Share

CHAPTER 5

Campus

Bumalik na kami ni Maegan sa quarter namin pagkatapos matuyo yung nilalabhan naming damit. Nagpapahinga kami sandali para magkakaroon kami ng kunting energy.

Nang tumunog na ang weird na alarm ng buong training ground nagsilabasan na kami sa aming quarter at gumawa ng isang linya. Dala-dala na namin ang aming nga campers bag. Habang naka linya kami pumunta na sa harap ang Trooper na naka-assign sa amin. 

"Simula ngayon ay mailipat na kayo sa mga Camps at dun na kayo mapipili kung pasok ba kayo sa Campus o hindi." Sabi ng Trooper.

Kinakabahan ako na ewan, di ko ma gets kung ano itong nararamdaman ko. 

"Itong metal tag na ito ay may pangalan niyo at ang code naman ay nasa isang tag, since dalawa ito, yung isang tag ay dun nakalagay ang pangalan niyo at ang magiging batch number niyo, na ang Campus niyo lang ang maglalagay kung official na kayo. Habang ang isa naman ay ang Code tag niyo na kung saan naka-record na sa computer sa registrar office at kung saan kayo dapat ipasok sa susunod na camp o kung saan ba kayo pumasok at lumabas na camp." Habang itinaas niya ang metal lace ng metal tag namin. 

'Attention trainees please proceed at the training ground back gate.' Sabi ng announcer. 

"Okay trainees follow me." Command ng Trooper.

Naglakad na kami patungo sa gate kung saan yung daan patungo sa mga campus namin. May mga nakahilera nang mga campus bus. Nang matanggap na namin ang aming mga metal tag, pumila na kami sa aming designated na bus. 

Nasa pangatlong bus ako ng Northern Campus Bus. Nakita ko sina Kyan at Axle sa unang bus. Pero wala na akong paki-alam. Nang tumunog na ang bus hudyat na aalis na kami. Kinabahan ako ng hindi ko alam kung bakit, pero binaliwala ko nalang. 

Nagsi-alisan narin ang ibang bus papunta sa ibang direksiyon. Pagkatapos ng labin limang minuto dumating na kami sa aming Campus. Namangha kaming lahat kasi parang nasa isang university lang kami na napapalibutan ng dorm. 

Nang makababa na kami sa bus, nagsitungo na kami sa Campus Gym dahil yun ang nakita kong sign na nakalagay. At dun naman ay may nakahilerang mga upuan. Nagsiupo na ang lahat at nakatingin na sa harapan. 

"Magandang hapon mga trainees. Ako ang head ng North Campus, I'm Troop Brocka. Ngayon ibibigay ko sa inyo ang mga gagawin niyo sa paghanda ng ensayo bukas. Una, ay magpa-practice kayo sa Rack. Pangalawa, dapat suot niyo ang trainees official uniform for tomorrow dahil yun ang susuotin niyo habang nag-eensayo at gagradohan. Dun muna kayo matulog sa mga nakahilerang tent sa ground hanggang bukas ng gabi." Sabi ni Troop Brocka.

Dagdag sabi pa ni Troop Brocka na sana gagawin namin ang lahat ng makakaya namin upang matanggap at maging opisyal na troopers.

Nang mag alas 2 na ng umaga nakabihis na kaming lahat ng trainee official uniform namin at nagsilabasan na kami papunta sa Rack. Ang Rack ay kung saan kami mag-eensayo dahil may floor siya sa taas na puro glass kung saan doon mag-rerecord ng score yung mga Troopers kung sino ang pasok at mananatili sa campus o kung sino ang malipat sa center. 

Habang nag-eensayo kami ramdam kung may nakatingin sakin pero hinayaan ko nalang dahil alam kung kaninong mata yun. Pagkatapos naming mag-practice nagsibihis na kami ng mga kumportableng damit. Habang naghihintay na matapos ang araw, napagod ako sa lahat ng ginagawa namin, halos mag-iisang linggo na kaming nag-ensayo. 

Nang sumapit na ang hapon, nagsi-alisan na kami sa Rack at bumalik na sa tent na naka destino sa amin, lima kami ditong naka-assign at may nakilala na akong kaibigan si Sophia Neñaria. Sabi niya pa sa akin na parang out of the place raw siya kasi halos kasama niya sa tent ay mga mayaman, eh siya raw may kaya lang na paaralin ng mga magulang niya.

Pero sabi ko sa kanya hindi naman sa kung gaano ka kayaman, lahat ng tao may kakayahan at karapatan na piliin kung ano ang gusto nila, hindi yun nagbabase kung gaano ka kayaman para makapasok ka, what if mayaman ka nga kaso wala kang skills na maipag-malaki useless parin mas mabuti nang kung kahit ang estado mo man sa buhay ay mahirap o may maya lang pero at least worth it ang skills mo na maipag-malaki dahil nadiskarte ka. 

Natapos na ang araw namin at nagsitulog na kami at naghanda na sa mga gamit namin na lilinisan. Bukas ng umaga lilinisan na namin yung mga kagamitan na nagamit namin sa rack doon sa ilog at lalabhan na namin yung trainee official uniform namin para masuot namin ulit bukas makalawa kung sino ang magiging official na trooper sa Northern Campus. 

Habang naglilinis kami ng ka grupo ko, may napansin na naman akong nakatitig sa akin. Pero hinahayaan ko nalang. Nang nagtungo na ako sa bag na nilagyan ko ng gamit ko may biglang lumapit at hinapit ang kamay ko. Hinila ako palayo sa mga kasama ko sa tent.

"Ano ba?" Pagalit kung sabi sabay hila pabalik ng kamay ko. Alam ko na kung sino yun pero pinalabas ko ng wala akong alam. 

"Relax Louisse, it's me. Sorry about that. Uhm Louisse, can we talk for a minute?" Tanong ni Kyan. Tumango nalang ako at hinila niya pa ako sa mas pribadong lugar. 

"Make it fast, maglilinis pa ako nito." Sabay turo ko sa dala ko. Para siyang hindi komportable na nasa harapan na niya ako. 

"Ano magtitigan nalang ba tayo dito Kyrc kailangan ko ng umalis kung ganun. Sayang ang oras kung magtitigan lang tayo dito may gagawin pa ako." Sabi ko. 

"Louisse, alam kung masasakit na salita ang nasabi ko sa iyo nun bago ka bumalik sa bahay niyo. Sana patawarin mo ako, di ko naman alam na may kakayahan ka pala ng ganun. Louisse please forgive me. We're still friends right?" Miserableng tanong ni Kyan. 

Anak ng, para yun lang ba ang panghihilang ginawa niya? Bakit ba kailangan nasa malayo pa.

"Yeah? Sino namang may sabing hindi?" Takang tanong ko.

At dun nagbago ang expression niya. Yung parang naging komportable nga pero kinakabahan. Ewan ko parang may masamang pinagplanohan itong lalaking to o ano ba. 

"Ghe, umalis kana maglilinis pa ako yun lang pala itatanong mo bakit kailangan pang sa malayo." Inis na sabi ko sabay alis pabalik dun sa ilog.

Sinimulan ko ng linisan ang mga ginamit ko kahapon. At nang matapos na ako kinuha ko na yung uniform ko na tuyo na at tinupi ko at bumalik na sa tent. 

Sana ang araw namin bukas ay maging masaya. Isa-isahin kasi kami ng Campus heads na pumunta sa office niya at sasabihin nila ang resulta sa pag-e-ensayo. Pinahanda na samin lahat ng gamit namin dahil dun na raw kami tutungo sa mga quarters area. Sana naman maganda ang resulta bukas at walang dayaan na magaganap. Kasi kung ako ang papagraduhin sa mga nag-e-ensayo kahapon, lahat sila pasok dahil may kakayahan at makikita mo yung skills ng bawat isa na pinaghahandaan talaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status