Share

CHAPTER 7- MAD GUIECO

Tahimik na pumasok ako sa DH. As usual ay halos lahat ng kababaihan dito ay ilag sa akin. Magandang bagay nga rin iyon para sa akin dahil hindi ko rin gusto na mapalapit sa kanila. Okay na ako sa isang kaibigan ngunit tunay naman at si Kenshane iyon.

At si Lovimer.

"Hep! Bitch, what's the password?" salubong sa akin ni Gabriella.

Napanunot-noo naman ako. Sinasaltik na naman ito. Heto na naman at magsisimula na naman ng kalokohan tapos mamaya ay mapipikon. Sa bandang huli ay ako na naman ang masama.

"Bitch?! Don't call her by that nickname, Silang!" bulyaw na lang bigla ni Kenshane. Halatang wala na naman ito sa mood kaya may madadamay na naman sa pagkabadtrip nito.

"Ayaw mong tawagin kong Bitch si Beatrice pero tinawag mo akong Silang? Ayos ka rin, 'no? Sino ba ang mas nauna mong naging kaibigan, ha?"

Hindi naman nakaimik si Kenshane. Gusto kong matawa na lang.

Selosa talaga ang Silang na ito.

"Anong password?" asik ko sabay taas ng kilay para awating silang dalawa. Baka mamaya a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status