Sa paglipas ng mga araw ay walang ginawa si Michele kung hindi bantayan si Clarissa. Kahit nasaan ang kanyang nobya ay dapat nandoon din siya. Hindi nila alam kung ano ang susunod na mangyayari, kaya naman hindi niya puwedeng iwanan si Clarissa ng mag-isa...Sa ngayon nga ay nasa bahay-ampunan si Michele, at tumutulong siya sa paghahanda ng mga pagkain para sa picnic ng mga bata.Matapos ang kanyang task ay inilibot Niya ang kanyang paningin upang hanapin si Clarissa. Bigla siyang kinabahan, at nagsimula siyang hanapin ang kasintahan.Naisip niya na baka may magtatangka nanaman sa buhay ni Clarissa...Kapag may nangyari kay Clarissa ay hinding-hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili.He is now making his way towards the botanical garden dahil ito lang ang lugar na hindi pa niya napupuntahan sa paghahanap sa nobya. Napahinto siya sa paglalakad nang marinig niya ang isang pamilyar na boses, na nagmumula sa botanical garden. "So, naisip mo na ba ang pinag-usapan natin?"Napakunot ang
"Tama ka. I shouldn't be wasting my time on you. And it's your lost, not mine. I can find a better man compared to you." sinubukan niya na maging kaswal, na parang hindi siya nasasaktan sa mga pangyayari.Samantala, nalulungkot naman si Clarissa para kay Celeste. Bilang isang babae, lubos niyang nauunawaan ang sakit na nararamdaman nito."Well, kailangan ko nang umalis. I have better things to do..." tuluyan nang nagpaalam si Celeste. Pagkatapos noon ay tumalikod siya sa kanila, at nagsimulang maglakad palayo nang hindi lumilingon. Habang patuloy siya sa paglalakad, nagsimulang tumulo ang malalaking luha sa kanyang mga pisngi. Ayaw niyang lingunin si Michele dahil kailangan niyang panatilihin ang kanyang dignidad bilang isang babae. At sa sandaling makapasok siya sa kanyang sasakyan ay hinayaan niya ang kanyang sarili na umiyak ng malakas, upang ilabas ang lahat ng kanyang sakit, pagkabigo at dalamhati... ==================================Nang tuluyang mawala si Celeste ay nagsim
"Alam ko na may idea ka na kung bakit kita puntahan ngayon." agad na nagsalita ang matandang Don."Yes, sir. Pero sana maintindihan ninyo na nagmamahalan po kami ni Michele." sinubukan ding magpaliwanag ni Clarissa."Oo, naiintindihan ko iyon. Ang aking anak na ay napakatigas ng ulo, at aminado ako na sa akin niya nakuha iyon. Pero kailangan pa rin niyang pagpakasal kay Celeste, para sa ikakabuti ng lahat, Clarissa..." ang mariin na pahayag ni Don Michael."I am really sorry, Mr. Montserrat, pero nasubukan ninyo na bang kausapin si Michele? Sana po ay kausapin din ninyo siya tungkol sa mga pangarap niya sa buhay..." ang pangungumbinsi ni Clarissa."Ang mga pangarap ay para lamang sa mahihinang tao. Maganda ang kinabukasan ni Michele, pero baka maging delikado ang buhay ng anak ko dahil sa'yo." ang seryosong anunsiyo ni Don Michael."Ano po ang ibig ninyong sabihin, Sir?" ang kinakabahang tanong ni Clarissa."Hindi mo na kailangang malaman... Kung gusto mong maging ligtas si Michele at
Kasalukuyang naglalakad si Michele sa loob ng mansion, at tinatahak niya ang direksiyon papunta sa private office ng kanyang ama. Tinawagan siya ng kanyang ama, at sinabi nito na kailangan nilang magkita dahil may importante silang pag-uusapan.Hindi sinabi ng kanyang ama kung ano ang pag-uusapan nila, pero sigurado siya na pag-uusapan nila ang engagement at kasal nilang dalawa ni Celeste.Pero matagal nang buo ang kanyang desisyon na pakasalan si Clarissa, at walang sino man ang makakapagpabago ng kanyang isip.Not even his father.Nang marating na niya ang private office ng ama ay agad na siyang kumatok sa pintuan."Come in!" narinig niya ang boses ng ama mula sa loob.Nagpakawala muna ng malalim na buntonghininga si Michele bago niya binuksan at pinto at pumasok sa loob."Salamat at pinagbigyan mo akong makausap ka ngayon, hijo. Maupo ka muna..." ang bati ni Don Michael sa anak.Umupo naman si Michele sa kalapit na silya, habang inihahanda Niya ang sarili sa susunod na sasabihin ng
Tuluyang nagising si Michele mula sa kanyang pagkakahimbing. Nang iminulat Niya ang kanyang mga mata, wala siyang nakita kundi ang kadiliman, at saka niya napagtanto na may nakatakip sa kanyang mga mata.Sa tantiya ni Michele ay nakaupo siya sa isang upuan, habang nakatali ang kanyang mga kamay at mga paa. May naririnig siyang mga lalaki na nag-uusap sa may di-kalayuan. Nakakaamoy din siya ng alak at sigarilyo, at nasisigurado niya na nag-iinuman ang mga ito...Hindi niya maikakaila na nasa mapanganib na sitwasyon siya ngayon. Ngunit nagpasya siyang panatilihing kalmado ang sarili, habang nagsisimula siyang mag-isip ng mga paraan kung paano siya makakalaya at matagumpay na makatakas... Bigla niyang narinig ang ilang boses sa kanyang kaliwang bahagi. May pinag-uusapan ang mga lalaki, kaya pinikit niya ang kanyang mga tainga upang maunawaan ang usapan ng mga ito."Matagal na siyang nakakulong dito. Ano sa tingin mo ang gagawin sa kanya ng Boss natin?" tanong ng isa sa mga lalaki sa ka
Mas nag-aalala at natatakot siya para kay Clarissa, dahil nasa panganib ito ngayon.Naputol sa pag-iisip si Michele nang muli niyang narinig ang boses ni Luca Stracci."So, kanino kaya ako magsisumula? Sa mga magulang mo, o sa pinakamanahal mo ba girlfriend?" ang ngingisi-ngising tanong Luca Stracci sa kanya."Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ka ba makapagdesisyon sa sarili mo?" "Bakit mo naman ako tatanungin? Wala ka bang sariling desisyon?" ang paghahamon ni Michele sa matanda.Sandaling natahimik si Stracci, pero nagpakawala ito ng isang malakas na halaklak makalipas ang ilang minuto."Namana mo ang katapangan ng iyong ama, Michele. Pero hanggang tapang ka na lang, at hindi mo ako mapipigilan sa mga pinaplano kong gawin." ang malamig na turan ni Stracci."Huwag kang magpakampante, Stracci." ang sarkastikong pahayag ni Michele.Nagsalubong ang mga kilay ni Stracci, at halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Michele."Talagang sinusubok mo ako." ang tugon nito."Mukhang sasab
Makalipas ang ilang oras.Dahan-dahang iminulat ni Michele ang kanyang mga mata. Napagtanto niyang nasa bodega pa siya. Nalalasahan pa rin niya ang dugo sa kanyang bibig, bilang resulta ng pambubugbog sa kanya kanina.Nakikita rin niya ang mga sinag ng liwanag na dumadaloy sa maliit na bintana sa loob ng bodega."Hapon na siguro." ang naisip niya sa sarili.Sinubukan niyang gumalaw, ngunit bigla siyang nakaramdam ng sakit sa bawat himaymay ng kanyang katawan.Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, at kasabay pa noon ay nauuhaw siya. Nagsisimula na rin siyang makaramdam ng sobrang pagkahilo... Bago siya tuluyang mawalan ng malay, nakita niyang bumukas ang malaking gate, at narinig niya rin ang mga yabag ng paa, habang palapit ng palapit ito sa kanyang kinaroroonan...=============================Sa isang malaking ospital sa Maynila.Mahimbing na natutulog si Michele sa private hospital room nito. Nalapatan na ito ng lunas, kaya wala na silang dapat ipag-alala pa."Hindi ako makapani
Magsasalita pa sana si Celeste ngunit hindi na niya ito nagawang sabihin nang nakangiting pumasok sa silid ang kanyang madrasta na si Mrs. Margaux Vitale. "Hi! Why are you still here? Our guests are waiting for the birthday celebrant! Not to mention all of the handsome young gentlemen are waiting for you at the party, Celeste." nakangiting sabi ng matandang babae sa kanyang asawa at sa kanyang stepdaughter.Nakangiting umiling si Celeste nang marinig niya ang sinabi ng kanyang madrasta. "Tigilan mo na ang pagiging matchmaker, Auntie.""I'm sorry sweetheart, but I just can't help it!" kumikinang sa saya ang mga mata ng madrasta niya. Tumayo ang matanda at inialay ang magkabilang braso sa dalawang pinakamahalagang babae sa buhay niya, ang asawa at ang anak niya..."Let's go ladies... Let's make our grand entrance as a family." masayang mungkahi ng matanda. Masayang isinukbit ni Mrs.Margaux Vitale at Celeste ang kanilang mga braso sa mga braso ng matanda. Pagkatapos, lumabas sila sa