Share

Chapter 3

Nagising ako dahil sa rap ng aking mahal na Nanay.

"Tanghali na, Averill Mae Fuentes! Pero ikaw ay nakahilata pa rin. Ano? Mayaman?! Gumising ka na riyan," wika nito.

Napatakip na lang ako nang mata nang buksan niya ang kurtina.

Agad akong nagtaklob ng kumot para makatulog ulit.

"Wah!" sigaw ko nang hilahin niya pababa ang kumot.

"Gumising ka na, señorita. Tanghali na. Gumising ka na kung ayaw mong buhusan kita ng malamig na tubig," sarkastikong wika niya sa akin.

"Ma!" sigaw ko sa kaniya.

"Alas diyes na ng umaga, Mae!" sigaw nito.

Wala na akong nagawa pa kun'di tumayo kahit na labag sa loob ko dahil kapag tinawag niya ako sa pangalawang pangalan ko ay alam kong galit na talaga siya.

Halos hindi nga yata ako nakatulog dahil sa bwisit na multo na nanggulo sa akin kagabi, e!

Agad akong naghilamos at kahit na nasa banyo ay rinig na rinig ko pa rin ang rap ni Mama.

"Iyong ibang tao, gising na gising na tapos ikaw ang sarap pa rin ng tulog mo. Gayahin mo si Clara, kasing edad mo lang 'yon pero ang ganda-ganda ng trabaho," saad niya sa akin. 

Kaunti na lang ay gagamit na siya ng mikropono para iparinig sa kapitbahay ang lahat ng sinasabi niya, e.

Clara! Clara! Clara! Kaunti na lang ay halos ipagpalit na niya kaming dalawa, e.

Kung magagawa ko lang sana na ilagay si Clara sa sinapupunan ng Nanay ko ay baka maging masaya pa siya.

Kulang na lang ay tawagin na niya ring "anak" si Clara, e. 

Ano bang mayroon kay Clara na wala ako? Trabaho ba? Kung ganoon ay maghintay ka lang, Ma! Kapag ako nakapasok sa kumpanya na pinag-applyan ko ay sisiguraduhin ko na hindi mo na ulit masusumbat sa akin si Clara.

Hanggang sa paglabas ko sa banyo ay tuloy pa rin ang pagra-rap ni Mama.

"Itong higaan mo, hindi mo man lang kayang ayusin. Hinintay mo pa talaga ako na mag-ayos dito. Late ka na nga magising, hindi ka pa marunong maglinis," satsat ni Mama.

"Wala naman akong sinabi na ayusin mo 'yan, Ma," bored na saad ko.

"At sumasagot ka pa?!" sigaw nito sa akin.

I just shrugged and opened my door. 

Pagkalabas ko ay bumungad sa akin si Seya kaya agad nagbago ang aking mood.

Sino na nga ang hindi ang magbabago ang mood kapag nakakita ng isang mala-anghel na mukha?

Agad ko siyang binuhat. "Kumain ka na ba?" tanong ko sa kaniya.

Umiling-iling naman siya na kinangunot ng noo ko.

"Hindi ba't tanghali na? Bakit hindi ka pa naka—" Natigil ako sa pagsasalita nang makita ang wall clock namin.

Napabuntong hininga na lang ako.

Alas siyete pa lang pala ng umaga.

"Nagluluto pa si Mommy ng ulam," wika niya.

I pinched her cheeks. "Bakit ka nandito? 'Di ba't dapat nasa baba ka rin?"

"I just woke up," she said and pouted that made me laugh.

Sino ba naman hindi magigising kung ang bumungad sa iyo ay tuloy-tuloy na pagbubunganga?

"I'm sorry about that. You can sleep again if you want to," I said to her.

She shook her head. "I want to go to Mommy."

Tumango naman ako at saka dahan-dahan na bumaba ng hagdan dahil buhat-buhat ko si Seya.

Pagpunta namin sa kusina ay natigilan ako matapos makita si Ate na nagluluto at ang anino ng lalaki na malapit lang sa kaniya.

"Tita Vivi," tawag sa akin ni Seya kaya agad na natuon sa kaniya ang paningin ko.

I hummed and asked her a question using my eyes.

"Bababa na po ako," wika nito.

Doon ko lang napansin ang kamay niyang nakakapit sa aking mga braso na tila gusto tanggalin iyon sa kaniyang katawan.

Dali-dali ko siyang binaba at natuon ang paningin ko sa kaniya nang tumakbo siya papunta kay Ate.

"Seya, doon ko lang muna kay Tita Vivi mo. Baka matalsikan ka ng mantika," wika ni Ate sa kaniya.

Nang iikot ko ang aking paningin sa buong kusina ay nagtaka ako dahil wala na ang anino na nakita ko kanina.

Who the f*ck is that?! Bakit hindi ko naramdaman ang presensya niya?

"Ayos ka lang ba, Averill? Tila balisa ka?" tanong sa akin ni Ate.

Sunod-sunod akong umiling. "Ayos lang ako, Ate."

"Kunin mo nga muna itong bata. Laruin mo muna kasi baka matalsikan ng mantika," saad nito.

Tumango ako at agad na pinatayo si Seya sa upuan malapit pa rin kay Ate para naman makita niya paano ang pagluto ng Mama niya.

May kasabihan kasi na matututong magluto ang bata kahit na hindi mo turuan, basta't hayaan mo lang na pagmasdan niya ang pagluluto mo.

"Avi, doon mo muna sa sala ang bata. Baka matalsikan ng mantika," wika ni Ate at pinakita sa akin ang isda na piprituhin niya.

Napatango naman ako at kinausap si Seya.

"Seya, maglaro na lang muna tayo roon sa sala, ayos lang ba sa iyo?" tanong ko sa kaniya.

"Bakit po bawal tayo manood kay Mommy?" tanong nito.

"Kasi baka matalsikan ka ng mantika," paliwanag ko.

She tilted her head. "Ano naman pong mangyayari kapag natalsikan ng mantika?"

"Mainit ang mantikan kapag nailagay na sa ibabaw ng apoy kaya maaaring matuklap o masunog ang balat mo kapag natalsikan ka nito," paliwanag ko pa.

Tumango-tango na lang siya kaya kinurot ko na lang ang kaniyang ilong dahil sa kaniyang ka-cute-an.

Binuhat ko ulit siya papuntang sala ngunit bago pa ako makalabas ng kusina ay agad ko pang tinignan ulit si Ate.

Napahinga naman ako nang maayos nang makita na wala na talaga ang anino.

Habang nilalaro si Seya sa sala ay hindi ko maiwasan na sulyap-sulyapan si Ate dahil kitang-kita naman ang kusina rito sa sala.

"Kanina ka pa sulyap nang sulyap kay Maureen. Anong mayroon?" tanong ni Kuya sa akin pagkababa niya ng hagdan.

Sunod-sunod akong umiling. "Wala."

"Ay, sus! Nakakita ka na naman, 'no?" tanong nito sa akin.

Napailing-iling na lang ako sa kaniyang tanong.

Lagi akong inaasar ni Kuya sa tuwing nagsasabi ako na nakakakita ako ngunit hindi niya rin naman pinaniniwalaan kaya simula noon ay mas pinili ko na lang manahimik.

"Ano na naman 'yang 'kita-kita' niyong dalawa, ha? Tinatakot niyo lang sarili niyo," saad ni Mama.

Napahinga na lang ako ng malalim.

Si Mama ay nasa numero uno sa aking listahan kung saan ay hindi naniniwala sa mga kababalaghan. 

"Kain na!" sigaw ni Ate mula sa kusina.

Agad kong kinuha ang kamay ni Seya at sabay kaming naglakad. 

Lahat kami ay sabay-sabay na nagdasal ngunit agad napamulat ang isa sa mga mata ko at nanlaki ang aking mga mata nang makita na naman ang anino.

Hindi sa tabi ni Ate ngunit sa tabi naman ni Seya sa pagkakataong ito.

Huminga ulit ako nang malalim at saka pumikit upang ipagpatuloy ang pagdadasal.

Matapos magdasal ay mabilis kong minulat ang aking mata ngunit nangunot ang aking noo nang makita na wala ng anino sa tabi ni Seya.

Nilibot ko pa ang aking paningin sa buong kusina ngunit wala talagang bakas na kahit anong anino.

"Kumain ka na, Averill," wika ni Mama.

Tumango naman ako at saka nagsimula nang kumain.

Habang kumakain ay hindi ko maalis-alis ang paningin kay Ate at Seya.

Kinakabahan ako. Iba ang pakiramdam ko sa anino na 'yon...

Hanggang sa matapos ang pagkain ay sa kanila lang nakatutok ang aking mga mata. Halos hindi rin ako nabusog dahil sa kaiisip.

"Itigil mo 'yang kakatitig sa akin, Averill, kung ayaw mong dukutin ko 'yang mata mo. Alam ko naman na maganda ako," pagbabanta ni Ate na may halong biro.

Napailing-iling na lang ako.

"Ikaw na maghugas, Kuya," wika ko sa kaniya.

"Ano?!" sigaw niya sa akin.

"Hoy! Naka-schedule ka ngayong umaga," saad ko.

"Bilisan niyo ng dalawa riyan. Maghugas ka na, Elias!" sigaw ni Mama sa kaniya.

Dinilaan ko naman siya bilang pang-aasar. Nang akmang sisikuhin pa niya ako ay dire-diretso akong tumakbo palabas ng kusina.

"Saan kayo pupunta, Ate?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya nang mapansin na bihis na bihis silang dalawa ni Seya.

"Pupunta lang kami riyan sa bayan. Bibili ng Jollibee. Nagpadala kasi Kuya mo," paliwanag niya.

Napaismid naman ako matapos niyang banggitin ang 'Kuya'. Kailan ko pa naging Kuya ang asawa niya? Inire ba siya ni Mama?

"Sige, mag-ingat kayo. Sabihin mo rin sa walang kwenta mong asaw—" Bago ko pa ituloy ang aking sasabihin ay pinanlakihan ako ng mata ni Ate at tinuro ang bata.

Napabuntong hininga na lang ako at saka ginulo ang buhok ni Seya.

"Huwag kang sasama sa kahit na sino, okay?" wika ko sa kaniya.

Tumango naman si Seya.

Buti na lang at nagpapadala rin pala kahit papaano 'yang asawa niya. Akala nga namin noong una ay tinakbuhan ang responsibilidad sa bata, e kasi bali-balita na nag-ibang bansa raw.

Ni-hindi ko pa nga nakikita ang mukha ng asawa niya, well ayaw ko rin naman.

Dahil kasi sa kaniya ay muntik ng malalag si Seya noon sa sinapupunan ni Ate dahil sa stress ni Ate sa kaiisip sa kaniya.

"Saan ka na naman pupunta?" Ngunot-noo na tanong ni Mama sa akin.

"Sa playground lang, Ma," wika ko.

"Lalayas ka na naman. Puro ka na lang layas! Gusto mo na yata lumayas sa bahay na 'to, e," sigaw na naman ni Mama.

Napabuntong hininga na naman ako.

"Lalanghap lang ako ng sariwang hangin, Ma. Ano namang malalanghap ko rito kung puro sasakyan ang dumaraan?" tanong ko sa kaniya.

"O'sige, basta bago magtanghalian umuwi ka na," saad nito.

Tumango na lang ako at saka lumabas na.

Bente kwatro anyos na ako pero nililimitahan pa rin ni Mama mga ginagawa ko. Ang unfair...

Nag-tricycle ako at paglipas ng limang minutos ay nakarating na ako parke.

Konti lang ang tao rito gaya ng inaasahan ko dahil wala naman nagsusubok na pumunta rito dahil "hunted" daw. 

Well, totoo naman. Marami akong nakita na pakalat-kalat na multo noong una at nang sabihin ko iyon kay Shi no Tenshi ay halos hindi niya matago ang kaniyang mga ngiti dahil isa raw iyong "achievement" para sa isang tulad niyang grim reaper.

Ngunit hindi katulad noon na halos wala talagang pumupunta, unti-unti nang nadidiskubre ng taong bayan ang lugar na ito kaya hindi na ako magtataka kung isang araw pagbalik ko rito ay punong-puno na ito ng mga tao.

Umupo ako sa ilalim ng puno na nandito. Pumikit at hinayaan na langhapin ang hangin.

Hindi man ganoon kasariwa katulad ng hangin sa probinsya ay maganda pa rin ito langhapin dahil hangin pa rin ito na nanggaling sa puno.

Pinitik ko ang aking mga daliri at pagbukas ko ng aking mga mata ay bumungad na sa akin si Tenshi.

"Nandito ka na naman..." he whispered.

I just nodded at him.

"May problema ba?" tanong niya.

"Hindi ba't kaya mo basahin ang nasa isip ko? Bakit mo pa tinatanong 'yan?" sarkastikong tanong ko sa kaniya.

Napabuntong hininga naman siya at bumagsak ang mga balikat.

"Hindi ko kaya dahil masyadong maraming clone ang pinalabas ko kani-kanina lang," paliwanag niya.

Tumingin naman ako sa malayo matapos niya iyon sabihin at napabuntong hininga.

"Kanina kasing umaga, may nakita akong anino na umaaligid-aligid kanila Ate at Seya," wika ko sa kaniya.

"Baka namamalikmata ka lang?" tanong niya.

Agad ko siyang tinignan at sinamaan ng tingin. "Kailan pa ako nagkamali sa aking nakita?!"

Napailing-iling na lang ito dahil sa aking naging akto.

"Kung nakita mo naman pala, bakit hindi mo ako tinawag?" tanong niya sa akin.

"Agad siyang nawala, e. Parang bula, gano'n. Tila isang segundo ko lang naramdaman ang kaniyang presensya," paliwanag ko pa rito.

Napaseryoso siya ng tingin sa akin.

"Ngayon mo lang ba 'to nakita?" tanong niya.

Tumango ako. "Pero alam mo... parang familiar 'yong presensya na 'yon. Hindi ko lang alam kung saan ko naramdaman."

"I don't know the answer to your questions. I'm sorry," wika niya.

"Naku! Bakit ka nagso-sorry? Ayos lang, 'no," wika ko sa kaniya.

"Hindi ko lang talaga maiwasan na magtaka at kabahan sa kaiisip sa anino na 'yon," wika ko pa.

He ruffled my hair. "Huwag mo na lang pansinin. Kapag sinaktan ka o ang Ate mo o kahit na si Seya pa, huwag kang magdalawang-isip na pitikin 'yang mga daliri mo."

Tumango-tango naman ako.

"Salamat, Shi no Tenshi," bulong ko.

Tenshi's POV;

May alam akong kasagutan sa mga tanong mo sa isipan, Vivi, ngunit ayaw kong mag-alala ka pa lalo para sa Ate mo.

Kung hindi multo ang nakita niya, dalawa lang ang nasa isip kong posibleng sagot.

Isa iyong engkanto o demonyo...

Ang mga ganoong nilalang ay hindi na namin sakop o hindi na namin sila malalabanan pa dahil hindi hamak na mas malakas sila kaysa sa amin.

Pero ano namang mayroon kay Maureen at Seya na nagpa-interes sa isang gaya nila?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status