Share

Taste: Eight

Parang sinasabi niya na ring wala kaming panama sa iba. I know for a fact that we're nothing compared with the Fig Restaurant. Alam namin iyon. Sinasabi niya bang hindi namin deserve na makuha ang approval ni Mr. Williams? Sinasabi niya bang may ginawa kami para makuha iyon? Is he indirectly insulting us?

I had never hated someone in my life. Kahit nakakatanggap ako ng masasamang salita sa iba. Kahit na may naiinis sa akin dahil sa hindi ko malamang rason. Tinanggap ko ang mga iyon dahil alam kong hindi totoo ang mga binabato nila sa akin. My achievements were questioned.

Tinatanong nila kung bakit maraming tumatangkilik sa restaurant namin at kung paano ko nakuha ang mga pangaral patungkol sa pagluluto sa murang edad.

May ginawa raw ba ako patalikod? Mga ganoong pagbabato at paninira ng ibang tao. But I had never hated them for that. I didn't fight back, hinayaan kong mawala ang issue nila sa akin...sa amin. Hindi ako nagtanim ng galit sa kanila. Not because I don't want to but because I can't. Our mother raised us like that.

"Let them know the truth on their own so don't mind their accusations and take to your heart, just wait for it will pass in no time."

But why do I feel this way when I hear him now?

Why is he giving me this impact?

He was just calm while asking me but I am almost taking it to my heart...almost.

But why do I feel this way when I heard him now? Why is he giving me this impact?

He was just calm while asking me but I am almost taking it to my heart...almost.

*

"GOOD morning chef!"

Tipid akong ngumiti sa mga bumati ngunit wala pa rin akong lakas na ibukas ang bibig. Nakatatak pa rin sa isipan ko ang nangyari kanina at sobra akong naapektuhan. Dahil sa pagkabigla ay hindi ako nakapagsalita kung kaya ay wala akong nasagot sa kaniya. Hindi ko gustong tumakas sa tanong niya pero nang makitang tapos na siya sa pagkain ay agad akong nagpaalam at walang lingon-lingon na umalis. It was too late I realized I was rude that time.

It's just that I feel something new that wrecks my whole system I was unable to find words. Hindi ko gusto ang impact niya sa'kin.

"Good morning chef. Here's the report for this month. Nandito rin po ang ibinigay ng secretary ni Mr. Williams para sa event na mangyayari next week na kailangan ang presensya mo," bungad ni Lala pagkapasok niya sa office ko.

"Pumunta dito si Lav?" taka kong tanong. Kumunot ang noo niya at napansin kong hindi niya alam sino ang Lav na tinutukoy ko. "Mr. Williams' secretary."

"Ah. Kakaalis niya lang rin noong dumating ka. Alam niya namang wala ka pa kaya ibinigay niya sa'kin," pagbibigay-alam niya.

Agad naman akong tumango at tamad na kinuha ang ibinigay niya sa akin. Nasa taas nito ay ang gold and black invitation card na may nakalagay na kilalang logo sa harap nito. It's Fig Company's logo.

"Lav pala ang pangalan nun?" tanong niya at lalong lumapit sa akin. "Hindi bagay at parang pinaglihi pa ata sa sama ng loob."

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. Mukhang may nangyari habang wala ako.

"Bakit? Masamang magsalita ng ganiyan Lala."

Ngumuso ito sa sinabi ko at umupo sa visitor's chair sa harap.

"Hindi man lang bumati pabalik noong binati ko siya. Ang masama pa ay hindi ako binagyan ng oras para makapagsalita at walang paalam na umalis," pagmamaktol niya sa akin. "Now tell me chef, whose fault is that? Hindi naman ako ganoon bilang secretary!"

"Maybe he's in a hurry."

"Hindi naman siya mukhang nagmamadali at walang masamang bumati kapag binati ka."

"Don't stress yourself and just prepare the private kitchen," pag-uutos ko sa kaniya na ikinagulat niya.

Tumayo ito at kunot ang noo na tiningnan ako. "Sinong stress? Napansin ko ang tipid mong ngiti kanina! Anong meron? May umaway ba sa'yo?"

Napailing na lamang ako sa sunod-sunod niyang tanong.

"I want to try a new dish." Muntik pa akong mabilaukan sa sinabi ko.

"Huh? Is that the dish's name? O literal na something new talaga?"

"Both."

Tumingin ito ng seryoso sa'kin habang nakalagay na ang mga braso sa dibdib niya. "May problema ka talaga, eh."

I shooed my hand telling her to stop asking. Mabuti nalang ay sumunod siya at pilit na umalis. I sighed. Ganoon na ba ako ka-transparent para mapansin pa iyon ng ibang tao? I really need to practice more.

Binuksan ko ang invitation card at nakita ang pangalan ko sa unahan.

Dear Chef Aisha Fortunatus,

You are cordially invited to Fig Company's founding anniversary that will be held in Fig Hotel at exactly six in the evening of January 21.

Wear a formal dress with a gold and black theme. Your presence is very much important in this event. Hoping to see you.

Best,

Mr. Williams

Kailangan kong magpasama kay Asaisha para maghanap ng damit na susuotin ko o kahit kay Lala nalang. Baka busy si Asaisha at makagulo pa ako.

Biglang bumukas ang pinto at sumilip ang mukha ni Lala.

"Chef, the kitchen's ready."

Tumango ako at nilagay ang invitation card sa gilid. Pagkatapos ay tumayo ako para pumunta na ng kusina na minsan ko lang gamitin kung marami ang iniisip ko. Kadalasan kasi ay nasa main kitchen ako kasama ang ibang nagluluto.

Ngayon ay wala akong lakas para makipagsabayan sa kanila. I think I only need peace of mind at magiging okay na ako. I just need him out of my mind. My definition of peace.

"Utensils and ingredients are all ready. Kung may kulang na ingredients ay tawagan mo nalang po ako. I'm only at my table, Chef."

Ngumiti ako kay Lala at nagpasalamat. Agad naman siyang umalis. Kapag nandito ako ay alam nilang gusto kong mapag-isa. They will only come here if I ask them.

Sinuot ko ang apron at ang cap na nasa tabi. Agad akong lumapit sa mesa at sinimulang magkalkal ng gagamitin ko.

I took a deep breath when it hit me. I want him out of mind but I'm here making a dish for his liking. I want to make something for him that will not trigger his allergy or it will affect me as a Chef. I will also prove to him that whatever Mr. Williams saw me because of my team and nothing else. Kung may ibang rason man ay wala na akong kinalaman doon.

I focused on preparing the food. I gracefully mince the onions, tomatoes and garlic then I set them aside. Bawal sa kaniya ang mga red meat kaya naisipan kong bigyan siya tatlo o hanggang apat na beses sa isang linggo na may isdang putahe. I will make different dishes out of fish. Iyong iba ay hindi niya malalaman na ginawa ko iyon sa isda at baka maumay siya kung malaman niyang puro isda ang pinapakain ko sa kaniya. I'll make another food for him but I will only focus on this one...for now.

Patapos na ako sa ginagawa ko nang pumasok si Lala na may hawak na telopono at lumapit sa akin. I took off my apron and cap then I put them to where I got them.

"Mr. Williams is on the other line," she informed me.

Kinuha ko naman iyon at nilagay sa gilid ng tenga.

"Good morning. This is Chef Aisha speaking."

"Good morning Chef Aisha. I hope I'm not disturbing you."

"You're not disturbing me Mr. Williams. May kailangan po ba kayo?" tanong ko at bahagyang lumingon kay Lala na nakaabang rin sa tabi ko.

"I heard my son's being an asshole that's why I called you. I hope you'll not take him seriously," he answered.

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa narinig. Si Lala ay sumingkit ang mata at tumingin sa akin na parang naiintidihan na niya kung sino ang may kasalanan ng lahat.

"No, it's okay Mr. Williams. But thank you for calling."

Hindi ito umimik sa kabila kaya akala ko ay wala na ito.

"Then I can now rest my mind thinking you are taking good care with my prick son. I owe you this one. See you in the party, Chef Aisha." Ang huling sinabi niya bago niya patayin ang tawag.

Binalik ko naman iyon kay Lala na nag-aabang pa rin sa tabi ko. Pilit akong ngumiti sa kaniya pero nginusuan lamang ako nito.

"May ginawa ba sa'yo ang anak ni Mr. Williams kaya ka nagkaganiyan? Nako kung hindi ko lang alam na malaki ang respeto mo kay Mr. Williams ay susugurin ko ang anak niya."

"Don't think like that Lala. He just asked me something. Ako nga ang may mali at umalis ako na hindi siya sinagot. I was rude, right?" Agad itong umiling bilang sagot.

"It's the best thing to do. At least for you. I know you Chef, alam kong sasagutin mo naman siya kung tama ang pagkakatanong niya."

Ngumiti na lamang ako sa kaniya at binalikan ang niluto ko. Kinuha ko iyon at hinarap sa kaniya. Her eyes twinkled when she saw the food in front of her.

"Pwede kong tikman?" excited niyang tanong.

"Sure. Alam ko namang hindi ko rin siya malalasahan. The usual, tell me how it tastes," I told her.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status