Share

Chapter 4

Khalia's POV

Bago kami umuwi ay pinag-report kami ni boss sa nangyari,at dahil wala si Caspian don ay Hindi sya kasali.... Well there's only one problem now.

"Khalia,ikaw na naman na ang bumato sa mga costumers?!"

Mariing tanong ni boss. Wala naman kasi sya dito kagabi dahil may emergency daw sa bahay nila kaya ang lakas ng loob Kong gawin yun.

"H-hindi po Sir."

Pagsisinungaling ko. I just don't want to be fired that fast... I bit my lower lips because of nervousness.

"Boss! Lalaki po ang bumato! Kaso nga lang Hindi namin nakita kasi nasa dilim sya!"

Chrisia said. Kaya napatingin ako sa kanya,hawak nya pa rin ang braso nyang mamula mula. Tumingin sya sa akin at pasimple akong kinindatan. Bumaling naman ako Kay boss para Hindi kami mahalata. I saw him massaging his temples.

"I-pa-pa-block ko muna ng 3 araw ang baseball team. At ikaw naman Chrisia mag leave ka muna."

Agad tumango si Chrisia at itinuro ako kaya nagtaka ako.

"Boss mag-li-leave din sana si Khalia. Malapit na po kasi ang pasukan,pero Hindi pa kami nakakabili ng gamit"

Tumango na lang si boss at pinaalis na kami. Naiwan si kuya Andy at kuya Jerome para isara ang club. Samantalang sumabay naman samin si kian at Flor. 

"I know it was you again khalia. Buti at nakalusot ka Kay boss"

Flor said stating a fact. Tama sya. Baka ngayon ay wala na akong trabaho.

"Your good throwing things eh?"

Pang-aasar na naman ni kian kaya sinamaan ko sya ng tingin. Binato ko kasi sya ng lemon kaya sya ganyan.

Wala na kaming masasakyan dahil madilim na at mag-a-alas dos ng umaga.... Habang naglalakad ay nagkwekwentuhan kami.. I mean sila. Hindi na ako sumali dahil sa pag-iisip.

Cussing is prohibited in our house kaya naman kampante ako na Hindi nagmumura ang mga kuya ko. When I was living with them,they actually control their self. Wait? Takot na sila Kay dad? Or naimpluwensyahan lang sila ng mga kaibigan nila?...arrghh!Andami ko pang Hindi alam sa mga kuya ko.

"Hoy khalia!"

Nabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Chrisia, nakatingin naman sakin si Flor at si Kian.

"Huh?"

Yun lang ang lumabas sa bibig ko dahil Hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila.

"Hay naku khalia! Nakikinig ka ba? Tinatanong ni Flor kung anong apelyido mo!"

Binubungangaan na naman ako ni Chrisia.

"Johnson"

Natigilan sila dahil sa sinabi Kong apelyido. Wait? Do they know?

'Imposible wala naman akong nababalitaan na may kapatid silang babae'

Hindi ko na intindihan ang sinabi ni flor dahil medyo mahina pero parang may narinig akong 'kapatid silang babae'? What does she mean?.

"Tara na nga! Mamaya may makasalubong pa tayong magnanakaw dito, naku! Hindi tayo kayang pagtanggol nitong si Kian dahil bakla 'to!"

Malapit na kami sa apartment kaya malakas ang loob nyang sabihin yon kasi makakatakbo sya sa loob. At yun nga ang ginawa nya.

"Bwisit na babae. Ako bakla? Animal."

Asar na saad ni Kian. Na tinawanan lang namin ni Flor.

"Oh pano? Una na ko. Ingat kayo sa daan. Thank you na din"

I bid a goodbye and wave my hands. Tumango lang silang dalawa at naglakad na... Pumasok na ako sa loob. Doon ko nakita si Chrisia na hinihintay ako.

"Khalia. Wag munang uulitin yon, wag mong ipahamak ang sarili mo para lang maligtas ang mga katulad ko"

Napakunot ako ng noo at nagtataka syang tinignan. Bumuntong hininga sya bago ako tignan sa mga mata.

"Walang Mali sa pagtulong pero sana wag mong ilagay ang sarili mo sa isang sitwasyon na Hindi mo naman ginagawa para lang sa iba."

Hindi ko sya maintindihan. What does she mean by that? Na dapat Hindi ko na lang sya tinulungan?.

"Chrisia, it's fine. You're my friend! At Hindi ako magdadalawang isip na gawin ulit yun kung iyon lang ang paraan para maligtas ang kaibigan ko."

Nagulat naman ako ng bigla nya akong yakapin. Napangiti na lang ako.

"Don't worry kaya ko ang sarili ko."

I utter.... Yeah,kaya ko...

KINAUMAGAHAN ay nagising kami ni Chrisia sa apartment ko. Dito na sya nagpalipas ng gabi dahil sa pagod ay tinamad na syang lakarin ang apartment nya. OK lang naman sakin dahil kasya naman kami sa kama.

Naghanda ako ng almusal para sa aming dalawa. Naligo na ako kanina para handa na ako agad dahil pupunta kami ngayon sa mall para bumili ng gamit.

Nakita ko si Chrisia na gising na at nagkukusot ng mukha kaya agad ko syang pinuntahan.

"Hey,get up. Dun kana mag hilamos sa banyo ko."

Tumango sya na parang inaantok pa kaya mas lalo akong nacute-an sa itsura nya.

"I'll wait you. Nandon lang ako sa kusina."

Tumalikod na ako at dun na nga sa kusina naghintay. May newspaper akong nakuha sa labas ng apartment kaya kinuha ko... I'm reading it while sipping my coffee... Pero nanlaki ang mata ko ng makita ang Front page nito.

There's a picture of me and it says... 

'Ang anak na babae ni Cali Johnson na si Khalia Maeztrix Johnson ay nawawala. Pinaghihinalaan na naglayas ang dilag ngunit walang footage na nakuha na dumaan ito sa kahit na anong pinto ng bahay nila. Sa interview kahapon ng ina nitong si Liane Perez-Johnson ay napag-alamang may hinanakit sa kanila ang dalaga kaya nito nagawang maglayas. Samantala Nangako ang dating batikan na Baseball Pitcher na ngayon ay Coach na si Cali Johnson na magbibigay sya ng 1 Million na pabuya kung sino man ang makakapagturo kung nasaan ang anak nila.'

What?! I need to be careful now. Nagawa na ni dad na maglabas ng ganoon kalaking pera para lang sa paghahanap sakin? He's just wasting it!

"Hoy! Ba't mukhang biyernes Santo yang mukha mo?"

Agad Kong ibinaba ang dyaryo na hawak ko at tinignan si Chrisia.

"Can you lend me your clothes?"

I asked. Ito na lang talaga ang paraan.

"At bakit?"

Taas kilay nyang tanong.

"I need to hide myself and my identity. They're making some ways to find me!"

Naghehesterical na ako ngayon.

"Bakit Hindi ka na lang kasi magpakita?"

Napayuko ako at tinignan ulit ang hawak Kong dyaryo.

"I don't want them to dictate me again. I will not let them cage me like a bird. Hindi ko na kakayanin kung pati pangarap ko mawala ng dahil sa gusto nila"

INILILIGPIT ko na ang mga pinagkainan namin. Umalis muna si Chrisia para magbihis sa apartment nya.... I'm not used to do some chores, but I have no choice.

Habang naghuhugas ay napapaisip ako... Ano bang mapapala nila dad sa paglabas ng ganon kalaking pera para lang mahanap ako? Sabihin na natin na may nakapagsumbong na nandito ako tapos Ano? Ibabalik na naman nila ako sa dati?... Ayoko na.

Napailing iling ako bago tapusin ang ginagawa. Umupo ako sa isang upuan,unti unti na akong nasasanay dito. Tsaka bukod sa landlady at kay chrisia ay wala ng may alam na nandito ako. Yung mga nag-re-rent kasi ay may kanya kanyang ginagawa and there's a rule na bawal buksan ang mga apartment nila kapag nandon sila,kailangan lahat ng pinto sarado. To have peace,I guess? Tahimik naman kasi dito.

Napakurap kurap ako ng may pumitik sa harap ng mukha ko. Napatingin ako dun at nakita si Chrisia.

"Hala sya! Uy! May problema ka ba?"

Nginitian ko lang sya at tumayo na. NASA kanya ang bonus naming dahil Hindi na ako nag-abalang kunin yon tsaka maaasahan naman si Chrisia.

"Alam mo,ang weird mo"

Nakita ko syang ngumiwi. Tinawanan ko lang sya bago naglakad papunta sa labas, nakamask na ulit ako,for safety.

"Let's go?"

She rolled her eyes to me bago sya mauna. Nagngingiti ako habang sinasaraduhan ang pinto ng apartment ko.

"Nga pala khalia. Nakausap ko yung magbibigay ng scholarship sa atin, sila na din ang bahala sa pagbayad ng uniform natin."

Tumango ako sa sinabi nya. Laging sya ang nakakausap kasi nga wala akong phone.

"Bumili kaya tayo ng phone mo?"

Umiling lang ako at nagpatuloy sa naglalakad.

"Bakit ba ayaw mo?"

"I rather buy some clothes and foods than to buy a phone"

Napaisip sya at napatampal ng noo. Parang alam nya na yung pinopoint out ko kaya ayun...

"Oh Sige! Pagkatapos natin bumili ng mga gamit,mamimili naman tayo ng damit at pagkain dun."

Napailing ulit ako. Sya naman ay napakunot na ang noo na parang di na nya ako maintindihan.

"Just foods... Mahal dun ang mga damit."

I know that. Lalo na at sa tuwing birthday ko ay kung ano-anong damit na mamahalin ang binibili nila para sa akin.... Napatingin ako Kay Chrisia na nakangiti habang naglalakad kami palabas ng building.

"Mukhang pinapahalagahan mo na ang pera ngayon. That's good. At mukhang okay ka na sa pag stay dito."

I just smiled. Yeah,nasasanay na ako.

"Oh ayun si manong Edgar kasama nya si Michael, anak nya"

Tinuro ni Chrisia si manong Edgar, yung tricycle driver na naghatid din sa amin sa may V.U... Lumapit kami sa kanya.

"Manong!!! Pasakay ulit kami! Sa may mall."

Excited na sabi ni Chrisia. Napatingin naman ako sa lalaki na nakaangkas sa likod. He has the moreno type skin, he looks normal. Normal na gwapo.

"Oh kayo pala hija? Sige. Sige. Malapit lang sa talyer na pinagtatrabahuhan nitong anak ko."

Pumasok na kami sa loob. Ako ang nasa kaliwa kaya parang napapagitnaan ako.... Nagsimula na si Manong na paandarin ang tricycle.

"Ayy. Nakausap ko yung landlady kanina. Sabihin ko daw sayo na,Hindi daw sya magsasalita at magsusumbong. Parang anak na rin daw ang Turing nya sayo. Anong ibigsabihin non?"

Napakurap kurap ako. She know. Pero mukhang wala syang balak na isumbong ako. Napangiti ako. Nanay Lusminda is a caring mother,sayang at wala syang anak.

"It's noting Chrisia."

Nagkibit balikat na lang sya. Hindi nya ugaling mangealam dahil kilala nya na ako. Hindi ako nagsasabi minsan ka pag serious matter ang pinag-uusapan.

"Khalia, sobrang nakakapressure daw pagscholar. Parang utusan ng mga mayayaman na estudyante sa V.U"

Pagkwekwento ni Chrisia. Napatitig ako bigla sa kanya. She looks nervouse but in the other side excited,Ewan ko ba. May pagka weird din 'tong kaibigan ko.

Tumigil na ang tricycle kaya naman bumaba na kami. Ako naman ngayon ang nag-abot ng bayad. Dahil medyo malayo layo ay nagbigay ako ng 50 pesos. Nagpasalamat muna kami bago umalis.

Bago pumasok sa mall ay kinapkapan muna kami,tinanong pa ako kung bakit ako nakamask. Sinabi ko na lang na may ubo ako.

"Ayun sa dulo ang NBS (National Book Store)"

Sumunod ako Kay Chrisia. May dala syang sling bag,pinaglalagyan siguro ng pera.

Tulad nung kanina ay may guard din dito. Pinabukas nya lang yung bag ni Chrisia tapos pinapasok na kami. Pagkapasok namin ay bumungad agad ang mga by sections na libro,nasa gilid naman ang school supplies... 

"Pumili ka muna Khalia ha? Dun lang ako,may titignan lang ako."

Tinuro nya yung isang shelve na may mga libro. Tumango naman ako at pumunta sa mga school supplies.... Kumuha ako ng 3 ballpen,10 string notebooks,sketchpad,Marker,lapis,Paper,oil pastel,Paint,paint brush set, color pens, and 2 cute eraser.

Mahilig akong magpinta,pero ayokong maging isang painter.... Nasa isang basket ang mga pinamili ko. Binuhat ko na ito at tumalikod. Pagtalikod ko ay kaharal ko na ngayon ang mga libro. Pero isa lang ang nakaagaw ng pansin ko....

'The Great Pitcher I've met'

Isang libro yun na mukhang romance. Ang cover non ay isang lalaki na nakangiti habang may hawak na baseball ball.... Parang.... Kamukha nya si...

"KHALIA!"

Napalingon ako sa tumawag. Nakita ko si Chrisia na may daladalang libro. Sort of dictionaries.

"Nakapili ka na?"

Tumango ako. Tinaas ko ng bahagya ang mga pinili ko. Sya naman ay nagmadaling Kumuha ng cart at Kumuha ng mga kailangan nya. Napatitig ulit ako sa libro... Kinuha ko iyon at inilagay sa cart ko bago bumaling Kay Chrisia.

"Tapos na!"

Mukha syang stress sa pamimili. Natawa ako ng bahagya.

"Next destination, sa mga bag!"

Oo nga pala. Wala akong bag na nadala. Pero baka kulangin ang pera namin...

"Wag kang mag-alala..."

Tumaas taas ang kilay nya. At pinakita sakin ang isang credit card.

"Credit card 'to ni kian, alam ko yung password kung sakaling magkaproblema. Mayaman naman yun eh,pampalipas oras lang non ang pagmimix ng drinks"

Nanlaki ang mata ko. Baka mapahamak kami dahil sa kalokohan ni Chrisia.

"S-saan mo ba nakuha yan?"

Kinakabahang tanong ko. Ngumisi sya sakin.

"Di ba nga? Igaganti tayo ni flor? Oh eto na yon! Wag kang mag-alala. Burara yon kaya paniguradong hahanapin nya muna ito bago tignan kung may laman pa"

Napakamot ako ng ulo dahil tumawa pa sya. Mapapahamak talaga kami dito eh!!!

"Arat na khalia! Hayaan mo na yung lalaking yon. Para naman makabawi tayo. Don't worry, pang naubos 'to, I'm sure lalagyan nya ulit...hahaha ibabalik din naman natin... Pagtapos na tayo mamili...."

Napanguso ako dahil sa mga pinagsasabi nya. Mag-aaway na naman sila ni Kian eh! Madadamay pa ako!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status