Mabilis akong umikot sa kotse at kinuha ang bag ni Averill at binuhat siya.Pagsara ko ng pinto ay tinignan ko muna siya bago magsimula sa paglalakad ngunit bago pa man ako makahakbang ay natigilan ako matapos maramdaman ang pagsiksik niya sa aking dibdib.Napapikit na lang ako at napangiti.F*ck! Why she's so cute even when she's sleeping?!Mabilis akong pumunta sa lobby ng hotel at saka kinausap ang naka-assign doon ngayon."S-sir," tawag ng isa sa mga nasa counter.Hindi ko pinansin ang sinabi niya at saka mabilis na pinakatitigan siya ng malamig na titig."One room that has two bedrooms for the both of us," wika ko sa katabi nito na manager ng hotel."Sorry, sir, but all the rooms that have more than one bed are already reserved. We didn't expected your arrival that's why we're sincerely sorry," paliwanag nito.Napatango naman ako dahil sa kaniyang sinabi. Inaasahan ko na iyon na sasabihin niya dahil hindi pa man ako nakakapasok sa resort ay punuan na ang parking lot."Then prepar
Averill's POV:Nagising ako nang marinig ang ingay sa tabi ko. Pagmulat ng aking mga mata ay bumungad ang isang hindi pamilyar na kisame.Pagbangon ko ay nakita ko si Am-Am na tila ba nag-iimpake na nagpakunot ng aking noo."Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya."Ay! Gising ka na pala," aniya.Napahagikgik naman ako dahil sa kaniyang pagkakagulat."Nasaan tayo?" tanong ko ulit sa kaniya."Sa resort ko," sagot nito.Hindi makapaniwalang pinakatitigan ko naman siya dahil sa kaniyang sinabi.So, hindi pala siya nagbibiro noong sinabi niya na nagmamay-ari siya ng hotels and resorts?!Tatanungin ko sana kung ano ang ginagawa namin dito ngunit pagtingin ko sa tagiliran ko ay kitang-kita ko ang malakas na patak ng mga ulan.Nanatili lang akong nakatitig sa labas ng bintana. Halos wala na akong makita dahil puro hamog na lang ang nakikita ko sa labas."Amadeu—ow!" Napatingin ako sa pinto nang walang katok-katok na pumasok ang isang babae.Pinagmasdan ko siya nang mabuti at masasabi kong is
Tumango-tango naman ako bilang sagot.Nagtaka ako nang sabunutan niya ang kaniyang buhok at tila ba hindi mapakali."May problema ba?" tanong ko sa kaniya."Sa totoo lang, nahirapan si Father na paalisin iyon sa katawan ng Mama at ng pamangkin mo. Malakas kasi talaga ang kapit ng dalawang multong iyon," wika ni Am-Am.Nag-Indian seat ako at saka hinayaan na makinig sa mga sasabihin niya."Inakala nga namin na isang demonyo ang sumapi sa kanila dahil sa sobrang lakas nito," dagdag niya, "pero mabuti na lang dahil malakas ang pananampalataya sa puso nilang dalawa."Napatango-tango naman ako sa kaniyang sinabi at ngumiti."Pero..." Pinutol niya ang kaniyang sasabihin dahilan para mapatingin ako sa kaniya at sakto naman na nakatingin din siya sa akin."Kung gano'n kalakas ang mga multong iyon, paano ka nakatakas sa kanila?" tanong niya sa akin."May tumulong sa akin na isang multo. Isang kaibigan. At siguro dahil na rin sa pananampalataya ko," sagot ko rito.He nodded. "Totoo pala ang sin
Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog, marahil ay dahil namamahay ako. Humarap ako sa aking tagiliran kung saan makikita ang bintana at ganoon na lang ang gulat ko nang bumungad doon si Tenshi. Konti na lang ay aatakihin na ako ng puso dahil sa kaniya.Dahan-dahan akong umupo sa kama at saka pinagmasdan si Am-Am kung tulog na ba siya at nang makumpirma na tulog na ito ay dali-dali naman akong tumayo at binuksan ang sliding door."Tenshi," bulong na tawag ko sa kaniya."Anong ginagawa mo rito?" tanong ko pa."Binabantayan ka," sagot nito."Sana naman ipaalam mo muna 'yan. Muntik na ako himatayin dahil sa iyo kanina, e," pagbibiro ko ngunit nawala ang ngiti sa labi ko matapos makita ang seryoso niyang mukha."Sige na. Matulog ka na," wika niya.Sunod-sunod naman akong umiling at saka lumapit sa may railings pero dahan-dahan lang dahil basa pa rin ang sahig ng veranda. Kanina pa pala tumila ang ulan.Pinagmasdan ko ang magandang view mula rito at napangiti naman ako nang maki
Napanganga naman ako dahil sa gulat. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya pero base sa inaakto niya, hindi sila bagay ni Am-Am dahil kakawawain lang siya ng babaeng ito."Kapal naman ng mukha mo." Napatingin ako sa pinto ng elevator nang bumukas ulit ito at binungad si Zy. Matalim ang titig na binibigay niya sa babaeng katabi ko.Akala ko kanina pa kami nakaakyat..."FYI, kahit kailan hindi magiging tipo ni Amadeus ang isang tulad mo 'tsaka tinigilan mo nga 'yang pagbanggit ng pangalan niya," dagdag pa ni Zy, "magtrabaho ka na kung ayaw mong patalsikin kita rito."Nakita ko pa ang pagsama niya ng paningin kay Zy bago lumabas ng elevator. Dali-dali naman pumasok si Zy at saka sinara ito."Don't trust that girl," she murmured.Tumango na lang ako at saka hinintay na makarating sa 8th floor.Pagbukas ng elevator ay nagulat ako dahil bumungad sa amin si Am-Am. Nang magtama ang aming paningin ay dali-dali niya akong hinila at saka yinakap nang mahigpit."Dàmn, I thought I lost you
Mabilis kinuha ng mga guards ang babae at nang mapalabas na ang iba pang tao sa hotel room namin ay mabilis na nilapitan ni Zy si Amadeus at saka hinawakan sa kaniyang balikat."Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba? Huy! Magsalita ka naman, oh," sunod-sunod na tanong nito at halata mo pa sa boses ang pag-aalala.Nagmukha tuloy akong third weel sa kanila dahil hanggang ngayon ay hawak-hawak ko pa rin ang kumot na nakatakip sa katawan ni Am-Am.Nang maka-recover sa nangyari ay mabilis na tumingin sa akin si Am-Am."Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo? Nasugatan ka ba?" sunod-sunod na tanong naman sa akin nito.Nagdalawang isip naman ako bago sagutin ang tanong niya dahil pareho silang nakatingin sa akin ni Zy at hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot ni Am-Am ang mga tanong niya at tila ba hangin lang siya sa paligid namin.Awkward naman akong tumango. "Wala namang masakit sa akin," pagsisinungaling ko dahil nasaktan ako sa pagsuntok ng mukha ng babaeng iyon.Mukhang bakal yata ang
Gusto ko siyang batukan. Halatang 'di marunong makiramdam, e'. Halata naman na may gusto sa kaniya si Zy o sadyang echosera lang talaga ako?"Sige. Mag-ingat kayo," anito at saka ngumiti sa amin.Tumango na lang ako at saka hinayaan na magpahila kay Am-Am. Nang makarating kami sa parking lot ay agad ko siyang kinurot sa tagiliran niya ngunit hindi naman gano'n kasakit."Aray!""Ikaw talaga! Hindi ka ba marunong makiramdam?" tanong ko sa kaniya."What?!" He looked at me with his innocent eyes. I just rolled my eyes to him."Anong 'what'?! Napakamanhid mo naman," ani ko."She's just my friend and I am just her friend... that's it," he murmured.Nagkibit-balikat na lang ako bago nagpasiya na pumasok sa kotse.Natigilan ako sa pagsusuot ng seatbelt nang mapansin na tila ibang sasakyan na ito."Hindi naman 'to 'yong sasakyan na ginamit mo kahapon, ah?" takang tanong ko sa kaniya."Nasiraan tayo ng sasakyan kahapon. Sasakyan 'to ng kaibigan ko na sumundo sa atin kahapon," paliwanag niya.
Agad din naman akong pumasok dahil baka mapagalitan pa ako ni Mama."May nangyari ba?" excited na tanong ni Ate.Naguguluhan naman akong tumingin sa kaniya."Huh?" tanong ko.Napakamot naman siya sa kaniyang batok."Ay, wala ba?" tila na dismaya na aniya."Ate, magkaibigan lang kami ni Am-Am, okay?" wika ko sa rito.Dahan-dahan siyang ngumisi at saka taas-kilay na tumingin sa akin na mas lalo kong pinagtaka."Wala naman akong sinabi kung sino ang tinutukoy ko, ah?" ika niya habang may mga pang-aasar sa labi.Napanguso na lang ako dahil alam kong ako lang din naman ang maasar."Sige na. Papahinga na lang muna ako," ani ko."Bakit ka naman napagod?" tanong naman agad ni Mama."Hindi ako nakatulog nang maayos, Ma," paliwanag ko sa kanila ngunit mukhang maling salita yata ang sinabi ko dahil lahat sila ay may pagdududa na sa mga mata at hindi pa mawawala ang ngisi sa labi."Bakit? Ano bang nangyari?" tanong naman ni Kuya."Nagpuyat kami—""O to the M to the G! May mabubuo kaya? Saan ba pi