Share

KABANATA 3

“ISA nalang lalakad na, o hayan na pala. Dito kana sa likod,” ang traysikel driver kay Fritz.

Mula sa pagkaka-angkas sa likuran ng driver ay wala sa loob niyang sinilip ang loob ng traysikel nang mapuna ang paldang pambabae ng unibersidad na pinapasukan niya. Noon lumukso ang puso niya saka awtomatikong napangiti nang makita si Julia. Malayo ang tingin nito at mukhang malalim ang iniisip. At kahit sabihin pang side view lang ng dalaga ang nakikita niya, hindi parin maikakailang napakaganda nito.

“Huwag mong masyadong titigan at baka malusaw,” bulong ng driver na kanyang ikinagulat.

Siniko niya ito. “Ikaw talaga Manong Ed mamaya marinig ka nakakahiya,” aniyang natatawa.

Tumawa ang driver. “Ligawan mo na kasi. Balita ko may inirereto raw sa kanya ang tiyahin niya na anak ng isang mayamang negosyante sa Amerika. Baka maunahan ka,” paalala ni Ed sa mas mahinang tinig.

Nagbuntong hininga siya. “Mayaman, anak ng negosyante? Doon pa lang wala na tayong panalo Manong.”

“Tsk, pinanghinaan ka naman agad ng loob. Wala sa yaman iyon, nasa linis ng hangarin,” totoo naman iyon, pero dahil naapektuhan siya sa narinig ay minabuti niyang huwag ng sumagot para hindi na humaba pa ang usapan.

“Ako na,” aniya kay Julia nang ipara ni Manong Ed ang traysikel sa tapat ng malaking gate ng university.

Umiling ng magkakasunod ang dalaga saka ipinilit ang hawak na pera sa driver. Tinanggap iyon ng lalaki kaya nanunukso siyang sinulyapan nito.

“Mahina ka talaga, sige na sundan mo na!” anito nang mabilis na maglakad papasok ng gate si Julia.

“Nahihiya ako eh, sa susunod nalang. Baka makulitan sa’kin,” aniyang may panghihinayang sa tinig.

Tumawa ng mahina ang lalaki. “O siya sige, mauna na ako,” anitong pinatakbo pagkatapos ang traysikel.

Suplada ka talagang babae ka, kundi ka lang dalaga na tatawagin ulit kita sipon. Naisip pa niya habang sinusundan ng tingin ang papalayong bulto ng babaeng bumuo ng araw niya.

Kinagabihan, napapangiti siyang hindi mawari tuwing naaalala niya ang nangyari kanina sa pagitan nila ni Julia. Kahit pakiramdam niya napakalayo parin nito sa kanya, siguro dahil iyon sa katorpehan na mayroon siya ay hindi parin niya mapigilan ang kiligin ng lihim. Noon niya niyuko ang ilalim ng mesang de-tiklop kung saan siya kasalukuyang nag-aaral ng kanyang leksyon. Gamit ang technical pen, isinulat niya doon ang pangalan ni Julia na nilagyan pa niya ng hugis puso sa dulo.

Kahit parang ang layo mo, bakit nararamdaman kong someday makakasama rin kita?

*****

“AY! Wala pa si Julia, naku baka hindi um-attend iyon, pakisundo nga,” boses ni Chelle ang pumuno sa kabahayan. Bahay iyon nina Chelle kung saan nila ginanap ang kanilang class reunion. “dali na, alam naman ninyo ang babaaeng iyon parang takot sa tao, hindi lumalabas ng bahay,” ulit ni Chelle habang abala sa paggagayak ng hapag.

Noon tinapik ni Liam ang braso niya, sa pagkakaalam niya second cousin nito si Julia. “Samahan mo ‘ko?” hindi niya alam kung dahil iyon sa ilang shots ng alak na nainom na niya kaya walang pagdadalawang isip siyang tumango sabay tayo. Sa dulo kasi ng kalye nila ang bahay nina Julia.

Nasa gitna ito ng palayan at malayo pa sa kabahayan kaya malamang na hindi pumunta ang dalaga kapag hindi ito sinundo. Gabi narin kasi at sa pagkakakilala niya rito, taong-bahay lang talaga si Julia.

“Sige,” aniya pang nagpatiuna sa paglabas ng pinto.

*****

Present Day…

“PASENSYA kana naistorbo ka pa sa pag-aayos mo ng bahay, hayaan mo tutulungan kita bukas” nahihiya niyang sabi kay Fritz nang samahan siya ng binata sa magiging kwarto niya.

Nginitian siya ng binata. “Okay lang, masaya nga ako kasi nandito ka,” nag-init ang pisngi niya sa sinabing iyon ni Fritz.

Nakita niyang nanatiling nakatitig sa mukha niya ang binata ng nakangiti. Nasa mga mata nito ang kakaibang mga kislap kaya umiwas siya ng tingin.

“The last time na may nakita akong babaeng nagba-blush dahil sa sinabi ko eh, college days pa. Hulaan mo kung sino?” pabiro nanamang banat ng binata.

Umikot ang mga mata niya saka naupo sa gilid ng kama. “Hindi ka parin nagbabago,” nailing niyang turan.

Noon nagseryoso ang mukha ng binata. Kasabay niyon ang tila mabilis na pagbabago ng hangin sa loob ng silid.

“Tama ka, ako parin ito. Iyong Fritz na nakilala mo noon, kung ano ako noong huli tayong nagkita, nung huli kitang nayakap. Walang nagbago sa akin, if you know what I mean.”

“I-I’m sorry F-Fritz, masama pa kasi ang pakiramdam ko,” inisip niyang idahilan para lang makaiwas sa mga susunod pang gustong sabihin ng binata.

Nakakaunawang ngumiti ito sa kanya. “Sorry, na-miss lang kasi kita. Sige magpahinga kana, and by the way,” nang nasa may pintuan na ito. “make yourself at home” pagkatapos ay lumabas na ito ng silid.

Nang mapag-isa ay inayos ni Julia ang pagkakahiga saka sinulyapan ang suot na relo. Malalim na pala ang gabi. Kung ano ang naghihintay sa kinabukasan, ayaw na muna niyang alalahanin. Literal na pagod siya at masakit parin ang sugat sa kanyang noo. Pinigil niya ang mapaluha nang maalala ang sinapit na kalupitan sa asawa, na naging tulay naman kaya siya narito ngayon.

Napangiti siya nang maisip si Fritz, ang naging reaksyon nito kanina nang makita siya ay nagpapataba ng puso niya. Pakiramdam niya nakapulupot parin sa kanya ang malalaking braso ng binata. Noon niya walang anuman na niyakap ang isa pang malambot na unan. Ang nararamdaman niya ngayon ay parang naramdaman na niya noon.

Three Years Before; College Days:

SUMILIP si Julia sa labas ng bintana nang makarinig ng ugong ng traysikel na huminto sa tapat ng bahay nila. Dahil sa liwanag ng buwan ay nakilala niya ang nakaupo sa harapan ng manibela, ang pinsan niyang si Liam. Malamang sinusundo na siya nito. Iyon ang gabi ng kanilang Batch Reunion noong elementary. Nagpapasalamat siya’t sinundo siya ni Liam dahil kung hindi baka hindi siya makapunta sa pagtitipon.

“Tita mauuna na po ako,” paalam niya nang malabasan ang tiyahin na kasalukuyang nanonood ng TV sa sala.

“Sinong kasama mo?”

Sasagot sana siya pero noon naman niya narinig ang magkakasunod na katok sa pinto. “Liam!” bungad niyang bati sa pinsan saka nilakihan ang bukas ng pinto.

“Ahhh si Liam naman pala, siya sige mag-iingat kayo at huwag magpapagabi ng husto,” pagtataboy nito sa kanya pagkuwan.

Tumango lang siya saka na sila lumabas. Impit siyang napatili dahil sa pagkabigla nang makita ang nakaupong bulto sa loob ng traysikel.

“Susmaryosep! Bakit naman hindi mo sinabi sa’kin na nandito pala sa loob si Fritz!” sermon niya sa pinsan niyang tawa naman ng tawa.

Kaklase rin niya noong elementary si Fritz. Malapit itong kaibigan ni Liam na second cousin naman niya. Pero gayun pa man, hindi sila close ng dating kaklase. May pagka-maharot kasi ito noon kaya hindi niya gusto ang ugali at hindi niya kinakausap. Anyway, ganoon rin naman si Fritz sa kanya, hindi siya iniimik. Kaklase niya sa Logic ang kapatid nitong si Sean na kabaligtaran naman nito dahil palakwento iyon habang si Fritz ay tahimik.

“Nakatulog na sa kalasingan, teka gigisingin ko,” si Liam nang huminto sa pagtawa. “Fritz, pare gising!” saka niyugyog ang balikat ng tulog na binata.

“Huwag na! Hayaan mo na siya,” saway niya pagkuwan saka na sumakay ng traysikel at naupo sa tabi ni Fritz. “kawawa naman, idaan na natin sa kanila,” suhestiyon niya.

“Walang tao sa kanila, kanino mo iiwan?” si Liam na binuhay ang traysikel.

Matagal bago siya nakasagot. “Eh, di, ikaw! Dalawa tayo! Samahan natin siya!”

Pumalatak si Liam. “Hindi pwede, naiwan doon si Kaye, magagalit iyon sa'kin,” ang tinutukoy ng binata ay ang nobya nitong kaklase rin nila noon elementary.

Napasimangot siya saka napaigtad nang maramdaman ang biglaang payupyop sa balikat niya ng ulo ni Fritz. Halatang marami nga itong nainom, kawawa naman kung iiwan niya kaya wala siyang choice kundi samahan ito.

“O-O s-sige na nga, sasamahan ko siya, pero babalikan mo ako ah?” paniniyak niya.

Tumango si Liam. “Oo, ako ang maghahatid sayo pauwi,” anito.

“Anong gagawin ko?” tanong niya nang maihiga na nila si Fritz sa mahabang sofa.

“Sandali lang,” ani Liam na tinungo ang kusina. Nagbalik ito dala ang isang planggana at bimpo. “punasan mo siya para guminhawa ang pakiramdam niya,” anito.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. “Ano? Ayoko nga! Lalaki iyan!” tanggi niya.

“Shhh! Magigising ang lakas ng boses mo!” pabulong na suway ng pinsan niya sa kanya. “Dali na, wala namang tao. Sandali lang naman, tapos uupo ka nalang. Hintayin mo ako, itetext ko na agad iyong kapatid niya para nandito na pagbalik ko,” bilin ni Liam bago siya iniwan.

Nagbuntong hininga siya saka ito pinagmasdan. Napasimangot siya nang maalala ang isinulat nito noon sa desk niya saka napangiti nang sa kalaunan ay magbalik sa kanyang gunita ang tungkol sa pagiging magka-Valentino nila noong grade five sila.

In fairness ang laki ng itinaas mo, ako na ang bansot ngayon. At ang gwapo mo pa, as in maputi, maganda ang buhok, perfect combination ang mga mata, lashes at brows.Matangos ang ilong at mapula ang labi.

Sa huling naisip ay ipinilig niyang agad ang kanyang ulo saka na nagmamadaling kumilos. Tumalungko siya sa harapan ng binata saka sinimulang punasan ang mukha nito. Pagkatapos ang mga braso. Itinaas niya ang kulay puting shirt nito at isinunod naman niya ang katawan nito. Nagbigla pa siyang nabitiwan ang hawak na bimpo nang biglang gumalaw ang binata.

“Lia,” anitong sa kanya saka ikinawit ang isang kamay sa kanyang leeg.

Napamulagat si Julia saka hindi makakilos. Nanlaki ang kanyang mga mata sa sumunod na nangyari. Hindi niya napaghanda ang pananalakay na iyon kaya parang naparalisa ang katawan niya nang angkining bigla ni Fritz ang kanyang mga labi.

Iyon ang kanyang first kiss, gustuhin man niyang magalit pero may bahagi ng puso niya ang tumatanggi dahil ang totoo nagustuhan niya ang halik na iyon. Kahit pa nalasahan niya ang alak sa mga labi ng binata ay kusa parin niyang ipinikit ang kanyang mga mata saka hinayaan ang binata sa masuyong paghalik sa kanya na nagtagal ng ilang sandali.

“I love you,” anito nang pakawalan ang mga labi niya at muli ay nagbalik sa mahimbing na pagkakatulog.

Parang wala sa sarili niyang pinakatitigan ang mukha ng dating kaklase. Parang hindi siya makapaniwalang ito ang lalaking unang nakahalik sa kanya. Paano naman kasi wala siyang natatandaang pagkakataong kinausap siya nito.Tapos ngayon bigla ganito? May bonus pang three magic words?

Lasing siya Julia, iyon ang isipin mo para hindi ka maguluhan. Sermon niya sa sarili.

Minabuti niyang maupo nalang sa katapat na single sofa ng okupado ni Fritz. Ilang sandali pa narinig na niya ang pagtigil ng traysikel sa tapat. Kapatid ni Fritz, si Sean.

“I’m sorry, na-miss mo ang fun sa reunion ninyo,” paumanhin nito sa kanya.

“Okay lang, patapos narin naman na iyon. O sige, heto na pala si Liam, ikaw na ang bahala sa kuya mo,” nagmamadali niyang paalam saka na lumabas ng bahay. Ang tanging dalangin niya, sana nga hindi tanda ni Fritz ang lahat ng nangyari dahil kapag nagkataon, wala siyang mukhang maihaharap rito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mary Joy Parlingayan Espanola-Fabregas
maganda .Ang story sana Hanggang sa ending
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status