Share

Kabanata 3

THERE was only one bed in the room but it was huge enough to fit both my sister and I. Hindi na rin bago sa akin dahil madalas naman kaming magkatabi ni Cassie sa dating bahay.

Masakit ang buong katawan ko nang magising ako, dahil ito sa hindi ako komportable sa hinihigaan at sa paligid. Naninibago ang buong katawan at isipan ko sa kapaligiran.

Nang umuwi ako kagabi ay nakaayos na lahat ng mga gamit namin ni Cassie, sa sobrang dami ay halos nasakop na lahat ang silid.

Malaki at malawak ang kwarto, ang mga bintana ay mga susyaling shutters sa halip na glass. Ang sahig ay wooden planks na sobrang kinis, kung hindi ka mag-iingat sa paglalakad ay madudulas ka talaga.

The house was amazing for sure, but it was still uncomfortable to me. The only thing I liked about the house was the WiFi, I was so glad when I found out about it. Good thing Cassie already knew the password to it.

Maaga akong nagising, tumitingin-tingin sa mga social medias dahil sa sobrang boring. Nung magising ako ay hindi na ako nakatulog pa. Ang lakas din ng alon ng dagat, nakakairita sa tenga dahil hindi ko ito nakasanayan.

Napahinto ako sa ginagawa nang may kumatok sa pinto ko. Sa sobrang hina ng pagkatok ay muntikan ko pa itong hindi narinig.

"Papa?" I made sure it was him, baka mamaya ay kabit niya pa iyon.

"Can I come in, Sam?"

I sighed in relief when his voice muffled from the other side. I pulled my self up, the blanket covering half my body.

"Okay."

Pagkatapos kong sumagot ay bumukas ang pinto, pumasok siya at kinita ang mga mata ko. Niyakap ko ang binte ko at tinaas ang kilay sa kaniya upang tanong kung bakit naparito siya.

"Bakit late ka ng nakauwi kagabi?" mahinahong tanong niya.

"I made a friend, she took me around the town." I dropped the phone on my feet, I settled my eyes on the wooden floor as I waited for him to answer.

"Please, next time, be early."

Sinandal ko ang ulo ko sa kamay, tumango-tango lang ako pero iba ang sinasabi ng ekspresyon ng mukha ko. Wala akong plano na makipag-usap pa nang matagal sa kaniya.

"Gusto mo bang ngayon na mag-enroll sa eskwelahan, Sam? Kayo ni Cassie?"

"Yes." Mabilis kong sagot, nag-aangat muli ng tingin. "Is it okay if I enroll today? Wala pa akong uniform."

"Oh, don't worry about that. Your Tita Carol already bought one each for you and Cassie when I mentioned that you guys are transferring school." He leaned against the doorframe, his eyes half-closed like he just woke up.

My lips thinned when he mentioned her, but I chose to ignore it and continued my conversation with him.

"Uh, do you have my documents for enrolling, Papa? Ako na lang mag-isa mag-eeneroll sa eskwelahan, kaya ko naman. Kayo nalang bahala kay Cassie."

Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit parang gustong-gusto mong mag-aral?"

"I told you I made a friend yesterday, she studies there and she's in the same strand I'm gonna take." That wasn't a lie, but that wasn't the full truth either.

I just wanted to be away from home. Going to school meant being away from this house all day. I'm not a fan of studying but if that meant not seeing Papa and his mistress, then so be it. I would rather be bored in school than be devastated here.

"I'm glad you're already making friends. Ihahanda ko lang mga documents niyong dalawa ni Cassie saka mga uniform niyo. And please, wake Cassie up and get ready. Maaga 'yong pasukan dito sa Estrella."

Umalis siya sa pagkakasandal sa door frame, hinawakan niya ang doorknob ng pinto at isang beses akong tinanguan bago lumabas at kasabay ang pagsarado niya sa pinto.

Nakahinga ako ng maluwag, bumalik ako sa pagkakahiga sa tabi ni Cassie at pinalo ang noo nang paulit-ulit. Sobrang awkward kapag nag-uusap kami, ang sakit pakinggan ng usapan namin. Hindi ko makakayang manatili rito nang matagal, kung hindi lang dahil kay sa kapatid ko.

Ginising ko si Cassie sa tabi ko at pinaalam sa kaniya na papasok na kami sa eskwelahan. Pagkarinig na pagkarinig niya ng salitang 'eskwelahan' ay agad itong umiling at tinalikuran ako. Niyugyog ko siya, kiniliti na rin pero nasigawan lang ako at natadyakan sa tiyan.

Sinukuan ko na lang siya dahil tumatanggi akong maging bugbog-sarado, lumabas ako ng kwarto at tumakbo pababa ng hagdanan sakaling naroon si Papa. Naabutan ko siyang nakaupo sa couch, inaayos ang mga dokumentong kakaylanganin namin sa pag-enroll.

"'Pa, ayaw bumangon ni Cassie!" Hindi ko napigilan na magsumbong. Natadyakan ako eh, kaylangang mapagalitan ang batang iyon.

Hindi niya siguro ako napansin nung una kaya nung nagsalita ako ay bahagya siyang napaigtad. Bumaling siya sa direksyon kung saan ako naroon, ngumiti siya sa gawi ko at tumango.

"Ako na gigising sa kaniya, don't worry." He said while picking up a few documents on the table, he stood up and walked towards me to hand me the papers. "Your birth certificate is already there as well."

Hindi ko namalayan na masama na pala ang tingin ko sa kaniya, nahuli niya pa ako na iniirapan siya.

"Tinadyakan nga ako ni Cassie, hindi mo lang ba siya pagagalitan?" I tsked, shaking my head. "She does that everytime, she'll just keep doing it again." I grabbed the papers from his hold, I turned my heels around and headed to the stairs.

"Fine, fine, I'll talk to her about it later. Do you need your school uniform now?" pahabol niyang tanong.

"Yep. Can you please bring it to our room? I'll just take a bath." I said before running up the stairs and slipping inside my room, closing the door behind me.

NATAPOS akong magshower at magsipilyo, lumabas ako ng banyo at naabutan na wala na si Cassie sa kama at may uniporme na rin na nakaayos sa taas nito. Naipakita na sa akin ni Stephanie ang uniporme ng senior high pero sa kabila nito ay na-disappoint pa rin ako.

It was too different from the uniform in my previous school. The uniform on the bed was just a simple fitted blouse with a triangular collar and a baby blue necktie. Naka-print sa necktie ang logo ng eskwelahan, ang palda naman ay baby blue pencil-cut na medyo mahaba pa. Masyasong conservative, ang boring.

Nagkibit-balikat ako at sinuot na lang ito. Hanggang tuhod lang ang palda, ang importante ay nasa tamang size lang ito pati na ang blouse na naka-tuck in dito. Inayos ko ang necktie na nakasabit sa kwelyo habang nakaharap sa salamin.

Pagkatapos ay tinali ko ang buong buhok sa mataas na ponytail at naglagay ng konting kolerete sa mukha lalo na ang blush nang hindi ako magmukhang patay sa kutis ko. Hinanap ko sa maleta ang sapatos ko pang-eskwela at sinuot din ito na ang takong ay tatlong pulgada para tumaas ako kahit papaano.

Pumili rin ako ng jacket sa mga damit ko upang panlaban sa lamig. Simpleng plain black lang ito na medyo may kahabaan.

Inalis ko ang mga gamit sa backpack ko at pinalitan ito ng mga school materials from my previous school. Without second thought, I exited the room with my backpack and documents, and headed downstairs casually.

Everyone were already in there including Carolina. Even when I wasn't looking at her direction, I could still figure out the blury scene in the corner of my eyes.

Magkatabi sila ni Cassie sa couch at tila may pinagkakaabalahan sa kung ano. Dumiretso lang ako kay Papa na nasa kusina, nakaupo sa dining chair, nagbabasa ng diyaryo habang nakasuot ng salamin.

Nang makita ako ay binaba niya ang diyaryo. "You're leaving already?"

"Yep, I can walk or maybe take a jeep. I mean, kaylangan ko pang mag-enroll. Baka magtagal pa ako kapag hindi ko inagahan."

"Hindi ka man lang ba kakain? Hintayin mo na lang muna siguro maluto ang pagkain."

"Hindi na, 'Pa, sa eskwelahan nalang siguro ako kakain. I can take care of myself. Para na rin hindi ka magpabalik-balik sa paghatid sa akin at kay Cassie."

If I remembered correctly, magkaiba ng direksyon ang eskwelahan sa high school at elementary. Pero wala naman akong pakialam kung magpabalik-balik pa siya sa paghatid sa amin, wala lang akong plano sa sabayan sila sa pagkain lalo na ang kabit niya.

Hindi ko talaga alam kung paano nagagawang pakisamahan Cassie ang babaeng iyon. Kahit na ten years old pa lang siya ay alam kong alam niya kung ano ang mga nangyayari sa pamilya at buhay namin.

He sighed, nodding his head reluctantly. "Alright, if you really insist that. Do you need money?"

"Yeah, I do. I plan to go shopping later, is that okay?" Lumapit ako sa kaniya at naupo sa upuan na nasa harap niya.

"Of course, just please come back home early." He was really trying his best to be nice to me but he was miserably failing. It wasn't that obvious, but the way he said his statement seemed authoritative.

He went through his wallet and handed me another five thousand. I smiled in success, pushing myself up while accepting the money.

"Thanks, aalis na ako." I jogged emerging from the kitchen and to the front foor. "Bye, Cassie!"

I heard her call after me but I already closed the door behind me. Bumungad sa akin ang magandang tanawin ng dagat, ang buhok kong nakatali ay hinahawi na ng hangin.

God, that was so rude and disrespectful, I was aware of that. But I couldn't care less even if I wanted to.

MAAGA akong nakarating sa eskwelahan kahit na natagalan akong naghintay ng jeep. May mga nakasabay akong kaparehas sa uniporme ko, katulad ni Stephanie ay ang tingin rin siguro nila sa akin ay foreigner dahil pinag-uusapan nila ako.

The school was just an average size, it was only a public school so that wasn't really surprising.

I strolled in, casually looking around the place. I held my papers close to my chest as I entered the school building. I'm so glad there were only a few students present at the moment, I could move around freely without bumping into someone.

I asked one student where could I find the principal's office, thankfully he was kind enough to escort me to the said room. Pinapasok ako sa opisina at pinaupo sa upuan kaharap ng table. Medyo natagalan ako sa pag-enroll lalo na't transfer student pa ako. I filled up registration form and provided the needed documents. After that, I was escorted by the same guy to tour me around the school with the class schedule they provided me.

Pagkatapos ay hinatid niya ako sa unang klase ko, nagpasalamat ako sa kaniya bago umalis. Matagal din ang naging pag-tour niya sa akin kaya't dumami-dami na rin ang mga estudyante. Iilan na rin ang mga estudyante na nadatnan ko sa silid.

I got awkward because of their stares. Until I took my seat, they were still staring and it was starting to get uncomfortable. Nasa likuran ako ng silid katabi ng bintana, walanf pakialam kung may nakaupo na ba rito o wala.

"Oh my God! Samantha!"

Napangitu ako nang biglang may tumili, bumaling ako kung saan nanggaling ito at nadatnan ni Stephanie na tumutuloy sa exit door. Napangiwi ako nang tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako.

"Magkaklase tayo, yes!"

I laughed awkwardly, tapping her arm lightly to tell her that's enough. She pulled away, pulling a random seat and positioning it in front of me. Naupo siya rito, nakangiti habang ang mga mata ay pinagmamasdan ang buong katawan ko.

"Wow, uniform suot natin pero bakit ang sexy tignan kapag ikaw ang nagsuot? Ah, kaya pala nagkakagulo mga lalaki kanina dahil sayo. Ang ganda mo, girl!"

Hindi ko maiwasan na mapangiti sa saad niya. Well, I do have a curvy body so she wasn't lying about that.

"Thank you. You look good, too." I smiled, my shoulders raising in confidence.

"Too bad, sa front ako nakaupo. Gustuhin ko mang lumipat pero strikto adviser natin, saka gwapo rin kaya nagdadalawang isip din ako." She covered her mouth like she was saying 'oops, sorry.' "Pero welcome to our simple school talaga. Naku, hindi bagay sa'yo. Ang expensive mong tignan!"

Sumandal ako sa sandalan ng arm chair at tumingin sa paligid. Pinag-uusapan kaming dalawa, may mga kalalakihan ding nakatambay sa labas at nakasilip. First time kong makakuha ng ganitong atensyon, sa dating pinag-aaralan ko kasi ay mas nalalamangan ako ng iba kong schoolmates.

But I was also well-known there, but not to the extent of being popular. I did have friends back in Manila, or as I would call them, plastics. I still kept in contact with them, but I wouldn't consider them as reals friends.

"Gwapo ba talaga adviser natin?" I asked her for confirmation and she eagerly nodded.

"Yep, binata and fresh pa. First time niyang magturo this year, kami 'yong first class na hi-nandle niya. Kakabalik niya nga lang nung Friday galing sa Manila. Nag-take siya ng leave last week, tapos hindi niya sinabi sa amin kung bakit."

"How long was he gone?"

"He was gone for three days I think. Base sa rumors, nag-away sila ng fiancé niya kaya nagpakalayo-layo muna siya."

"Oh, he has a fiancé? Plano ko pa naman sanang maglandi." I tried to throw a jest, but I think she took that seriously because her eyes widened.

"Guys, paparating na si Sir Villamore!" May isang lalaki na nag-anunsiyo. Nagtaka ako nang biglang nagsi-ayos ang mga kaklase sa silid hindi tulad kanina na magulo. Kahit si Stephanie ay inayos ang upuan na pinakialaman niya at nagtungo sa sariling upuan niya sa front row nang hindi nagpapaalam.

Hindi ko naiwasan na mag-ayos din subalit nagtataka pa rin sa nangyari. Tumahimik ang lahat, kahit ang mga kalalakihan. Nawala rin ang mga nakatambay sa labas ng silid.

What the heck is happening?

Dahil sa katahimikan sa loob ng silid ay maririnig mo ang malakas na yabag ng pares ng mga paa na patungo rito. Naningkit ang mga mata ko habang hinihintay na pumasok ang guro namin.

My eyes widened when he finally came into view, I gasped and quickly ducked my head which caused my forehead to hit my desk. Because of the silence enveloping the classroom, the loud thud echoed against the four corners of the classroom and all attention was suddenly on me.

Tangina, tangina, tangina! Bakit siya nandito?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status