Share

Chapter 3

Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi ko namalayan na magtatatlong buwan na pala ako dito sa mansion nang mga Contreras.

Nung nakaraan tumawag ako kina Ate Jean kinumusta ko si Tiyang ang sabi niya umalis na daw si Tiyang sa bahay nila. Wala ding nakakaalam kung saan ito pumunta. Hindi din naman kasi close si Tiyang sa mga kapitbahay kay siguro wala itong sinabihan.

Kahit hindi maganda ang trato ni Tiyang sa akin noon, hindi ko parin maiwasan na hindi mag-alala sa kanya. Kahit papano malaki pa rin ang utang na loob ko dito dahil inalagaan niya ako nung maliit pa ako.

Nakiusap na lang ako kay Ate Jean na sakaling may balita siya kay Tiyang sabihan niya ako. Gusto ko kasing padalhan nang pera si Tiyang para may panggastos ito. Naisip kong baka umalis ito nang bahay dahil naghanap nang trabaho. Gusto kong matulungan si Tiyang kahit sa ganitong paraan makaganti man lang ako sa kanya.

"Huy girl!" panggugulat sa akin ni Gina.

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa pagkagulat. May pagkaloka-loka din kasi ang babaeng ito. Pero in fairness, masaya siyang kasama. Palagi akong natatawa sa mga kalokohan niya. Kung ano-ano lang din kasi ang lumalabas sa bibig nito yung iba nga bastos na. Kaya minsa napapagalitan ito ni Nana kapag naririnig nitong kung ano-ano ang tinuturo ni Gina sa akin.

Tatlong taon pala ang tanda nito sa akin, kaya close kami dahil hindi naman nagkakalayo ang edad namin. Halos magkasundo kami sa lahat nang bagay maliban na lang sa pagiging bastos nito kung magsalita. I mean yong mga jokes niya may laman, palaging double meaning.

"Ano ka ba naman Gin, nanggugulat ka na naman eh." reklamo ko. Ilang beses ko na kasi itong sinasabihan na wag akong gulatin pero ginagawa pa rin nito. At ang mas nakakainis ay tuwang-tuwa ito pag nakikita niya ang nagiging reaksyon ko.

Ewan ko ba ako ata yong tipo na kapag ginugulat para akong ninerbyos. Pakiramdam ko umaakyat yong dugo ko sa aking ulo. Minsan nanginginig pa nga ako. Naalala ko pa nga na nakabasag pa ako nang baso nung ginulat ako ni Sir Luke.

Speaking of Sir Luke, minsan lang ito umuuwi dito. Simula nung unang araw ko dito siguro nasa tatlo o apat na beses lang itong pumunta dito. Ang sabi nina Nana ganun daw talaga ang mga ito kahit na sina Madam, madalang daw talaga ang pagbisita nila dito sa mansion.

May ganun pala noh? Iba pala talaga 'pag mayayaman. Siguro sa dami nang bahay nila hindi na nila alam kung saan talaga mamalagi. Bakit ba naman kasi trip nang mga mayayaman magpagawa nang madaming bahay? Tulad na lang kina Madam, madami silang bahay e isa lang naman ang anak nila.

Tsaka si Sir Luke may sarili din siyang condo sa syudad. Sabi ni Nana doon ito namamalagi kasi nga busy ito sa negosyo nila.

"Huy girl, tulaley ka na naman? hanggang ngayon iniisip mo pa rin ba ang Tiyahin mo?" tanong ni Gina sa akin.

Alam nang mga kasamahan ko dito sa bahay ang nangyari bago ako napadpad dito. Kinuwento ko sa kanila dahil nung bago pa ako ilang beses nila akong nahuhuli na umiiyak. Syempre hindi maiwasan, kahit naman ganun si Tiyang siya na ang nakalakhan ko, kahit papano nami-miss ko rin ito.

Malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago sinagot ang tanong ni Gina.

"Oo Gin, hindi ko kasi maiwasang mag-alala kay Tiyang lalo na ngayong walang nakakaalam kung saan ito pumunta."

"Hay naku girl, matanda na yong Tiyahin mo, for sure kaya nun dumiskarte para sa sarili niya. Ano ka ba? Tsaka girl wag ka ngang masyadong concern dun. Hindi naman maayos ang trato nang Tiyahin mo sayo noon." malditang sagot nito.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan Gin, si Tiyang lang ang meron ako. Kahit ganun ang trato niya sa akin okay lang. Siya lang kasi yung nag-iisang kamag-anak ko."

"San ba kasi mga kapatid nang nanay mo? Diba sabi mo pinsan lang nang nanay mo yung tiyahin mong nagpalaki sayo?" Kuryusong tanong nito na ngayon ay umupo na sa harap ko.

"Hindi ko rin kasi alam eh, wala namang kinuwento si Tiyang sa akin. Ang alam ko lang pinsan siya nang mama ko, tsaka sa kanya ako iniwan nung namatay ito pagkapanganak sa akin. Ni wala nga akong larawan nung maliit pa ako. Hindi ko rin alam kung ano ang mukha ni nanay. Tsaka tong asul kung mga mata, baka sa tatay ko ito namana kasi wala namang lahi sina Tiyang eh."

"E di sana nagtanong-tanong ka sa mga kapitbahay niyo, baka may alam ang mga yon tungkol sa nanay mo."

"Gin, halos lahat dun sa barangay namin natanong ko na. Pero wala talagang makapagsabi sa akin. Walang nakakaalam nang kwento ko. Ang sabi kasi nang mga kapitbahay namin limang taon na daw ako nung dinala ako nina Tiyang at Tiyong doon. Nung una nga nagtataka pa daw sila dahil iyak ako nang iyak. Pero kalaunan naging masiyahin na man na daw ako." Malungkot kong tugon dito.

Minsan naiisip ko.Ano kaya ang naging buhay ko kung hindi namatay si mama? Siguro ibang-ibang sa buhay ko ngayon. Tsaka paano kaya kung makita ko ang papa ko? Tatanggapin kaya ako nito?

"Naku girl, hayaan mo na. Ang importante buhay ka at maganda. Tingnan mo nga yang sarili mo oh, mukha kang artistahin. Akala ko nga nung unang kita ko talaga sayo eh nagpapanggap ka lang na kasambahay. Girl , konting bihis lang sayo mapagkakamalan kang amo ko. And speaking of bihis, mamamasyal tayo nina Nana sa katapusan 'pag nagkasahod na tayo. Bibili tayo nang mga bagong damit para presentable naman tayo 'pag may bisita dito sa bahay." Tuwang -tuwa nitong sabi sa akin.

Makikita mo talagang excited itong bumili nang mga bagong gamit. Sabagay tama naman si Gina. Yong mga damit ko paulit-ulit na lang. Luma na nga yong mga t-shirt ko at halos mabubura na ang mga tatak nito kakalaba ko pagkatapos gamitin.

"Nga pala bakit ka andito Gin? May kailangan ka ba?"

"Oh my gosh, nakalimtuan ko girl sabi pala ni Nana palitan mo yung mga kurtina sa kwaro ni Sir Luke. Baka kasi uuwi ito mamaya, alam mo na biyernes ngayon. Tsaka pati na rin yung guest room girl. Minsan kasi nagdadala nang bisita si Sir luke at kapag nasobraan nang inom ang mga ito hindi na pinauuwi ni Nana at doon na pinapatulog sa guest room."

"Ha ganun ba?"alangang sagot ko.

First time ko kasing pumasok sa room ni Sir Luke ngayon. Dati kasi, si Gina lang ang kumukuha nang mga kurtina sa lahat nang kwarto at nilalagay niya lang sa laundry area para malabahan ko.

"O bakit ganyan ang pagmumukha mo? Don't tell me natatakot kang pumasok sa kwarto ni Sir Luke?" natatawang tanong nito sa akin.

Nahihiya akong tumango sa kanya. Nakakahiya mang aminin pero ganun na nga. Hindi ko alam pero natatakot talaga akong pumasok sa kwarto niya. Pag napapadaan nga ako doon binibilisan ko ang lakad ko pakiramdam ko kasi nakatingin si Sir Luke sa akin kahit wala naman siya dito. Minsan nga iniisip kong napapraning na talaga ako.

"Ano ka ba naman girl? Ilang buwan ka nang nagtatrabaho dito hindi ka pa rin sanay? Tsaka walang multo sa kwarto ni Sir Luke girl, at kung meron man at 'sing gwapo niya handa akong magpapamulto don." sabi nito at tumawa ito nang malakas.

Ano kayang nakakatawa sa sinabi niya? Parang wala naman, loka-loka talaga ang babaeng to.

"Basta ba girl 'pag minulto ka at kamukha ni Sir Luke, tawagin mo agad ako ah. Akong bahala sa multong yong at magmumultuhan kaming dalawa."

Kunot noo akong tumingin sa kanya dahil naluluha na ito sa katatawa.

"Anong nakakatawa Gina? Alam mo ikaw kung ano-ano yang iniisip mo kaya minsan napagkakamalan kang may sayad. Bahala ka na nga dyan. Alis na ako at simulang ko na ang trabaho ko, baka mamaya mapagalitan pa ako ni Nana dahil sayo." paalam ko sa kanya at nagmamadali akong pumunta sa guest room.

"Basta girl yung sinabi ko ha, sabihan mo ako kung kamukha niya yong multo. Handa akong harapin ang multong yan..." pahabol pang sigaw nito sa akin na may kasamang tawa. Naiiiling nalang ako sa kalokohan ni Gina.

Unahin ko munang linisan ang guest room kasi feeling ko medyo maliit ito compare dun sa roon ni Sir Luke. Pagdating ko sa loob may nakalagay nang kurtina sa kama pati yung mga bedsheets na pampalit.

Ang ganda naman nang kwartong ito, sa isip ko. Iba pala talaga ang mayayaman kasi sa amin isang kumot at isang unan tsaka banig okay na. Kahit walang kutson solve na ako, pero dito sa kanila iba pa tong kutson, yung kobre kama, yong comforter tsaka may isang kumot pa. Ang daming arte talaga nito mayayaman. Tsaka nagagamit ba nila lahat itong kumot?

Hay naku, hayaan na nga susundin ko na lang tong inuutos nila sa akin para matapos na ako.

Inunang kong palitan ang mga kurtina, pagkatapos sinunod ko na ang kama. Ang bibigat nang mga gamit nila pero hindi na man ako pwedeng magreklamo. Gusto ko sanang magpahinga kahit saglit pero may isang kwartong pa akong aasikasuhin.

Nilagay ko muna sa mga labahin ang mga pinagpalitan ko, bago ako lumipat sa kwarto ni Sir Luke. Pagkapasok ko pa lang iba na yong pakiramdam ko. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Tama nga ang sapantaha ko kanina, ang laki pala talaga nang silid ni Sir Luke, pero wala naman itong masyadong gamit.

Kulay puti ang pintura nito na may halong kulay gray sa ibabang bahagi. May isang painting na nakasabit na may maliit na pangalan na nakasulat sa gilid Vincent van Gogh, siguro ito ang may gawa sa painting.

Isang side lang naman ang kailangang palitan ang kurtina, kaya inuna ko na ito. Nilinisan ko muna ang glass wall bago ko ikinabit ang bagong kurtina na nakahanda na din. Si Nana siguro ang pumili nang pampalit at naglagay nang mga ito dito.

Pagkatapos kong palitan ang kurtina sinunod ko naman ang kama niya. Puti lahat ang ipinalit ko mula sa comforter hanggang sa mga punda ng mga unan. Hindi muna ako lumabas pagkatapos kong palitan ang lahat. Tsinek ko din ang banyo ni Sir kung malinis ba ito, gaya nang ginawa ko dun sa guest room kanina. Sinigurado ko munang malinis ang trabaho ko bago ako lalabas.

Palabas na sana ako nang may mahagip ang aking mga mata. May isang upuan na nakalagay sa isang sulok pero iba naman ang porma nito. Alanganing sofa, alanganing kama. Tumingin muna ako sa paligid, alas singko pa naman maaga pa, hindi pa siguro dadating si Sir Luke ngayon.

Nacu-curious talaga ako sa upuan, first time kong makakita nang ganito klase. Dala ng kuryusidad ko lumapit ako paikot-ikot ko itong tiningnan. Hinawakan ko ito dahil mukhang malambot at di nga ako nagkamali. Parang iba yung tela na ginamit dito hindi katulad nang mga pangkaraniwang upuan dito sa mansion.

Siguro sadyang pinagawa to ni Sir Luke. Pero ang tanong paano ba uupo dito? Luminga-linga ako sa paligid. Hindi naman siguro magagalit si Sir Luke sakaling maabutan ako nitong nakaupo dito. Tsaka upo lang naman, hindi ko naman ito dudumihan.

Paano ba ako uupo dito? Sinubukan kong umupo na magkadikit ang paa at patagilid na umupo pero hindi ako komportable. Tumayo ako ulit tsaka sinubukan kong ihakbang ang isang paa ko sa kabilang bahagi. Ayun! Ganito pala ang dapat na pag-upo dito pero bakit parang nakabukaka naman ako. May ganito palang style nang upuan? Nakaka-amaze naman. Pero paano ba dapat ang posisyon nang likod ko eh naka-curve ang backrest nito. Hmmm...Ma-try nga.

Ay ang galing, ang sarap sa likod. Pero kailangan talagang ilapat ang ulo para mas feel mo ito. Astig naman itong upuan ni Sir kailangan pa talagang nakatingala. Pero bet ko ito. Kapag nagkapera ako papagawa ako nang ginitong design dun sa kapitbahay naming gumagawa nang mga furnitures. For sure maiinggit sila sa akin. Ako ang kauna-unahang magkaroon nang ganitong desinyo don sa amin. Ang galing ko talagang mag-isip.

Ang ganda talaga nitong upuan ni Sir Luke makapagpahinga nga saglit. Efe-feel ko muna ito habang wala pa si Sir. E-do-double check ko lang mamaya baka may mga buhok akong maiwan at mapaghalataan niya nakiupo ako dito.

Paglapat pa lang nang likod ko pakiramdam ko relax na relax ako. Bigla tuloy akong nakaramdam nang antok. Paano kaya kung matulog muna ako dito? Tama! Magpapahinga muna ako saglit, tapos na naman ako sa trabaho ko tsaka itong mga labahin bukas ko na to lalabhan.

Matagal pa yon si Sir Luke sigurado ako. Nung umuwi ito dati maghahating gabi na ito dumating tsaka maaga ding umalis. Kaya okay lang na dito muna ako magpahinga sa upuan niyang parang kama.

Ipinikit ko ang aking mga mata habang dahan-dahan kong ginagalaw ang likod ko na parang minamasahe ako nitong upuan.

Hindi nagtagal parang hinatak nanyong talukap dala na rin siguro nang pagod. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pero ang tulog ko ay yong parang nag-aagaw yung diwa at antok ko. Parang naririnig ko ang mga nangyayari sa palidi at pakiramdam ko may pumasok. Nanaginip lang ba ako? Hinayaan ko lang ito dahil inaantok pa talaga ako, wala namang nagsalita kaya siguro guni-guni ko lang yon. Gusto kong idilat ang aking mga mata pero ang bigat-bigat talaga nang talukap ko.

Bahagya akong gumalaw.Hmm ang sarap naman sa pakiramdam. Pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa at feel na feel ko pa ito. May pa-ungol -ungol pa ako na tila ini-enjoy ko talaga yong pagkakahiga ko dito. Ang ganda na sana nang tulog ko pero bigla akong binulabog nang isang malutong na mura.

"What the f*cuk.?!" Dumagundong ang boses ni Sir Luke sa loob nang silid.

Oh no....

Hindi agad ako nakagalaw. Sigurado akong hindi ako nananaginip. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang seryoso at matatalim na mata ni Sir Luke ang aking natunghayan.

Agad-agad akong tumayo. Muntik pa akong matumba dahil nawalan ako nang balanse nung inihakbang ko ang isang paa ko para makatayo ako nang maayos.

Hindi ko alam kung ano ang una kong gawin. Pulang-pula ako sa sobrang hiya. Pakiramdam ko nagsiakyatan lahat nang dugo sa aking mukha.

"What the f*ck are you doing in my tantra chair?" Tanong nito sa mahinang pero mariing boses.

"Po?...anong pong tantra Sir?" Inosente kong tanong sa kanya.

Nung tumingin ako sa kanya nakita kong napalunok ito at iniwas ang tingin niya sa akin. Dinig ko pa ang malakas na buntong hininga niya bago ito tumingin ulit sa akin.

"Do you know what's that chair for?" Tanong nito sa akin na seryosong nakatingin sa mga mata ko. Bigla tuloy akong na-conscious. Alam kong pawisan tong mukha ko at gulong-gulo pa ang buhok ko.

"At ito po bang upuan na parang kama Sir?" Sabay turo ko sa upuan "Pasensiya na po Sir ah, na-curious po kasi ako paano ba gamitin tong upuan mong alanganin kama, alanganin ding upuan kaya sinubukan ko. First time ko po kasing makakita nang ganitong upuan Sir. Pero promise Sir, umupo lang po ako dyan. Kahit e-check niyo pa po, hindi ko iyan dinumihan Sir." Mahaba kong paliwanag sa kanya.

Lord, sana naman po hindi magalit si Sir Luke sa akin. Wag niyo pong ipahintulot na tanggalin niya ako sa trabaho dahil pinakialaman ko ang gamit niya. Promise di na po ako uulit. Lihim kong dasal habang nakatingin ako sa mukha ni Sir.

"Okay..." sagot nito na tila nahihirapan. "Pwede ka nang lumabas." Nakita ko pa ang pag-alon nang lalamunan nito.Bahagya pang umigting ang panga niya tsaka bahagya pang namumula ang tenga niya.

"Salamat po Sir tsaka pasensiya na po. Hindi ko na po uulitin ,Promise!" Tinaas ko pa ang isang kamay ko na tila nangangako.

Tumango lamang ito tsaka tumalikod sa akin. Agad ko namang kinuha ang mga pinalitan kong kurtina at bedsheets niya at dali-dali akong lumabas sa silid ni Sir Luke.

Pero bago ako makalabas may pahabol pa si Sir Luke.

"Uhm Clea....don't sit in my tantra again or else..." sabi nito pero hindi niya itinuloy. " just... just don't sit there again."

"Okay po Sir, makakaasa po kayo." Sagot ko at tumalikod na dito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Charlene Cruzat Rempis
Naiinis ako sau Clea......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status