Share

KABANATA 4

“OMG!!! Seriously?” ang hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Bessy kinabukasan ng hapon nang puntahan siya nito sa kanila.

Pinandilatan niya ng mata ang kaibigang bahagyang nagtaas ng tinig. “Huwag kang maingay!”

Nanunuksong dinampot ni Bessy ang baso nito ng juice. Nasa likod-bahay sila noon sa ilalim ng punong mangga.

“Tapos sinabihan ka pa ng I love you? Baka naman matagal na siyang may gusto sa’yo?”

Pinigil niya ang mapangiti at nagtagumpay naman siya. “Ows?” taas-kilay niyang tanong.

Tumango-tango si Bessy. “Anyway, curious lang ako, anong naramdaman mo? Masarap ba ang first kiss?” ang kinikilig na pag-iiba ni Bessy ng usapan.

Hindi niya napigilan ang pamulahan sa tanong ng kaibigan lalo nang maalala kung ano ba talaga ang naramdaman niya kagabi nang halikan siya si Fritz.

&rdqu

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status