Share

THEN AND NOW
THEN AND NOW
Author: CessShia

Pahina 1

THEN AND NOW

CHAPTER 1

Tinanaw ko ang tahimik na kalsada sa labas ng maliit na shop na pinapasukan ko ngayon.

Ilang minuto na lang ay uuwi na din ako. Ito na din ang huling araw ko rito dahil bukas ay pasukan na, pagagalitan ako ni Mama kapag mas pinili ko ang mag trabaho kaysa sa mag-aral.

Tama nga din naman, mas maganda kapag may natapos ako. Mas makakatulong ako sa pamilya.

Ngumiti ako ng dumating si Mr. Lim, ang may-ari ng maliit na Cafe/Bake shop na ito.

Iniabot niya sa akin ang isang maliit na envelope, alam ko na agad kung ano iyon. Ang bunga ng pagsisikap ko sa buong buwang iyon.

Huminga ako ng malalim at ngumiti.

"Maraming salamat po." Sambit ko rito at bahagyang yumuko bilang pag galang rito.

"Ano ka ba Claude, ijo. Sa susunod na bakasyon aasahan ulit kita rito. Ikumusta mo ako sa Papa mo." Tugon nito dahilan upang mas mapangiti ako.

Inayos ko ang sarili at binitbit ang gamit ng sa ganoon ay makauwi na ako.

Akmang bubuksan ko na ang babasaging pinto ng Shop ng matanaw ko ang isang lalaking dali-daling dinampot ang isang asul na bisekletang nakasandal sa malamig na pader sa gilid kung saan madalas kong iparada ang bisekleta ko.

Halos lumabas ang kaluluwa ko ng matantong bisekleta ko iyon.

"Hoy! Hoy! Teka! Bike ko Yan ah!" Malakas kong sigaw at walang ibang nagawa kundi ang bilisan ang pagtakbo ko.

"Hoy! Tumigil ka!" Muli kong sigaw ngunit napahinto na lamang ako sa sobrang pagod dahil di ko na maabutan pa.

Ilang minuto pa ang lumipas ay sunod-sunod na may dumating na mga grupo din ng mga lalaking sakay-sakay din sa kaniya-kaniya nilang mga bisekleta. 

Napatingin sa akin ang isa sa mga kasamahan nila.

"May nakita ka bang lalaking nakasuot ng itim na jacket?" Maangas na tanong sa akin ng maitim at matabang lalaking mukhang lider ng mga 'to.

Inosente akong tumingin sa iba pa niyang mga kasamahan at itinuro ang katabi niyang nakaitim ding jacket.

"Ginagago mo ba kami? Hindi Yan! Ang ibig kong sabihin kung may iba pa bang dumaan dito?" Tumaataas ang boses nitong sambit kaya umiling-iling agad ako.

"Tss, walang kwenta! Tara na nga! Bwesit na Alvarez iyon! Haysst!"

Tinanaw ko ang mga lalaking parang mga gangster palayo sa gawi ko.

"Tss, kala ba nila cool sila. Mga dugyot! Hays!" Inis kong sambit habang nakapamewang na naglakad.

"Tanginang yan! Kay bago-bago nun nanakawin lang!" Iritado ko na namang usal ngunit halos mapatalon ako ng may biglang magsalita sa likuran ko.

"Hoy, ikaw." Agad akong napalingon at nakita ang bisekleta kong hawak-hawak ng lalaking naka-itim na jacket.

"Gago ka ah! Bisekleta ko Yan ah!" Galit kong saad ngunit laglag panga ko siyang tiningnan ng maglakad siya papalapit sa'kin.

"Sinaktan ka ba ng mga iyon?" Nakangisi nitong tanong sa'kin.

"Ah ikaw pala ang hinahabol ng mga iyon." Sarkastiko kong Sabi tiyaka marahas na kinuha ang bisekleta ko.

"Tss, mga kabataan talaga ngayon. Puro kabulastugan na lang lagi ang alam. Kala siguro nila cool sila tignan, tss." Inis kong dugtong.

"Hays, salamat sa pagpapahiram ah." Nakangisi at Sarkastiko niyang sambit habang nakapamulsang nakatingin sa'kin.

"Hiram? Eh halos mabali paa ko kakahabol sayo kasi bigla mong tinangay ang bisekleta ko. Monggoloid ka ba? Tss." Iritado ko pading sambit pero mas lalo lang ata akong nabwesit ng tawanan niya ako.

"Ibinalik ko naman diba?" Tugon niya pa habang tinatabingi ang ulo niya na para bang sinusubukan niya akong inisin.

"Wow ha! Parang kailangan ko pang magpasalamat ah!" Natatawa kunwaring usal ko habang nakapamewang siyang tiningnan.

"Tss, ingay." Mahina niyang usal pero nadinig ko pa din dahilan upang matigilan ako pero bago pa man ako matauhan sa sinabi niya ay naglalakad na siya palayo.

Hanep, anong trip nun sa buhay.

"Hoy walangya ka! Sana bugbugin ka ng mga humahabol sa'yo!" Panay pa din ang pahabol ko ng mga salita sa kaniya hanggang sa tuluyan siyang paningin ko.

Wala akong nagawa sa sandaling iyon kundi ang umuwi nalang at magpasalamat na kahit papaano'y naibalik ang bisekleta ko.

"Claude anak, natagalan ka ata?" Salubong sa'kin ni Mama na panay ang buhos ng tubig sa mga pananim niya.

"Natagalan lang ho sa daan. Nandiyan na po ba si papa?"  Tanong ko din habang tinatanggal ang sapatos, sumunod naman sa'kin si mama papasok.

"Andun, patuloy pa din sa pag papaalila sa pisteng kompanyang iyon!" Ramdam ko ang inis sa boses ni mama. Hindi ako umimik at huminga na lamang ng malalim.

"Kung tutuusin, sila ang may malaking utang sa'tin dahil kalahati ng tinitirikang lupa ng gusaling iyon ay sa pamilya ng lolo mo. Hayaan mo at babagsak din ang mga Alvarez na iyan." Mahabang litanya ni Mama kaya mas napatitig ako sa kaniya.

She really valued those property, of course she grew up there, witnessing how their father manage it for their future. Pero dahil maraming masasama at sakim na mga tao sa mundo pagdating sa kapangyarihan at yaman nawalan ng saysay lahat ng pinagsikapan ng lolo.

"Ma, 'di ba Sabi ko sa inyo balang araw pag nakatapos ako ng pag-aaral makakaahon din tayo, may lupa man o wala, aasenso tayo." Pang-aalo ko kay Mama matigil lang siya sa paghihesterya.

Ngumiti siya at hinaplos ang ulo ko.

"Alam ko naman iyon. Ayaw ko lang na nakikita kayong nahihirapan kung dapat naman sana maginhawa ang buhay ninyo." Tugon nito sa'kin.

"Mas mabuti pa magpahinga na muna kayo, Ma." Pabiro kong sambit kaya bahagya nitong tinapik ang balikat ko bago kami tuluyang pumasok sa loob.

Siguro naiintindihan ko din si Mama, ganoon talaga siguro kapag magulang ka na. You'll going to overthink everything because they're scared for our future. Takot sila na baka maranasan din namin ang mga hirap na naranasan nila.

Kaya bilang isang anak, maswerte ako. Sobrang swerte kaya gagawin ko lahat para abutin lahat ng pangarap ko.

Pangarap ko para sa pamilya ko, hindi para sa sarili ko.

Pangarap ko para sa mga taong pinanghuhugutan ko ng lakas at pinanghahawakan ko para magpatuloy sa buhay. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status