang Komento
5 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status