Sa loob ng maraming taon ay pilit na umaasa si Selina Ramirez na mamahalin rin siya ng kanyang asawa na si Zack Miranda. Ngunit nagtapos ang kanilang tatlong taon na pagsasama sa diborsyo. Ang araw ng panganganak ni Selina ay siya ring araw ng kasal ng kanyang ex-husband sa babaeng tunay nitong iniibig. They declared her death after giving birth. Ngunit ang hindi nila alam ay magbabalik siya. At sa hindi inaasahan ay matutuklasan niya ang isang katotohanan. Ang katotohanan na hindi lang pala kambal ang ipinanganak niya five years ago. Kundi tatlo. At kinikilala ina ng kanyang anak ang bagong asawa ni Zack. Ipaglalaban ni Selina ang kanyang karapatan kahit pa makakalaban niya ang kanyang dating asawa. Her Zillionaire's ex-husband na makapangyarihan sa lahat. Mabubuo pa kaya ang triplets? O tuluyan na itong mawawalay sa kanya?
View More“Hindi pa rin makontak ang asawa mo.” saad ng isang babae.
Kanina pa tinatawagan si Zack ngunit hindi ito makontak. Ilang ulit na itong kinokontak ngunit wala pa rin. Nakapatay ang telepono nito na para bang ayaw nitong isturbohin siya.
Para sa kanya ay ito ang lalaking mahal niya kaya hindi siya makapaniwala na wala itong puso.
Nandito si Selina sa ospital at nakahiga siya ngayon sa birthing bed. Mahigpit na nakakapit sa bakal na nasa kanyang tabi. Namumutla na siya at namimilipit sa sakit habang narinig niya ang tao na nasa labas ng delivery room at nagsasabi sa doktor na nagsasabi na kailangan mabuhay ng bata. Na kailangan iligtas ang bata na nasa kanyang sinapupunan dahil ito ang tagapagmana ng mga Miranda.
Habang nahihirapan siya ay bigla niyang naalala na ngayon pala, ngayon pala ang kasal ng ama ng kanyang anak. Ang kasal nito sa ibang babae. Sa babaeng sinasabi nito na mahal nito. Doble na ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Ang paghilab ng kanyang tiyan at pagdurugo ng kanyang puso. Na sa tingin niya ay mas masakit pa ang sakit pa ito kaysa sa panganganak niya.
Katunayan ay ang tanging nais lamang niya ang ang kanyang anak. Ang kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan. Ang totoo ay may napili na rin siyang pangalan para sa bata at may napili na rin siyang mag-aalaga sa kanyang anak kung sakali man na may mangyari sa kanyang masama.
Kalokohan pero talagang naisip niya iyon. Natatakot siya na baka hindi niya kayanin ang nangyayari ngayon sa kanya.
Pilit niyang pinipigilan ang luha niya at ang sakit na nararamdaman niya. Dahil nararamdaman na niya na malapit na. Malapit ng lumabas ang bata. Hanggang sa tuluyan na niyang naramdaman na tuluyan na itong lumabas. Napahiyaw siya ng malakas dahil sa sobrang sakit. Inilapag sa kanyang tiyan ang bata at niyakap niya ito ng mahigpit at tuluyan ng bumuhos ang kanyang mga luha.
Nagulat siya dahil biglang bumukas ang pinto at may mga pumasok na tao. Nanginginig na si Selina at maputla na rin ang kanyang labi. Ngunit kailangan niya na protektahan ang sanggol. Poprotektahan niya ang kanyang anak kahit pa nahihirapan na siya. Kahit pa ano ang mangyari.
“Selina, ibigay mo sa akin ang sanggol na iyan! Kapag hindi mo siya ibinigay sa amin at kapag may nangyari na masama sa sanggol na ‘yan ay sigurado ako na papatayin ka ni Zack. Siya ang kapalit sa mga kasalanan mo sa ate ko. Siya ang kabayaran!” utos ni Rena.
“Kabayaran? Wala akong kasalanan sa kanya! Hindi ko siya sinaktan! Wala akong ginawa na masama sa kanya!” sigaw ni Selena kahit pa nanghihina na ito.
“Hindi naman mahalaga kung ikaw ba talaga o hindi dahil para kay Zack ikaw ang may kasalanan. Ikaw ang may gawa kaya naging lantang gulay ang kapatid ko. At ang batang ‘yan ang magiging dahilan para maging makapangyarihan ang ate ko at ikaw mabubulok ka sa kulungan. Kaya ibigay mo na sa akin ang bata! Akin na ang batang ‘yan!”
“Ilang beses ko ba dapat sabihin na hindi ako! Na hindi ako ang nanakit sa kanya! At hinding-hindi ko ibibigay ang anak ko sa ‘yo!” sigaw niya nang buong lakas.
Hindi niya ito ginawa. Kaya bakit ganito ang ginagawa sa kanya ni Zack? At mali siya dahil hindi niya pala kaya na kilalanin nang kanyang anak ang ibang babae bilang ina. Hindi niya dinala sa kanyang sinapupunan ng siyam na buwan ang bata para lamang sa iba. Dahil para sa kanya ang anak niya ang kayamanan niya.
Pilit niyang tinatawagan si Zack ngunit hindi niya pa rin ito makontak. Nagbabakasakali siya na baka mali siya. Na baka may awa pa ito sa kanya at baka matulungan siya nito. Hanggang sa may humablot sa kanyang kamay ng telepono at ito mismo ang pumutol sa tawag. Hinagis rin nito ang kanyang telepono dahilan para masira ito.
“Bakit mo sinira ang telepono ko?” galit na tanong ni Selina kay Rena.
“Sa tingin mo ba talaga ay may pakialam sa ‘yo si Mr. Zack? Isa ka lang laruan na kapag tapos na ay itatapon na. Sa tingin mo ba ay mahal ka niya? Sa tingin mo ba pipiliin ka niya? Kasi kung ako ang tatanungin mo ay mas pipiliin pa niya na i-divorce ka at magpakasal sa babaeng lantang gulay na nasa hospital. Ang babaeng karapat-dapat sa kanya. At ikaw isa ka lang pagkakamali ni Mr. Zack. Mas magiging malakas ang ugnayan ni ate kay Zack lalo na ngayon na ipinanganak mo na ang batang iyan.” natatawa na saad ni Rena.
Ang mga salitang kanyang narinig ay tuluyang nagbigay sa kanya ng kakaibang kurot. Sinampal siya ng masakit na katotohanan na sa loob ng tatlong taon nilang kasal ay wala pa lang silbi. Hindi niya inaasahan na ganito pala ka walang puso si Zack. At sobra siyang nasasaktan sa mga salitang sinampal sa kanya ni Rena. Dahil sa tingin niya ay tama ito.
Tumindi ang sakit na kanyang nararamdaman hanggang sa namimilipit na siya. Nararamdaman niya ang matinding paghilab ng kanyang tiyan at unti-unti niyang hinahabol ang kanyang paghinga. Hanggang sa sumigaw ang isang nurse na nasa loob ng silid. “Dinudugo siya!”
“Bilisan niyo! Kunin niyo na ang bata. Kapag naantala ang trabaho ni Mr. Zack ay malalagot kayo! Kailangan na nating bilisan!” malakas na sigaw ni Rena sa mga kasama nito.
At mabilis naman na inagaw ang bata kay Selina. Walang may pakialam sa kanya kahit pa tuluyan na siyang bumulagta at nawalan ng malay sa sahig. Walang may pakialam sa kanyang kamatayan. Para sa kanila ay hindi mahalaga ang buhay nito.
Walang may gusto pumirma sa inilabas na waiver ng hospital para kay Selina. Dahil ang tanging alam nila ay si Sarah ang nasa puso ni Zack. At ang anak ni Selina ay siyang susi para sa pag-angat ni Sarah.
Walang may pakialam sa safety ni Selina dahil kahit ang kanyang asawa na si Zack ay wala rin naman pakialam. Kaya bakit nila aalalahanin ang kaligtasan o kamatayan nito. Sa mga mata nila ay isa lang itong basura na itinapon na ni Zack Miranda.
The hospital declared her time of death. At tuluyan namang nilisan ni Rena ang ospital kasama ang bagong silang na sanggol. Nagkalat ang dugo ni Selena sa sahig na wala man lang taong natira sa buong silid. Ngunit bigla na lang bumukas ang pinto ng emergency room at pumasok ang isang nurse.
*****
Mabilis na lumipas ang mga taon at limang taon na ang lumipas.
Nasa isang tahimik na silid ang napaka-gwapong bata. Tahimik lang itong nakaupo sa kanyang kama. Sa gwapo niyang mukha ay may bakas ng pulang marka na mahahalata dahil na rin sa kanyang taglay na kaputian. Malungkot ang mga mata nito na nakatingin sa kanyang laruan na nasa kanyang tabi.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na nakasuot ng isang formal dress. She looks respected and classy. Halatang pinaghandaan nito ang araw na ito. Hindi ito ang karaniwang itsura niya sa regular na araw.
“Bakit nakaupo ka pa rin d’yan? Bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit?” Tanong Rena sa batang si Zayn.
Tahimik lang at hindi tumugon ang bata sa kanya. Nakaupo pa rin ito sa kama at walang balak na gumalaw.
“Ang lahat ng bisita ay dumating na. Magbihis ka na ng iyong damit at sumunod ka sa akin sa ibaba.” mahinahon na pakiusap niya sa bata.
“Hindi ako bababa.” malamig na sambit ni Zayn na walang balak sundin ang nais ni Rena.
Lumapit si Rena sa bata. At pinipilit niya ito na magbihis na ng damit.
“Sabi ng isuot mo ito!”
“Ayaw ko!”
“Sige na, isuot mo na ito.” Malumanay na sambit ni Rena sa bata.
“Ayaw ko po.”
Dahil sa naging sagot ni Zayn ay napalitan ng inis ang ekspresyon ng mukha ni Rena. Mabilis niyang sinira ang building blocks na laruan ni Zayn at nagkalat ito sa sahig. Mabilis na tumulo ang mga luha ng bata dahil sa nangyari.
“Bakit mo po sinira, tita?! Nahirapan po akong buuhin ‘yan!” sigaw ni Zayn.
Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Rena sa kanyang narinig. Lalo na ang salitang “tita” na dahilan para mas lalo niya itong hindi magustuhan. Pero dahil rin na batang ito kaya nasa ganitong katayuan siya. Kaya pilit niyang pinipigilan ang galit na nararamdaman niya.
“Bibibigyan kita ng pagkakataon na magbihis kaya bumaba kana. Huwag mo ng hintayin na maubos ang pasensya ko.”
“I hate you!” sigaw ni Zayn at hinablot ang damit sabay tapon sa sahig.
Mabilis naman hinuli ni Rena ang kamay ng bata at sapilitan na pinaupo sa kama. “Makinig ka ng mabuti sa akin. Ako lang ang tanging nagmamahal sa ‘yo. Ang tanging kakampi mo at sa akin ka lang dapat sumunod. Wala akong pakialam sa kaartehan mo dahil maraming tao ang naghihintay sa labas. Kung ayaw mong sumunod sa akin ay itatapon kita sa kung saan. Maliwanag ba?!” may diin na saad ni Rena.
Ito ang kauna-unahang beses na nagdaos ng party para sa birthday ni Zayn. At para naman kay Rena ay ito na ang magandang pagkakataon para mapalapit siya kay Zack. Kaya hindi siya makakapayag na sirain ng batang ito ang kanyang kinabukasan. Na sirain na lang ni Zayn ang lahat ng kanyang plano at pagtitiis.
“Ayaw mong lumabas! Sige dito ka na lang! Hindi ka lalabas dito hangga’t hindi ka sumusunod sa akin!” sigaw ni Rena at mabilis na sinara ang pinto ng silid.
He locked up the young heir inside the dark room. Na nagdulot ng kakaibang takot sa bata. Dahil noong huling kinulong niya ito ay may mga ipis na naglabasan sa silid. Mabilis na tumakbo si Zayn sa may pintuan at kinalampag niya ito.
“Tita, natatakot po ako! Ayaw ko po dito!” umiiyak ito habang patuloy na hinahampas nang kanyang maliit na kamay ang pinto.
“Palabasin niyo po ako! Huhuhu! Natatakot po ako. Please po, tita! Magpapakabait po ako..”
“Hindi ikaw ang kuya ko,” sabi ni Trina.“W–What are you talking about?” kunot noo na tanong ni Zayn kahit na ang totoo ay kinakabahan talaga siya.“Ang sabi ko hindi ikaw ang kuya ko.” sabi ni Trina kay Zayn habang seryoso ang mukha nito.“Ako ang–”“Sa tingin mo ba talaga ay maloloko mo ako? Kilala ko ang kuya ko. Kaya hindi mo ako maloloko, Zayn.” saad pa nito sa kanya.“Trina, sorry.” Biglang umiyak si Zayn sa harap ni Trina dahil hindi na niya kayang magsinungaling pa. Alam niya na hindi niya ito maloloko lalo na magkasamang lumaki ang dalawa. Alam niya na kilalang-kilala nito si Tristan kaya hindi niya ito mapapaniwala kahit pa ipilit niya na siya si Tristan. “Nasaan ang kuya ko? Ilabas mo ang kuya ko,” galit na tanong ni Trina.“Nasa bahay siya, naiwan siya doon. Nagpalit kaming dalawa dahil hinahanap niya ang mommy mo at talagang nahanap niya ito kaya nakauwi na ito.” malungkot na sabi ni Zayn.“Kung nakauwi na si mommy ay nasaan ang kuya ko? Bakit wala pa siya dito?” tanong
Nang makarating na sina Selina sa bahay ay kaagad silang sinalubong ni Zayn. Pumatak ang luha sa mga mata niya dahil kailangan niyang magpanggap na hindi niya alam ang totoo. Na hindi niya alam na si Zayn ang nasa harapan niya.“Tristan,” umiiyak niya itong niyakap.“Mommy, nasaan po si Zayn?” “Naiwan na siya sa daddy niya. Ginawa niya ang lahat para makabalik ako dito at makasama ko kayo. Nagpakabait ka ba habang wala ako?” tanong ni Selina sa bata.“Opo, nagpakabait po ako. I miss you po, mommy. I miss you so much po,” sabi nito sa kanya.“I miss you too, anak.” umiiyak na sambit niya.Aaminin ni Selina na pangarap niyang makasama ang anak niya ngunit hindi niya pinangarap na isa sa mga anak niya ang mawawala sa kanya. Sobrang sakripisyo ang ginawa ni Tristan para lang makasama niya ngayon si Zayn. Pero hindi niya dapat hayaan na mawala ng tuluyan sa kanya ang kanyang anak. Pinapangako niya sa sarili niya na babawiin niya ito mula kay Zack.“Mommy, saan ka po galing? Sinaktan ka po
“Ako miserable?” tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.“Oo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa ‘yo. I hate you! I hate you so much!” sigaw nito sa kanya.“Tristan,” may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.“Kung iniisip mo na sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan si Zayn ay hindi ko ‘yun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.”“Tristan, I’m still your father.” saad niya.“You’re not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,” sambit ni
“Go na, mom.” sabi ni Tristan kay Selina.“I can’t, hindi kita iiwan dito.” sambit ni Selina.“Umalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.” nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.“Tristan, don’t do this.” sabi ni Selina.“I have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,” umiiyak na sabi ni Tristan.“Baby, don’t say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, i’m sorry Tristan. I’m sorry, anak.”“Mom, alis ka na po please.” “What are you waiting for? Leave now,” sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.“Hindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa
“What are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na ito—”“You heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako si—”“Ano bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.“Hindi ako si Zayn.”“Tigilan mo na ito,” sabi ni Zack.“I’m telling the truth, hindi ako si Zayn.”“Tristan, stop it.” umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.“No, mom. I think it’s time for him to know the truth. I’m sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa ‘yo.” umiiyak na sambit ni Tristan.“Please, don’t do this.” sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.“What are you talking about? Stop this nonsense now.” sabi niya.“Hindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.”“What the–”“Hindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.
“Tristan?” sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.“Tristan, ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.“Mommy,” umiiyak na sambit nito.“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka niy–”“Shh… ‘wag ka pong maingay, mommy.” sabi nito sa kanya.“Umalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.” pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments