LOGINSa loob ng pitong taong pagsasama, manhid at parang yelo lamang ang pakitungo ni Samuel, Varron sa kanya, habang si Mauren Piñeda naman ay lagi lang nakangiti. Dahil mahal na mahal niya ito, naniniwala siyang balang araw ay mapapalambot din niya ang puso nito. Pero ang hinihintay niya ay hindi iyon. Sa halip, ang sumalubong sa kanya ay ang pagkahulog nito agad sa ibang babae at ang iparamdam dito ang pagmamahal at pag-aarugang matagal na niyang inaasam. Pilit pa rin niyang pinangatawanan ang pagsasama nila. Hanggang sa dumating ang kaarawan niya lumipad pa siya nang malayo para makasama ang asawa at anak, pero iniwan siya nito para samahan ang ibang babae. Naiwan siyang mag-isa sa malaking bahay. Doon na tuluyang nawalan ng pag-asa si Mauren. At nang makita niyang mas gusto pa ng anak niya na yung babae ang maging ina nito, wala na siyang naramdaman kahit kaunting sakit o awa. Gumawa siya ng kasunduan sa diborsyo, isinuko na rin ang kustodiya sa anak, at umalis nang buong dangal. Hinayaan na lang niya ang mag-ama at naghintay na lang ng papeles. Iniwan niya ang pamilya at bumalik sa trabaho. Yung dating minamata ng lahat, ngayon ay madali nang kumita at umabot ang yaman niya sa mahigit isang-daang bilyon. Pero naghintay siya nang matagal, wala pa ring lumabas na papel. At ang mas nakakagulat, yung lalaking dati na ayaw umuwi, ngayon ay parang linta na kung dumikit ay araw-araw nang umuuwi. Nang malaman niyang desidido na siyang makipaghiwalay, hinarang siya nito sa isang sulok at seryosong sinabing, "Diborsyo? Imposible 'yan.”
View MoreNang dumating si Mauren Piñeda- Varron sa paliparan sa lungsod ng Buenavista, lampas na sa alas nuebe ng gabi.
Ngayong araw ay kaarawan niya.
Nang binuksan niya ang kanyang telepono, sunod-sunod na bati ang bumungad sa kanya. Ang mga mensahe na mula sa kanyang mga kaibigan, mga kamag-anak, at mga kakilala.
Ngunit sa kabila ng mga mensaheng natanggap niya, wala ni isang bati man lang sa kanyang kinakasamang si Samuel, Varron ang natanggap.
Bahagyang natunaw ang mga ngiti sa labi ni Mauren.
Lagpas na sa alas-diyes ng gabi bago nakarating si Mauren sa Villa ng bahay nila.
Pagpasok niya, nagulat ang kasambahay na si Manang Lita nang makita siya: "Madam, ahh… nakauwi na po pala kayo?"
"Nasaan sina Samuel at Aleya?" Agad na tanong ni Mauren.
"Hindi pa po nakakabalik si Boss; ang prinsesa naman po ay naglalaro sa kanyang silid.” magalang na sagot ni Lita.
Inabot ni Mauren ang kanyang mga dalang gamit sa kasambahay at umakyat sa itaas. Nakita niya ang kanyang anak na nakasuot ng pantulog at nakaupo sa isang maliit na mesa, na lubos na abala sa isang bagay. Napakalalim ng kanyang atensyon kaya’t hindi man lang niya napansin na may pumasok na sa silid.
"Aleya?"
Nang marinig ang tawag, lumingon si Aleya at masayang sumigaw, "Mommy!"
Pagkatapos, ibinaling din kaagad nito ang kanyang atensyon sa ginagawa.
Lumapit si Mauren at niyakap ang bata, ngunit pagkatapos lamang ng isang halik, itinabig na siya nito: "Mommy, may ginagawa pa po ako."
Dalawang buwan nang hindi nakikita ni Mauren ang kanyang anak at labis na labis niya itong namimiss. Hindi siya magsasawa sa paghahalik dito at nais na niya itong makausap.
Ngunit nang makita niya kung gaano ito nakatuon sa ginagawa, ayaw niyang sirain ang kasiyahan nito: "Hmm, gumagawa ka ba ng kwintas na yari sa mga kabibe, Aleya?" mahinahon niyang tanong.
"Opo!" Malinaw na puno ng sigla si Aleya habang nagsasalita: "Isang linggo na lang at kaarawan na kasi ni Tita Monica! Ito ang regalong inihanda namin ni Daddy para sa kanya! Ang mga kabibeng ito ay maingat naming kinintasan at pinakinis gamit ang mga kagamitan. Hindi ba’t napakaganda nila?"
Bahagyang naninikip ang lalamunan ni Mauren, at bago pa man siya makasagot, narinig pa niyang masayang nagkukuwento ang kanyang anak habang nakatalikod sa kanya, "May binili pa pong ibang regalo si Daddy para kay Tita Monica bukas."
Biglang bumigat ang pakiramdam ni Mauren at hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na magtanong, "Aleya... naaalala mo pa ba kung kailan ang kaarawan ni Mommy?"
"Ha? Ano po?" Tumingala si Aleya sa kanya, at pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa kuwintas na hawak habang nagreklamo, "Mom, huwag niyo po muna akong kausapin, nagulo na po ang ayos ng mga butil oh."
Hinawi na lamang ni Mauren ang kanyang mga bisig at hindi na nagsalita pa.
Ilang sandali pa siyang nakatayo roon, at nang makitang ni minsan ay hindi man lang siya nilingon ng kanyang anak, kinuyom ni Mauren ang kanyang mga labi at sa huli ay lumabas na lamang siya ng silid nang walang imik.
Nang makita siya ni Manang Lita, marahan itong nagsalita, "Madam, kakatawag ko lang po sa inyong asawa, at sinabi niyang may inaasikaso siya ngayong gabi at kayo po ay magpahinga nalang muna."
"Ah ganun ba."
Sagot ni Mauren, ngunit bigla siyang natigil nang maalala ang sinabi ng kanyang anak, at dinayal ang numero ni Samuel.
Makalipas ang mahabang sandali, sinagot naman ang tawag, ngunit malamig at walang emosyon ang boses ng nasa kabilang linya: "May inaasikaso ako, bukas na lang tayo mag-usap."
"Samuel, sino ba 'yan at sa ganitong oras pa talaga tumatawag?"
Boses iyon ni Monica, Santiago.
Mahigpit na napahawak sa telepono si Mauren sa telepono.
"Wala ito." sumagot naman ang lalaki.
Bago pa man makapagsalita si Mauren, pinutol na ni Samuel ang tawag.
Dalawa o tatlong buwan na silang hindi nagkikita. Masaya siyang nakapaglakbay hanggang sa lungsod ng Buenavista, ngunit hindi lang siya sinalubong o pinuntahan agad nito, kundi wala man lang itong pasensyang pakinggan siya hanggang sa matapos ang kanyang sasabihin sa tawag...
Sa loob ng mahabang panahon ng kanilang pagsasama, ganoon pa rin ang pakikitungo nito sa kanya: malamig, malayo ang loob, at walang pasensya.
Sa katunayan, nasanay na siya rito.
Kung maibabalik ang mga panahon noon, tiyak na tatawagan pa rin niya ito ulit, at magtatanong nang may pasensya kung nasaan ito at kung makauuwi ba ito.
Ngunit marahil ay sobrang pagod siya ngayong araw, at bigla na lang siyang nawalan ng gana na gawin pa iyon.
Kinabukasan, ng magising si Mauren, pinag-isipan niya muna at nagpasyang tawagan muli si Samuel.
May labimpito hanggang labingwalong oras na pagkakaiba ng oras sa pagitan ng lungsod Buenavista at Valencia. Sa lungsod ng Buenavista ang araw na ito ay ang kaarawan niya.
Bukod sa kagustuhang makita ang kanyang anak at si Samuel kaya siya pumunta sa Buenavista sa pag-asang makakakain silang tatlo nang masaya at payapa sa araw na ito na espesyal para sa kanya.
Iyon sana ang kanyang hiling para sa kanyang kaarawan ngayong taon.
Hindi sinagot ni Samuel ang tawag.
Makalipas ang mahabang oras, isang memsahe ang dumating.
Anong kailangan?
Sumagot si Mauren: [May oras ka ba ngayong tanghali? Isama mo si Aleya, at magsama-sama tayong tatlo sa tanghalian?]
[Sige, sabihan mo lang ako kapag napili mo na kung saan tayo kakain.] Tugon ni Samuel.
Sumagot si Mauren: [Sige.]
Pagkatapos noon, wala na muling balita o sagot pa mula sa lalaki.
Hindi man lang nito naalala ang kaarawan niya.
Kahit na inaasahan na ito ni Mauren, hindi pa rin niya naiwasang makaramdam ng labis na panghihinayang at pagkadismaya.
Pagkatapos maligo at mag-ayos ni Mauren, pababa na sana siya ng marinig niya ang boses ni Aleya at ni Manang Lita mula sa ibaba.
"Halika ka nga muna. Mukhang malungkot ngayon ang munting prinsesa?" mahinahong tanong ni Lita.
"Nangako na po kami ni Daddy na pupunta kami sa dalampasigan kasama si Tita Monica bukas. Kung bigla na lang sasama si Mommy, magiging mahirap at nakakailang po iyon." malungkot na sabi ni Aleya.
"At masama pa po si Mommy, lagi na lang po niyang pinapagalitan si Tita Monica."
"Binibini, sa iyong Ina mo dapat ito sinasabi. Masasaktan siya kapag narinig niya iyan, alam mo ba?" pinayuhan siya ni Manang lita.
"Alam ko po, pero mas gusto po namin ni Daddy si Tita Monica. Pwede po bang siya na lang ang maging Mommy ko?" muling sabi ng bata.
"..." Hindi na narinig pa ni Mauren ang sumunod na sinabi ni Manang Lita.
Siya mismo ang nagpalaki sa kanyang anak. Sa nakalipas na dalawang taon, mas madalas na magkasama ang mag-ama, at lalong napalapit ang bata kay Samuel. Noong nakaraang taon, nang pumunta si Samuel sa Buenavavista upang itaguyod ang kanilang negosyo, mapilit itong sumama sa kanya.
Hindi niya kayang mahiwalay sa kanyang anak, at natural lang na nais niyang laging nasa tabi niya ito.
Ngunit ayaw niyang makitang malungkot ang bata, kaya pumayag na rin siya.
Ngunit hindi niya aakalain na...
Nanatiling nakatayo roon si Muren parang nanigas, at namutla ang kanyang mukha. Matagal siyang hindi kumilos ni gumalaw man.
Ipinagpaliban niya ang kanyang trabaho upang makapunta sa Buenavista, dahil nais niyang makasama at makapiling nang mas matagal ang kanyang anak.
Pagkaalis nila sa Nueva at pagpasok palang sa sasakyan, halatang galit pa rin si Diego.Naalala niya ang isang bagay kaya agad niyang tinanong si Mauren, "Uy, sino nga pala yung babaeng nakasuot ng business suit na nasa likod ni Monica kanina? Parang ang sama ng tingin niya sa’yo. Kilala mo ba siya?" anito."Ah, siya ba? Pinsan iyon ni Monica." malamig na sagot ni Mauren.Si Diego ay napailing na may halong inis: "Si Samuel, hindi lang si Monica ang pinapasok sa Nueva, pati pamilya nito kinukupkop pa? Sa ganyang asal niya, hindi na ako magugulat kung balang araw Nueva na mismo ang magpalit ng apelyido, maging Santiago." matigas niyang usal.Tahimik lang na nakinig si Mauren, pero sa isip niya, pareho lamang sila ng iniisip.Sumagot si Mauren, "Oo, mukhang ganon na nga." Sa tindi ba naman ng pagmamahal ni Samuel kay Monica, hindi na siya magugulat kahit ibigay pa nito ang buong Nueva sa babae.Ano pa nga ba ang malaking bagay kung pinapasok rin niya ang pamilya Flores sa Nueva? Ramda
Hindi lamang si Samuel ang mag-isang pumunta, kundi kasama niya sina Jeriko at Ralp.Nang makarating sila doon, kapwa nagulat ang dalawa nang makita nila si Mauren,, hindi nila inakalang naroon rin siya.Napatingin sila sa kanya nang may pagtataka.Si Mauren naman, walang gaanong ipinakitang emosyon. Sandali lang siyang tumingin sa kanila, pagkatapos ay inilingon na ang paningin.Lumapit si Samuel sa kanila at magalang na bumati, "Salamat sa inyong pagsisikap." aniya.Sabi naman ni Frank,, "Heneral Samuel, maaari na po ba tayong magsimula…" “Sandali lang,” sagot ni Samuel habang inaangat ang kamay upang tingnan ang relo. "May hinihintay pa tayong isa. Aakyat muna ako para silipin. Pakiusap, maghintay muna kayo sandali."Pagkakatapos niyang magsalita, agad din siyang umalis.Wala namang balak si Mauren na mag-isip pa tungkol dito.Pero alam niyang ang sinabing hinihintay nang lalaki ay walang iba kundi ang pinakamamahal niyang si Monica.Ibig sabihin, hindi pa sila puwedeng magsimula
Kinabukasan, pagsapit ng tanghali.Agad na nagmaneho si Mauren para puntahan ang villa ni Ismael upang sunduin ito.Pagkasakay ni Ismael sa sasakyan, maayos na nagtanong si Mauren, "Guro, saan po tayo pupunta?"Ibinigay lamang ni Ismael. ang isang address bilang sagot.Makalipas ang kalahating oras, nang makarating sila sa isang restawran ay agad silang inihatid ni Ismael sa isang pribadong silid-kainan.Pagbukas nila ng pinto, dalawang lalaki na nasa gitnang edad na ang naroon na, kapwa may matitinding presensya at karismang kapansin-pansin.Pagkakita palang sa kanilang pagpasok, agad tumayo ang dalawang lalaki. "Andito na sila." bulalas nito.Ipinakilala sila ni Ismael nang may malamig na tono, "Mr. Fredo Agudo, Mr. Richard Gamez Ang estudyante ko si Mauren Piñeda.." Ngunit kahit batid ni Mauren na ang isa ay may mataas na posisyon sa militar at ang isa naman ay kilalang personalidad sa mundo ng pulitika, nanatili pa rin ang magaan nilang pakikitungo sa kanya.Ngunit nang makita ni
Pagkababa ng telepono, bumalik si Mauren sa trabaho.Bandang alas-nwebe ng gabi, matapos mapuno ng kaalaman ang kanyang isipan, ay mas gumaan na rin ang kanyang pakiramdam.Sa mga oras na iyon, si Diego naman ang tumawag sa kanya."Nais mo bang lumabas at maglibang?" anyaya nito.Makalipas ang kalahating oras, dumating si Mauren sa isang bar.Sinalubong siya ni Diego sa pintuan at magiliw na nagtanong, "Iinom ka ba?"Saglit pang tumigil si Mauren, saka mahinahong tumugon, "Sige, inom tayo, pero kaunti lang." aniya.Yumuko nang bahagya si Diego at tiningnan siya: "Mukhang masama ang loob mo?""Mas maayos na ngayon," sagot ni Mauren.Hindi na siya tinanong pa ni Diego. Sa halip, nag-order ito para sa kanya ng isang asul na cocktail na may katamtaman at di-kalakasang alcohol content.Tahimik na nakaupo si Mauren, hawak ang kanyang baso habang marahang humihigop ng alak. Sa paligid niya, masaya ang kuwentuhan nina Diego at ng mga kaibigan nito, ngunit nanatili siyang tahimik, nakikinig la






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore