"SA TINGIN mo papayag ako sa divorce na gusto mo, Amanda? Never. At tsaka ito naman ang gusto mo noon pa man, hindi ba? Gustong- gusto mong maikasal sa akin..." Humalik ang labi nito sa balat ni Amanda na siyang nagpatindig ng kaniyang balahibo. "Ngayon, hindi ka na makakawala pa. Magdurusa ka habang buhay bilang asawa ko..." *** Noon pa man ay mahal na ni Amanda Fabregas si Theo Torregoza. Lahat ay kaya niyang gawin para sa lalaki maging ang pagbitaw sa sarili niyang pangarap. Kaya naman nang makasal si Amanda kay Theo, wala siyang ibang ginawa kundi maging masunurin at perpekto sa lalaki. Naging mabuti siyang asawa kay Theo. Ibinuhos niya ang pagmamahal niya rito ng buong puso pero sa huli... iba pa rin ang nasa puso nito. Nang sa wakas magising si Amanda sa kahibangan niya kay Theo, naisip niyang makipagdivorce na sa lalaki. Pero ayaw ni Theo. Gusto niyang magdusa si Amanda sa kasal at pagmamahal na ni minsan nasuklian. Gusto niyang pahirapan si Amanda. Hanggang saan aabot ang pagtitiis ni Amanda kay Theo? Hanggang saan aabot ang pusong paulit-ulit lamang sinugatan at kailanma'y hindi napahalagahan?
View MoreHALOS HINDI makahinga si Amanda habang binabasa ang isang article online patungkol sa asawa niyang si Theo. Ang kaniyang masasaganang luha ay tumulo na nang hindi man lang niya namamalayan.
[CEO ng Torregoza Group of Companies, spotted with her girlfriend na nagde-date sa Paris.]Makikita sa larawan kung gaano ka-sweet ang dalawa matapos maghanda umano ang CEO ng surprise fireworks display para sa kasintahan.Hindi mapigilan ni Amanda na mapangiti ng mapakla. Girlfriend, huh? Talaga namang hindi marunong makunteto ang asawa niya. Lumalandi sa ibang babae habang siya, laging tila namamalimos na lang ng pagmamahal niya."Pakiayos ang gamit ko."Halos mapatalon sa gulat si Amanda nang marinig ang pamilyar na boses ng asawa niyang kararating lang. Ni hindi niya alam na ngayon na pala ang balik niya. Galing ito sa flight niya galing sa ibang bansa para sa trabaho kahit ang totoo naman ay dinate lang nito ang babae niya.Hindi umimik si Amanda at pasimpleng pinunasan ang luha niya. "Saan ka galing?" tanong niya rito, walang emosyon sa boses bago harapin ang asawa niyang busy kalasin ang necktie nito."Trabaho. Saan pa ba? Tss," balewalang sagot ni Theo. "At hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, pakiayos ng gamit ko," aburidong dagdag pa nito.Hindi gumalaw si Amanda, tumitig lang sa asawa. Hinahanap niya kung saan ito nagkakaroon ng lakas ng loob humarap sa kaniya ngayon na para bang hindi ito galing sa babae niya."Hindi mo ako katulong," maikling saad ni Amanda na siyang nagpatuwid ng tayo kay Theo. Kung noon ay lagi siyang sumusunod sa gusto ni Theo, ngayon ay hindi.Sa ilang taon nilang mag-asawa, wala siyang ibang ginawa kundi unawain at alagaan si Theo. Gusto niyang maging isang butihing asawa para sa lalaki kahit pa isang malaking kahibangan iyon.Kumunot ang noo ng lalaki. "Ano bang pinagsasabi mo? Ano na namang kaartehan ito, Amanda? 'Wag mong sabihing nagagalit ka pa rin sa 'kin dahil hindi ako pumayag na magtrabaho ka?! Ang babaw ng ikinagagalit mo sa 'kin, ah..." Tumawa ito nang mapang- uyam.Umiwas ng tingin si Amanda, nilunok ang bara sa lalamunan. Mababaw? Siya pa ngayon itong mababaw?Mababaw ba kung gusto niya lang naman ipagpatuloy ang pangarap niya sa larangan sa musika na isinantabi niya simula nang pakasalan niya si Theo? Mababaw bang pagtuonan naman niya ang mga kagustuhan niya sa buhay?Napakuyom ng kamao si Amanda. "Hindi lang iyon tungkol do'n, Theo. Marami... Marami na pakiramdam ko, malulunod na ako sa lahat ng mga kasalanan mo sa 'kin!" Tumaas na ang boses ni Amanda. Maging siya ay nagulat sa sariling boses. Pakiramdam niya ay para siyang isang bulkan na sasabog na lang bigla nang bigla na lang niyang naalala lahat ng paghihirap niya bilang asawa ni Theo.Napailing si Theo at napahilamos sa mukha. "Alam mo, Amanda... pagod ako. 'Wag mo muna akong dramahan ngayon.""Hindi lang naman ikaw ang napapagod, Theo. Pati ako, pagod na pagod na!"Kumunot ang noo ni Theo. "Saan ka ba pagod?! Maganda ang buhay mo sa puder ko! Naibibigay lahat ng gusto mo! At 'yang trabahong ipinagmamalaki mo sa 'kin... hindi mo kakayanin 'yun! Magsasayang ka lang ng oras at pagod mo."Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. "At sa tingin mo, sapat bang maganda lang dapat ang buhay ko, huh?""Tang*na naman, Amanda! Ano bang gusto mo?! Sinasagad mo talaga ang pasensya ko!" Sumigaw na rin si Theo. Animo'y puputok na ang litid ng pasensya niyang pinapangalagaan niya kanina pa. "Kailangan mo na naman ba ng pera?! Ibibigay ko, basta patahimikin mo lang ang buhay ko kahit sandali lang!"Tumawa ng pagak si Amanda. "Anong akala mo sa 'kin, 'yan lang talaga ang habol sa 'yo, huh?!""Totoo naman, eh! Kahit bali-baliktarin natin ang mundo..." Linapitan niya si Amanda at mariing hinawakan sa baba upang magpantay ang kanilang mukha. "...kailangan mo ang pera at yaman ko, Amanda. Hindi mo makakayang tumayo sa sarili mong paa nang wala ako."Kaagad lumayo si Amanda. "Ang mahirap sa 'yo, pera lang ang alam mong paganahin lagi. Bakit?! 'Yang limpak limpak mong salapi, kaya bang pagtakpan lahat ng kagaguhan mo sa babae mo?"Napatigil si Theo at mariing tumingin kay Amanda bago ito napatango. "Kung gano'n, nakita mo na ang balita..." wala sa sariling aniya.Napangisi si Amanda. "Oo, Theo. Kitang-kita ko na! Alam na alam ko nang ang asawa ko... may nilalanding ibang babae na pinaghandaan pa talaga ng isang magarbong date!" Tumawa ito ng sarkastiko.Umigting ang panga nito. "Masyado kang nagpapaniwala masyado sa balita. Hindi ako ang may pakana no'n. Idea 'yun ng sekretarya ko---""Kahit ano pang rason mo, hindi ko na kaya pang maniwala pa, Theo," mas kalmadong saad niya. "Kasi... hindi ko na kaya, Theo. Hindi ko na kaya pang makasama ka pa..."Tila nandilim ang ekspresyon sa mukha ni Theo. "Anong... anong hindi mo na kaya?" naguguluhan na tanong niya.Humugot ng isang malalim na hininga si Amanda, animo'y pinapalakas ang loob upang masabi ang gusto sa asawa. Lumipas ang ilang segundo, tinitigan muli ni Amanda si Theo."Gusto kong mag- divorce na tayo, Theo. Itigil na natin 'to."Nasabi na niya nang tuluyan. At ipinagpapasalamat niyang hindi nabasag ang sariling tinig dahil ramdam niya ang tila bikig sa lalamunan. Tumakas na ang kaniyang sariling luha na kanina pa niya pinipigilan sa harap ni Theo.Hindi inaakala ni Amanda na pagkatapos ng ilang taon, masasabi niya ang mga katagang iyon ng deretso mismo sa harap ni Theo. Hindi man naging maganda ang takbo ng kasal nila, totoo at wagas ang pag-ibig niya rito.Pero hindi kailanman iyon nasuklian ni Theo.Ang atensyon at puso nito ay nasa iisang babae lang na kailanman ay hindi mapapantayan o mahihigitan ni Amanda. Ang babaeng sana'y dapat nasa tabi ni Theo ngayon na tunay niyang mahal. Si Sofia...Nandilim lalo ang mga mata ni Theo. "Hindi ako makakapayag. Hindi, Amanda," matigas na sagot nito."Pero mas makakabuti ito sa atin! Mababalikan mo rin si Sofia--""Wala kang karapatang banggitin ang pangalan niya! Dahil sa 'yo... dahil sa 'yo, nasira ang pangarap kong pakasalan ang babaeng dapat na papakasalan ko. Sinira mo lahat nang gabing 'yon!" Namula ang mata nito at nanlilisik ang mga matang tumingin kay Amanda.Napahagulgol si Amanda. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi ko magagawa iyon sa 'yo, Theo! Maniwala ka naman sa 'kin!" Hindi siya makapaniwala na sinisisi pa rin siya nito nang gabing 'yon. Ang gabing naging mitya ng pagpapakasal nila."Hindi, dahil alam kong plinano mo lahat!"Ngumisi kapagkuwan ang lalaki bago humakbang papalapit kay Amanda. Umatras lang naman ang babae hanggang maramdaman niya ang dulo ng kama sa likod ng tuhod. Nawalan siya ng balanse at napahiga sa kama. Akmang babangon si Amanda pero mabilis na umibabaw si Theo sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang kaniyang pulsuhan.Mabagsik ang mga matang ipinukol ni Theo kay Amanda habang nagpupumiglas ito."A-Ano ba, Theo?! Bitawan mo ako! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Gusto ko nang makipag-divorce!" Pilit na pinatapang ni Amanda ang boses.Isang halakhak lamang ang sagot ni Theo bago inilapit ang ulo mismo sa puno ng tenga ni Amanda. Ang mainit na hininga nito ay animo'y binubuhay ang kung ano sa tiyan nito. Ayaw mang aminin ni Amanda, malakas pa rin talaga ang epekto ni Theo sa kaniya.Pero hindi niya ipinakita iyon sa lalaki."Sa tingin mo papayag ako sa divorce na gusto mo, Amanda? Never. At tsaka ito naman ang gusto mo noon pa man, hindi ba? Gustong- gusto mong maikasal sa akin..." Humalik ang labi nito sa balat ni Amanda na siyang nagpatindig ng kaniyang balahibo. "Ngayon, hindi ka na makakawala pa. Magdurusa ka habang buhay bilang asawa ko..."Niyukumos bigla ng halik ni Theo si Amanda.NEVER TALAGANG NAGING mabait si Theo. Kung galit siya, hindi na talaga minsan siya nakakapag isip ng maayos. Inaamin naman niya iyon sa sarili dahil iyon naman ang totoo.Para sa kaniya, tama lang na magdusa ang ina niya. Galit na galit siya lalo pa sa mga ginawa nito kay Amanda. Ang dami nitong pwedeng kantiin pero talagang pinili nitong si Amanda pa talaga na importante kay Theo.Habang karga si Amanda sa bisig niya, ipinasok ni Theo ang babae papasok ng mansion. Sinalubong pa sila ng ilang mga kasambahay at mababakas agad sa mukha nila ang pag aalala nang makita si Amanda."Diyos ko po, Ma'am Amanda! P-Paanong... anong nangyari sa inyo? Bakit po nagkaganito kayo?!" tarantang sabi ng isa na tila ba hindi na alam ang gagawin. Parang maiiyak na nga rin ito, eh.Kahit nanghihina, sinubukan pa rin ni Amanda na ngumiti sa mga kasambahay para hindi sila masyadong mag alala. Pinilit niyang magsalita pero walang namutawing mga salita mula sa kaniyang mga labi. Naiintindihan naman iyon ng mg
IBINALOT NI Theo ang coat niya kay Amanda upang panangga sa lamig ng gabi. Tahimik lang sila sa biyahe at mas lalong bumibigat ang loob ni Theo. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala. Ang ospital na inaakala niyang makakatulong kay Amanda ay isa palang impyerno para sa kaniya. Hindi ito naalagaan ng mabuti kagaya ng inaalala niya.Napabuntong hininga na lang si Theo nang makita kung gaano kalaki ang pagbabago ni Amanda. Bumagsak talaga ang timbang nito at mas lalong walang kabuhay buhay ngayon ang mga mata.Walang salita na namutawi sa labi ni Amanda at nanatili lang ang mga tingin sa labas mula sa bintana ng kotse. Para bang may interesante itong bagay na nakikita doon. Pilit iyon inintindi ni Theo. Wala naman siyang magagawa doon dahil alam niyang marahil ay nabigla pa rin ang mga babae sa lahat ng mga nangyari. Mabuti na lang at naialis na niya ito doon."Sorry..." marahang bulong ni Theo kay Amanda nang bahagyang tumigil ang kotse dahil nasa may bandang intersection na sila. Nang
BUMUHOS ANG malakas na ulan kanina na natagalan ang biyahe ni Theo papunta sa ospital. Malamig ang gabi pero sa hindi malamang dahilan, may iba siyang lamig na nararamdaman sa loob niya ngayon. At may kaba sa dibdib niyang hindi niya alam kung saan nanggagaling.Siguro ay hindi na rin siya makapaghintay sa pagkikita nila ni Amanda. Gusto na niya itong maiuwi agad. Gusto na niya itong makasama para makumpleto na silang pamilya. Mabubuo na rin sila sa wakas!Matagal bago lumabas si Theo sa kaniyang kotse. Pero makalipas ang ilang sandali, bumaba na siya at naglakad. Ang kaso habang naglalakad ay muntikan na siyang natisod dahil sa nakakalat na plastic bottle. Kumunot ang kaniyang noo dahil pamilyar ang kulay ng bottle na iyon. Kaparehas ng bottle na ipinadala niya kay Amanda.Umiling si Theo. "Baka kaparehas nga lang talaga..." bulong niya. Bakit naman kasi ikakalat iyan, 'di ba? Mamahalin ang bottle na iyon kaya hindi naman siguro iiitsa ng facility dito sa ospital iyon lalo na't alam
TUMAWA SI ESMEDALDA upang pagtakpan ang kaba sa dibdib. Hindi niya maiwasang matakot dahil sa seryosong ekspresyon ni Theo ngayon sa harapan nila. Pero syempre, hindi niya ipapakitang kabado siya."A-Ano bang pinagsasabi mo diyan, Theo? Wala kaming alam diyan," ani Esmeralda bago nag iwas pa ng tingin."'Wag niyo akong gawing tanga! Bakit niyo ginawa lahat ng iyon sa akin?!" asik pa ni Theo na halatang nagpipigil ng magwala sa galit.Napalunok na lang si Esmeralda. "T-Theo, mali naman yatang nadadamay pa dito si Sofia. Wala na siya. Kahit kaunting respeto lang sa kaniya, pwede bang ibigay na lang natin iyon para sa ikatatahimik ng lahat? At wala talaga kaming alam sa sinabi mong paratang mong iyan..." litanya pa nito.Natawa na lang ng sarkastiko at napailing pa. Hindi siya makapaniwala sa mga lumalabas na salita sa bibig ni Esmeralda ngayon."Talaga lang, huh? Respeto? Matapos lahat ng ginawa niya at pati na rin kayo? Sa tingin niyo deserve niya ni katiting na respeto ngayon? Hinayaa
HUMAHANGOS NA NAGISING si Theo. Ang panaginip niyang iyon ay tila totoo. Ramdam niya ang tagaktak ng pawis sa kaniyang noo pababa sa gilid ng pisngi. Sumikip din ang dibdib niya nang matandaan ang mukha ni Amanda na umiiyak sa panaginip niyang iyon.Napahilot na lang sa sentido si Theo dahil doon. Hindi na siya mapakali pa. Hindi na niya kayang ipagpabukas pa kaya kinuha niya ang flash drive na bigay sa kaniya ni Jennie at dumiretso sa study. Naupo siya sa swivel chair at binuksan ang kaniyang laptop. Isinalpak niya doon ang flash drive at binuksan ang files doon.Nakita niya agad ang folder doon ng raw version ng recording ni Sofia. Sa hindi malamang dahilan, kinakabahan na binuksan iyon ni Theo at umalingawngaw ang tugtog. Ganoon pa rin naman pero... walang maramdaman na kakaiba si Theo. Ibang iba sa naramdaman niya nang mga panahon na comatose siya."Parang may mali..." bulong pa ni Theo at inulit pa ang tugtog. Pakiramdam niya ay kulang sa emosyon ang tugtog. Hindi no'n nahaplos a
HINDI PINANSIN NI Theo ang ina. Napaisip din tuloy siya bigla.Maaaring hindi pa naproproseso ang divorce nila ni Amanda pero hindi pa rin magawang palitan ni Theo agad ang babae. Kasi sa loob loob niya, sa tingin niya ay kaya pa niyang isalba ang relasyon nilang mag asawa kapag magaling na si Amanda. Baka pwede pa...Pero tumagal ang tingin niya sa anak. Paano naman ito? Inaamin niyang may mga pagkukulang din siya bilang ama. At hindi niya masabi sa sarili kung kakayanin ba niyang maging magulang sa anak kahit mag isa lang siya. Hindi talaga maitatanggi na kailangan ni Baby Alex ng isang ina.At ayaw mang tanggapin ni Theo sa sarili, nakikita niyang may kakayahan talaga si Georgina na maging ina sa anak niya. At sa loob loob niya, parang kinokonsidera na niya ito...Napailing na lang siya. Hindi na niya namalayan pa ang paglayo ng ina niya. Lumipas pa ang oras at si Theo naman ang nag alaga sa anak dahil umalis na rin sina Georgina at Therese. Umiyak bigla si Baby Alex nang may gward
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments