Share

Chapter 5

"Corrine please talk to me."

Isa.

"Corrine, just hear me out."

Dalawa. Para kaming nasa shooting dahil marami na yung mga estudyanteng nakatingin sa amin.

"I won't bother you but please, gamutin muna natin yung paso mo."

"No need I can manage."

"But I want--"

"Will you please stop pestering me, Sir Sarmiento? " mataray kong sabi.

"Wharton, call me Wharton like you used to call me before." matamis pa itong ngumiti sa akin pero m*****a ko sa iyang inikutan ng mata. "Akin na ang bag mo akong magdadala." at bago paman ako makatanggi kinuha niya na ito sa balikat ko at sinukbit sa balikat niya.

Samantha, hindi ka marupok! Kunin mo ang bag mo sa kanya!

"Let's go Love." hahawakan niya pa sana ang kamay ko pero iniwas ko ito sa kanya. Ang seste ganun lang kadali ako rurupok sa kanya? Sexcuse me! I mean Excuse me! Matigas to uy!

"Love, c'mon."

"Don't call me love, hindi kita love." m*****a kong sabi sa kanya. Narinig ko ang mahinang tawa niya pero inirapan ko lang siya.

Samantha, galit ka sa kanya! Pinaiyak ka niya kanina kaya wag kang marupok agad.

Nauna muli akong naglakad, wala akong pakialam kong pinagtitinginan na kami. Patuloy lang ako sa paglakad, walang direksyon kung saan ako papunta.

"Hi Sir! Tuloy ang quiz bukas?" Natigil ako sa paglalakad para tingnan ang studyanteng pabebeng nagtanong sa kanya. Magtatanong lang kailangan talaga maypa sabit ng buhok sa tenga sabay kagat labi?

Gaga! Sakalin kita dyan eh. Kita mong sinusuyo pa ako umeepal ka? Ia-upload ko ito sa youtube eh. Vlogger yern?

Nakita kong tinapunan nila ng tingin ang bag ko na nasa balikat ni Knight saka pasimpleng nagtaas ng kilay sa akin.

Neknek nyo! Hindi ko gustong ibigay ang bag ko sa kumag na yan. Siya ang nag-insist. Feeling niyo! At imbes na kunin ko ang bag sa kanya ang traydor kong kamay ay sinabit pa ang camera ko sa ulo niya.

"Dalhin mo rin yan!" malditang sabi ko kay Knight sabay irap pero matamis lang itong ngumiti sa akin. Pagkatapos binalikan ko ng tingin ang mga babae. Sinadya ko talagang ipakita sa kanila na under ko ang kumag na to para umalis sila pero ang mga haliparot gusto pa ata akong sapawan.

Nakataas ang mga kilay nila at mataray na nakatingin sa akin. Tinaasan ko rin sila ng kilay. Akala nila sila lang marunong? Pwes! Ako din. Mabait ako pero sa mga oras na to lumalabas talaga ang pagiging spoiled brat ko. Wala akong pakialam kung sisiraan nila ako sa social media. Gooo! I don't care!

"You study your lessons class. Long quiz tayo." pormal na sabi ni Knight sa kanila.

Pwede naman palang makipag-usap ng maayos pero sa akin nagmamaldito? Muli na namang bumalik ang inis ko sa kanya. Aalis na sana ako ng muli na namang magsalita yung babaeng nagtanong kanina.

"Aww, baket po Ser?" maarte nitong sabi.

"Aww baket po Ser?" panggaya ko sa kanya. "Arte!" pero hindi nila ako pinansin.

"Wag nalang po kayo magquiz, balato niyo nalang po sa amin bago kayo aalis." Aalma na sana ako pero mas nabaling yung utak ko sa sinabi niyang aalis.

Sinong aalis at bakit siya aalis ng hindi ko alam?

"Oo nga Ser. Bakit po ba kasi kayo magre-resign? Dahil ba dun sa-"

"No." putol ni Knight sa kanya. "I need to that for...myself."

Siya magre-resign? Bakit? Anong dahilan? Anong problema? May nangyari ba na hindi ko alam? Ilang oras lang akong nawala ah.

"Hindi na po namin kayo makikita Sir. Kayo pa naman po ang paborito naming teacher kasi ang cool niyo." kunwari malungkot nitong sabi.

Kasi ang cool niyo. Tse!

"I can talk to my dad to talk to the Dean po."

Talk to my dad your ass! Bida-bida ka! Jollibee yern?

Tinaasan ko ng kilay si Knight. Maya ka talaga sa aking kumag ka. Lalo mong dinagdagan ang kasalanan mo sa akin. Lalo akong naiinis sayo.

" I've decided class don't worry I will still be here." sagot ni Knight sa kanya. Ah still be here pala ha? "but not as your part time teacher anymore. You can still ask me kapag may mga tanong kayo. I just need to resign to focus more on my masters." nakangiting sagot ni Knight sa kanya. Tamo ang dali-dali niyang ngumiti sa iba pero sa akin ang damot-damot.

"Pero nag-resign na po kayo."

Tanga lang? Paulit-ulit? Sabing nagresign na nga di ba? Alin doon ang mahirap intindihin? Boba lang?

"... hindi na kami makakapunta sa hacienda niyo. Sayang naman yung field trip na napag-usapan natin."

Ah so may balak siyang dalhin ang mga to sa hacienda nila para sa field trip? Kaya pala...Kaya pala nanghihinayang ang mga tong mag-resign siya kasi gustong gumala sa hacienda. Pwes mas mabuti pang magresign siya!

"Can we still visit your place--"

"No!" sabat ko sa usapan nila. Tinapunan ko ng nagbabalang tingin si Knight. Subukan mong kumontra at malilintikan ka sa akin.

I don't care if I'm acting like a freaking girlfriend. Basta ayoko! Sa lagay na to mas mauna pa silang makatungtong sa hacienda ni Sarmiento kesa sa akin. Ang tagal ko ng nagpapansin sa kanya. Ang dami ko nang in-effort tapos ganun-ganun na lang?

No fucking way!

"And why not? Who do you think you are? Sino ka para pagbawalan kaming pumunta sa hacienda nila Sir Knight?"

"Oh, you don't know me?" Mataray kong sabi. Mabilis na lumapit si Knight sa tabi ko. Hinawakan niya ang bewang ko at naramdaman ko ang mahinang pagpisil niya doon pero tinaasan ko lang siya ng kilay bago ko binalik ang tingin sa mga babae.

Yes, I know I don't have the right to act like this but I don't fucking care.

"You don't know me, Miss?" I scoffed and laugh a little covering mymouth. " Like seriously, you don't know me? But well, in case you really don't then let me introduce myself. I am Samantha Corrine Dela Vega." tumaas ang isang kilay niya sa akin.

"Yes the decision maker coz I am the one to decide if I will allow you and your friends to come and visit their place. And to answer your question if you can, then my answer is a big NO. NO NO NO WAY! And if your asking why I am the one deciding? I don't need to state to you what's obvious. Gets mo?"

Kita ko ang pagkabigla ng mga kasam niya pero si I will talk to my dad palabang tumingin sa akin tapos kay Knight.

"Sir?"

Tiningnan ko si Knight sa mga mata pagkatapos bumaba ang tinigin ko sa patotoy niya. Yong tipo ng tingin na tila ba sinasabi ko sa kanyang subukan niya akong ipahiya kundi malilintikan silang dalawa ng patotoy niya sa akin.

"I'm sorry girls."

Good! Gusto kong pumalakpak. Ganyan nga! Ngayon palang ilagay mo sa dapat kalagyan ang mga babaeng yan.

"Aww, why?"

Aww why? Sarap sungalngalin ng bibig ang arte-arte.

"Just because." I answered like a brat. Nakataas ang isang kilay ko, ang dalawang kamay ay naka-cross sa harap ng aking dibdib at may nakakalokong ngiti sa mga labi.

"Now go! Shoo! If I were you I will study my lessons para pumasa sa long quiz. Hindi yung kung ano-anong field trip eme yang iniisip niyo. Shoo!" tututol pa sana ang mga ito pero binaling ko na ang tingin ko kay Knight.

"Let's go, I'm hungry." I'm like a bratty kid about to throw him my tantrums.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nauna na akong maglakad. Narinig ko ang pagpaalam niya dun sa mga studyante. Wala naman sanang problema kung makipag-usap siya sa mga ito kaso nakakainis yung mukha ng mga babaeng yun ang lalandi. Halatang hindi naman teacher ang tingin nila kay Knight.

Gaya ko lang din ang mga yun. Uunahan pa talaga ako eh ang tagal ko na ngang nag-sta-stalk sa lalaking yan. Kung di pa dahil sa macaroons di pa magbabago.

Thanks macaroons!

Dahil wala kong ibang mapuntahan pinili ko nalang na pumunta sa sasakyan ko. Mas mabuti pang doon nalang muna ako. Tahimik na ang parking, may ilang sasakyan na lang ang naiwan. Yung sasakyan niyang nasa dulo kanina ay katabi na ngayon ng sasakyan ko. Sinadya pa talagang idikit para mahirapan akong pumasok.

"Still mad?" Mahinang tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot pero hinyaan niya lang akong e-process muna ang galit ko. Toddler ka ba Samantha? Daig mo pa ang bata sa pag-iinarte mo ah.

"Okay, I will wait for you to calm down. Inhale, exhale."

Siguro kaya ito naging guro kasi ang haba ng pasensya niya. Kung ako siguro ito kanina ko pa iniwan sarili ko.

"What time is your next class?" Malumanay pa rin ang boses na tanong niya sa akin. Kaya kahit naiinis ako sa kanya sinagot ko na lang din. Ayoko namang mapanis laway ko.

"Wala na. Hmp!"sagot ko pero syempre may kasabay na irap yun.

"Okay, my class is also done. Come let's get inside my car. We'll go somewhere."

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Mag-iinarte pa sana ako pero narealize ko ito pala ang gusto ko noon pa. Gusto kong makita ano ang loob ng car niya.

Ang bango sa loob. Agad na kumalat sa ilong ko ang pabangong gamit niya. In fairness hindi siya makalat, sobrang linis ng sasakyan niya. Well maybe he is like my brothers na maalaga din sa mga sasakyan nila.

"What do you want to eat?" He asked after settling himself in the driver's seat. Nakaharap ito sa akin ngayon , nakangiti na habang akoy nagmamaldita pa rin.

"Give me your hand first I have an ointment here." Hindi pa man ako nakagalaw inabot niya na ang kamay kong may paso. May kinuha itong ointment sa bag niya saka nilagay sa paso ko.

"I'm sorry. I just have a bad day, but I know it's not an excuse to talk to you like that. Dahil ba to sa bi-nake mo?" Tumango ako ng hindi nakatingin sa kanya. Bumalik na naman yung inis ko dahil nasayang lang yung effort ko. Imbes na para yun sa kanya yun tuloy si Rome nakinabang.

"I'm so sorry Sam. Can you tell me where the macaroons you brought for me earlier?" sobrang lumanay ng boses niya. Gusto ko siyang bulyawan pero ayaw ko namang maging oa na. Madali akong magtampo pero madali lang din naman akong mahimasmasan wag lang talaga akong subukin.

"Did you throw it? Tell me where and I will take it."

"Tapos anong gagawin mo kakainin? Kung di ka nag-iinarte kanina may macaroons ka ngayon."

"I'm sorry, Sam. " Hindi ako sumagot pero inikutan ko siya ng mata.

"Stop rolling your eyes, maya niyan magkabuhol-buhol yang ugat sa mga mata mo magiging duling ka." I don't know if it's true or not but I feel scared. Nakasimangot akong lumingon sa kanya.

Inabot niya ang noo ko saka pinanlantsa niya gamit ang daliri dahil nakakunot ito.

"Stop frowning, gusto mo magmukhang matanda kakakunot ng noo mo?"

"I'm not old." M*****a kong irap sa kanya.

Pagkatapos hihilain ko na sana ang kamay ko dahil tapos naman na siyang gamutin ito pero hinawakan niya ito at pinagsalikop mga daliri namin.

Anong hangin kaya nalanghap ng kumag na to at bigla nalang bumait?

"Do you want to eat rice?" Umiling ako.

"Milktea?" Umiling pa rin.

"Pasta and steak?" Ayoko pa rin.

"I'm not hungry." M*****a kong sagot but deep inside konti na lang bibigay na talaga ako.

Weakness ko ang pagkain. Nagha-heart-heart agad yung mata ko kapag nakakita ako ng pagkain. And the food he mentioned are my comfort food. Minsan lang ako nakakatikim ng mga ganun kasi pinagbabawalan ako ng manager ko.

"But you said you are hungry. Come on let's get you some food. I knew a place somewhere near, they're selling burgers and milktea."

"I don't want burger." I said frowning. I even folded my arms in front of my chest like really a bratty kid. Ang arte mo Samantha! Sarap mo kurutin sa singit ah.

At sinong kukurot aber?

Malamang si Knight!

Huy! Gaga ang landi ng utak na yan ah. Patay talaga ako nito pag nalaman ng mga kuya ko.

"What do you want then?" He asked patiently. "I thought you are hungry, kaya ka nga nagsusungit kanina diba?"

Nagsusungit ako hindi dahil gutom ako kundi dahil nagseselos ako. Maglaki ang pagkaiba nun.

"Come on tell me what do you wanna eat." Malumanay niyang sabi sabay mahinang pisil sa kamay ko. His thumb is gently caressing my hands and it's calming me.

"I'm not hungry I said." Pinaninindigan ko talaga ang pagiging spoiled brat ko. Pero imbes na magalit at mawalan ng pasensya sa akin inabot niya pa ang mukha ko at tinanggal ang buhok kong nakatabon doon.

"You sure you're not hungry?" Masuyo ang tingin nito sa akin. Sabi ko hindi ako bibigay agad pero damn! Ngayon lang talaga, pasensya na mga besh at rurupok muna ang Samantha niyo ngayon ah?

"I want chicken nuggets." Mahina kong sabi sa kanya. Nakita ko ang pag-aliwas ng kanyang mukha at ang pagpipigil nitong matawa.

"Yun lang?"

"And burger." I added.

"And?"

"Milktea."

"And?"

"Fries."

I saw him suppressing his smiles, I frowned at him and that made him burst out laughing.

"Damn, Baby, you're so cute."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Karen Calvarido Mu
Hahaha naku marupok ang Sam...Thank you Ms A sa update.Take care and God Bless
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status