Compartilhar

Kabanata 7

Autor: VIENNA ROSE
last update Data de publicação: 2025-10-29 23:44:41

Pinagmasdan ni Agatha sina Noah at Nica na magpanggap. Nakikipagkwetuhan at tumatawa kasama ang kanilang mga kausap.

Palihim na pinicturan iyon ni Agatha, at nang tumalikod siya, ang "karayom" na nakabaon sa kanyang puso ay tumusok pa rin, isang matalim, pinong sakit ang mabilis na kumalat sa dibdib niya, na nagpasakit pa sa kanyang ilong.

“Agatha!” akmang aalis na siya sa mall nang biglang may tumawag sa pangalan niya.

Paglingon niya ay nakita niya ang isang kakilala na pababa sa escalator at masiglang kumakaway sa kanya.

Iyon ang dati niyang guro sa dance academy.

“Teacher Venice!” bulalas niya na may pagtataka.

Mabilis na bumaba si Teacher Venice sa escalator at lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “Akala ko ikaw, kaya tinawag kita, ikaw nga! Kamusta ka na ngayon? Limang taon na ang nakalipas.”

Nakaramdam si Agatha ng kirot.

Limang taon na ang nakalipas, at siya ay naging walang kwentang tao. Paano niya haharapin ngayon ang teacher niya?

"May ginagawa ka ba? Kung wala, maghanap tayo ng place para makapag-kape." saad nito at hinawakan ang kamay niya.

Wala siyang nagawa.

Noon, baka tuluyan niya ng inihiwalay ang sarili dahil sa kanyang inferiority complex ngunit nang buksan niya ulit ang mga dance photo alum niya sa phone ay para bang nagkaroon ng liwanag sa madilim niyang mundo. Bigla siyang na-excite!

Tumango siya, “Sige po, teacher,” hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman at napaluha siya.

Dinala siya ng teacher niya sa isang coffee shop sa first floor ng mall.

"Teacher, kamusta na pala ang mga classmates ko ngayon?” Matagal na siyang nahiwalay sa sarili niyang mundo; iniwan na niya ang lahat ng group chat ng kanyang mga kaklase.

Tiningnan siya nang matalim ni Teacher Venice, "Gusto mo talagang malaman?"

Alam ni Teacher Venice ang sitwasyon niya; orihinal siyang nagplano na mag-aral para sa master's degree, ngunit bigla niyang isinuko ang kanyang position, kaya tiyak na magtatanong siya. Nang maglaon, nag-special travel pa siya papuntang US para bisitahin siya.

Masigla siyang tumango.

Talagang kayang baguhin ng limang taon ang buhay ng isang tao.

Ang ibang mga kaklase niya ay nag join sa mga dance troupe at naging mga principal dancers, ang iba naman ay nag abroad para mag-aral at nakapagtapos ng doctoral nila, ang iba naman ay nanatili nalang sa university at naging teacher na nag-aalaga ng mga bagong talents.

Halos lahat ng mga kaklase niya ay maganda na ang buhay ngayon.

At tanging siya nalang ang naiwan ngunit simula ngayon ay magiging iba na siya.

Sisikapin niyang makahabol. Kahit hindi na siya makasayaw, hahanapin niya ang kanyang lugar sa ibang larangan!

"Teacher, ako... kaya ko na rin pong ibigay ang answer sheet ko sa inyo ngayon." Ang kanyang mga mata ay kumislap at nagniningas; talagang naramdaman niya na nabigo niya ang mga inaasahan ng kanyang guro.

"Good." Ngumiti si Teacher Venice.

Ibinulong ni Agatha kay Teacher Venice ang mga plano niya na mag-aral sa ibang bansa.

"Maganda yan! Alam ko na! Ang mga estudyante ko ay hindi mga duwag!" Niyakap ni Teacher Venice ang kanyang kamay nang may damdamin, "Nga pala, may European tour kami; pwede kang sumama at ma-experience ito, masanay sa European life!"

"Pero ako..." Kaya ba ng mga binti niya? Hindi na siya makakasayaw muli; mas mabagal pa siya kaysa sa iba sa paglalakad, at ang kanyang graduate program ay sa isang theoretical field.

"Walang imposible! Kung hindi ka naaksidente noon, miyembro ka na sana ng youth dance troupe. This time, sasama ka bilang messenger! Stagehand! Makeup artist!"

Desididong sinabi ni Teacher Venice, hindi siya tinatrato bilang isang pilay.

Hindi napigilan ni Agatha na tumawa. Nagustuhan niya ang pakiramdam na hindi siya tinatrato bilang isang pilay. Kaya pa niyang gumawa ng ibang bagay kahit hindi siya makasayaw, sa halip na maging walang kuwentang tao dahil lang hindi siya makasayaw.

Nang matapos siyang magsalita, nag-vibrate ang phone ni Teacher Venice. May message.

"Asawa ko. Okay lang ba kung papuntahin ko siya dito para magkape?" Humingi ng opinyon si Teacher Venice.

"Siyempre naman, bakit hindi?" ngumiti siya.

Sa totoo lang, medyo natatakot siya.

Limang taon niyang inihiwalay ang sarili at hindi nakakilala pa ng ibang tao ngunit kailangan niyang magsimula ulit, hindi ba?

"Sige, papapuntahin ko siya," sagot ni Teacher Venice.

Ngunit nagulat siya nang makita ang asawa nito. Ito ang business partner ni Noah na kanina ay kinakawayan.

"Pumunta siya sa US para sa negosyo, at dumaan ako ng ilang araw. Hindi ko inaasahang magkikita tayo rito; tadhana talaga..."

Sabi ni Teacher Venice na ipinakilala ang asawa niya.

Pinanuod ni Agatha sina Nica at Noah at maging ang asawa ni Teacher Venice habang papalapit ito sa kanila sa lamesa.

Nakaupo lang doon si Agatha habang pinapanuod kung paano magbago ang ekspresyon ng mukha ni Noah at Nica. Naging pula, puti at pula ulit ang mukha ng mga ito.

"Halika, maupo kayo. This is my wife, Venice Lauchengco, isa siyang dance teacher,” pagpapakilala ng asawa niya kay Teacher Venice. "Ito naman si Mr. Noah Villanueva, nandito siya para makipag collaborate sa atin, at siya naman ang asawa niya.”

Nang marinig ang salitang "asawa," bahagyang nanginig ang kamay ni Noah, at kinakabahan naman si Nica, hindi sigurado kung sa kaliwa o kanan titingin. Pareho silang nakatingin kay Agatha nang may pag-aalala.

Tiningnan lang sila ni Agatha at ngumiti nang bahagya.

Ipinakilala ni Teacher Venice ang asawa niya,” This is my husband, Mr. Salvador, at heto naman ang estudyante kong si Agatha, yung sinasabi ko sayo na may pinakamalaking chance na manalo ng Taoli Cup noon.”

Nang marinig ni Noah ang salitang "Taoli Cup," ay nagdilim ang mga mata nito at tumingin sa baba na animo’y gustong tignan ang mga binti ni Agatha.

Nakita iyon ni Agatha; sa sandaling iyon ay napuno ng sakit ang kanyang mga mata.

Paanong hindi siya masasaktan?

Kung hindi siya napilay noon, hindi sana siya pinakasalan ni Noah, at ang babaeng nasa tabi nito ngayon ang dapat na asawa nito.

Ngumiti si Agatha "Teacher Venice, Mr. Salvador, sa totoo lang ako ang..."

"Ah—" bigla namang napahinto si Agatha nang mapatili si Nica.

Natapon ni Nica ang kape, ang napakainit na kape ay tumama sa kanyang mga kamay at katawan.

“Oh my god! Sorry! Pasensya na po kayo!” Mabilis siyang kumuha ng napkin para punasan ang kape.

"Okay lang. Okay lang." Saad naman ni Teacher Venice na nag-abot pa ng napkin kay Nica dahil wala itong ka-malay-malay.

Isang tasa ng kape ang pumigil kay Agatha sa pagsasabi niya ng totoo.

Ngunit kung gustong ituloy ni Agatha ang mga sasabihin niya, mapipigilan ba siya ni Nica?

Nagmamakaawa naman ang tingin ni Noah kay Agatha at tila sumesenyas na “Wag mong sasabihin, wag mong sasabihin.”

Sa totoo lang ay ayaw niya rin namang sabihin, gusto niya lang makita ang mga ito na mag-panic.

Sa pagkakaharap-harap nila, sina Noah at Nica ay parang nasa tinik at karayom habang siya naman ay panatag.

Habang nagse-serve si Agatha ng kape ay napansin ni Teacher Venice ang kamay niya, “Oh, Agatha, nakasuot ka pala ng wedding ring, sino ang asawa mo?” tanong nito.

Parang sinabuyan naman ng malamig na tubig si Noah at Nica sa kabilang lamesa.

Tinignan ni Agatha ang kamay ni Noah na nakapatong sa tasa ng kape, sarkastiko siyang ngumiti dahil pagkatapos ng kasal nila ay hindi na nagsuot ng wedding ring si Noah.

"Opo, 5 years na akong kasal," kalmadong sabi ni Agatha. "Mr. Villanueva din siya.”

“Oh? Coincidence ah, Villanueva din ang apelyido?” agad na tanong ni Noah.

Malinaw na naunawaan iyon ni Agatha. Gusto ni Noah na tumigil na siya sa pagsasalita.

"Yes, Villanueva din, and nasa business industry din, hindi lang kasing laki ng business ni Mr. Villanueva," sabi ni Agatha na humigop ng kape.

Napabuntong hininga naman si Noah.

"Coincidence ka dyan! Sa susunod isama mo ang Mr. Villanueva mo para makapag-kape tayo.” Dahil estudyante siya ni Teacher Venice, bumati sa kanya si Mr. Salvador na puno ng respeto na hindi nagawa ni Noah para sa kanya.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Noah ngunit nakakatawa iyon para kay Agatha dahil sa hapon lang na iyon, sa loob ng limang taong pagsasama nila ay ngayon niya lang nakita na nagpabago-bago ang ekspresyon nito.

Dahil sa nangyari ay nagpaalam na si Noah at sinabi na may kailangan pa syang gawin ngunit nag-aalala siya na iwan mag-isa si Agatha doon dahil natatakot siyang baka magsalita ito ng kung anu-ano kung kaya’t sinenyasan niya na ito na umalis na rin kaagad.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Comentários (11)
goodnovel comment avatar
Noreen Privado
sana meron part 2 bakit hindi nagkatuluyan c agatha at noah
goodnovel comment avatar
Noreen Privado
pangit ng ending nito
goodnovel comment avatar
Vilma Eneria
nakakainis
VER TODOS OS COMENTÁRIOS

Último capítulo

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 546

    “Inya, gusto kong malaman mo na pinunit ko ang divorce agreement. Hindi ko ifi-nile iyon kaya asawa pa rin kita.” pagpapatuloy ni Nico sa pagpapaliwanag. “Eris, baby, sa kwarto ka muna ah… mag-uusap lang kami ni daddy.” sabi ni Inya kay Eris. Sumunod naman ang bata, tumango at pumunta sa kwarto ni

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 545

    “Inya, sandali lang, pakinggan mo muna ako!” sabi ni Nico na pinigilang umalis ang mag-ina niya. Naramdaman ng lahat na mukhang kailangan ni Nico nila ng privacy kaya nagpaalam ang mga ito na magpapatuloy na sila sa pamamasyal. Tumango si Nico sa kanila at saka lumingon kay Inya. Nang sila na la

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 544

    Ipinasyal ni Inya si Eris ngayon sa amusement park. Suot niya ang yellow dress na napanalunan niya sa clothing shop ni Donna. Ang anak niyang si Eris ay naging tahimik at naging malungkutin simula nang nangyari ang insidente. Gumaling ang injury nito pero hindi ang sugat sa puso kaya naman sinam

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 543

    “Oh, edi sayo na! wala namang umaagaw eh!” pang-aasar ni Nigel. “Bakit ba kayo nandito? ginugulo niyo lang ako eh!” “Exactly! gusto ni mommy na lumabas ka raw dahil simula nang umuwi ka ay hindi ka na lumalabas!” sabi naman ni Nayeli. “Para saan pa? sira na buhay ko! hindi ko mahanap si Inya!”

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 542

    “Miss, ito na yung mga pinamili mo.” “Maraming salamat! hindi ba ‘to nakakaapekto sa negosyo mo? halos ipamigay mo na kasi sa akin.” sabi ni Inya kay Donna. “Naku, wala iyon… at saka napansin ko kasi na gustong-gusto mo yung dress kaya ibibigay ko na lang.” “Salamat, napakabait mo.” sabi ni In

  • TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!   Kabanata 541

    “I’m so disappointed, Nico! lumaki ka sa pagmamahal namin ng tatay mo, bakit kailangan mong pagtaksilan ang asawa mo?! siguradong umiiyak ang kawawang babaeng iyon!” galit na sabi ni Agatha, tiyak na naaalala nito ang pagdurusa sa kamay ni Noah noon. Si Noah noon ay isang lalaking walang pakialam k

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status