MasukSa likod ng malamig na mga mata ni Adrian de Luca ay isang lalaking handang angkinin ang babaeng gusto niya. Iyon ay si Samantha Romano, siya ang empleyadang matagal nang nagtatrabaho sa industriyang kanyang pinapatakbo at ang babaeng lihim na umiibig sa kanyang amo. Para kay Adrian de Luca, laro lang sa umpisa si Samantha Romano. Ngunit habang tumatagal, mas lalo siyang nababaliw sa dalagang hindi natatakot suwayin anoman ang kanyang sasabihin. Habang unti-unting nahuhulog ang kanilang mga puso, isang babae ang muling bumalik sa buhay ni Adrian, at iyon ay si Celestina Monteverde. Si Celestina ay ang isa sa pinakamaraming dahilan kung bakit pinili ni Samantha na maglaho. Bitbit ang lihim na anak ng bilyonaryo, pinili niyang mawala bago pa tuluyang masira ang kanyang buong pagkatao. Note: Sisimulan kong isulat ang pinakaunang bahagi ng storya kung bakit ni Samantha piniling itago ang bata kagaya ng nasa title, just in-case magtataka kayo o malito dahil wala pang bata ang involve sa pinakaunang yugto. Thanks!
Lihat lebih banyak"Sam, hindi ka pa ba aalis riyan sa pwesto mo? Narinig ko mula sa kasamahan natin na darating diumano ang tagapagmana ng pabrikang 'to. Batid ko'y nasa lobby na siya ngayon!"
Natigilan ako. Naibaba ko ang hawak na test tubes upang tingnan si Karen. Nakabalik na siya? Hindi ko mapigilan ang sariling makaramdam ng tuwa! Sa isang malaki at kilalang korporasyon ng pabrika at laboratoryo ako nagtatrabaho. We created medicines, food and drinks, fuel and gasoline, cosmetics, at plastics para sa mga taong naghahangad ng kagamitan at importanteng pangangailangan. Oo, ito ang trabaho ko bilang isang chemical engineer. Sa tanang buhay ko, ni minsan ay hindi ko naisipang baguhin ang karera ng buhay na pinili ko. Dito ako panatag, at sa trabahong ito rin ako nagkaroon ng karanasan upang mahasa ang kakayahan ko't matuto pa nang husto. Dalawang-taon mahigit akong naninilbihan sa korporasyon. At ang tanging dahilan kung bakit ako nagpupursige, araw-araw na iniignora ang pananakit ng likod at minsan pa ay ang hindi maiiwasang pamamanhid ng kamay, at araw-araw na tila'y tinatadtad ng bala ang katawan, ay dahil lahat ng 'yon kay Adrian de Luca. Sino nga ba si Adrian de Luca? Siya ang bukod-tanging tagapagmana ng de Luca Corporations. Hindi lamang siya magaling sa pagmamaniobra ng gawain sa pabrika kundi ay magaling rin siyang mamamahala sa mga taong nagtatrabaho sa kanya. Nag-aral sa prestihiyosong Unibersidad kung saan nahasa ang kanyang kakayahan bilang isang magaling na inhinyerong kemikal. Oo, tama kayo nang nabasa. Katulad nang trabaho ko'y iyon rin ang sa kanya. Masyado siyang gwapo. Lahat ng mga kababaihang pinili ang kursong ito ay dahil lamang sa speech niya tatlong taon bago isinulong ang job-hunting ng sarili nitong korporasyon. Karamihan sa mga nagtatrabaho rito'y iisa lamang ang tanging motibo: Iyon ay ang makasilay sa binatang kung kanilang tawagin ay mabangis na hayop. Pero para sa'kin ay siya ang pinakamaamong lalaking nakilala ko. Nagkumpulan kaming mga trabahante sa lobby. Walang ibang dahilan kundi ay upang magbigay-pugay sa kakarating na tagapagmana ng korporasyon. As usual, kapag bibisita siya rito'y suot niya palagi ang laboratory gown upang suriin ang mga kemikals na natapos ng bawat departments. "I came here to check some products. This time, cosmetics ang susuriin ko at ang mga gamot," seryoso niyang tugon. Nilingon ako ni Karen. Kinutuban ako nang malala. Karamihan sa mga test results ay naipasok ko na sa hydration system. Ngunit wala pa ang mga 'yon sa huling bahagi ng effectivity test. Higit sa lahat, ang mga paperwork, ay hindi ko pa natapos at kailangan pa ng matibay na konklusyon. Shit! "For those people in-charge, please come over." Mahabaging-langit! Nakalimutan ko pa ngang bitbitin ang mga papel sa pag-aakalang uunahin niyang suriin ang pagkain at inumin. Ano ang gagawin ko? Si Karen at ang ibang kasamahan ko sa Cosmetics Department ay sa'kin lahat nakatingin. Nang makita ko ang babaeng in-charge ng gamot na papalapit kay Adrian de Luca ay mas lalong nataranta ako. Bakit ba ay hindi siya nagbigay ng abiso kung anong produkto ang susuriin niya ngayon, edi sana'y naihanda ko pa sana ang mga 'yon! "Cosmetics in-charge? Please come over!" Diyos ko! Sinenyasan ako ni Karen. Nagkibit-balikat ako dahil wala akong dala kahit anong impormasyon ng bawat tests. Lumabas ako mula sa kumpulan ng mga trabahante at unti-unting lumapit. Nakita ko kung paanong tumaas ang kilay ni Adrian habang hawak ang isang informational logbooks na nakatingin sa'kin. Kagat ko ang labi na tumayo sa kanang bahagi niya, samantalang ang medicine in-charge ay sa kaliwa naman niya nakapwesto. Nanatili akong nakayuko habang nilaro-laro ang daliri. "How's the test going? I want you to tell me the effectivity of the products you studied," Ayan nagsisimula na! Naipikit ko ang mga mata. Sana ay mas mahabang katanungan pa ang itatanong niya sa medicine in-charge upang makapag-ipon pa ako ng oras na sagutin ang mga katanungan niya. Tahimik ang paligid. Tanging hininga ko lang ang aking naririnig. Ang babaeng in-charge sa medicine department ay nakapagtatakang hindi nagsasalita. Hindi rin kaya nakapaghanda? Inangat ko paningin, ngunit laking gulat ko na kahit ang kaibigan kong si Karen ay napamaang na nakatingin sa'kin, ang babaeng medicine in-charge ay bahagyang gumilid upang silipin ako, ang iilang mga kasamahan kong empleyado sa buong plantasyon ay nakaawang ang bibig, higit sa lahat, ay ang lumalagablab na apoy ng mga matang nakatingin sa'kin ay si Adrian de Luca. Tila ako ay nilayasan nang paghinga. "Kailangan ko pa bang ulitin ang katanungan ko, Miss..." Bumaba ang tingin niya sa nameplate na nakadikit sa laboratory gown ko, "Miss Romano?" "Sir... kasi... ano... Uhm..." Shit! Napakawalang-kwenta mo talaga, Samantha! Sa mismong harapan pa talaga ni Adrian de Luca dala-dala mo ang kamangmangan mo? "Hindi mo natapos?" Rinig kong pang-iinsultong tanong ng babaeng in-charge sa mga gamot. She has a proud smile on her face na hinarap si Mr. de Luca. "Sir, huwag na nating pag-aksayahan ng oras ang babaeng walang pinaghahandaan. Better yet, why not try to ask me about the products me and my team had made?" "Hand me the sample product and the result," seryosong pahayag ni Adrian. Ang babaeng in-charge ay halatang kinikilig habang inaabot kay Adrian ang mga kailangan nitong suriin. Una niyang tiningnan ang kulay at pundasyon ng produkto. Tamang-tama iyon para sa alokasyong ibinigay niya sa'min bago siya umalis ng bansa. Nakakapanghinayang lang sapagkat iyong sa'min ay hindi ko pa ma-representa upang maipagmayabang. It seems like the medicine department had won for today, nang ibinaba niya sa test box ang produktong kanyang nasuri nang walang kahit anong negatibong komento. Ngunit nagbago iyon nang matingnan niya ang nilalaman ng bawat ingredients information sa dokumentong papel na kanyang hawak. "What is this?" Galit niyang tanong. "Balak mo bang patayin ang mga target consumers natin sa gamot na ginawa mo?" Bahagyang tumaas ang kanyang boses kaya'y napaigtad ako at napaatras. "S-sir? A-ano po ang ibig mong sabihin sa—" "You made the whole combinations wrong! I want you and your team to initiate an immediate response for this product, move, now!" Ang babaeng medicine in-charge ay nilingon ako at madilim akong tiningnan. Hindi ko alam kung bakit siya ganoon, e wala nga akong kinalaman kung bakit maling-mali ang produktong proud pa siyang iplastada kanina sa harapan mismo ni Adrian de Luca. "Ikaw?" "H-ho?" Kinabahan ako bigla. Pero kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo kahit hindi pa man niya itinanong ang estado ng test namin ngayon. "S-sorry, Mr. de Luca. Ang team ko po ay nasa fourth stage pa lang at isasagawa pa lang namin ang huling test for effectivity." Hindi ko siya magawang tingnan sa mata. "That's good," Ha? Kunot ang noo kong inangat sa kanya ang paningin. "What do you mean by that sir?" Tanong ko. "The medicine department got mistakes dahil sa pagmamadali. Ikaw sa cosmetics department in-charge ay inaasahan kong magiging tagumpay ang test na pinag-aralan niyo. I want everybody to work until 10.p.m tonight. Finish the unfinished products, you may now get back to your work!" Saka siya tumalikod upang tunguhin ang kanyang pribadong opisina sa laboratoryong ito.Samantha's POVTuluyan siyang pumasok. Walang bahid ng galit o pang-aakusa ang kanyang mukha. Sa halip ay ka-humpayan ang nakikita ko sa kanya. Simpleng nararamdaman ni Adrian ang kagustuhan kong maibalik ang cellphone pero patuloy siyang itinago 'yon.Ayaw talaga niyang ibigay.Suko na ako.Sana lang, habang wala ako sa bahay ay hindi umiyak nang umiyak si Samiel.Tahimik ako. Siya rin. Ang pwestong kinatatayuan niya ay may sapat na distansya sa'kin. Ngayon ay iniisip ko kung ano ang binabalak niya. Gusto kong alamin, gusto kong mabigyan ng kasagutan, inangat ko ang tingin sa kanya ng walang eme o kaartehan."Bakit mo ako dinala dito?" Parang inaasahan niya ng itatanong ko 'to. Sandali siyang hindi kumibo, ilang segundo pa ay ibinuka niya ang bibig, ngunit walang lumabas na salita mula roon.Naiwan niyang nakabukas ang pinto, binalikan niya ito, lumabas, at pabalang na isinarado ito.Maraming katanung
Samantha's POVBumalik ako sa deck. Hindi ko gustuhin ang sumunod sa kanya paibaba.Nakatingin ako sa bawat dinadaanan ng yate. Lumalakas at naging agresibo ang bawat hampas ng alon. Yakap ko ang sarili dahil mas lalong lumalamig ang hangin, nanunuot sa'king balat. Ilang segundo ang lumipas ay tanaw ko ang hindi pamilyar na liwanag. Nagmumula iyon sa hindi pangkaraniwang tanawin mula rito sa pwesto ko.Sa likuran ay narinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan. Ang malalaking yabag ng paparating sa'king kinaroroonan ang pumailanlang sa tainga ko.Huminto si Adrian, eksaktong nasa tapat ko. Gumilid siya upang magkapantay ang aming posisyon. Katulad sa'kin, humawak rin siya sa barandilya. Pareho kaming nakatanaw sa unti-unting lumalapit na yate sa dalampasigan. Nakikita ko ang puti at pinong buhangin, pero wala akong nararamdamang tuwa o panggigigil.For I will be Adrian's hostage for a week, dito sa mala-paraisong lugar na ito pipilit
Samantha's POVWhat now? Ano ang kasunod?Inimbitahan niya akong mag-dinner sa La Fabonita pero bakit kailangang sa yate? Marami sa mga tauhan niya ang naghihintay sa aming pagdating. Halos hindi na naporma ang mukha ko sa pagkakunot.Nilingon ko si Adrian pero diretso ang kanyang tingin. Katunayan ay wala akong alam sa La Fabonita na kanyang sinabi, baka gusto niya ng romantic pero ayaw ko sa yate."Saan ba tayo mag-di-dinner?""Maghintay ka," malamig niyang tugon.Nakatingin ako sa mga taong dahan-dahan na binabaklas ang tali ng malaking yate. Nabahala akong nakatingin sa daungan ng barko ngunit hinila ako ni Adrian palayo sa deck."Teka, Adrian! S-sandali!""Stay, still. Baka mahulog ka." Malamig pa sa hanging-dagat na kanyang boses. Halos hindi niya ako binitawan dahil lalapit talaga ako sa deck.Wala pa rin akong naiintindihan. Inilayo ko ang sarili sa kanya, kasabay ng pagbuhay ng makina
Samantha's POVDiretso siyang naupo, ginawang komportable ang sarili at walang sinabing napaghimutok. Nakasunod ako sa kanyang mga galaw. Nahihiwagaan ako kung saan niya nakuha ang lakas ng kanyang loob. Dahil unang-una, hindi naman magkalapit ang aming mga loob. Pangalawa, hindi kami magkaibigan, higit sa lahat hindi rin magkarelasyon.Ibinuka niya ang bibig. Umalingawngaw sa pandinig ko na tila ay sirang plaka ang dahilan kung bakit siya nagtungo rito. Nanginig ang buo kong kalamnan hindi dahil sa takot, kundi ay masyadong makapal ang mukha niya upang alukin ako.Hindi inaasahan ang imbitasyon na sa kanya mismo nanggaling, mabilis akong tumalima. Sinegundahan ko rin ng pag-iling.Hindi ako katulad ng ibang babae niya na palaging libre kung gugustuhin niya."Then, it's a no?" Tanong niya na intensyong bigyang-diin ang huling tanong, "okay, there's no turning back. I'm gonna report Yvren Crownwell to the embassy regarding with his allianc
Samantha's POV"Nakakapagod!" Sigaw ni Karen habang papalabas kami sa laboratory. Karamihan sa mga kasabayan namin ay ang mga ka-grupo ko lang rin sa Cosmetics Department.Ang makalabas sa trabaho ng alas dyes nang gabi ay literal na gusto ko lang na humilata agad sa kama ko't magpagulong-gulong."
"Sam, hindi ka pa ba aalis riyan sa pwesto mo? Narinig ko mula sa kasamahan natin na darating diumano ang tagapagmana ng pabrikang 'to. Batid ko'y nasa lobby na siya ngayon!"Natigilan ako. Naibaba ko ang hawak na test tubes upang tingnan si Karen.Nakabalik na siya?Hindi ko mapigilan ang sariling
Samantha's POV Naalimpungatan ako dahil sa masakit na nararamdaman ko sa katawan. Iminulat ko ang mga mata nang makitang nasa loob ako nang puting kwarto. May nakakabit na IV sa likurang bahagi ng kaliwang palad ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ng bumukas ang pintuan at pumasok ang dokto
Samantha's POV"Bakit ngayon ka lang nakauwi, Samantha? Aba'y uwian ba 'to nang matinong babae?""Ma! Nag-ayang makipag-inuman si Karen pagkatapos ng OT kaya'y pareho kaming nalasing kagabi. We stayed at the hotel together last night," sagot ko kay mama."Karen! Karen! Karen! Puro ka nalang, Karen!


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan