Mahal kong mga mambabasa, Lubos ang aking pasasalamat sa inyong patuloy na pagsuporta sa aking mga akda. Bilang isang manunulat, malaking tulong ang inyong mga likes, comments, at gems upang maibahagi ko pa ang aking mga kwento sa inyo. Sana po ay mapagbigyan ninyo ako ng inyong suporta. Maraming salamat po!
Napabuntong-hininga si Sara at tiningnan muli ang litrato sa kanyang cellphone—ang babaeng kahawig niya, na tila anino ng isang nakaraang pilit niyang inuunawa. Pilit niyang pinanatiling matatag ang sarili, pero dama ni Adrian ang bigat ng hinanakit at tanong sa mga mata nito.“Ganoon ba, miss? Salamat,” saad ni Sara sa receptionist bago sila umalis sa lobby.Paglabas nila ng resort, tinanaw niya ang malawak na dagat. Tahimik ang paligid, pero sa puso niya’y may unos.“Paano na ‘to, Adrian?” mahina niyang tanong, lumingon sa nobyo. “Paano ko siya mahahanap kung kahit pangalan niya hindi natin tiyak? Parang wala akong hahawakan…”Hinawakan ni Adrian ang balikat niya, marahang pinisil, sinubukang ipadama ang suporta. “Huwag ka mag-aalala, Sara. Gagawa tayo ng paraan. Hindi na ‘to basta curiosity lang—mahalaga na ‘to para sa’yo. Pwede tayong maghanap ng private investigator.”Napatingin si Sara kay Adrian. “PI? Hindi ba… parang sobra naman yata ‘yon?”“Hindi, Sara. Kung may kakambal ka—o
Nagtagpong muli ang kanilang mga mata.“Adrian,” marahang tawag ni Sara, na tila nanunuyo ang lalamunan. “May alam ka ba… tungkol sa babaeng kamukha ko?”Napalingon si Joy at si Aling Glenda. Lahat ay naghihintay ng sagot. Ang buong paligid ay tila tumigil—maging ang huni ng mga ibon sa tabing-dagat, tila nawala.Huminga nang malalim si Adrian. Inalis niya ang jacket niyang basa ng pawis at ipinatong sa upuan ng karinderya. Hindi na siya nagkunwari. Hindi na rin siya nagngiti.“May isang bagay akong hindi ko pa nasasabi sa’yo, Sara…” panimula niya, mabigat ang tinig. “Noong nag-aaral pa ako sa Australia, may kabatch akong babae. Pangalan niya—Belle Smith. Half-Filipina rin siya. Tahimik, matalino, may kakaibang aura. At…”Tumingin siya kay Sara—diretso sa mga mata nito.“…ikaw ang itsura niya. Wala kang pagkakaiba sa kanya. Mula ulo hanggang paa. Maski ang hugis ng tenga, ang ngiti, pati ‘yung mga mata mo ngayon—lahat ‘yon, nakita ko na sa kanya noon.”Napasinghap si Joy, si Tatay Rom
Kinabukasan, habang abala sila sa pagbubuklat ng mga dokumentong posibleng mag-ugnay sa pagkatao ni Sara, isang hindi inaasahang bisita ang dumating.Si Joy.May dala itong isang plastik na may mga printed photos.“Sara! Buti nandito ka! Tignan mo ‘to!”Binuksan ni Joy ang plastic at inilapag sa mesa ang mga litrato. Kuha mula sa cellphone. Medyo malabo, pero sapat para makita ang imahe ng isang babaeng kasalukuyang naglalaro sa tabing-dagat kasama ang batang babae.Pumintig ang puso ni Sara. Tila lumundag ito sa loob ng kanyang dibdib. Hindi niya mapigilan ang mapalapit sa litrato.Tila siya iyon. Nakaputing summer dress. Bahagyang nakaside-view, pero ang ngiti… ang hugis ng panga… ang mata…“Parang ako…”“Hindi lang ‘parang’ Sara,” giit ni Joy. “Ikaw ‘yan. O kung hindi man, siguro ‘yung kakambal mo.”Hawak-hawak ni Sara ang litrato, nanginginig ang mga daliri. “Joy… saan mo ‘to kinunan?”“Sa kabilang isla. Doon sa Santa Lorenza. May resort doon, ‘di ba?” tuloy-tuloy na kwento ni Joy
Mainit pa rin ang araw, pero tila lumamig ang pakiramdam ni Sara. Parang hindi ang araw ang nagpapainit sa kanya kundi ang biglang kabog ng kanyang dibdib. Nakatingin pa rin siya sa dagat, sa malawak nitong asul na tila gustong lamunin ang kanyang iniisip.“...O baka… bahagi siya ng nakaraan kong hindi ko pa natatandaan.”“Anong sabi mo, Sara?” tanong ni Joy, lumapit, napansin ang pagkalalim ng iniisip ng kaibigan.“Wala. Wala.” Umiwas siya ng tingin. “Nagbibiro lang ako.”Pero alam ni Joy—at lalong alam ni Aling Glenda—na may bumabagabag kay Sara. Isang bagay na hindi kayang takpan ng ngiti.Pag-uwi nila mula sa palengke, tahimik si Sara. Hindi na siya nagkwento tulad ng dati habang naghahanda ng pananghalian. Kahit si Aling Glenda ay tahimik, pinagmamasdan lamang siya. Sa huli, hindi na ito nakatiis.“Sara, anak…” mahinahong wika ng matanda. “May gusto ka bang ikwento sa amin ni Tatay Romero?”Napalingon si Sara. “Wala po, ‘Nay…”“Eh bakit parang bigat ng loob mo? Kanina ka pa tulal
Pagsara pa lang ng pinto ay agad nang sumalubong ang malamig na tanong ni Luke.“Saan ka galing?”Tumigil si Belle sa may pinto. Basa pa ang laylayan ng kanyang coat. May patak ng ulan sa kanyang buhok, at ang mga mata niya ay halatang namumugto. Hindi siya kaagad sumagot. Dahan-dahan niyang tinanggal ang sapatos, saka lumapit sa kusina kung saan naroon si Luke. Hawak nito ang isang mug ng kape.“Pinuntahan ko kung saan nahulog ang sasakyan ni Ana sa Tagaytay,” mahinang sabi ni Belle, ngunit dama ang matatag na tono sa kanyang boses.Napatingin si Luke sa kanya. Kita sa mga mata nito ang halong pag-aalala at pagkalito.“Bakit? Akala ko ba… sarado na ’yung kaso? Hindi ba’t sinabi mong ayaw mo nang balikan ’yon?”Huminga nang malalim si Belle at naupo sa silya sa tapat nito. Ilang sandali ng katahimikan ang lumipas bago siya muling nagsalita.“Hindi ako mapalagay, Luke. Hindi simula nang may magsabi sa’kin sa isla… na kamukha raw ako ng isang babae roon. Isang babae na wala raw alaala k
Tahimik ang paligid. Para bang pati ang oras ay huminto.Nanatiling nakaupo si Belle sa silyang kahoy ng tanggapan ng pulisya. Ngunit sa kanyang isip, gumuguhit ang mga imahe—mga alaala ng nakaraan, ng kanilang kabataan, ng mga tawa’t iyakan nila ni Ana. Ang huling beses na nagkausap sila... huling text message... “Sana makilala mo ang pamangkin mo, si Anabella…”At pagkatapos noon—wala na.Naaksidente si Ana. Nahanap ang sasakyan, puno ng bakas ng dugo, sirang gamit... pero walang katawan.Inakala nilang patay na siya.At ngayon?“Si Sara Pamplana,” ulit ng pulis habang pinagmamasdan si Belle, “ay kasalukuyang naninirahan sa pangangalaga ng isang matandang babae sa isang barangay sa Batangas. Ayon sa mga ulat, ilang araw matapos ang aksidente, natagpuan siyang sugatan, basag ang ulo, at walang maalala. Tinulungan ng isang mangingisda at dinala sa health center. Simula noon, tinawag na lang siyang Sara.”Kumuyom ang mga kamao ni Belle. Nanginginig ang kanyang buong katawan.“Hindi kay