Share

Pahina 2

"THEN AND NOW"

Claude's POV

"Hoy, akala ko ba pasok niyo ngayon?" Bigla akong naalimpungatan dahil sa baritonong boses ni Kuya Ismael.

Kinusot ko ang mga mata ko at tiningnan siya habang nagtatanggal ng suot na maong jacket.

Bumangon ako ng dahan-dahan at ipinakong muli ang tingin sa kaniya.

"Kakarating mo lang? Hinanap ka ni Papa kagabi." Tanong ko sa kaniya.

Hindi siya umimik sa halip ay may iniabot siyang pera sa akin.

"Kumilos ka na. Malelate ka sa School." Aniya bago hinubad ang suot na sapatos.

"Kuya, ganoon ba talaga sa trabaho mo? Lagi ka na lang 'di nakakauwi ng maaga. Hindi ko na nga matandaan kung kailan tayo huling nagsabay kumain." Pagsasalita ko habang pinapanood siya sa ginagawa.

"Anong sabi ni Papa?" Tanong niya sa akin dahilan upang matahimik ako.

"Tss, umiyak na naman ba siya? Kung wala akong gawin, Sino pa bang ibang tutulong sa'tin." Dugtong pa niya.

Ganitong-ganito lagi ang eksena tuwing uuwi si Kuya ng bahay.

Minsan sasalubungin ko siya ng maraming tanong at ganoon din siya sa akin.

He always asked if Papa's still worrying about him for having a job just to help us. Actually, Kuya is a bartender in a Club at wala naman daw masiyadong delikado doon pwera nalang kung may mga pasaway na Customer but my parents couldn't stop over thinking, of course this is their first time seeing their son working to help the family. Alam ko, alam kong naiisip nilang hindi sila mabuting mga magulang dahil nakikita nilang nahihirapan ang anak nila. Pero hindi, dahil ayaw iyong iparamdam ni Kuya maging ako sa kanila.

"Pag nakatapos ako, ako naman ang tutulong sa pamilya." Sambit ko kaya liningon niya agad ako.

"Kung ganoon maligo ka na. Malelate ka. Ang mabuting estudyante na may pangarap ay hindi nagpapahuli sa klase." Saad nito tiyaka ngumiti.

Lumaki ako sa masaya at simpleng pamilya. Mahirap pero hindi sumusuko sa buhay, eh pa'no ka susuko kung araw-araw mong nakikita iyong mga taong dahilan kung bakit ka nagpapatuloy sa buhay.

"Ingat!" Pahabol ni Mama sa akin ng simulan kong paandarin ang bisekleta ko. Kumaway ako at ngumiti sa kaniya.

Ng makababa kasi ako kanina ay pumasok na pala si Papa kaya hindi ko na din siya naabutan.

Hindi naman masiyadong malayo ang School sa amin kung tutuusin kaya mas pinipili ko na lang ang mag bisekleta kay sa sa mag commute pa, para less gastos.

Ilang minuto pa ay nakarating na din ako ng School.

Nagpatuloy ako sa pagpapaandar para tuluyang makapasok ng gate ngunit sa hindi inaasahang pagkakataong at sa lahat ng pinakamalas sa mundo ako pa ang binigyan ng buena mano.

Inis akong tumayo mula sa pagkakatumba ko kasama ng aking bisekleta. Kahit masakit ang likod ko sa pagkakahulog ay pinilit kong tumayo para lingunin kung Sino iyong walang hiyang bumangga sa akin.

Kunot noo kong tinignan ang lalaking nakatingin sa akin habang hawak-hawak niya din ang medyo mas malaking bisekleta niya kaysa sa akin. Pero kahit gaano pa kalaki ang bisekleta niya wala siyang karapatan para magmayabang sa daang tulad nito na ginawa naman para sa lahat ng estudyante.

"Ano ba! Bulag ka ba!" Iritado kong sigaw at tuluyan ng tumayo.

Ngunit mas naging masama ang awra ko ng matanto ko kung sino ang lalaking itong ngayo'y nakatayo pa din sa harapan ko.

"Pasensya na hindi ko sinasadya. Ang bagal mo kasi." Kalmado niyang sambit dahilan upang mas mainis ako dahil para bang wala lang sa kaniya ang maka agrabyado, tss.

"Ikaw iyong kahapon ah. May atraso ka pa nga sa'kin dadagdagan mo pa!" Inis kong sambit habang inaayos ang nalukot kong polo.

"Oo, kaya pasensya na. Baka medyo malas ka lang talaga sa buhay." Natatawa na para bang nang-aasar niyang saad.

"Ano? Dala-dala mo kasi kamalasan kaya pati ako nadadamay! Tss," magsasalita pa sana akong muli ng lapitan niya ako.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko habang sinusubukang umatras at iharang ang mga kamay ko sa kaniya pero hindi siya nagpatinag at mas lalo pang lumapit sa'kin.

"Baka naman kasi pinagtatagpo tayo ng kapalaran? Hindi ba?" Nakangisi niyang pang-aasar kaya bahagya ko siyang tinulak at sinamaan siya ng tingin.

"Ano bang sinasabi mo? Alam mo kapag nakita pa kita ulit sa araw na'to at minalas ulit ako, talaga isusumpa ko iyang pagmumukha mo!" Singhal ko sa kaniya at tiyaka itinayo ang natumba kong bisekleta at sumakay doon.

"Baka sa sumunod na mga araw hanap-hanapin mo 'tong mukhang 'to?" Dinig ko pang pahabol niyang sigaw pero hindi ko na siya pinansin pang muli.

Asa siya.

Pero bago ba iyon dito? Ngayon ko lang siya nakita sa tinagal-tagal kong nag-aral sa University na 'to.

Simula elementarya ay dito na ako nag-aral kasi wala namang choice dahil ang ibang paaralan ay malayo na mula sa'min. Kaya hanggang ngayong magkokolehiyo na ako sa susunod na taon ay dito parin ako pumapasok.

Pero kahit pa magkaroon ako ng pagkakataong may kakayahan ang pamilya ko na pumili ng magagandang eskwelahan para sa'kin, pipiliin ko padin iyong ganito, malapit lang, at kung saan ako komportable kasi para sa'kin kahit anong klaseng paaralan ang pasukan mo kung wala kang pangarap at determinasyon sa buhay, pagdating ng panahon magiging talunan ka pa din.

Kasi hindi naman ang paaralan ang Nagdedesisyon para sa sarili natin kung maabot ba natin ang mga gusto natin sa buhay.

Tayo, tayo ang magdedesisiyon. Nasa kamay natin nakasalalay ang daang tatahakin na'tin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status