HIS FORGOTTEN VOWS

HIS FORGOTTEN VOWS

last updateDernière mise à jour : 2026-06-01
Par:  LykaMis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel16goodnovel
Notes insuffisantes
5Chapitres
2Vues
Lire
Bibliothèque

Partager:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

Matapos ma expelled si Maddie, nag apply soya para suportahan ang kanyang dalawang kapatid, bilang isang simpleng katulong sa marangyang mansyon ng pamilya Desmond, araw² niyang nilalabanan ang pangmamaliit at pang-aapi ng mga taong mas mataas ang estado sa buhay. Hindi niya inaasahang mamahalin siya ng lalaking hindi niya kailanman naisip na mapapasakanya si Kendrick Archibald Desmond, isang mayamang CEO, secret agent, at tagapagmana ng imperyo ng kanilang pamilya. Mula sa pagkakaibigan ay namulaklak ang isang pag-ibig na nagtagumpay laban sa agwat ng kanilang mundo. Ngunit ang kanilang kaligayahan ay hindi nagtagal. Isang aksidente ang bumago sa lahat. Nagising si Kendrick na walang maalala tungkol sa kanyang asawa. Nakalimutan niya ang kanilang pagmamahalan, ang kanilang mga pangako, at ang babaeng minsang naging buong mundo niya. Ang tanging naaalala niya ay ang kanyang dating kasintahang si Savanna Zoo Haul isang babaeng handang sirain ang lahat upang mabawi siya. Pinalayas, siniraan, at itinuring na sinungaling, naiwan si Maddie na mag-isang lumalaban habang dinadala ang anak nilang hindi alam ni Kendrick na umiiral. Ngunit paano kung may mga alaala na hindi kayang burahin ng amnesia? Sa tulong ng kanyang mga lutong minsang nagpabihag sa puso ni Kendrick, muli siyang nagbalik bilang personal chef nito. Habang unti-unting bumabalik ang pamilyar na pintig sa puso ng lalaki, lumalalim naman ang mga kasinungalingang bumabalot sa kanilang nakaraan. Kapag nabunyag ang katotohanan, sapat pa kaya ang pag-ibig upang maibalik ang isang lalaking nakalimot sa kanyang asawa? O huli na ang lahat para sa mga pangakong minsang isinumpa nila sa harap ng altar? Because sometimes, the heart remembers what the mind forgets.

Voir plus

Chapitre 1

Chapter 1 FAMILY FIRST

"Congratulations, Miss Haul! Your dessert is truly outstanding!"

Nagpalakpakan ang buong Culinary Arts Hall matapos ang presentation ni Savanna Zoo Haul.

Ngunit habang nakangiti ang lahat, tila may bumara sa lalamunan ni Maddie Sykes Jones.

Nakatitig siya sa malaking screen sa harap.

Sa bawat ingredient. Sa bawat procedure. Sa bawat detalye. Dahil alam niyang hindi iyon recipe ni Savanna.

Kanya iyon.

Ang recipe na ilang buwan niyang pinagpuyatan. Ang recipe na inaasahan niyang magbibigay sa kanya ng scholarship para maipagpatuloy ang pag-aaral.

At ngayon... Inaangkin iyon ng iba.

"Impossible..." bulong niya.

"Maddie?" nag-aalalang tawag ng kaibigan niyang si Ella. Ngunit hindi na siya nakinig.

Tumayo siya mula sa kanyang upuan at diretsong naglakad papunta sa harapan.

Napatigil ang lahat.

Pati si Savanna. "Bakit mo ninakaw ang recipe ko!."

Agad na nanahimik ang buong silid.

Tumaas ang isang kilay ni Savanna.

"Excuse me?"

"Narinig mo ako." Mariing hinawakan ni Maddie ang recipe file.

"Akin ang recipe na yan."

Nagtawanan ang ilang estudyante.

Sino ba naman ang maniniwala sa isang working student laban sa anak ng isang mayaman pamilya? "You're accusing me of stealing?" malamig na tanong ni Savanna.

"I'm telling the truth." Napairap si Savanna.

"Know your place, Maddie." Parang may sumabog sa dibdib niya.

Alam niyang mahirap siya. Alam niyang scholar lang siya.

Pero hindi niya hahayaang yurakan ang pinaghirapan niya.

"At ikaw? Dahil mayaman ka, pwede mo nang nakawin ang pinaghirapan ng iba?"

Nag-iba ang ekspresyon ni Savanna.

Bago pa man makapagsalita ang professor, sinampal ni Savanna si Maddie.

Pak!

Napasinghap ang lahat. Agad naman na gulat ang ang professor.

"Miss Haul!" Ngunit huli na.

Agad ding gumanti si Maddie.

Hinila niya ang buhok ni Savanna.

"Akin ang recipe na iyon!" "Bitawan mo ako!"

Nagkagulo ang buong hall.

Nagtilian ang mga estudyante habang pilit silang pinaghiwalay.

Sa gitna ng kaguluhan, bumukas ang pinto.

At pumasok ang lalaking dahilan kung bakit halos lahat ng babae sa campus ay napapalingon.

"She attacked me, Babe."

Doon ko lang tuluyang napansin ang lalaking nasa tabi niya.

Matangkad siya, nakasuot ng mamahaling itim na suit, at may malamig na ekspresyon sa mukha. Halatang hindi siya estudyante. Mula ulo hanggang paa, para siyang isang taong sanay utusan ang lahat ng nasa paligid niya. At sa paraan ng pagtayo niya sa tabi ni Savanna, alam kong malapit ang relasyon nilang dalawa.

Tahimik niya akong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Wala man lang siyang sinabi, ngunit ramdam ko ang paghusga sa bawat tingin niya. Para bang sapat na ang kwento ni Savanna para paniwalaan niyang ako ang may kasalanan. Hindi ko alam kung sino siya, pero agad akong nainis sa kanya.

"Is this true?" malamig niyang tanong.

Napakunot ang noo ko. Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari. Hindi man lang niya sinubukang pakinggan ang panig ko.

"Sino ka ba para tanungin ako?" mataray kong sagot.

Napasinghap ang ilang tao sa loob ng opisina. Samantala, bahagyang naningkit ang mga mata ng lalaki bago niya inayos ang manggas ng kanyang suit.

"He's Kendrick Archibald Desmond" mayabang na sabi ni Savanna habang kumakapit sa kanyang braso. "My boyfriend. And the son of the owner of this university."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon.

Kaya pala.

Kaya pala parang hari ang tingin ng lahat sa kanya. Pero imbes na matakot, lalo lang akong nainis. Isa na naman siyang mayamang taong naniniwalang nabibili ng pera ang katotohanan.

Isa na naman siyang mayamang taong naniniwalang nabibili ng pera at impluwensya ang katotohanan.

Bago pa man ako makapagsalita, agad na lumapit ang secretary ng dean kay Savanna at inabutan ito ng bottled water. "Miss Haul, are you alright? Mukha pong namumula ang braso ninyo." Malambing pa ang tono nito na para bang isang prinsesa ang kaharap niya. Samantalang ako, ni wala man lang nagtanong kung ayos pa ba ako matapos masampal.

"Thank you." mahinang sagot ni Savanna habang nagpapaawa. Mas lalo pa itong kumapit sa braso ni Kendrick na para bang siya ang pinakaagrabyado sa aming dalawa. Napansin kong maging ang dean ay nag-aalalang nakatingin sa kanya. Para bang isang malaking trahedya na ang nangyari dahil lang nahila ko ang buhok niya.

"Miss Haul, don't worry. We will handle this properly." sabi ng dean. Tumango naman si Savanna habang pinupunasan ang kunwaring luha sa kanyang mga mata. Samantala, nakatayo lang ako roon na parang hindi umiiral. Pakiramdam ko ay wala akong karapatang magsalita sa sarili kong kaso.

"Sir, pwede ko po bang ipaliwanag?"

"Later, Miss Jones," putol agad ng dean sa akin. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin habang nagsasalita. Lahat ng atensyon niya ay nakatuon kay Savanna at Kendrick. Doon ko tuluyang naunawaan na wala silang balak pakinggan ang panig ko.

Napababa ako ng tingin sa punit-punit kong recipe file. Habang si Savanna ay pinakikitunguhan na parang prinsesa, ako naman ay tinatratong parang isang manggugulo na dapat nang paalisin. At sa unang pagkakataon sa araw na iyon, nakaramdam ako ng matinding pangamba. Pakiramdam ko ay matagal nang nakapagdesisyon ang lahat bago pa man ako dalhin sa opisinang iyon.

Ngunit sa bawat hakbang na ginagawa ko, isang bagay lang ang umiikot sa isip ko.

Paano ko sasabihin kina Mama na hindi na ako makakapagtapos?

Paano ko tutulungan ang mga kapatid ko ngayon?

At paano ko haharapin ang katotohanang sa isang iglap, nawala sa akin ang lahat?

DEAN OFFICE

"Furthermore, due to your violent behavior and violation of university regulations, you are expelled from this institution."

Tuluyan akong natulala.

Pakiramdam ko ay gumuho ang buong mundo ko sa loob lamang ng ilang segundo. Hindi ko marinig ang mga sumunod pa nilang sinabi dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Ang tanging malinaw sa akin ay ang katotohanang nawalan ako ng scholarship at paaralan sa iisang araw. Kasabay noon ang unti-unting pagkawasak ng pangarap na matagal kong ipinaglaban.

Dahan-dahan akong napatingin kay Savanna. Nakita ko ang bahagyang pag-angat ng sulok ng kanyang labi bago niya mabilis na itinago iyon sa likod ng isang inosenteng ngiti. Samantala, tahimik lamang si Kendrick sa kanyang tabi. Wala siyang sinabi. Wala siyang ginawa. At higit sa lahat, hindi man lang niya sinubukang kuwestiyunin ang desisyon.

"Please leave the campus immediately, Miss Jones," malamig na dagdag ng dean.

Napapikit ako nang mariin.

Hindi ako umiyak.

Hindi sa harap nila.

Dahan-dahan kong pinulot ang bag ko at ang natitirang piraso ng recipe file. Pagkatapos ay tumalikod ako at naglakad palabas ng opisina nang hindi lumilingon. Ngunit sa bawat hakbang na ginagawa ko, isang bagay lang ang umiikot sa isip ko.

Paano ko sasabihin kina Mama na hindi na ako makakapagtapos?

Paano ko tutulungan ang mga kapatid ko ngayon?

At paano ko haharapin ang katotohanang sa isang iglap, nawala sa akin ang lahat?

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Dernier chapitre

Plus de chapitres

Aux lecteurs

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Pas de commentaire
5
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status