Share

Chapter 4

I had to go somewhere na hindi niya ako pwedeng masundan. Mabilis akong tumakbo palabas ng room at pumunta doon sa pinakatagong parte ng university, sa may bandang likod ng gym. Tumakbo pa ako dahil akala ko susundan niya ako gaya ng mga nakikita ko sa movies pero ang gago di man lang sumunod. Kahit respeto man lang, kunwari pero waley. Bwesit!

Dahil wala naman akong maisip na gawin, nilibang ko nalang ang aking sarili. Kinuha ko ang camera na nakasabit sa leeg ko at nanguha na lang ng magagandang larawan. Dahil maraming halaman sa parteng yun may nagliliparan din mga paru-paru. Magaganda ang mga kulay kaya nalibang ako. Ilang minuto din ang ginugol ko doon. Nang makuntento na sa mga kuha ko saka pa ako tumigil.

I was all smiles looking at the pictures in my camera but my smile faded when I saw two familiar men approaching my way. If I'm not mistaken I saw them hanging out with Kuya Joe before. I don't know much of Kuya Joe's friends since he didn't grow up with us.

The one with a man-bun immediately waived his hand greeting me, while the other one with gray eyes holding some building plans just smiled and nodded.

"Hi Miss, why are you here alone?" the one in a man-bun asked. I didn't answer I just smile a little and showed them my camera.

"Don't you have class?" it's the man with the gray eyes this time.

I shook my head. I'm not used to talking to strangers pero mukhang mababait naman ang mga ito. Feeling ko hindi na sila estudyante base sa ayos nila. They look more matured than the usual students. Mga kaedaran na ata ito ni Kuya Joe at kung siguro si Kuya Joe naging masipag din sa pag-aaral niya tapos na rin ito.

"May faculty meeting ang mga teacher namin." tipid kong sagot sa kanilang dalawa saka muling binalik ang tingin sa camera ko.

"You should not go here alone. Wala masyadong pumupunta dito,delikado para sa 'yo." umangat ang tingin ko sa kanila pagkatapos nilibot ko ang tingin sa paligid. Wala nga masyadong nagagawi dito dahil nasa likurang parte na ito ng gym at may ginagawa pang bagong building.

"Ngayon lang naman ako napunta dito." mahinang sagot ko sa kanila. "Tsaka marami naman pong tao oh." tinuro ko yung mga construction worker na nagtatrabaho sa unahan. Pagkatapos kinuha ko ang camera at kinuhanan sila ng picture.

"Kayo po anong ginagawa niyo dito? Kunan ko kayong picture ha?" hindi paman sila nakasagot dalawa tinutok ko na ang camera sa kanila at kinunan sila ng larawan. Pagkatapos tiningnan ko ang kuha nila, in fairness walang ka-effort-effort pero para silang mga totoong modelo.

"Isa pa Miss." Sabi nung naka man-bun na medyo makulit. Pagkatapos hinila niya si Kuyang gray ang mata para gawing background yung building sa likuran nila. Game ko din silang kinunan ng larawan at kwela din silang dalawang nagpo-pose doon. Papasa talaga silang modelo, lalo na nung sinuot nilang dalawa ang hard hat nila at kunwaring tumitingin dun sa planong bitbit nila.

"Gwapo kami dyan, Miss?" tanong ni Kuya naka man-bun. Hindi ako sumagot pero pinakita ko sa kanila ang mga kuha ko. "Naks! Partida Brute oh, gwapo ko dito."

"Anong hangin ang nahithit mo ngayon Villegas at sobrang ligalig mo naman ata? Mas gwapo pa rin ako sayo wag ka nga." saka nag-apir silang dalawa.

" Ipa-process ko po 'to tapos bigyan ko kayo ng copy kapag nakita ko po kayo ulit." sabi ko. "Gwapo niyo po tingnan dito parang kayo yung architect niyang building sa likod." Papuri ko sa kanila pero ngumiti lang silang dalawa sa akin.

Pagkatapos naming mag-usap, nagpaalam na silang dalawa na may titingnan lang daw sila doon sa ginagawang gusali. Naiwan ako ulit mag-isa. May kalahating oras pa para sa next subject ko kaya pinili kong manatili muna doon.

Maya-maya ay biglang may dumating na lalaki. Nakasuot ito ng uniporme nung bagong bukas na milktea doon sa labas.

"Hi Ma'am, good morning, delivery for you." I couldn't see his face because he's wearing a mask and a dark glasses. Tiningnan ko ang paper bag na dala niya, dalawa yun. "Milktea and cheesecake, Ma'am."

"I'm sorry Kuya but I didn't order anything." magalang kong tanggi sa kanya. "Who is it from?"

"Ahm, order from..." tiningnan niya yung name dun sa delivery receipt. " a certain...Knight in shining armour." then he chortled a laugh. " The cheesecake is especially baked for you with your desired taste. The milk is fresh from the farm, delivered straight to satisfy your milktea cravings. Pure and organic cows milk produced by the number one leading dairy farm in the count---"

"Kuya pasensya na po ha pero paki sabi dun sa kung sino man ang nag-order niyan na kainin niya iyang especially baked cheesecake niya at laklakin niya lahat yang pure organic milk fresh from the farm eme-eme na yan." malamig kong sabi. Napansin kong bahagyang gumalaw ang balikat nito pero dahil hindi ko nakikita ang mukha niya hindi ko malalaman kong tumatawa ba ito.

"But it's made for you, Ma'am." sabi niya. " Hindi po ako mababayaran ng delivery fee kapag di ko ito naiabot sa inyo."

Tumaas ang isang kilay ko sa kanya. Hindi ako naniniwala sa mga ganyan, pero sakali man ako na lang ang magbabayad ng delivery fee niya kung ganun. Mura lang naman siguro yun kasi malapit lang naman.

"How much your delivery fee po ba Kuya? Ako nalang magbabayad." sabi ko. Kinuha ko ang wallet sa bag ko para tingnan kung may sapat akong cash plus tip. I think one thousand is enough naman na. Mas mahal pa ata ang delivery kesa sa presyo nitong dinideliver niya eh.

"How much po Kuya?" tanong ko ulit pero hindi ito sumagot. "Okay here, take it." Inabot ko sa kanya ang isang libo pero umiling ito. "Why po? Kulang ba?"

Nagkamot ito sa ulo niya bago tumango.

"Magkano po pala Kuya? Wag mong sabihin milyones ang delivery fee mo?" biro ko sa kanya. "O siya, sige na kunin mo na po ito Kuya. Wala namang delivery na milyones ang bayad noh. Ano ka gold?" biro ko ulit.

Narinig ko ang mahinang tawa niya. Akala ko kokontrahin niya ako pero laking gulat ko ng magsalita ito.

"One milyon ang delivery ko Maam, pero hindi ko sisingilin sa inyo." ako naman ang nagulat ngayon. Akala ko nagbibiro lang ito pero mukhang hindi talaga. "Wag kang mag-alala ,Ma'am hindi ko echa-charge sa inyo."

"Abay hindi talaga dahil hindi naman ako ang nag-order niyan. Tsaka ang mahal naman ng delivery fee mo, hindi ko afford yan. Pakisauli mo lang yan doon sa umorder sayo, ipakain mo sa kanya hanggang sa mabulunan siya at di makahinga."

Narinig ko ang mahina niyang tawa sa likod ng mask niya.

"Makakarating po, Ma'am."

"Thanks Kuya, ano palang pangalan mo?"

"Gardo at your service Ma'am."

"Okay, Sir Gardo, I need my space now. Please leave."

Sumaludo ito sa akin, napansin kong rolex ang relong suot niya. "Sure ka na di mo tatanggapin , Ma'am?" Huling tanong niya sa akin ng tumango ako saka pa ito nagpaalam at tumalikod sa akin. Pinagmasdan ko siya, nakita kong kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya saka may tinawagan.

"Santong kabayo, hindi tinanggap yung order mo pero dahil nasayang ang oras ko at pinagod mo ako kakahanap sa kanya, kalahating milyon na lang yung charge ko. Wire me the money asap, no cancellation of orders. " malakas pa itong tumawa sa kausap niya kaya napangiwi ako.

"Ang mahal naman maningil nang delivery fee. Ano yung oras niya gold? Hmp! Bahala nga kayo sa buhay niyo."

Natapos ko lahat ng klase ngayong araw na tahimik lang ako. Ayokong buksan ang aking bibig at baka kung ano pa ang lumabas dito. Hindi rin naman ako ginulo ng mga kaklase ko. Alam nilang kapag ganitong tahimik ako, hindi maganda yung mood ko.

Ayoko sanang magawi sa agri department pero wala akong choice kasi nandun yung sasakyan ko. Diritso lang yun tingin ko dahil ayokong may makitang di kanais-nais pero sadyang sinusubok ako

"Corrine, can we talk?"

Nilagpasan ko siya, hindi ko siya pinansin.

"I'm sorry, please talk to me."

Badtrip ka sa kanya Samantha wag kang lumingon. Hayaan mo yang gurang na yan. Aarte-arte pa kanina, yun naman pala hihingi din ng tawad. Patuloy lang ako sa paglakad na parang walang narinig.

Nagtitinginan na ang mga studyante sa amin dahil nanatili itong nakasunod sa akin. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta na hindi niya ako masusundan.

"Okay, I won't bother you, but please hayaan mo akong gamutin muna ang paso mo."

Napairap ako sa hangin. Ang bait-bait ng boses. Kala mo talaga mabait. If I know, nakokonsenya lang siya kaya siya nagkakaganyan.

"Pagkatapos mo akong pagsalitaan ng masama kanina, ngayon aamuhin mo ako? Pwes! Manigas ka." m*****a kong sabi sa kanya.

"I know Corrine, Kaya nga ako andito diba? Sorry na please?" medyo napalakas yung boses niya kaya tumigil ako sa paglalakad at nakasimangot na tumingin sa kanya.

"Hindi na kailangan gn sorry mo dahil tama naman lahat ng sinabi mo sa akin. Thanks for making me realize, how loud and annoying I am."

"No, please, I just had a bad day pero mali pa rin yung ginawa ko kaya andito ako ngayon."

"No need for you to apologize, I'm okay. Ganun lang talaga ako kapag may gusto ako eh. Pero tama ka hindi lahat ng gusto ko nakukuha ko."

Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga.

"I need to go. Naalala ko kasing marami pa pala akong mga bagay na dapat gawin. May nakapag sabi pa naman sa aking I should grow up and be responsible." pagkatapos iniwan ko na siya ulit.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Karen Calvarido Mu
Thank you Ms A sa update.Take care and God Bless
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status