Share

Chapter 2

"Clea, pakidala itong pineapple juice sa may swimming pool. Andun si Sir Luke at si Maam Ava kasama ang kamabal." utos sa akin ni Nana Lydia.

Gusto ko sanang tumanggi dahil natatakot ako kay Sir luke, pero nakakahiya naman kay Nana baka isipin pa nitong tamad ako. Ayaw kong mawalan nang trabaho sa unang araw ko pa lang noh kaya dali-dali kong binitbit ang tray na may lamang dalawang baso nang pineapple juice.

Pilit ko talagang inayos ang pagdala sa tray gamit ang dalawang kamay ko dahil iniiwasan kong may matapon sa juice na dala ko. Dahan-dahan ang bawat hakbang dahil hindi naman ako sanay magbitbit nitong tray. Nakakahiya baka pumalpak  pa ako, lalo't pakiramdam ko kanina pa sinusulyapan ni Sir Luke ang bawat galaw ko. 

Sa sobrang pag-iingat ko sa aking nilalakaran, hindi ko namalayang papalapit pala si Maam Ava para sana tulungan ako. Huli na nang makita ko siya at natapilok pa ako dahilan nang pagkatapon sa  dala kong juice.

"Oh sh*t!..Are you okay Av?" nag-aalalang tanong ni Sir Luke kay Maam Ava dahil napunta sa damit niya ang juice na natapon. Nabasag ang baso at nagkalat sa sahig ang mga bubog nito. Tiningna ko ang paa ni Maam Ava baka natalsikan ito at nasugatan pero pasalamat ako at wala naman.

"Maam sorry po...sorry po hindi ko po sinasadya." hindi ko alam kung ano ang unang damputin. Nanginginig ang kamay ko sa sobrang takot. 

"Stupid!" sabi ni Sir. Para akong sinampal sa sobrang lutong nang pagkasabi nito. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nasabihan nang stupida. Sosyal pakingggan pero ang sakit sa pakiramdam.

"Shh..I'm okay, Luke...It's fine, aksidente lang ang nangyari." ani Maam Ava na nakangiti pa. Bumaling ito sa akin at hinawakan ang kamay kong dumudugo na pala. Hindi ko namalayan may sugat pala ako. 

Dahil sa sobang takot ko agad kung dinampot ang nabasag na baso kaya siguro nasugatan ang kamay ko. Pero balewala itong sugat ko, ang inaalala ko ngayon ay ang galit sa mga mata ni Sir Luke habang matiim itong nakatingin sa akin.

"Get out!" para akong namanhid sa kinatatayuan ko nang sumigaw ito sa aking harap. Hindi ko napigilan ang pag-uunahan ng luha sa aking mga mata. Ito ang unang pagkakataon na may sumigaw sa akin maliban sa Tiyong at Tiyang ko.

"It's okay, Luke...hindi niya sinadya. Kasalanan ko rin dahil bigla akong sumulpot kaya nagulat siya. Don't be harsh on her." pakiusap ni Maam Ava kay Sir Luke gamit ang malambing na boses. 

"Ayaw ko sa taong hindi marunong mag-ingat. Paano na lang kung nasaktan ka?" mariing sabi ni Sir Luke.

Nanatili lamang akong nakayuko habang nakatingin sa dugong tumutulo sa kamay ko. Nanlalabo din ang aking paningin dahil punong-puno nang luha ang aking mga mata. Gusto ko sanang sabihin sa kanyang hindi ko sinasadya, pero walang lumabas na boses sa akin.

"Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong tanggalin kita sa trabaho." dagdag pa nitong sabi sa akin.

Tatalikod na sana ako nang pinigilan ako ni Maam Ava. Hindi ko na nitagao ang mga luha sa mga mata ko nang tumingin ito sa akin. Kitang- kita ko ang awa sa mga mata niya, kaya lalo akong napaiyak.

"I'm sorry po talaga Maam, sana mapatawad niyo ako. Hindi ko po talaga sinasadyang tapunan kayo nang juice na dala ko." nanginginig pa ang labi ko habang nagpapaliwanang ako sa kanya. Punong-puno na rin nang luha ang mukha ko. 

"Shh...it's fine..it's fine..damit lang ito, hindi ako nasaktan. Come..you're bleeding. Kailangan magamot 'tong sugat mo." ani Maam Ava saba hawak sa kamay kong dumudugo.

Napakabait niya. Hindi ko man lang ito nakitaan nang kahit kaunting iritasyon sa mukha. Mas nagalit pa nga si Sir Luke sa akin.Lalo tuloy akong nahiya sa kanya.

"Sorry po talaga Maam, ako na po ang bahalang gumamot nitong sugat ko." sabay bawi ko sa kamay kong hawak niya.

"Are you sure? I can help you with that." paninigurado pa niya sa akin.

"Okay lang po ako, Maam. Mababaw lang itong sugat k--." 

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang biglang magsalita si Sir Luke.

"Let's go Ava, you need to change your clothes, baka magkasakit ka pa dahil sa katangahan nang iba dyan." pasaring nito sa akin.

Gusto kong humagulhol sa mga salitang binitawan niya sa akin. Hindi lang ako stupida sa paningin niya, isa din akong tanga. Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang lahat nang sabi niya sa akin. Ang sakit namang magsalita ni Sir Luke. Hindi ko naman talaga sinadyang tapunan si Maam Ava. 

Kung sana may mapupuntahan lang akong iba. Hindi ko kakayanin kung ganito ang ipapakita niya sa akin araw-araw. Wala na man akong kasalanan sa kanya pero iba yong tingin niya sa akin. Simula pa kanina nung dumating sila, ni hindi man lang ito ngumiti kahit konti. Pero magiliw naman ito sa ibang kasambahay. 

Kitang-kita ko ang iritasyon sa mukha nito tuwing nagpapang-abot ang tingin namin sa isa't isa.Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya pero pakiramdam ko may humihigop sa aking pwersa para dalhin ang mga mata ko sa kanya. At sa tuwing ginagawa ko yon, nagkataon naman na nakatingin din pala ito. Mabuti sana kong simpleng tingin lang pero hindi e, matalim ang mga tinging ipinupukol nito sa akin.

Wala namang akong maalalang naging kasalanan ko sa kanya. Ito pa naman ang unang pagkakataon na nagkita kami.

Akala ko pa nung una naninibago lang ito dahil bagong salta pa lang ako dito sa kanila. Pero, bukod tanging siya lang ang hindi pumansin sa akin, simula pa kanina. Maayos naman ang ipinakita nina Madam Elena at Sir Ronnie sa akin kanina nung ipinakilala ako ni Nana sa kanila.

"O Clea, anong nagyari sa kamay mo?" nag-aalalang tanong ni Nana nang maabutan nitong ginagamot ko ang aking sugat.

"Nasugatan po ako sa baso Nana, yung pinadala mong juice natapon ko po kay Maam Ava kaya nabasag yong baso. Hindi ko po sinasadya Nana, pero mukhang galit na galit sa akin si Sir Luke." Umiiyak kong sumbong dito. "Ayaw ko pong mawalan nang trabaho Nana, wala na po akong ibang mapupuntahan."

Lumapit si Nana at niyakap ako. Dahil sa ginawa niya lalo tuloy akong napaiyak. Pakiramdam ko nakahanap ako nang kakampi sa katauhan ni Nana.

"Tahan na...hindi ganun si Sir Luke mo. Mabait na bata yong alaga ko. Baka nagulat lang kaya akala mo galit sayo. Hayaan mo bukas kakausapin ko." 

Umiling-iling ako."Wag na po Nana, okay lang naman po ako."

Sigurado akong galit si Sir Luke sa akin, dahil sa masasakit na salita ang lumabas sa bibig niya. Gusto ko pa sanang isumbong kay Nana ang mga sinabi niya sa akin pero pinili ko na lang na sarilinin ito. Hindi din naman ito makakatulong sa akin, baka mas lumala pa ang galit nito kapag nalaman niyang nagsumbong pa ako.

Pagkatapos kung gamutin ang aking sugat, dumiritso na ako sa aking silid. Sabi ni Nana magpahinga na daw ako at sila na ang bahala. Ayaw ko pa sanang pumasok pero nagpumilit si Nana. Sinunod ko na lang ang sinabi niya dahil natatakot din akong makita ulit si Sir Luke. Ang isipin ko pa lang na makita ang matatalim nitong tingin sa akin ay kinakabahan na ako. Paano na lang kaya kung sigawan pa niya ako ulit. Kabilin-bilinan pa naman nito kanina na wag akong magpakita sa kanya kung ayaw kong mawalan nang trabaho. Kaya mas mabuting umiwas na lang din ako.

Ilang minuto pa lang akong nakahiga sa kama pero agad akong hinihop nang antok. Ngayon ko naramdaman ang pagod sa aking katawan. Simula pa kagabi hindi maayos ang tulog ko dahil sa nangyari sa pagitan namin nina Tiyang at Tiyong. 

Napaiyak ako nang maalala ko ang nagyari kahapon. Bakit kailangang mapagdaanan ko ang lahat nang ito. Masama ba akong tao? Simula nung maliit pa ako hanggang ngayon pakiramdam ko walang may gusto sa akin. Lahat na lang ata nang tao inaayawan ako.

Si Tiyang na siyang nagpalaki sa akin pakiramdam ko napipilitan lang din naman.Wala akong maramdamang pagmamahal mula dito. Dinadaya ko lang ang sarili ko na mahal ako ni Tiyang. Ano bang naging kasalanan ko sa dati kong buhay at pinaparusahan ako nang ganito. Hindi ba ako pwedeng maging masaya? 

Hanggang ngayon binabagabag pa rin ako sa mga sinabi ni Tiyang sa akin. Ano bang kasalanan niya at humihingi siya ang tawad sa akin? Ano ba ang dapat kung matuklasan? Kung anu-anong katanungan ang pumasok sa aking utak  hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Hating gabi nang magising ako dahil pakiramdam ko kinakapos ako nang hininga. Nanakit ang lalamunan ko at pakiramdam ko lalagnatin ako.

"Gin..." mahinang tawag ko kay Gina. Nuuhaw ako at gusto kong uminom nang tubig. Baka sakaling maging maayos itong pakiramdam ko kapag nakainom ako. Gusto kong gisingin si Gina dahil natatakot akong pumunta sa kusina. Ang laki pa naman nitong bahay nang mga Contreras nakakatakot lumabas mag-isa.

"Gin, nauuhaw ako, samahan mo ako please." sinubukan ko siyang gisingin pero tulog mantika ata ang babaeng ito. Siguro sobrang pagod din ito ngayong araw. Madami din kasi kaming ginawa kanina.

Napabuntong hininga na lang ako. Nakakahiya naman kong pilitin ko pa itong gumising para lang samahan akong uminom nang tubig. Bago ako lumabas inilibot ko muna ang tingin ko sa loob nang silid baka kasi may dalang tubig si Gina dito pero wala akong makita.

Natatakot man, kailangang kung lumabas para makainon dahil sumasakit na ang lalamunan ko sa sobrang pagkauhaw. Siguro naubos ang tubig sa katawan ko sa kakaiyak ko kanina.

Madilim ang paligid. Tanging ilaw mula sa labas ang nagbibigay liwanag sa loob. Maingat akong naglakad dahil natatakot akong makalihka nang tunog at baka makaistorbo ako sa mga natutulog.

Bukas bago ako matulog sisiguraduhin ko talagang may  tubig akong dala sa loob nang silid namin ni Gina. Minsan nagigising kasi ako nang madaling araw dahil nauuhaw ako. Nung doon pa ako sa probinsiya, palagi akong may dalang tubig sa kwarto ko.

Pagdating ko sa kusina, agad akong kumuha ang baso at malamig na tubig mula sa ref. Inubos ko lahat ito dahil pakiramdam ko tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Hindi pa ako nakutento umipis pa ulit ako at inisang lagok ulit ito. 

Nanatili muna ako saglit pagkatapos kung uminom. Madilim din sa kusina tanging ang ilaw mula sa nakabukas na ref lamang ang nagbigay liwanag dito.

"What are you doing here?" 

"Ay kalabaw!" nabitawan ko ang basong hawak ko. Sobrang akong nagulat nang may nagsalita sa aking likuran.

"F*ck!" malutong na mura nito.

Biglang may bumukas na ilaw. Ganun na lang ang panlalaki nang mga mata ko nang makita ko ang taong nakatayo sa harap ko. Seryoso nakatingin ang maiitim nitong mga mata na tila nagtatanong kung anong ginagawa ko dis oras nang gabi dito sa mansion nila.

Hahakbang sana ako para lumayo sa kanya pero agad niya akong napigilan. Nung tumingin ako sa mukha niya, nakita ko pa ang pag-igting nang mga panga nito.

"Don't move." mariing sabi nito.

"Po?"  naguguluhan kong tanong sa kanya.

"I said don't move. May bubog malapit sa paa mo." strikto nitong sabi at tila nairita pa nang gumalaw ako.

"Wala ka ba talagang ibang alam gawin dito sa bahay ko kundi ang magbasag nang mga gamit?" malamig nitong sabi pero may halong sarkasmo. 

Pinipigilan ko ang aking sariling sumagot sa kanya. Kasalanan ko ba kung nagulat ako dahil bigla na lang siyang susulpot sa likod. Mabuti sana kong binuksan niya muna ang ilaw bago nagsalita para hindi man lang ako nagulat. Tuloy nabasag ang basong hawak ko.

"Sorry po sir, nagulat po kasi ako kaya nabitawan ko ang baso." mahina kong sagot sa kanya.

"Sorry? Magiging buo ba ang baso nang isang sorry mo? Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat? Hihintayin mo pa bang masaktan ka o makasakit ka bago ka matuto? Hindi lahat nadadaan sa isang sorry lamang. Kung nasugatan ako maghihilum ba ito sa simpleng sorry mo?" 

Ay hala, natutop ko ang aking bibig . Bakit parang may hugot si Sir? Baso pa ba ang pinag-uusapan natin dito Sir? gusto ko sanang itanong sa kanya pero nanatili akong nakayuko. Hindi ko kayang tingnan ang mga mata ni Sir na nakatitig sa akin ngayon.

"Pasensiya na po Sir, lilinisin ko na lang po. Mag-iingat na po ako sa susunod.Sorry po ulit..."

Nakita ko pa ang pag-ismid nito. Ang dating ekspresyon niya ay napalitan nang pagkaaliw. Nakita ko pang pinipigilan nitong matawa.

"Sorry na naman? Wala ka bang ibang alam na salita puro sorry lang?" tanong nito na tila natutuwa sa akin.

"Bakit po sir, Ano po ba ang ang gusto niyong marinig? Dapat lang naman po talagang magsorry ako kahit di ko kasalanan. Ikaw nga dyan dapat humingi nag pasensiya dahil kung hindi mo ako ginulat e di sana hindi ko nabitawan ang baso. At kung sana hindi ko ito nabitawan, hindi ito nabasag. At tsaka tama po kayo hindi po mabubuo nang sorry itong nabasag na baso,hindi din nito kayang hilumin ang sugat mo, pero kayang pahilumin nang simpleng sorry ang sugat sa puso." Mahaba kong litanya sa kanya.Gusto kong tumawa sa naging sagot ko dahil nakita kong nanlalaki ang mga mata nito. Ano ba itong pinagsasabi ko? At bakit nasali ang puso. Bigla din tuloy akong napahugot dahil kay Sir Luke.

Kumunot ang noo nito at nakita kong umirap ito sa akin. Tinaasan pa ako nito nang kilay at inikutan nang mata. 

Sabay tuloy kaming napatawa sa ginawa niya. Akala ko talaga huling araw ko na dahil sa paglilitanya ko. Mabuti at biglang nagbago ang ihip nang hangin.

Hindi naman pala nakakatakot itong si Sir. Siguro nasabi niya lang yon kanina dahil nag-aalala siya kay Maam Ava. Kasalanan ko din naman dahil hindi ako nag-ingat.

"Nga pala Sir Luke. Pasensiya na po kanina. Hindi ko po talaga sinadyang tapunan nang juice si Maam Ava." hinging paumanhin ko sa kanya. 

Malalaman mo talagang mahal nito si Maam Ava dahil simpleng pagbigkas ko lang sa pangalan nito biglang sumigla ang mukha ni Sir. Ang swerte naman ni Maam sa kanya. Sabagay, tingin ko swerte din naman si Maam kay Sir Luke. Mukhang mabait naman ito. 

Ang lambing pa nga nito sa kambal na anak ni Maam Ava. Ang sweet at tatay pa ang tawag nang mga ito kay Sir Luke.

"I'm sorry also for being harsh on you kanina. I don't mean to be rude, it's just that... I'm protecting Ava. Nag-alala kasi ako baka nasugatan ito." punong-puno nang pagmamahal ang pagkabigkas nito sa pangalan ni Maam Ava.

"Okay ang po Sir, naiintindihan ko po kayo. Ganun na man talaga 'pag mahal mo ang isang tao handa kang proteksiyunan ito. Sige po Sir, lilinisin ko na po itong nabasag ko." Paalam ko sa kanya tsaka maingat kong inihakbang ang mga paa ko para kumuha nang panlinis para dito.

Di ko tuloy mapigilan ang paghanga ko kay Sir. Minsan lang sa panahon ngayon ang handang tumanggap sa mga single mom pero iba si Sir Luke. Kita mo sa mga tingin pa lang nito kay Maam Ava na halatang mahal na maha niya ito.

Sana makahanap din ako nang isang Sir Luke sa buhay ko. Yong mamahalin at papahalagahan ako. Yong tipong kaya akong ipagtanggol kahit kanino.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status