Share

CHAPTER 327: The Positions

Author: YULIANNE
last update Last Updated: 2025-09-28 09:49:55

SA SOBRANG TUWA, hindi na napigilan pa ni Amanda na dambahin ng isang mahigpit na yakap si Theo. Inikot ikot siya nito hanggang sa makalabas sila sa banyo. Tumili si Amanda sa takot na mahulog kaya naman pati mga binti nito ay naikawit na niya sa bewang ni Theo.

Wala siyang maramdamang pagkailang. Para bang natural lang ang lahat. At hindi nagrereklamo si Amanda.

Mayamaya pa ay biglang nawalan ng balanse si Theo at nahiga sila sa kama. Si Amanda ang nasa ilalim ni Theo na maagap na nabalanse ang sarili upang hindi tuluyang mabagsakan si Amanda.

"T-Theo..." nahihiyang sambit bigla ni Amanda kay Theo na sumeryoso na rin.

Umigting ang panga ni Theo na tila ba nagpipigil. Lalo pa nang bumaba ang tingin nito sa labi ni Amanda. Kitang kita ni Amanda ang pag alon ng lalamunan nito, senyales na napalunok.

Bumigat ang paghinga nila pareho at para bang may sarili silang mundo bigla. Napakapit nang mahigpit si Amanda sa balikat ni Theo na para bang may gusto itong iparating.

At tuluyan na ngang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Ludivina Rusiana Mezal
pls update
goodnovel comment avatar
Mary Paz Sadia
baka ending na po nagkasundotan na eh.
goodnovel comment avatar
Josie Vlog
wala pa rin hanggan ngaun update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 327: The Positions

    SA SOBRANG TUWA, hindi na napigilan pa ni Amanda na dambahin ng isang mahigpit na yakap si Theo. Inikot ikot siya nito hanggang sa makalabas sila sa banyo. Tumili si Amanda sa takot na mahulog kaya naman pati mga binti nito ay naikawit na niya sa bewang ni Theo.Wala siyang maramdamang pagkailang. Para bang natural lang ang lahat. At hindi nagrereklamo si Amanda.Mayamaya pa ay biglang nawalan ng balanse si Theo at nahiga sila sa kama. Si Amanda ang nasa ilalim ni Theo na maagap na nabalanse ang sarili upang hindi tuluyang mabagsakan si Amanda."T-Theo..." nahihiyang sambit bigla ni Amanda kay Theo na sumeryoso na rin.Umigting ang panga ni Theo na tila ba nagpipigil. Lalo pa nang bumaba ang tingin nito sa labi ni Amanda. Kitang kita ni Amanda ang pag alon ng lalamunan nito, senyales na napalunok.Bumigat ang paghinga nila pareho at para bang may sarili silang mundo bigla. Napakapit nang mahigpit si Amanda sa balikat ni Theo na para bang may gusto itong iparating.At tuluyan na ngang

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 326: The Long Wait Is Over

    PAKIRAMDAM NI AMANDA ay nag init bigla ang pisngi niya. Inaamin niya sa sariling nakaramdam siya ng hiya bigla."A-Akala ko tulog ka na. Sorry kung nadisturbo ko ang tulog mo," ani Amanda at marahang tumikhim para mapagtakpan ang pamumula ng kaniyang pisngi. Umiwas siya agad ng tingin. "M-May kukunin lang ako sa baba--""Teka lang, Amanda..." ani Theo at hinawakan ang kamay ni Amanda upang mapigilan ito sa akmang pag alis nito."Bakit?" kabadong tanong ni Amanda. Wala namang masama sa sinabi niya habang nakapikit kanina si Theo. Pero ewan ba niya at nakaramdam siya ng hiya!"Tama ba ang narinig ko? Babalik ka... sa 'kin?" paniniguradong tanong pa ni Theo at bahagyang napabangon.Bumuntong hininga si Amanda. Bahagya pa siyang nag isip kung sasagutin niya ito. Pero... wala na rin lang naman siyang takas pa. Kaya... sige."Oo, Theo. Pangako iyan sa iyo. Kaya sana... 'wag kang tuluyang susuko. Nandito lang ako para sa iyo..." sambit ni Amanda at bahagyang lumamlam ang mga matang nakatingi

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 325: The Therapy

    "PUPUNTA TAYONG ospital para sa check up mo," ani Amanda kay Theo isang araw.Nakaupo ang lalaki malapit sa bintana at pinagmamasdan ang langit. Tila malalim ang iniisip nito kanina pa. Hindi rin ito sumagot na para bang hindi narinig ang sinabi ni Amanda."Theo?" pukaw muli ni Amanda sa atensyon ng lalaki.Doon lang tumingin si Theo sa kaniya. Napabuntong hininga muna bago sumagot. "Sige. Mag aayos lang ako." Tumango si Amanda. Nagpunta siya sa walk in closet at naghanap ng maisusuot ng lalaki. Nang makahanap ay agad niya itong pinuntahan. Nakahubad na ang lalaki at hindi napigilan ni Amanda ang pagtikhim nang naramdaman na nag iinit ang pisngi niya dahil nasulyapan niya ang kalamnan ni Theo.Hindi na ito gaanong toned gaya noon dahil bumagsak nga ang timbang ni Theo. Pero lately, naggegain naman na ulit ito ng weight at hindi na gaanong maputla kaya may dating na ulit ito. Hindi alam ni Amanda kung dahil ba ngayon na lang ulit niya nakitang hubad ang lalaki kaya nakaramdam siya ng

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 324: The Complete Family?

    PARANG WALANG nangyari sa pagitan nila. At patago na lang talagang napapangisi si Amanda dahil tila ba nahihiya si Theo dahil namumula rin ang tainga nito. Iyon ang unang beses niyang nakitang gano'n ang lalaki. Noon kasi ay hindi naman ito ganito. Parang proud ito lagi sa sarili. At ngayong may nakitang kakaiba si Amanda sa lalaki, hindi niya maiwasang hindi matuwa.Sa nga sumunod na araw, halos hindi na umalis si Amanda sa tabi ni Theo. Mas napapanatag naman ang loob ng huli at mas naging ganado lalo na sa pag inom ng mga gamot nito. Pero hindi naman lagi. Dahil may mga oras pa rin talagang nawawalan ng pag asa si Theo."Tama na. Ayaw ko na..." halos pabulong na sambit ni Theo nang maisuka niya lahat ng kinain matapos nitong uminom ng gamot.Naiiyak na lang si Amanda nang makita kung gaano manghina si Theo. "K-Kaunti na lang naman, Theo..." pagpapalakas niya ng loob nito.Umiling si Theo at napasandal na lang sa headboard ng kama at pumikit ng mariin. "Hindi na ako gagaling..." ani

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 323: The Shower

    WALANG MARAMDAMAN na galit si Amanda sa loob niya. Ang totoo niyan ay tila payapa ang puso niya sa kabila ng nakita. Umalis na muna siya saglit dahil nakareceived siya ng tawag mula kay Damien kanina at gusto siya nitong makausap. Hihintayin daw siya nito sa isang cafe sa malapit. Sumunod naman agad si Amanda sa lalaki.Namataan niya si Damien sa dulo na halatang wala sa sarili at kabado. Nang magtama ang tingin nila ay agad napatayo ang lalaki at dumalo sa kaniya."A-Amanda..." Nanginig agad ang boses nito.Ngumiti si Amanda. "Maupo muna tayo at mag order," kalmadong aniya sa lalaki na mabuti na lang ay sumunod. Bahagya pang kumalma ito kaya napanatag ang loob ni Amanda.Umorder sila ng makakain at tahimik sa una. Pero hindi na nakatiis pa si Damien at binuksan agad ang usapan."'Yong picture... nakita mo na ba?" kabadong tanong nito.Humigop muna sa kape si Amanda at unti unting tumango. "Oo. Nakita ko na. Hindi ko alam kung sino ang nagsend no'n pero alam kong walang halong daya o

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 322: The Anonymous Message

    "KAUNTI NA lang..." ani Amanda kay Theo habang sinusubuan niya ito ng soup na siya mismo ang nagluto. Umiling si Theo. "Hindi ko na kaya," nanghihinang sambit nito at bahagyang inilayo ang bibig sa kutsara na hawak ni Amanda."Please, Theo. Kailangan mong kumain para mas magkalakas ka pa," pagmamakaawa ni Amanda, bahagyang naiiyak pa. Hindi niya maiwasang hindi maging emosyonal dahil talaga namang humina kumain si Theo. Bumagsak lalo ang timbang niya pero hindi sumusuko si Amanda. Kahit na walang gana lagi si Theo dahil sa sunod sunod na gamutan nito, hindi siya tumitigil. "S-Sige..." sambit ni Theo at muling kinain ang soup kahit na talagang nanghihina ito.Napangiti na lang si Amanda doon. Nagkatinginan sila pareho at napangiti na lang din si Theo. Hindi na niya napigilan pang mahawa.Bahagyang namula si Amanda at ramdam niya ang tila nagrarambulang mga paru paro sa tiyan niya. Pero bago pa siya tuluyang madistract, ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawa.Nang natapos si Theo na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status