Share

CHAPTER 5- HONEY

"Lovimer Guieco! Nandito ka lang palang haduf ka!" malakas kong sabi. Halatang nagulat pa siya sa biglaang pagsulpot ko. Masyadong halata na iniiwasan niya ako.

"Bakit nandito ka?" asik niya naman sa akin na para bang may kasalanan akong nagawa samantalang siya nga itong malaking atraso sa akin.

Tinaasan ko nga ng kilay. "Baka dahil may paa ako para makapunta dito?" sarkastikong sagot ko naman.

"Hindi mo ba narinig? Bawal na nga raw kitang lapitan sabi ng pinsan mong over acting! Huwag mo na nga rin akong lalapitan!" nakanguso pang saad ng lalaking nuknukan ng kadramahan sa katawan. Napagalitan na naman siguro siya ni Froizel. Deserve niya naman, eh.

"Pinsan mo? Parang hindi mo naman din pinsan si Froizel, ha?" bwelta ko naman.

Kanina ko pa nga rin siya hinahanap sa camp pero hindi ko matagpuan. Nandito lang pala siya dito sa park at prenteng nakaupo sa bench. Hinablot ko naman ang earphones niya para mas magkarinigan kami.

"Ouch. H-Huwag mo akong yugyogin at mahihimatay na talaga ako," mahina niyang sambit.

Napalunok naman ako. Dahan-dahan siyang tumayo. Agad ko naman siyang inalalayan hanggang sa makaupo kami pareho sa bench. Ang bench na kinalaglagan niya noon dahil sa asaran namin.

"Ayos ka lang ba?" usisa ko pa.

"Sinuntok at sinipa mo ako tapos magtatanong ka diyan kung ayos lang ako? Sana ayos lang din ang takbo ng utak mo..."

Sa inis ko ay kinagat ko na lang siya bigla sa kanyang balikat.

"Aray! Nangangagat ka pa, nahawaan ka na ng aso mong minion."

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Lagi niya na lang dinadaot ang alaga kong aso.

"Ang sakit ng tiyan ko, haduf," reklamo niya pa habang sapo ang kanyang tiyan.

"Bakit kasi hindi ka umiwas? Agent kang naturingan pero lampa ka naman!"

"Hello? Kilala kita. Kung iiwas ako ay paniguradong hindi ka titigil sa kakaatake sa akin. Mapapagod ka na naman at mahihirapang huminga. Aawayin na naman ako ni Froizel Guieco."

Hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya dahil malapit talaga sa katotohanan iyon.

"Bakit kasi may asthma ako, 'di ba?" wala sa sarili kong tanong. Minsan nga kapag inaatake ako ay pakiramdam ko ay goodbye world na ang tema ko, eh. Ang hirap.

"Bakit ako tinatanong mo, magulang mo ba ako?" pambabara niya pa sa akin.

"Binanggit mo ang mga magulang ko, hala ka!" pananakot ko pa sa kanya.

Matagal na kasing wala ang mga magulang ko. Car accident daw pero hindi ako naniniwala. Hanggang ngayon ay hinahanapan ko pa rin ng kasagutan ang pagkamatay nila. Isa din talaga iyon sa rason kung bakit ginusto kong pasukin ang pagiging agent. Kailangan mag-improve ang investigator skills ko.

"B-Bakit? Anong meron?" tila natatakot niya pang tanong. Nagsumiksik pa sa akin na akala mo ay hahablotin siya ng multo.

"Umurong ka nga doon. Parang bakla ito. Duwag." Kaswal lang naman ang pagkakasabi ko niyo pero sumama na agad ang kanyang mukha. Halatang defensive, eh.

OMG! What bakla nga ito?

"Oh? Galit ka agad? Mas lalo kang pumapangit."

"Eh, mas pangit ka nga."

"Mer," malambing kong saad. Namilog naman ang bibig niya.

"Tigilan mo ako, Beatrice Solomon! Hindi mo ako masasali sa laro mong 'yan. Hindi ako tinatablan ng paganyan mo," aniya sabay urong na papalayo sa akin. Mas ginaganahan tuloy ako na asarin siya.

"Mer naman, alam mo ang lamig ng gabi."

May lambing pa rin sa boses ko. Pinigilan kong matawa dahil bigla na lang naging seryoso ang kaniyang mukha.

"Ano naman?" asik niya na naman. Mas gusto ko talagang inaasar siya kasi nagiging masungit.

"Baka lang gusto mong mag..."

"Sus ginoo!Tumigil ka ngang babae ka!"

"Mag-ano tayo..."

"What?! No way! Hindi ko ibibigay ang virginity ko sa 'yo, 'no? Ang pangit mo kaya, maganda ang tipo ko."

"Tulad ni Chariza Dela Vega?" paalala ko pa ex-girlfriend niya. Ang rinig ko dalawang buwan lang din naman ang itinagal nila. "Narinig ko ang tungkol sa break-up ninyo. Gusto mo bang mag-shot puno tayo?"

"Shot puno? Tumigil ka, Beatrice. Ikaw ang dahilan ng break up namin, ha!"

Napatakip pa ako sa aking tainga dahil sa lakas niyon. Mabuti na lang talaga at gabi na. Wala na masyadong tao dito sa park.

"Anong ako? Wala naman akong ginawa, ha?"

Pinigilan kong matawa dahil halata namang pigil inis siya. Hindi ko namang kasalanang selosa ang ex-girlfriend niya, eh. Nakita lang naman daw ng babaeng iyon na inakbayan niya ako ay nakipaghiwalay kaagad.

"At saka kasalanan ko bang panay akbay ka sa akin kahit alam mong may girlfriend ka na?"

"Talk to my foot, Beatrice."

Humagalpak naman ako ng tawa. Napansin ko agad na mataman siyang nakatitig sa akin kaya tumigil na ako.

"Baka gusto mong magkape tayo? Ayaw mo namang maglasing," pormal ko ng tanong.

Napanguso na naman siya. Sarap niyang pahalikan sa aso ko kapag nakanguso siya eh, ang cute lang kasi. Parang batang inaaway.

"Ewan ko sa 'yo! Huwag mo na akong kakausapin."

Hindi ko naman na siya sinagot pa. Huwag daw siyang kausapin, eh.

"At saka paano kita magagantihan kung hindi kita lalapitan, aber?! Haduf ka talaga! Sinabi ko naman sa 'yong bawal ako sa maasim pero iyon pa talaga ang ipinakain mo sa akin! Buti na lang talaga at hindi ako namatay kundi mumultuhin kita! Puro ka na lang kalokohan. Grow up, Lovimer Guieco," asik sabay batok sa kanya. Mas lalo pa siyang bumusangot.

"Grow up, huh? Galing pa talaga sa 'yo ang salitang iyan, ha?" bwelta niya naman.

"Ginagawa mo kasing biro ang lahat ng sinasabi ko. Kapag sinabi kong bawal ako ay bawal talaga," paliwanag ko pa.

Ikalawang offense niya na kasi iyon sa akin, eh. Una ay iyong pusa niyang ipinakalong niya na lang sa akin nang biglaan kaya inatake ako ng asthma ko. Kanina naman ay binigyan niya ako ng parang candy, tinanong ko pa kung maasim ba o hindi kasi ayoko sa maasim, ang sabi niya naman ay hindi daw kaya kinain ko naman. Inubo tuloy ako dahilan para mahirapan naman akong huminga. Hospital bed na naman ang bagsak ko.

"Ang sabi mo ay ayaw mo, hindi mo sinabing bawal sa 'yo!" sabat niya pa talaga.

"Sinisigawan mo ako?" nakakunot-noo kong usisa.

"Hindi! Binubulyawan lang!"

Kaswal ko lang siyang tiningnan at tinalikuran na. Naiinis talaga ako everytime na may naninigaw sa akin, eh. Pagsalitaan mo lang ako ng masasama basta huwag na huwag mo lang akong sisigawan kasi hindi kita aatrasan.

Bigla akong humarap sa kanya. Mukhang nagulat pa siya at hindi na naituloy ang pagtayo niya.

"Haduf ka! Huwag mo akong sisigaw-sigawan!"

Sinipa ko siya pero mabilis itong nakailag. Muli ko naman siyang inatake. Dalawang magkasunod na suntok at isang malakas na sipa. Inaasahan kong iiwas siya ulit pero hindi niya ginawa. Tuloy ay nasapol ko siya sa tiyan at tuhod. Bumagsak siya sa lupa habang namimilipit sa sakit.

Naawa naman ako sa kanya kaya agad ko siyang nilapitan.

"Hoy. Bakit kasi hindi ka umiwas? Abnormal talaga 'to!" sermon ko pa sa kanya. "Hoy, pangit!" Niyugyog ko siya habang nakayuko pa rin. Mukhang napuruhan ko yata.

Lagot na!

"Naiintindihan mo ba?" tanong niya pa. Nanatili akong nakatingala sa kalangitang hitik sa bituin.

"Hoy, naririnig mo ba ako? Sumagot ka nga."

Pinigilan ko namang matawa. Parang tanga lang, ayaw niya akong kausap pero siya itong ang daldal.

"Pangit na nga, bingi pa. Naku! Huwag mo talaga akong kakausapin kahit na kailan."

Tumayo na siya at naglakad paalis. Nanatili lang akong nakaupo at pinagmasdan siya. Hindi pa man siya tuluyang nakakalayo ay nilingon na ako.

"Ang sakit mo talaga sa atay! Tumayo ka na diyan at uuwi na tayo. Gabi na Beatrice Solomon, ha?! Gabi na!"

"Sinisigawan mo na naman ba ako Lovimer Guieco?!"

"Hindi!"

"Anong hindi?!"

"Hindi nga, eh. Tara na, uwi na tayo. Tingnan mo nga 'yang suot mo. Sana ay naghubad ka na lang," panenermon niya pa sa akin. Wala naman kasi ako talagang balak sanang pumunta sa lugar na ito kung hindi dahil sa kaartehan niya.

Hindi ko na lang siya pinakinggan. Sa halip ay nahiga pa ako sa bench. Since naka-short shorts pala ako ay malaya kung naitaas ang dalawa kong paa sa ere. Naramdaman ko rin ang lamig sa aking likuran dahil sa manipis at sleeveless kong damit na suot.

"Mananatili sa aking isip ang iyong mga kamay..." kanta ko pa habang nakapikit.

Nagulat ako nang bigla na lang umangat sa ere ang katawan mo at nalanghap ko ang naging paborito ko ng pabango na panglalaki. I really love his smell.

Correction, perfume niya pala.

"Put me down or else babalian kita ng buto, Lovimer Guieco," banta ko habang nakapikit pa rin.

"I dare you, honey," bulong niya pa sa akin.

Bigla naman lang kumalabog ang puso ko. Napalunok pa ako. Ngayon naman lang ulit tumibok ng pagkabilis-bilis ang puso ko kahit hindi naman ako pagod or what.

"Honey your face. Ibaba mo na ako."

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi ako nautal man lang. I'm too good at pretending though.

"Isa."

"Dalawa."

"Dalawa't kalahati."

"Kiss muna."

Napadilat naman ako at tumambad sa paningin ko ang nakangisi niyang mukha. Nasiko ko na lang bigla ang tiyan niya kaya nabitawan niya ako. Bumagsak ako sa lupa.

"Ouch!" exaggerated ko pang d***g. Hindi naman gano'n ka sama ang bagsak ko pero dahil presidente ako ng drama club noong college ay talagang itinodo ko ang acting ko.

Bigla na lang kasi akong tinamad maglakad. Na realize ko na mas magandang kargahin niya na lang ako papuntang camp tutal siya naman ang dahilan kung bakit napadpad kami dito eh.

"Sorry. Ikaw naman kasi. Siniko mo na lang ako bigla. Buti nga sa 'yo."

Natawa na lang ako sa inis dahil sa bunganga niyang pasmado. Sinisi pa ako, haduf.

"Nag-sorry ka pang haduf ka kung babawiin mo lang din. At saka I hate hearing the word sorry, duh?"

"Eh di wow. Bahala ka diyan," sabi niya pa sabay iniwan na naman ako.

"Lovimer! Haduf ka talaga isusumbong kita kay Froi!"

"Walang may pakialam. Hindi ako takot doon, pag-umpugin ko pa kayo, eh," sagot niya na hindi man lang ako nilingon.

Tumayo na ako at pinagpagan ang damit ko. Masama ang tingin na ibinabato ko sa kaniya. Mapapadali yata ang pagiging senior citizen ko kapag isang Lovimer Guieco ang palagi kong makakasama. Mukhang tama nga si Froizel. Kailangan ko siyang iwasan.

"Sige, ganyan ka, ha? Huwag mo na talaga akong kakausapin! Wala rin akong pakialam sa 'yo!"

"Louder, honey, louder!" pang-aasar niya pa.

Napabusangot naman ako at sumunod na lang din sa kanya. Naramdaman ko ang sakit sa balakang kong tumama pala sa bato.

Bwiset talaga ang lalaking ito! Nakakainis. Mabaog ka sana ang Lovimer na 'to!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status