Share

CHAPTER 320: The Medical Record

Penulis: YULIANNE
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-31 08:32:38

"BAKIT PARANG NAKAKITA ka ng multo diyan? Ayos ka lang ba?" tanong ni Damien kay Amanda nang naabutan niya itong balisa at mistulang nakasemento na ang mga paa sa kinatatayuan dahil sa gulat niya kanina pa. Hirap pa rin kasi siyang absorbahin lahat sa isipan niya.

Umiling si Amanda at napabuntong hininga. "Ayos lang ako. Uhh... tapos ka na?" tanong niya sa lalaki.

Tumango si Damien. "Oo, tapos na. May pupuntahan ka bang iba? O uuwi ka na agad?"

"Uuwi na lang siguro ako."

"Okay. Ihatid na kita."

Hindi na kumontra pa si Amanda. Hindi na siya makapagsalita masyado matapos ng nakita niyang tagpo sa ospital kanina.

Pagkauwi ay iginugol na lang niya ang atensyon sa pagtawag sa kaniyang mga anak na naiwan kasama ang pinagkakatiwalaan niyang nanny.

"Kumusta po ang mga anak ko?" tanong ni Amanda kay Shiela, ang nanny ng mga anak niya. May dalawa pa siyang helper pero ang mga ginagawa nila ay tagalinis at tagaasikaso na sa bahay. Tiwala naman si Amanda sa mga ito dahil mismong si Sylvia ang na
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (10)
goodnovel comment avatar
Jamae Alfonso
sobra tamad mag update ng a*t*or nato...parang walang pake sa mga readers nya! sana kung di mo napo kaya mag update ng mabilis tinapos mona story mo!!!
goodnovel comment avatar
Jamae Alfonso
sobra tamad mag update ng a*t*or nato...parang walang pake sa mga readers nya! sana kung di mo napo kaya mag update ng mabilis tinapos mona story mo!!!
goodnovel comment avatar
Jamae Alfonso
sobra tamad mag update ng a*t*or nato...parang walang pake sa mga readers nya! sana kung di mo napo kaya mag update ng mabilis tinapos mona story mo!!!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 321: The Fight

    SOBRANG LAKAS NG kabog ng dibdib ni Amanda. Nanginginig siya sa mga nalaman. Hindi na niya alam kung paano siya nakalabas sa kwarto ni Dr. Palma nang matiwasay."Aray! Ano ba, Miss?! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" Napayuko na lang sa hiya si Amanda. "P-Pasensya na po..." aniya sa babaeng nakabanggaan.Napaismid lang ang babae at sinamaan ng tingin si Amanda. Wala ng gaanong pakialam doon si Amanda. Nagtuloy tuloy siya habang bumibilis ang tibok ng puso niya. Parang hindi kayang iproseso lahat ng utak niya ang mga nalaman.Si Theo... baka biglang mawala na lang sa mundo...At ni wala man lang siyang kaalam alam doon?Ni wala itong sinabi sa kaniya! Habang nagpapakalunod siya sa galit niya sa lalaki, naghihirap naman ito sa mga gamutan nito at ni wala man lang kasama upang sumuporta sa kaniya. Para kahit man lang papaano ay lumakas ang loob nito.May idinagdag pa si Dr. Palma sa sinabi nito kanina."Parang hindi na nagrerespond ang katawan niya sa gamot na tinetake. Kaya ayaw na ri

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 320: The Medical Record

    "BAKIT PARANG NAKAKITA ka ng multo diyan? Ayos ka lang ba?" tanong ni Damien kay Amanda nang naabutan niya itong balisa at mistulang nakasemento na ang mga paa sa kinatatayuan dahil sa gulat niya kanina pa. Hirap pa rin kasi siyang absorbahin lahat sa isipan niya.Umiling si Amanda at napabuntong hininga. "Ayos lang ako. Uhh... tapos ka na?" tanong niya sa lalaki.Tumango si Damien. "Oo, tapos na. May pupuntahan ka bang iba? O uuwi ka na agad?""Uuwi na lang siguro ako.""Okay. Ihatid na kita."Hindi na kumontra pa si Amanda. Hindi na siya makapagsalita masyado matapos ng nakita niyang tagpo sa ospital kanina. Pagkauwi ay iginugol na lang niya ang atensyon sa pagtawag sa kaniyang mga anak na naiwan kasama ang pinagkakatiwalaan niyang nanny."Kumusta po ang mga anak ko?" tanong ni Amanda kay Shiela, ang nanny ng mga anak niya. May dalawa pa siyang helper pero ang mga ginagawa nila ay tagalinis at tagaasikaso na sa bahay. Tiwala naman si Amanda sa mga ito dahil mismong si Sylvia ang na

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 319: The Doctor

    TULALA SI AMANDA pagkauwi. Hindi na niya alam kung paano niya naitawid ang araw na iyon sa kabila ng bumabagabag sa isipan niya. Parang gusto niyang maniwala na hindi sa mga sinabi ni Carmella. "Oh. Nandito ka na pala..." bungad bigla ni Sylvia kay Amanda pagkarating nito sa tinutuluyan nila pansamantala.Aalis din naman kasi sila lalo pa at hindi nila kasama ang mga bata. Naiwan ang mga ito kasama ang mga nanny nila kaya hindi sila pwedeng magtagal sa syudad."Oo, Ma. Kumain na ba kayo?" tanong ni Amanda kay Sylvia."Oo. Hindi na kita nahintay dahil nagutom ako," sagot ni Sylvia."Ah, mabuti naman po.""Ikaw ba? Kumain na?""Oo, Ma. Kumain na ako sa labas kanina pa.""Sige."Akmang aalis na si Amanda upang tumungo sa kwarto nang bigla siyang tawagin muli ni Sylvia kaya muli siyang napatigil at tumingin sa direksyon nito."Bakit, Ma?" tanong pa niya dito."Mukhang may malalim kang iniisip. Ayos ka lang ba, Amanda?" may pag aalala sa tonong tanong ni Sylvia.Hindi agad nakasagot si Am

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 318: The Decision

    SI CARMELLA ang nagpadala ng anonymous letter kay Amanda. Ewan ba niya kung ba't pa ba niya nagawa iyon. Siguro dahil nainis siya kay Damien. Kung umasta ito ay parang walang namagitan kahit katiting sa pagitan nila.At... oo na. Kinain na siya ng selos at inggit. Kasi... bakit lagi na lang si Amanda ang tila ba pinapaburan ng tadhana? Lahat ng mga lalaking napagbalingan niya ng atensyon, napunta na sa kaniya. Nakakasawa na ang ganito. Kaya mas mabuting panahon na siguro para gumawa na siya ng paraan para siya naman ang sumaya.Walang kasiguraduhan kung imemeet siya ni Amanda sa isang restaurant kung saan niya ito gustong kausapin. Pero naghintay pa rin si Carmella. At hindi naman siya nabigo. Dahil ilang minuto lang ay pumasok na si Amanda sa mamahaling restaurant at hinanap siya. Seryoso agad ang ekspresyon nito at tila ba ayaw magpakita ng kahinaan. Gets naman ni Carmella iyon lalo pa at nagpagamit siya kay Theo para mapalayo nang tuluyan si Amanda noon."Para saan ito?" bungad a

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 317: The Ownership

    "HANGGANG KAILAN ka magiging ganito kaduwag?" walang prenong tanong ni Carmella kay Theo nang bumisita siya ulit dito. Natanggap na ni Carmella ang estado niya sa buhay ng lalaki. Alam niyang hindi na maaalis sa sistema nito si Amanda. Tanging si Amanda lang ang may kakayahang pasayahin ito at bigyan ng rason para mas labanan ang karamdaman nito."Anong ibig mong sabihin?" nagmamaang maangan na tanong ni Theo at naubo na lang. Katatapos lang niyang uminom ng kaniyang gamot pero pakiramdam niya ay wala namang epekto iyon. Parang mas lalong humihina lang ang katawan niya."Alam mo ang ibig kong sabihin. Bakit lagi ka na lang ganito? Mas hinahayaan mong manaig iyang karamdaman mo! Lumaban ka naman, Theo!" Hindi na napigilan pa ni Carmella na pagtaasan ng boses si Theo. Nababanas na kasi siya sa lalaki. Hindi ganito ang pagkakakilala niya kay Theo. Mataas ang tingin niya rito at sobrang nakakapanibago talaga na ganito siya kahina sa harapan niya. Hindi pa siya nasanay kahit na sobrang ta

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 316: The Envelope

    NANGINGINIG PA RIN talaga ang tuhod ni Amanda pagkalabas ng bahay. Parang kinakapos siya ng hininga dahil sa maikling interaksyon nila ni Theo. Pero hindi niya maiwasang mas mainis sa sarili.Bakit hanggang ngayon ay apektado pa rin siya kay Theo?Nandoon pa rin ang malakas na tibok ng kaniyang puso na hindi na niya napigilan pang mapasapo doon. Napapikit na lang siya ng mariin. Hindi na niya alam kung paano siya nakauwi nang matiwasay sa gabing iyon.Pagkarating niya sa bahay ay para bang nanghihina siya bigla. Kumuha siya ng malamig na tubig sa loob ng ref at nilagok iyon sa nanginginig na kamay.Mayamaya pa ay biglang tumawag si Damien sa kaniya. Kinalma naman niya ang sarili bago sinagot iyon."H-Hello?""Hi. Nadisturbo ko ba ang pagpapahinga mo?" bungad na tanong ni Damien."Ah... hindi naman. Bakit?" sagot ni Amanda. Hindi nga pala nito alam na hindi naman siya dumiretso agad ng uwi."Wala naman. Gusto lang kitang kumustahin. Mayamaya ay uuwi na rin ako. Nagbook ako ng malapit n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status