Nagising ako na parang may mabigat na nakadagan sa akin. May dalawang kamay na mahigpit na nakahawak sa leeg ko, sinasakal ako. Sinusubukan kong tanggalin pero hindi ko magawa sa sobrang lakas ng pagkakahawak nito. Nahihirapan na akong huminga. Gusto kong idilat ang mga mata pero hindi ko magawa. Sobrang bigat ng mga talukap ko parang naka-glue. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses mula sa akin. Gusto ko siyang labanan pero wala akong lakas. Pilit akong lumalaban, nagpupumiglas, kumakawala sa pagkakasakal niya pero hindi ko magawa. Nahihirapan na akong huminga. Pilit ko ang sariling lumanghap ng hangin pero habang ginagawa ko yun lalo akong nahihirapan, lalo akong kinakapos ng hininga. Nauubo na ako. Parang bumabaon na ang kamay niya sobrang higpit ng pagkakasakal sa leeg ko. Namimilipit na ako sa sakit at nandidilim na ang paningin ko. "I will kill you! I will bring you to hell with me. You stupid monkey you gave me nothing but trouble. You should die! You should ro
"Why do you have tattoos all over your body? Is it not painful?"I ask curiously at the man who's been with me since the day I woke up in this hospital. Una kong napansin sa kanya noon ang tattoo na bumalot sa kaliwang braso niya na umabot hanggang leeg.It's a mixture of tribal tattoo, a bleeding heart with flower and a face of a woman. There's also a name written in cursive from the side of the wrist up to the forearm, 'Ysabelle'.Sa bandang harapan ng braso ay may umiiyak na lobo.Hmm, yeah right, a crying wolf with a sad eyes. At sa bandang leeg ay isang agila na matalim ang mga mata na parang may buhay at handang manuka.Sa totoo lang hindi ako fan ng mga tattoo pero hindi ko alam kung bakit nagagandahan ako sa mga tattoo niya. Kaya lang maganda nga tingnan pero feeling ko may masakit na storya ang bawat disenyo ng mga tattoo nito.Yung mukha ng babae ay parang totoo pero ang mga mata ay malungkot. I'm not assuming that it's me at baka sabihin niyo namang nagpi-feeling ako but the
"I'm okay Ate Ysa. We made it."Sa namimigat kong mga talukap pinilit ko ang sariling labanan ito. Nilahad ko ang mga kamay sa batang ngayong ay punong-puno na ng luha ang mga mata. Nanginginig ang labi sa pagpipigil sa sariling umiyak pero ng magpang-abot ang mga kamay namin ay tuluyan na itong humagulhol."Ate Ysa, I'm sorry..." Jace sobbed."Jace Baby, thanks God you're safe." I said crying and hugging him more. His little body is shaking while hugging me back.Oh God. Thank you for keeping my baby Jace safe."I'm sorry if Ate Ysa failed to protect you. I'm very sorry,Baby. I'm so sorry.""No Ate Ysa, don't say that. You saved me. You are the reason why I am here alive. I should be the one saying sorry to you."I shook my head as I wiped the tears streaming down his cheek. I want to stop him from crying but I can't. Habang pinupunasan ko ang pisngi niya patuloy na dumadami ang mga luhang nag-uunahan dito.I feel so guilty that I wasn't able to protect him. He is too young for this.
"Everything will be better, Baby. That I promised." Knoxx whispered in my ear as he held my hand and kissed the side of my head before he pulled me closer towards him.Pauwi na kami ngayon sa Pinas at hindi kagaya nung unang byahe ko palabas ng bansa na marami kaming pasahero dahil ngayon ay iilan lang kami.Kasama sa flight namin sina RN, Dra. Marfori at yung lalaking kakulay ng mga mata ko ang mga mata niya. Hindi kami nabigyan ng pagkakataon na mag-usap dahil nasa bandang likuran sila.Hindi na rin ako nagtanong kung bakit kasabay namin sila sa eroplano. Inisip ko nalang na baka sila ang ni-hire ni Knoxx para e-monitor ako. Isa pa ang napansin ko, mula ng maospital ako palagi ko na silang nakikita yung nga lang hindi naman nila ako kinakausap.May mga pagkakataon lang na naririnig kong kausap ni Dra. Marfori at ni RN ang mga doktor na tumitingin sa akin. Maliban doon wala na. Magaan na tingin at ngiti lang ang binibigay nila sa akin. At kahit yun tila ba ingat na ingat ang mga ito.
Dahan-dahang akong nagdilat ng mga mata at ilang beses pang kumurap para maka-adjust ang tingin ko sa paligid."I don't know until when we can keep this, Nay. Habang tumatagal lalo akong nasasaktan para sa asawa ko. Natatakot din ako na baka lalo lang siya magalit 'pag naalala niya na ang lahat." Narinig kong may nag-uusap sa labas."Kasalanan ko—""No, don't blame yourself, Nay."Kunot ang noo kong tumingin sa kisame. Hindi ko namalayan na nawalan pala ako ng malay sa sobrang pag-iyak ko sa loob ng sasakyan habang bumabyahe kami kanina. Nagbreak-down ulit ako. Nagising nalang ako ngayon na nasa hindi ako pamilyar na silid."You're awake. Are you feeling alright? Do we need to bring you to the hospital?" I heard a familiar voice of a man sitting beside my bed. I slowly shifted my gaze at him. It was RN. His beautiful pair of green eyes is full of concern. Kung ano ang suot niya sa byahe kanina ay yun parin ang suot niya ngayon. Simpleng puting polo shirt na hapit sa katawan niya. Ang
"Hala si Cara na ba yan?""Ha?! Saan? Patingin. Ay oo si Cara nga! Bakit parang pumayat siya?""Pumayat ba? Ay oo! Pumayat nga tsaka mukhang maputla."Oo naging maputla ng ako dahil hindi naman ako pinapayagang lumabas ng bahay. Kung lalabas man ako, sa bakuran lang din at pinapapasok din agad. Halos hindi na nga ako maarawan doon. "Baka buntis?"Ako buntis? Bakit naman ako mabubuntis e wala nga akong asawa. Kahit boyfriend nga wala din. Itong si Knoxx hindi ko naman alam kung ano talaga ang estado namin. Oo tinatawag niya akong baby pero baka dahil lang sa magkaibigan kami.Pero may tawagan bang ganun sa magkakaibigan? Matanong ko nga siya mamaya."Ay oo baka nga! Tingnan mo nga ang tiyan kung malaki na ba?""Ah kaya siguro ang ingay ng mga pusa kagabi.""Oo pati yung mga manok ni Berting."Ano naman ang kinalaman ng mga hayop sa akin?"Ang sabi nasa abroad? Bakit umuwi?""Baka pinauwi?""Huy tumahimik kayo kasama niya pala si--"Patay malisya akong hindi naririnig ang usapan ng mga
I followed what Rance Neon and the doctor told me to do. Kahit mahirap na hindi ko maalala ang ibang parte ng nakaraan ko pinilit ko ang sariling lumaban. Pinilit kong bumangon sa araw-araw ng hindi nalulungkot. Kailangan kong gawin ito para bumalik ako sa dating ako. Tama sila walang ibang higit na makakatulong sa akin kundi ang sarili ko. Malaki din ang pasasalamat ko kay Knoxx, sa parents niya, sa kakambal niya, sa mga kaibigan niya, sa mga doktor na tumitingin sa akin at kay Nanay dahil palagi silang nakaalalay sa akin. Palagi nila akong iniintindi. Kahit ang mga bago naming kapitbahay malaki din ang naitutulong nila sa akin. Palagi silang mag nakahandang ngiti, mga palakaibigan. Dito sa bagong lugar namin mababait ang mga tao, I mean mababait din naman ang mga dati naming kapitbahay yun nga lang likas na sa kanila ang pag-usapan ang buhay ng may buhay. Pero kahit ganun paman nami-miss ko din ang kadaldalan nina Aling Mameng, Aling Puking at Aling Berat. May regular session
Days turns into weeks and into months but still hindi ko pa rin maalala ang nakaraan ko. Minsan nawawalan na ako ng pag-asa na maalala ang mga nangyari sa akin pero sabi ng doktor na maganda ang naging progress ko at iyon na lang ang pinangahahawakan ko. Umaasa ako na isang araw magiging maayos din lahat. Na makakabalik din ako sa dati.I met new people, I met new friends. I gained back a little of my confidence. I can smile now. I can do things that I think I have done before. Slowly I can feel that I'm getting there.Yes, I'm getting there and I believed that. Kahit pa ilang breakdown man ang pagdadaanan ko, kahit ilang session pa ng therapy ang bubunuin naniniwala akong makakayana ko 'to. Malalagpasan ko din lahat ng 'to magiging maayos din ang lahat. Naniniwala ako doon.Ang sabi ni Knoxx sa akin unti-unti na akong bumalik sa dating ako ang makulit at maingay na Ysabelle kilala niya. At ang sabi niya siya ang pinaka masaya sa lahat.Pero may mga pagkakataon talaga na hindi ko pari