Share

Chapter 4

"Clea..." tawag ni Nana Lydia sa akin.

Pagtawag pa lang nito sa pangalan ko kinakabahan na ako. Alam kong may ipag-uutos ito sa akin.

Kanina ko pa kasi napapansin na pabalik-balik si Gina sa may swimming pool area. Baka andun na ang mga kaibigan ni Sir Luke.

Pagkaalis ko kasi kanina galing sa kwarto niya dumiritso na ako sa laundry area at inilagay ang mga labahin kong kurtina at bedsheets. Pagkatapos dumiritso na ako sa silid ko para makaligo ako at makapag-ayos man lang konti.Pakiramdam ko kasi nanlalagkit ako sa dami nang ginawa ko kanina doon sa taas.

Dagdagan pa nung nahuli ako ni Sir Luke na nakaupo don sa upuan niyang mukhang kama. Halos mabasa ang buong katawan ko sa pawis kanina habang tinatanong niya ako kung anong ginagawa ko doon. Mabuti nga at hindi ito nagalit sa akin. Maliban lang sa kabilin bilinan nitong bawal na akong umupo doon ulit.

Kahit pa nakakarelax yung upuan na yon hindi na talaga ako uupo dun ulit noh. Ayaw ko kayangapagalitan uli.

Nagpabango pa ako konti. Nakakahiya naman kung mangangamoy pawis ako kapag may inutos sa amin si Nana Lydia mamaya. Kahit mumurahin lang itong pabango ko, atleast mangangamoy fresh ako dito.

"Ano po yon Na?" Magalang kong tanong dito. Napansin kong busy din si Ate Flor sa pagluto nang klase-klaseng ulam na parang may pista lang.

Si Nana naman busy kakatuhog sa mga iba-bbq manok at baboy.

"Ang dami po ang niluto niyo ate Flor may pakain po ba si Mayor?" Biro ko sa kanya kaya tumawa ito.

"Sinabi mo pa Clea, minsan lang kasi yan si Sir Luke dito kaya kailangan busugin natin." Sagot naman nito sa akin.

"Anong klaseng pagkabusog po ba Ate Flor?" Biglang singit ni Gina sa usapan.

"Ayan na naman yang bunganga mong walang preno Gina ah. Kung ano-anong pinagsasabi mo, baka maimpluwensiyah mo pa itong si Clea." Saway ni Nana kay Gina na ngayon ay busy na kakatikim sa mga luto ni Ate flor.

"Hay naku Nana hindi na bata yan si Clea, magde-debut na nga yan sa susunod na biyernes eh. And speaking of debut Nana, imbitahin mo si Sir Luke sa biyernes ah para naman may special na bisita itong si Clea tisay natin." Kumindat-kindat pa ito sa akin.

"Ano ka ba Gina, wag ka ngang ganyan at nakakahiya kay Sir Luke. Baka isipin niya pang nagpapa-importante ako." Saway ko dito. Sobrang nakakahiya kaya kay Sir Luke, ni hindi pa nga ako umabot nang isang taon naninilbihan sa kanila tapos magpapahanda pa talaga ako.

"Hay naku girl wag ka na mahiya.Tsaka galante yan si Sir Luke baka bigyan ka pa nang regalo niyan 'pag nalaman niyang debut mo." Natatawang sabi nito.

Hindi naman ako naghahabol nang regalo. Ang mahalaga sa akin malusog ang pangangatawan ko . Malaking biyaya na mula sa Panginoon ang dagdag na isang taon sa aking buhay.

Tsaka hindi naman ako sanay mag-birthday. Never pa nga akong naka-experience na may handa ako sa tuwing kaarawan ko,para lang din itong normal na araw sa akin.

Hindi din naman ito sini-celebrate nina Tiyang noon, kaya sanay na ako. Siguro mag- sisindi na lang ako nang kandila sa may groto sa labas. O di kaya, kung papayag si Nana sasaglit ako sa simbahan.Magpapasama lang ako kay Gina saglit.

"Ano girl? Akong bahala sa outfit mo. Madami akong dress doon na hindi ko pa nasusuot, ipahiram ko sa yo.Pumili ka lang doon sa lalagyan ko nang mga damit.

"Ay naku Gina,ewan ko sayo. Basta sinasabi ko sayong wag mo akong ipahiya kay Sir Luke, wag mong masabi-sabi sa kanya ang tungkol sa—-"

"Anong hindi pwedeng sabihin sa akin?" Bungad ni Sir Luke sa amin dito sa kusina. Hindi ko alam kung seryoso o natatawa ba ito. Naglakad ito papasok at pumwesto malapit sa akin.

Napansin kong nakapagpalit na ito nang damit. Basa pa ang buhok nito siguro katatapos niya lang ding maligo. Amoy na amoy ko ang panlalaking pabango niya. Ang sarap nito sa ilong, hindi masyadong matapang ang amoy.

Biglang binundol nang kaba ang aking dibdib. Ewan ko ba bakit laging ganito ang reaksyon ko sa tuwing nakikita ko si Sir Luke o kahit man lang kapag naiisip ko ito.

May sakit kaya ako? Pakiramdam ko kasi hindi normal ang pintig nang puso ko tuwing nasa malapit si Sir Luke. Baka may sakit na ako sa puso? Wag naman sana Lord, gusto ko pa pong mabuhay dito sa mundo. Tsaka wala akong pera pambili nang bagong puso Lord, alam ko pa naman na mahal yon.

"So, ano yong pinag-uusapan niyo na hindi ko dapat malaman huh?" Ulit nito sa tanong niya kanina.

Oh my gosh. Narinig ni Sir Luke ang mga sinabi ko. Shocks nakakahiya,pakiramdam ko tuloy palagi na lang akong pumapalpak pagkaharap ko ito.

"Ah...wala po yun Sir, nagbibiruan lang kami ni Gina." Pagsisinungaling ko kaya hindi ako makatingin sa kanya nang diritso. Sinulyapan ko si Gina at malaki ang mga ngisi nito. Ganun din sina Nana at Ate Flor, pakiramdam ko tuloy pinagkakaisahan nila ako. Ako lang ata ang nininerbyos ngayon dito sa aming lahat.

"Anong biro yon baka pwede naman akong makisali dyan?" Susog pa nito. Bakit parang nasa mood ata makipagbiruan si Sir Luke ngayon? Kita ko pa ang pagtaas niya nang dalawang kilay kay Nana at ang pinipigilang ngiti niya.

"Ay wala po talag—-"

"Debut kasi ni Clea sa biyernes Sir gusto ka raw niyang imbitahan." Seryosong sagot ni Gina sa kanya.

Patay ka sa akin mamaya Gina. Nakakahiya ang bunganga mo.

Pakiramdam ko nagsiakyatan lahat nang dugo ko sa mukha. Alam kong pulang-pula na ako ngayon. Hindi na talaga tama itong pinaggagawa ni Gina sa akin. Ako ang napapahiya sa kalokohan niya.

"Oh really? We'll celebrate then." Sabi nito at nakangiti pa. Nung tumingin ito sa akin bigla kong naramdaman na may kumislot sa puso ko. Para akong naco-conscious sa mga tingin ni Sir Luke sa akin.

Yumuko ako para maka iwas ako sa mga tingin niya sa akin. Hindi ko kayang harapin ang klase nang mga titig ni Sir Luke, para akong inieksamin nito. Dinagdagan pa nang maalala ko ang kalokohan na ginawa ko sa silid niya kanina. Gusto ko na lang na mawala na ako na parang bula sa kanyang harapan ngayon.

"Sure Sir, imbitado po kayo. First time po ni Clea mag-celebrate at ikaw yung special niyang bisita." Pagbibida ni Gina. Mukhang siya ata ang magbi-birthday kung makapag-invite ito. Pumalakpak pa ito na tila tuwang-tuwa.

"Is that true Clea?" Tanong nito sa akin at tila tinatanya niyo kung ano ang magiging sagot ko.

Nahihiya akong tumango sa kanya. Nakita ko pa ang kakaibang kislap nang mga mata niya nung tumango ako, pero agad din naman itong nawala.

"Where do you want to celebrate then?"

"Ahm..wag na po kayong mag-abala Sir Luke..okay lang po sa akin kahit wala na pong handaan.Sanay na man na po ako."

"No, I insist. Isang beses ka lang magde-debut kaya dapat e-celebrate natin ito. So, san mo gusto?"

Nag-aalangan pa akong sumagot pero kita kung determinasyon sa mukha niya. Alam kung hindi ito papayag kung tatanggi ako. Nakakahiya din naman kung tatangi pa ako. Baka isipin pa nitong nag-iinarte ako sa kanya. Ayaw kong madagdagan ang mga kasalanan ko.

Ito naman kasing si Gina kung ano-ano pa ang pinagsasabi,yan tuloy napasubo si Sir Luke. Baka nga hindi ito bakante sa biyernes eh.

"C'mon Clea, don't be shy..."ani niya.

"Uhm..dito na lang po sa bahay niyo Sir. Kung okay lang po sa inyo." Nahihiyang sagot ko sa kanya.

"Why? I mean...di mo ba iimbitahan ang mga kaibigan mo? How about your siblings? Your parents?"Nagtatakang tanong nito sa akin at medyo nakakunot pa ang noo nito.

Bahagya akong umiling sa kanya. Siguro nakita nitong naging malungkot ang ekspresyon nang mukha ko kaya agad nitong pinalitan ang topic.

Wala akong ideya kong alam ba ni Sir ang storya nang buhay ko. Hindi ko alam ko naikwento ba ito ni Nana sa kanya.

"Okay kung yan ang gusto mo, we'll celebrate here then. Manang ikaw na pong bahala para sa mga kakailanganin, e remind niyo po ako bukas." Bilin nito kay Manang. Nakita ko pa sa gilid ko ang pagpalakpak ni Gina na tila tuwang-tuwa sa kalokohan niya.

"Thank you po Sir Luke..." ngumiti sa kanya. Tumango lamang ito at bahagya pa nitong tinapik ang balikat ko bago tumalikod at lumabas nang kusina.

Pero bakit ganun? Para akong nakuryente nung dumantay ang palad niya sa balat ko. Alam ko namang simpleng tapik lang ang hinawa ni Sir Luke sa akin pero iba ang reaksyon nang katawan ko dito.

Hala ano ba itong nagyayari sa akin. Baka nga may sakit na ako. Kailangan ko na bang magpa check-up? Pero ano naman ang sasabihin ko sa doktor? Na malakas ang pintig nang puso ko at kinakabahan ako sa tuwing magkalapit kami ni Sir? Ganun?

"Oh my gosh girllllll ang swerte mo talaga." Tili ni Gina at may patalon-talon pa ito." Yes! Yes! May party sa Friday! " pakanta-kanta pa ito sabay kembot sa akin.

"Naku Gina, alam mo akong nahihiya sa pinaggagawa mo. Nana si Gina oh, pagalitan mo nga 'to Na. Pinapahiya niya ako kay Sir Luke." Maktol ko pa. Pero imbes na magalit si Nana tumawa lamang ito at umiling-iling sa aming dalawa.

"O sya, ihatid niyo na itong pagkain doon sa labas. Andun sina Luke pati mga kaibigan niya." Utos ni Nana sa amin.

Dalawa kami ni Gina ang naghatid at nag-ayos nang mga pagkain nina Sir Luke pati mga kaibigan niya.

Tatlong kaibigan niya ang kasama niya ngayon.

Tapos na kaming ayusin ang lahat nang handa ngunit naiwan ako saglit dahil inayos ko pa ang mga baso na gagamitin nila nang biglang may tumayo sa tabi ko.

Narinig ko pang tumikhim ito bago nagsalita.

"Uhm..Hi!" Bati nito sa akin, kaya napaayos ako nang tayo.

"Kanina ko pa gustong makipagkilala sayo kaso mukhang busy ka." Sabi nito sabay kamot sa batok niya na tila nahihiya.

Matangkad ito at malaki din ang pangangatawan. Nakaputing t-shirt ito at may kwintas na may dog tag na nakalabas at pinaresan nang khaki shorts plus puting sapatos. Nagmumukha itong modelo sa ayos niya.

Ngumiti ito sa akin at nakita ko ang pantay at mapuputi nitong mga ngipin. Bigla tuloy akong nahiya sa itsura ko.

Simpleng leggings lamang ang suot ko at pinaresan ko ito nang puting blouse na binigay ni Ate Jean sa akin.

"Anyway I'm Calyx, you are?..." inilahad pa nito ang kamay niya sa akin.

Nagdadalawang isip ako kung tanggapin ang kamay niyang nakalahad pero naisip ko namang kabastusan kung hindi ko ito tanggapin. Maayos naman ang pagpapakilala nito sa akin.

"I'm harmless..." sabi nito kaya sabay pa kaming natawa. "There!..you look more beautiful when you smile." Papuri nito kaya pinamulahan ako nang mukha.

"So, you are?" ulit nito.

"She's still young brute. Wag mong idamay sa kalokohan mo." Sabi ni Sir Luke dito sabay hawi sa kamay ni Calyx sa aking harapan. Nakita ko pa ang pag-igting nang mga panga nito bago ito humarap sa akin.

"Get inside Clea." Mariing utos ni Sir.

"Dude! I'm just being friendly. Ganyan kaba sa lahat nang kaibigan mo? Gusto ko lang makipagkilala kay Miss beautiful ah."

"Stop Fucker kung ayaw mong palayasin kita dito." Banta nito sa kaibigan niya. Hindi ko alam kung seryoso ba ito o nagbibiro lang, pero nung tumingin naman ako sa mukha niya mukhang hindi naman ito nagbibiro. Matalim pa ang tingin nito sa kaibigan niya. Feeling ko nga na-offend si Calyx sa sinabi ni Sir Luke.

"And you..."baling niya sa akin "get inside and let Gina finish your work here. Wag ka nang lumabas ulit."

"You're whipped Dude!" Ani Calyx at natatawang bumalik sa pwesto nang mga kaibigan niya. "Nice meeting you....Clea. By the way you're so pretty." Sigaw nito at nakangiting pang kumaway sa akin.

"Shut up!" Balik sigaw ni Sir Luke sa kanya kaya napa-peace sign ito.

"Get inside Clea and stay there. I don't want to see you flirting with my friends." Seryosong sabi nito sa akin.

Para tuloy akong binuhusan nang malamig na tubig. Biglang nanubig ang aking mata kaya napayuko ako. Gusto kong sagutin siya na hindi ako nakikipaglandian sa kaibigan niya,pero mas pinili ko na lang itikom ang bibig ko. Ano pa ang silbi kung hinusgahan niya na ako.

Pero tama din naman siya . Bawal akong makipagtawanan sa mga bisita niya. Ang mga katulong ay magsisilbi lamang sa amo nila.

Ang mga katulad ko ay hindi dapat nakikipagkaibigan sa mga katulad nila.Bigla tuloy akong nanliit sa sarili ko.

"Okay po Sir...pasensiya po, hindi na mauulit." Sagot ko na lang sa kanya pero hindi ko na napigilan ang pagtulo nang luha ko. Alam kong nakita niya pa iyon kaya mabilis akong tumalikod at tumakbo papunta sa silid ko.

Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon sa kanya sobra akong nasaktan sa sinabi niya sa akin. Ganun ba ako kababa sa tingin niya? Ang sakit niya namang magsalita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status