Share

KABANATA 5

PARANG ipinako sa kinatatayuan niya si Sara nang malabasan kinabukasan si Benjamin sa garahe ng mansyon. Kinikilig siyang napangiti at nang maramdaman marahil ng binata ang presensya niya ay agad itong nagtaas ng ulo mula sa binabasang libro saka siya nginitian.

Magagaan ang mga paa siya lumapit sa binata. Hindi niya maintindihan kung bakit para siyang nakalutang nang mga sandaling iyon? Siguro dahil iyon sa magagandang kislap ng mga mata nito na lalong pinatingkad ng angkin at natural nitong kagwapuhan.

“Good morning Ma’am” biro nito sa kanya.

“Shut up Benjie” aniyang napabungisngis. “I’m happy to see you here.”

Pinagbuksan siya nito ng backseat. “Same here, halika na?” anito.“anong oras ang labas mo? Ang instruction kasi sa akin ni Don Antonio eh lagi raw tayong magsabay sa pagpasok at pag-uwi” tumatakbo na noon ang kotse at mula sa rear view mirror ay nakita niyang sumulyap sa kany

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status