The Hales

The Hales

last updateLast Updated : 2023-01-04
By:  FellaOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 ratings. 4 reviews
18Chapters
2.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Hales is the biggest country in the world and also the richest, pero dahil sa kasakiman at kasamaan ng ibang matataas na tao at personalidad, nahati ang bansa sa dalawa: The North and the South Hales. Two people from different world collide.

View More

Chapter 1

PROLOGUE

Note to the readers:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story is not to be copied, published, transmitted, or distributed. Do not exploit the contents in any manner. Permission first. This story contains typo errors and some grammatical errors.

PROLOGUE

Dahan-dahan akong naglalakad sa pasilyo ng palasyo dala-dala ang aking baril na may silencer.

“2 more minutes before reaching the target’s quarter,” bulong ko sa earpiece ko.

“Copy that,” reply ng nasa kabilang linya.

Dahan-dahan ng ginawa kong hakbang habang hawak ang aking baril. Napadikit ako sa pader ng biglang may dumaang gwardiya sa unahan. Phew! That was close! Buti nalang at di ito lumingon sa gawi ko.

“I’ve reached the target’s quarter.” bulong ko uli sabay hawak sa earpiece ko sa tenga ngunit walang sumagot.

“Tiger, do you copy? I have reached the target’s quarter,“ mahina ngunit may diin kong bulong ngunit wala akong narinig na sagot sa kabilang linya.

That bastard is useless! I have to do this on my own now. Biglang may gwardiyang lumiko papunta sa kinaroroonan ko.

“Who are you? State the North Haleian’s password!” sabi nito ng kalmado ngunit naawtoridad habang nakatutok ang baril nito sakin.

Tinaas ko ang aking dalawang kamay at nagpanggap na sumuko.

“Intruder Alert!” isang alarm kasabay ng red na ilaw ang paikot- ikot habang isang nakakabinging tunog ang kasabay nito. Damn! 'Di dapat ako mahuli!

Umugong ang isang napakalakas na alarm sa buong palasyo. Naalerto ang buong lugar sa amin, kailangan ko ng bilisan at umalis. Bigla kong sinipa ang kamay ng lalaking gwardiya gamit ang hook kick at tumilapon ang baril nito. Isang suntok sa panga at side kick sa sikmura ang pinakawalan ko sabay putok ng aking baril sa kanyang noo.

“Secure the President’s Office!” rinig kong utos ng nasa radyo. Too late, idiots!

Tinype ko ang code ng pinto nang bumukas ito ay sinarado ko ito at nilock sabay palit ng passcode nito. Biglang nawala ang ilaw sa buong NH Palace na kinangisi ko. I’m sure si Tiger ang may gawa nito. Ayos ah! Ganda ng entrance ng kupal. Ano kayang ginawa ng lokong 'yon bakit natagalan?

“W-Who are you?!” the President asked in trembling voice.

“Scared? Why are you scared, Mr. President?” I asked him innocently. Binaba ko ang aking baril at nilagay sa bewang.

“I know where you came from! How did you get past the border?!” Hindi ko ito sinagot. Lumapit ako ng dahan-dahan sa kanya at tinutok sa kanya ang katana ko habang nasa harapan ko siya. Pinaglandas ko ito mula sa gitnang bahagi ng kanyang katawan hanggang sa gitna ng kanyang leeg mula sa ere.

“No, Please! Please, don’t kill me! Kailangan ako ng bansang 'to! May pamilya ako! Pakiusap pag-usapan na'tin 'to ng maayos. Kelangan mo ba ng pera?!?? Magkano?? Name your price! Millions? Billions? Just name your price!" pagmamakaawa ng Presidente.

I grinned at him sabay diin ng katana ng konti sa kanyang leeg. Sumugat ito dahil sa talas.

"M-Maawa ka.." he cried and I saw him gulped many times. I swinged the katana and sliced his head off. Tumalsik ang dugo nito sa aking damit bago bumagsak ang katawan nito ng tuluyan sa sahig. Hindi pa sana ako kuntento ngunit paparating na ang Security, Militar, Police at iba pang unit. Sinuot ko ang earpiece ko.

“Where is the fastest route palabas dito?” I asked him in a cold tone. Tiger became my guide palabas and I exited the Palace safely and drove away.

Hindi tumigil ang mga mata ko sa pag luha pagkat isa na namang buhay ang nawala mula sa'king mga kamay. Habang nagdadrive ay nakita ko ang dugo sa aking mga kamay at nang tumingin ako sa salamin ng sasakyan ay meron rin sa aking mukha at talsik sa pisngi.

Lumabas sa’king isip ang mukha ng aking nakababatang kapatid na si Sorobi. Lumilipad ang isip ko habang itinigil ko ang kotse sa dalampasigan. Walang imik akong nakatanaw sa karagatan na animo ay walang katapusan.

Pumikit ako at dinama ang himig ng mga alon na humahampas sa dalampasigan. Dinama ang samyo ng hangin na kasing lambot ng hininga ng sanggol na humahalik sa'king kapisngihan.

Kung ang mundo ay ganito ka payapa gaano kaya katahimik at kay sarap ang sanlibutan? Tumayo ako at sumakay sa kotse at pinaharurot ito ng takbo patungo sa hide out.

Pinahid ko ang huling butil ng luha sa'king mga mga at inayos ang aking postura. Inayos ko ang aking buhok at inalis ang emosyon saking mga mata pagka't ang tulad ko at di dapat makakitaan ng kahinaan pagkat isa sa’king mga kasamahaan ay maaari akong saksakin sa likuran ng hindi ko namamalayan.

Tahimik akong pumasok sa loob at walang pinansin ni isa sa kanila hindi, sila importante para pag alayan ko ng aking mga tingin. Bawat segundo ay mahalaga kase 'di mo alam kung sino ang may hawak ng patalim at sasaksak ano mang sandali.

Pagkaraan ng ilang minuto ay bumaba ako at pumunta sa likod ng hide out. Sinunog ko ang aking damit at suot kanina sa pagpaslang sa Presidente ng Norte.

Ako si Camuri Senai, mula sa Timog. Ipinadala kami sa Hilaga para sa isang misyon. Ngunit pagpatay nga ba ang solusyon sa hidwaan ng dalawang bansang hindi nagkakaisa? O ito ba'y laro lamang ng kapangyarihan, isang palabas para ipakitang sila'y mas makapangyarihan? Lahat ng matatamis na pangako at mga salitang binitiwan ng mga politikong makasarili—kaninong kapakanan nga ba ang kanilang pinaglilingkuran? Sapagkat sa huli, ang mayayaman ang yumayaman pa, habang ang mahihirap ay lalong nalulugmok.

Walang lugar sa mundong ito ang mabait; sapagkat dito, wala ang langit, kundi puro demonyo ang nananahan, at hindi sa impiyerno. Nais mo ba ng hustisya? Magbayad ka muna. Sapagkat ang tao'y hindi kikilos kung walang kapalit na salapi. Walang tunay na kalayaan para sa mga hikahos, alipin ng trabaho at lipunan.

Lahat ay bulag sa katotohanan, hawak ng makapangyarihan ang kaban ng bayan. Ano pa ang silbi ng pagpapatuloy? Kung ganito rin lamang, ano nga ba ang pinagkaiba ng kalayaan at kamatayan?"

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Lea Jane Sadicon
Geaa Support ipagpatuloy mo lng ang ganda ng story mo HAHAHAHA godblesss Geaa
2022-01-09 20:20:30
2
user avatar
Marshal Dee
Ang cool nitooo!
2021-09-10 10:46:14
4
user avatar
Fella
Author: Hello Readers, leaving a review and a comment will be very much appreciated.
2021-08-27 14:40:32
3
user avatar
Mr.Dragon
Ang ganda! Looking forward sa next chap. Author!
2021-08-23 23:22:01
2
18 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status