Share

CHAPTER 6- QUITE CLOSE

"Mer! Ano ba?!" naiinis kong tawag sa kanya. Talagang hindi man lang ako hinintay. "Isa!" dagdag ko pa.

Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. May nadaanan akong sweet couple. Napansin ko kung paano ako suyurin ng tingin ng lalaki. Gusto ko itong samaan ng tingin pero sa halip ay tumigil ako sa harap nila at ngumiti.

"Hi, what's your name? Ang gwapo mo naman po," puri ko sa lalaki sabay kindat. Nanilim naman ang mukha ng babae.

Kinagat ko pa ang lower lip ko. Nilandi ko ito sa harap ng girlfriend niya. He must taste his own medicine. Masyado pa silang sweet, ibig sabihin ay bago pa lang sila. Makakapag-move on ang babae at makakahanap ng mas better at mas loyal.

"I'm Jhon," pakilala din nito na may kislap sa mga mata.

Haduf talaga ang mga lalaki. Konting landi lang ng mga magagandang babae ay pumapatol agad. Kawawa naman itong kasama siyang babaeng madilim na ang mukha habang nakatingin sa akin.

Bakit parang kasalanan ko lang? Bakit hindi niya muna i-interpret ang behavior ng jowa niya? Tingnan mo nga at ang bilis lang sabihin ng kaniyang pangalan sa akin, eh.

"Girlfriend mo?"

"Hindi. Nililigawan ko pa lang," direkta nitong sabi.

Nanliit na talaga ang aking mga mata. Sa tingin ba talaga nito ay papatol ako sa bata? Baka nga ay 22 o 23 lang ito. Pero hindi excuse ang kaniyang edad para maging marupok siya sa harap ko.

"Oh? Tapos nagagawa mong makipaglandian sa akin sa harap niya. Hay naku, Miss. Kung ako sa 'yo babasted-in ko ito at uuwi na lang. Can't you see? Hindi siya seryoso at loyal sa 'yo. Red flag ang isang ito."

Padarag naman na tumayo ang babae, mukhang iiyak na ito.

"Celine..."

"Huwag mo na akong kakausapin kahit kailan!" sigaw nito kay Jhon sabay takbo paalis.

Lihim naman akong natawa. She knows. Hindi na ako pinahirapan pang kumbinsi siya. Smart girl.

"Ano bang problema mo, Miss? Ang ganda mo pero ang landi mo naman!"

Nagulat ako ng sa isang iglap ay bagsak na ito sa lupa. Nasa tabi ko na pala si Mer at tiim bagang pang sinipa ang kawawang Jhon.

"Hindi siya tulad ng iniisip mo! Ikaw nga itong malandi, eh! Nakita ko kung paano ka tumingin sa babaeng ito."

Babaeng ito?! Nakapa-haduf din talaga ng buwisit na ito, eh!

"Nagawa mo pang magpakilala sa pangit na ito gayong kasama mo naman pala ang nililigawan mo? Nasaan ang respito mo sa mga babae, bro?"

Hindi pa nakasagot ang lalaki ay naisampa niya na ako sa balikat niya. Yong dalawang tuhod ko pa ang hawak niya Nasa likuran niya ang mukha ko.

"Put me down, ano ba?!" asik ko sabay suntok ng likuran niya pero hindi man lang siya nagpatinag. Para akong sako na isinampa nito sa balikat niya, eh.

"Mer, ano ba?! Nahihirapan akong huminga!" reklamo ko pa. Nakadagan kasi ang tiyan ko sa matigas niyang balikat.

"Do your best to breathe, Beatrice. That's your punishment."

"Anong punishment, ha? Ibaba mo ako! Nakakahiya!"

Tuloy-tuloy lang siya. Ibinaba niya lang talaga ako ng nasa harap na kami ng flat ko. Literal na nanghina ako.

"Huwag mo na ngang uulitin iyon! Mapapahamak ka pa, eh! Ayokong makita kitang manland... Mang-aki... Mang... Basta! Kung anuman ang tawag diyan sa laro mo! Mang-trip or whatever ek-ek! Kapag nakita pa kita na gumaganyan ka, kahit sino dito sa camp.. makikita mo talaga, Beatrice Solomon! May kalalagyan ka talagang bata ka!" nanggagalaiti niyang panenermon sa akin. Baka kung puwede niya lang akong paluin ay ginawa niya na.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit o mainis sa kanya kahit pa sinisigawan niya ako at pinagsasabihan.

Nakatulala lang akong nakatitig sa kanya. Siya palang ang nanermon sa akin ng ganito. Iyong pinatitigil ako sa panlalandi ko.

Psss, hindi niya pa maituloy ang 'manlandi' at 'mang-akit' na salita eh, akala niya ba masasaktan ako sa salitang iyon? Immune na ito.

"H-Hindi ako bata!" saad ko ng sa wakas ay makapa ko na ang dila ko.

"Hindi nga, may sinabi ba akong bata ka?"

"Oo ,sinabi mo! Huling linya mo pa nga eh."

"Wala akong pakialam sa sinasabi mong yan, basta ayokong may nilalandi... I'm sorry for the word, basta huwag ka talagang papahuli sa akin dahil naku, naku talaga, Beatrice, Beatrice, Beatrice!"

"Para kang si Siren. Paulit-ulit," mahinang saad ko na ang tinutukoy ay ang robot ng pinsan niyang si Kenshane.

"Whatever!" sigaw niya na naman.

Mabuti na lang at flat ni Percy ang katabi ko. Bakante kaya okay lang na magsigawan kami.

"Matulog ka na!"

"Ang aga pa. 10: 35 pm pa lang."

"Matulog ka na! Lagi ka na lang nagpupuyat eh wala ka namang jowa."

Napakunot-noo naman ako. Haduf talaga!

"At wala akong balak magkaroon."

Inirapan ko pa siya. Mas nangliit naman ang kanyang singkit na mata.

"Anong walang balak? May balak ka!"

"Wala!"

"Meron!"

"Bakit ba pinagpipilitan mo? Eh, sa wala akong balak magkajowa!"

"Kasi pangit ka lang talaga, walang nanliligaw sa 'yo!"

"Talaga? Baka gusto mo pang papilahin ko ang manliligaw ko sa harapan mo?" nakangisi kong saad. Inirapan niya naman ako. Hindi ko mapigilang matawa.

"Bakit sa harap ko? Hindi ba puwedeng makipila rin ako?"

Hindi naman ako nakapagsalita agad. May split personality yata ang isang ito. Paiba-iba ang mood.

"Sus ginoo, kinilig ka naman diyan. Baka wala kang balak kasi hinihintay mo talaga ako? Umamin ka na," pang-aasar niya pa uli.

"Ang kapal ng mukha mo! Naiirita nga ako sa pagmumukha mo, eh!"

"Talaga?" masaya niya pang usisa.

Nagtataka ko naman siyang tiningnan. Masaya pa siya na naiirita ako sa pagmumukha niya? What the hell?

"Oo. Masaya ka pa niyan? Abnormal ka ngang tunay."

"Oo masaya ako. Hindi mo ba alam ang sabi-sabi?"

"Anong sabi-sabi na naman ba?"

Ang dami niya talagang alam sa mga sabi-sabi na iyan. Naalala ko pang sinabi niya din na baka si Harvey ang makatuluyan ko dahil ang sabi-sabi daw ay kung sino ang best man at maid of honor sa isang kasal ay siyang magkakatuluyan.

Hello? Eh, si Gabriella naman ang maid of honor ni Marciella at si Faller ang best man ni Ashmer ay bakit hindi naman nga ang dalawa ang nagkatuluyan?

"Na the more you hate, the more you love. Diyan kaya nagsimula ang lolo at lola ko. Knock on the wood pala, patay na sila, eh."

Binatukan ko naman siya. Kung ano-ano lang talaga ang maisip eh. Knock on the wood pa nga, parang tanga talaga.

"Matulog ka na nga. Pasok ka na."

"Hindi pa ako inaantok Mer, huwag kang ano diyan."

"Eh anong gusto mo? Dito ka na lang sa labas magdamag?"

"Ikaw kaya magpadamag dito sa labas, tingnan lang natin kung hindi ka gawing pulutan ng mga lamok." asik ko sabay sandal sa pinto.

Bigla naman lang bumukas iyon. Kamuntikan na naman lang akong bumagsak sa sahig, buti na lang at nahapit niya ang bewang ko. Nagkatitigan pa kami saglit bago niya ako itinayo.

"Ang gaslaw kasi! Tsaka ugaliin mo ngang mag-lock ng pinto. Ano ba ang silbi ng code at susi kung hindi ka nagla-lock?"

"Kanina mo pa ako pinagagalitan, ah! Suntukin na uli kita diyan eh!"

"Hindi na. Titigil na, ikaw kasi eh. Sarap mong sampalin."

Umirap naman ako. "Sampalin mo!"

"Ng pagmamahal, yiiee. Kilig ka na naman."

Napairap na lang uli ako. Pumasok na ako at hinintay siyang pumasok din.

"Pumasok ka na, nagugutom ako. Ipagluto mo muna ako, please?" pakiusap ko pa sa kaniya.

Alam kong pagdating sa ganitong bagay ay hindi niya ako matitiis. Nagagalit pa nga siya kapag hindi ako kumakain, eh.

Well, we're quite close now.

"Matutulog na rin ako."

"Mer, please?"

"Bahala ka diyan. Ang dami mo sigurong alaga diyan sa tiyan mo at parang lagi kang gutom. Hindi ka naman tumataba."

"Please?"

"Sabi ko matulog ka na," aniya sabay bahagyang tumalikod sa akin.

Napabusangot naman ako. Nagugutom talaga ako, eh. Konti lang kinain ko kaninang tanghali sa DH kasi naman nagbabangayan na naman kanina sina Jin at Silang kaya nawalan ako ng gana. Ngayong gabi naman ay hindi pa ako kumakain.

"Honey, please?" malambing kong saad.

Para namang hinila ang ulo niya papaharap sa akin.

"Anong sabi mo?"

"Please?"

"Psss, bahala ka diyan," pagmamatigas niya pa. Lumabas ulit ako at niyakap siya mula sa tagiliran. Inihilig ko pa ang ulo ko sa balikat niya.

"Honey, please?" Nakapikit pa ang isang mata ko habang pigil ang tawa.

Mapapapayag din kita, wala pang tumatanggi kapag nakikiusap ako. Abnormal lang ang hindi tinatablan ng charm ko.

Pumiksi naman siya ay lumayo sa akin.

"Ayusin mo ang pakiusap mo. Huwag mo akong idadaan sa paganyan mo," masungit niyang saad. Lumaylay naman ang balikat ko. Abnormal na tunay nga!

"Eh, nakikiusap naman kasi ako ng maayos ay ayaw mo naman. Huwag na nga lang. Salamat na lang, Lovimer Guieco, ha? Itutulog ko na lang ang nararamdaman kong gutom," pangongonsensiya ko pang sabi.

"Psss! Fine, fine, fine! Ipagluluto na nga kita! Pasok na!"

Ngumiti naman ako nang matamis.

"Yes! You're the best, man!" Kumindat pa ako at nag finger heart. Tumaas lang ang sulok ng kanyang labi.

Pumasok na kami at dumiretso sa kusina. Naupo na lang ako habang pinagmamasdan siyang nagbubutingting ng refrigerator ko.

"Konti na lang ang laman ng ref mo, mag-groceries ka bukas."

"Sasamahan mo ako." Hindi iyon tanong kundi pautos.

"Sasamahan kita kapag may time pa ako. May gig kami eh."

"Okay. Wala ka bang girlfriend ngayon?" tanong ko na lang bigla. Mukhang natigilan naman siya saglit.

"Wala," tipid niyang sagot.

"Sure?"

"Ang kulit mo. Paano magkakaroon ng girlfriend kong alam kung bubuwisitin mo lang naman kami?"

Natawa naman ako. "Hindi na mauulit pa. Puwede ka ng magkaroon ng girlfriend uli. Promise, hindi na ako lalapit sa 'yo hangga't may..."

"Shut up. Gutom lang 'yan, Trice."

"Baka nga," tugon ko sabay hikab. Inaantok na tuloy ako.

Umub-ob ako sa mesa ng maramdaman ko na ang pagod sa aking sistema.

"Oh di ba inaantok ka na? Matulog ka na muna, gigisingin na lang kita kapag tapos na akong magluto. Kung bakit kasi ay hindi ka kumain kanina? Ang dami namang pagkain sa DH."

"I'm fine. Aantayin ko na lang. Hindi na ako makakakain kapag nakatulog na ako at ayoko ring ginigising ako."

"Ayaw mo ng ginigising? Oh di sige, papatayin na lang kita."

Umayos ako ng upo at tiningnan siya habang naggagayat ng carrots.

"Eh di patayin mo."

"Oo ba, papatayin kita ng pagmamahal."

Humagalpak pa siya ng tawa. Natigil lang siya nang mapagtantong seryoso pa rin akong nakatingin sa kanya habang nakapangalumbaba na.

"That's bad, honey. Ibaba mo 'yang mga kamay mo, ang hilig mong maggaganyan eh. Ang sabi-sabi ay buwisit sa pamumuhay daw ang ganyan. Sige ka, mamalasin ang pamumuhay natin."

Natin?!

Napangiwi na lang ako at sinunod siya. Ipinatong ko ang dalawang paa ko sa upuan at niyakap ang sarili kong tuhod.

Bigla ay nakaramdam na naman ako nang matinding lungkot na hindi ko mawari. Naalala ko na lang bigla ang bangkay ng mga magulang ko na inuuwi sa mansiyon namin noon.

Nahilot ko ang sentido ko at pinigilang maiyak. Kapag naaalala ko ang sinapit ng mga magulang ko ay bigla na lang talaga akong naiiyak.

"Hoy, pangit. Okay ka lang?"

Hindi talaga ako naniniwalang car accident lang iyon kasi malinaw na nakita ko ang tama ng bala sa kanilang katawan. Kahit bata pa man ako noon ay alam kung may mali sa pangyayaring iyon.

"Trice!"

Napapitlag ako dahil sa gulat. Kamuntik pa akong mahulog sa upuan, mabuti na lang at agad niya akong nahawakan.

"Nanggugulat ka naman," mahina kong sambit.

"What's wrong? Right? Left? Left, right, left right, left, left," aniya sabay kembot-kembot pa. Natawa na lang ako dahil ginawa niya iyon habang may suot na pink na apron. "Ayiiee! Napatawa ulit kita, ha? Ang dami mo ng utang sa akin."

"Bilangin mo lang, walang may pakialam."

"Ililista ko talaga simula ngayong araw na ito."

"Araw? Gabi na kaya."

"Simula sa gabing ito, problema ba 'yan? Pa kiss nga?" aniya at inginuso pa ang kanyang bibig sa akin ng nakapikit.

Dinampot ko naman ang cabbage at iyon ang idinampi sa kanyang bibig. Agad na nagmulat siya ng tingin. Napahagalpak na lang ako ng tawa nang sumama ang kanyang mukha.

"Savage ka talagang babae ka! Para halik ay ipinagdadamot mo pa."

Natawa naman ako. Ngayon lang nangyari ulit na may nagpagaan ng kalooban ko ng hindi sadya. Dati ay si Froi o Ynna lang ang nakakausap ko tuwing depress ako, eh.

"Thank you," saad ko pa sa kanya. Nakakunot-noo niya naman akong tiningnan.

"For what honey pie, baby girl, sweetie, sweetheart?"

Napangiwi na lang ako dahil parang siya ang pumalit kay Kenshane sa pagiging cheesy.

"For... F-For m-making me l-laugh?"

Gusto kong mapamura dahil nautal pa talaga ako.

Ngumiti naman siya. Iyong ngiting walang halong pang-aasar o kaya ay kaplastikan. Ngiting natural.

Sana lagi na lang siyang ganito para naman gwapo siya sa paningin ko.

"Most welcome, Trice. Alam ko naman talagang funny akong tao kaya siguro ay napapatawa kita?" patanong niya pang saad. "Hug mo muna ako," pilyo niya pang dagdag, nang-aasar na naman.

Walang alinlangang tumayo ako at niyakap siya mula sa likuran. Inihilig ko ang ulo sa kanyang likuran.

"Thank you," mahina kong usal. Pakiramdam ko ay kailangan ko talaga siyang pasalamatan dahil kung wala siya dito ngayon ay paniguradong umiiyak na naman ako.

Naramdaman ko ang haplos niya sa kamay kong nakayakap sa kanyang bewang.

Bakit ganito ang nararamdaman ko tuwing kasama kita? It's like I found my own hero.

Pumihit siya papaharap sa akin at tinanggal ang aking mga kamay na nakayakap sa kaniya. Nanatiling nakahawak siya sa mga kamay ko habang pinipisil-pisil pa ang mga ito.

"Kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako, ha? Haduf man ako sa paningin mo pero seryoso ako, Trice. Nandito lang ako para sa 'yo."

Hindi ko maipaliwanag ang emosiyon nararamdaman ko nang dumampi sa aking noo ang kaniyang malambot na mga labi.

"Thank you, Lovimer." Iyon lang ang nasambit ko at tuluyan niyang akong niyakap.

Hindi ko alam kung ano ka ba sa akin pero sigurado akong kailangan kita sa mga oras na wala akong matakbuhan pa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status